4 - Guard His Own Heart
"Ano? Sinabi mo na asawa ka niya? June hindi biro 'yon. Diyos ko po, paano na lang kapag nakaalala na 'yan?"
Bakas ang panenermon sa tinig ni Nanay Isay. Napakamot-ulo si June nang salubungin ang mapang-usig na mga mata ng ginang.
"Actually, hindi ko alam. Basta nasabi ko na lang na asawa ko siya para lang hindi na siya umalis. Masama ang kutob ko sa babaeng 'yan pero kahit papaano kailangan pa rin natin siyang alagaan."
"Paano mo sisimulan ang kwento?" tanong pa ni Nanay Isay.
"Guess I think to write an outline first to make a story effective," nakasimangot na tugon ni June.
"Pero paano?"
****
Hindi na makatulog si June sa kakaisip kung paano itatawid ang pekeng kuwento na mag-asawa sila ni Vanessa. Kahit ang ipapangalan niya rito ay hindi niya maisip, but an idea suddenly came to his mind just when he saw a desk calendar.
It's already May 8, 2019. Isang buwan na lang ay sasapit na naman ang kanyang kaarawan. Napasinghap siya matapos niyang bawiin ang tingin sa kalendaryo. Kumuha siya ng notebook at ballpen sa drawer. At naisipan niyang bigyan ng pangalan ang babae.
"May Ybañez." Isinunod niya na lang sa kasalukuyang buwan ang pangalan nito. Nag-isip pa siya ng ibang pekeng impormasyon kagaya ng kaarawan nito.
"What if May 31 na lang ang birthday niya?"
He wrote it down. Sunod ay ang propesyon nito, itinulad na lang din niya sa kanyang propesyon bilang guro. Parang may tumusok na kung ano sa puso niya dahil nanumbalik na naman ang gunita ni Sasha sa kanyang isip habang sinusulat iyon.
Para hindi na ako mahirapang mag-isip, ibabase ko na lang sa profile ni Sasha.
Dalawang beses niyang hinilot ang sintido at binalik na lamang sa drawer ang notebook. Kailangang panindigan na lang niya ang nasimulang kasinungalingan. Saka lang siya magsasalita kung uusisain man siya ng babaeng pinangalanan niyang May.
Pagkamulat pa lang ni May, kinuha niya agad mula sa ilalim ng kama ang extra notebook na kinuha niya sa mesa ni June bago niya sinubukang maglayas.
Lumabas siya kaagad sa silid at una niyang hinanap si Nanay Isay. Natagpuan niya ito na nagluluto ng almusal. Amoy na amoy niya ang ginigisang bawang nito. Natakam tuloy siya dahil hindi siya kumain kagabi.
Minabuti niyang magtago at isulat kung anuman ang sariwa pa sa kanyang alaala.
"Hindi ko talaga maalala lahat. Pero nasa bahay ako at kasama ako ang dalawang tao na pinakitunguhan naman ako nang maayos. Kagabi, pinigilan ako ng isa sa mga kasama ko na umalis, dahil mag-asawa raw kami. June ang pangalan niya. Pero hindi pa rin ako maniniwala hangga't hindi ko siya nakakausap."
— Iyon lang ang naisulat niya. Humigpit ang hawak niya sa kwaderno at naisipang bumalik ulit sa silid. Subalit natigilan siya sa paggalaw nang makasalubong niya si June.
The disappointment and annoyance were still on his face. Of course, hindi natuwa si June sa ginawa niyang paglayas at nasaktan pa niya ito.
"Magandang umaga," alanganing bati ni May. Ilang ulit siyang napalunok dahil nai-intimidate siya ni June dahil sa pagiging seryoso nito at hindi niya alam kung paano magso-sorry.
"Hi," pakli ni June at pinasadahan ng tingin ang kwadernong hawak ni May. Lumalim ang kunot sa kanyang noo. "Sa'kin 'yan, bakit hawak-hawak mo?"
Bigla namang inilagay ni May ang mga kamay sa likod upang itago ang kwaderno. "May isinulat lang ako. Saka hindi ko naman binasa ang ibang pahina. Puwede bang akin na lang ito?" pakiusap ni May.
"No, mahalaga ang mga nakasulat d'yan dahil record 'yan ng benta namin ni Nanay Isay," katwiran ni June at biglang binawi sa kamay ni May ang hawak nito. Pero maagap si May at alistong nakaiwas kay June. Nagmadali siyang umiskapo para umakyat pabalik sa itaas at aksidenteng napatid niya pa ito.
"Nanay Isay!" sigaw ni June ma nakaagaw atensyon naman sa ginang na abala sa pagluluto. Dali-dali siyang nilapitan ni Nanay Isay.
"June, anong nangyari? Bakit nakahandusay ka d'yan sa sahig? Nadulas ka ba?" takang tanong ng ginang saka inalalayan si June na halatang nasaktan.
"Nay, hindi ko na ma-take ang babaeng 'yan, kagabi sinikmuraan ako tapos ngayon pinatid ako!" angil ni June habang sinasapo ang nananakit na tagiliran.
"Ano bang ginawa mo kay—"
"May, 'yon na lang ang pangalan niya. Yung hinahanap nating notebook kung saan naka-record ang pinagbentahan ng gulay, nasa kanya pala," sagot ni June.
"Pupuntahan ko si May sa kuwarto. Kakausapin ko lang," mungkahi naman ni Nanay Isay.
Samantala, napahawak sa dibdib si May matapos niyang punitin ang pahinang pinagsulatan niya kanina. Itinupi niya iyon at ibinulsa. Hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang aburidong imahe ni June. Parang kinurot ng imaheng 'yon ang puso niya. It seems like June hates her existence. Parang ayaw na niya itong lapitan pa.
Nakarinig siya ng pagkatok sa pinto kaya siya napabuntong-hininga. "Pasok po kayo."
Ilang saglit pa ay bumungad si Nanay Isay. "May, kumain ka na dahil alam kong hindi ka kumain kagabi, wala kasing bawas ang ulam na itinabi ko," malumanay na pakiusap nito.
"Pasensiya na po. Hindi ko po intensyon na makialam ng gamit. Kailangan ko lang po na isulat ang mga bagay-bagay para if ever na magbalik ang alaala ko, matatandaan ko pa rin ang kabutihan ninyo para sa'kin," mapagpaumanhing paliwanag naman ni May.
"Dahil ba doon sa notebook kaya ka pinagalitan ni June?" tanong pa ni Nanay Isay.
"Hindi ko po alam, natatakot kasi ako sa mukha niya kanina." Napayuko si May dahil nahihiya siyang sabihin iyon sa ginang.
"Ano bang itsura niya? Parang kakainin ka ba nang buhay?"
Napatango si May bilang sagot. Hindi niya maintindihan ang sarili kapag nakikita ito. She can't even glance at him without the thump of her heart. Ngayon, kinakabahan pa rin siya pero hindi dahil sa takot at kawalan ng tiwala sa lalaki. There's a part of her that wants to be with him but how can she approach him? Nauuna pa rin ang hesitation.
"Gano'n talaga ang asawa mo," pakli ni Nanay Isay na nagpangiti bigla kay May.
"Asawa ko," nakangiting sambit niya pa.
"Ganyan dapat, lalo kang gumaganda kapag nakangiti nang ganyan," puna ni Nanay Isay sabay haplos sa buhok ni May. "Alam mo ba, isang mabuting guro ang asawa mo. Pareho kayo," panimula ni Nanay Isay sa gawa-gawang kwento nila ni June.
"Talaga po? Saan kami nagtuturo? Dito rin po ba?" Lalong lumiwanag ang mukha ni May. Kapag tungkol kay June, hindi niya maiwasang huwag makaramdam ng tuwa. Siguro nga kahit walang matandaan ang kanyang isip, hindi naman nakalimot ang kanyang puso. Maybe, she loved June. Ramdam naman niyang mahal siya nito noong yakapin siya nito kagabi. Tila naglaho kaagad ang kaunting sakit sa katawan na dinaramdam niya habang nagpapagaling pa.
"Oo, dati sa community sa bandang kabundukan, nagtuturo kayo ng elementary at highschool students," sagot pa ni Nanay Isay.
"Ang galing, doon kami nagkakilala sa school? Sino po kayang unang na-inlove sa aming dalawa? Kailan kaya siya nag-propose ng kasal? Ang dami ko pong gustong itanong sa kanya." Halos mapunit na ang bibig ni May dahil sa lapad ng pagkakangiti.
"Oh siya May, bumaba na tayo dahil mag-aalmusal na. Kung may gusto kang malaman, itanong mo kay June okay?"
"Opo Nanay, salamat po."
Pinanatili ni May ang ngiti niya hangga't makaabot sila ni Nanay Isay sa hapag-kainan. Naabutan nila si June, mukhang katatapos lang nitong kumain dahil bigla itong tumayo nang makita silang paparating.
"Tapos ka na? Bakit hindi mo kami hinintay ni May?" bakas ang himig ng pagtatampo sa boses ni Nanay Isay.
June cleared his throat then drank a glass of water.
"Nawalan talaga ako nang ganang kumain Nay, ikaw ba naman saktan ng babaeng inalagaan mo," iritableng sagot ni June at sinalubong ang inosenteng tingin sa kanya ni May. Nang magtama ang paningin nila, ramdam niya ang hinanakit ng babae dahil sa attitude na ipinapakita niya. But he didn't feel sorry for it.
He needs to guide his heart as long as he can. Sa ngayon, si May ang nakikita niyang banta at titibag sa pader na itinatag niya na ginawang shield sa buong pagkatao upang hindi na makaramdam pa ng pagmamahal. He made a promise to himself, he will never love another woman if it's not Sasha.
Yes, he was aware that May is a threat to his own feelings when he lied to her that they are married.
And he should get rid of her within a month. Kaya kailangan na niyang hanapin ang tunay nitong pinagmulan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top