TWENTY-TWO
Nagkasundo kami ni Evan na sa December magpakasal, sa saktong date ng ika-isang taon ng relationship namin.
Sa simbahan ng San Nicolas ang magiging kasal namin, nakakatawa lang kasi dahil pa rin sa quarantine restrictions, hanggang sampu lang ang maximum guest na puwedeng mag-attend ng ceremony, eh sobrang laki at bongga noong simbahan. Pero love ko talaga ang architecture ng church kaya dream come true na rin.
Hanggang sa namanhikan na si Evan at ang mga parents niya sa bahay namin sa San Pascual. Okay lang naman sana sa akin kahit kausapin na lang naming dalawa ang mga magulang namin para formally magpaalam, pero nag-insist si Evan.
Nang dumating sila sa bahay, na-intimidate na naman ako kay Tita-sa Mom ni Evan. Iba talaga ang aura niya. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya kasi poker face lang talaga siya lagi.
Disappointed ba siya na ganito lang ang bahay namin o klase ng buhay namin? Pero hindi naman ako nagsinungaling sa kanila mula pa noong una. Nag-mano ako sa kanila ni Tito.
"P-pagpasensiyahan niyo na po itong bahay namin." Humingi ako ng paumanhin kasi baka hindi sila sanay sa ganitong bahay at komunidad. "Tuloy po kayo."
"Walang problema, Ellie." Si Tito ang sumagot sa akin. Saglit akong napatingin sa kanya dahil tinawag niya ako sa first name. Napangiti ako.
Sa maliit na sala namin nagharap-harap ang lahat. Ipinakilala namin sa isa't isa ang mga parents namin. Hindi ko alam pero sa tuwing napapatingin ako sa mama ni Evan, kinakabahan ako. Baka may masabi kasi siya na ika-offend ng mga magulang ko.
Matapos ng konting kumustahan, nagsalita si Evan, "'Nay, 'Tay, alam ko po na nasabi na sa inyo ni love, ah, ni Ellie po." Napangiti ako kasi natawag niya ako sa endearment niya sa akin.
Nakita kong napatitig naman sa kanya ang mga parents namin noong nasabi niya ang word na "love". "Pero gusto ko pa rin pong pormal na hingin mula sa inyo ang kamay ni Ellie. Mahal ko po ang anak niyo, nais ko po siyang makasama habambuhay."
Ang haba ng buhok ko sa part na iyon!
"Katulad ng sinabi ko sa 'yo noon, noong nagpaalam ka sa amin na nais mong manuyo sa aming anak, ang pasya niya ang masusunod," seryosong sagot ni Tatay. "At kung tinanggap niya ang alok mong kasal, hangad namin ang masaya niyong pagsasama. Nandito lang kami para gabayan kayo."
"Maraming salamat po." Hindi ko alam pero parang naramdaman kong nakahinga nang maluwag si Evan nang marinig ang sinabi ni Tatay.
"Salamat din dahil personal pa kayong nagtungo dito ng mga magulang mo," dugtong ni Tatay.
"Ano lang..." Nagsimulang magsalita si Nanay at medyo nag-aalinlangan siya. "Naiisip ko lang, hindi kaya masyado pang maaga?"
Pakiramdam ko noon napatingin lahat kami kay Nanay. Bigla siyang bumawi, "Pasensiya na kayo, hindi ako tutol. Hindi ganoon. Siguro dahil bunsong anak namin si Ellie kaya ganito ang pakiramdam ko. Hindi ko maisip na 'yang baby namin, mag-aasawa na."
Napa-iling si Nanay. "Para akong naluluha nito, naku, naku, pasensiya na kayo. 'Di ko sinasadyang maging ma-drama."
"Alam mo, naisip ko rin 'yan," sabi ng mom ni Evan, with her usual poker face. "Baka masyado pang maaga. Hindi pa nagtatagal ang relasyon nilang dalawa."
Nakita kong napahawak ang dad ni Evan sa kamay ng asawa niya, pinipigilan niya yata at baka kung ano ang masabi.
Pero nagpatuloy si Tita sa pagsasalita, "Mas mahaba pa nga ang panahon na magkahiwalay sila kaysa physically together. Bilang mga magulang, alam kong pare-parehas tayong may doubt."
For the first time ay nakita ko siyang ngumiti! Hindi hilaw o smirk kundi totoong smile talaga! "Naiintindihan kita. But, I trust the decision of our kids. May tiwala ako sa pagmamahal nila sa isa't isa."
Hindi ako makapaniwala na sa kanya nanggaling ang mga salitang iyon. Napatitig ako sa kanya. Kahit hindi ko nakikita ang sarili ko, pakiramdam ko nagtu-twinkle-twinkle ang mga mata ko noon na parang anime character.
Sa totoo lang, ang dami ko nang naisip na eksena, sine-set pa lang namin ni Evan itong pamamanhikan na ito. Baka kasi kontrapelo ang mama niya o mag-maldita sa parents ko. Okay lang kung ako, huwag lang mga magulang ko. Nagi-guilty tuloy ako na pinag-isipan ko siya ng ganoon.
"Salamat po, Tita," nahihiyang sabi ko.
"Anong Tita?" Tumaas ang isa niyang kilay kaya medyo napa-atras ako at napasiksik sa tabi ni Nanay. "Mommy. Call me Mommy."
Medyo napatunganga pa ako sa kanya ng ilang seconds bago ko nakuhang ngumiti.
Ito na ba ang hinihintay kong acceptance mula sa kanya?
Hindi ko alam kung anong nakapagpabago ng isip niya tungkol sa akin, pero kung anuman iyon, salamat po, Lord. Napakalaking alalahanin ang nabawas sa akin.
***
"Alam mo, ito ang hindi ko pa naitatanong sa 'yo, eh," sabi ko kay Evan habang magkatabi kaming nakasalampak sa sahig at naghahanap ng mga wedding ideas sa laptop niyang nakalapag sa center table. Naroon kami sa unit niya noon. "So, alam ni Lyre na magpo-propose ka sa 'kin no'ng araw na 'yon?"
"Hindi mo siya tinanong?" tanong niya pabalik.
"Pagkatapos no'n, halos hindi na kami nagkikita, eh. Kasi magkasalisi 'yong sched namin sa rehearsal at appearance sa show. Saka madalas siyang ginagabi ngayon, eh. Minsan nga, nakakatulugan ko na lang. Minsan, magme-message na 'di uuwi sa bahay, kasama daw niya si Ylac," kuwento ko.
Napatango-tango si Evan. "Alam niya. Nagme-message ako sa kanya a few days before that day. I'm looking for the perfect timing, kaya kinukumusta kita sa kanya about your mood or what you're doing or how you're feeling."
"Loko 'yon, ah. Hindi ako nakahalata." Natawa ako. "May emote pa siya no'n na may kailangan daw akong malaman. Ako naman, juicecolored, mega takbo papunta dito, 'kala ko kung ano nang nangyari."
Natawa si Evan. "Ang cute mo nga no'n."
"Puwede ko bang malaman kung ano 'yong mag sinabi ni Lyre?" Nagpa-cute ako para makumbinsi siya. "Kahit slight lang."
Napangiti siya. "Uhmm...actually, may isa akong pinaka-natatandaan. 'Yong nahihiya kang magpahatid sa 'kin sa San Pascual para makita ang parents mo dahil iniisip mo, makaka-abala ka sa 'kin."
Hinawakan niya ang kamay ko. "I hope you'll be more open to me about something you want or feel, because I want to comfort you when you're feeling upset, share you my insights whenever you're confused about something, make you relax when you're feeling tired, all those things."
Tumitig siya sa akin. "You don't have to bear with everything alone. I'm here, now, and for the rest of our lives."
Naalala ko tuloy ang sinabi sa akin noon ni Lyre. "Parang parehas kayo ng sinabi ni Lyre. Tagalog nga lang 'yong sa kanya."
Natawa ako. "Dalawa na kayong nagsabi, so I think totoo nga na gano'n ang ginagawa ko. Madaldal lang talaga ako sa ibang bagay. Ewan ko ba, ayoko kasing alalahanin pa 'ko ng mga tao sa paligid ko, kaya kung makaka-hassle lang din ako, 'wag na lang. Ganito lang siguro talaga 'ko. Pero sige, ita-try ko na maging mas open, lalo na sa 'yo."
Tumango si Evan. "And I'll be more sensitive with your feelings too. I'm not good at this, I know. You're my first-ever."
"Tuwing sinasabi mo 'yan, 'di talaga ako makapaniwala, eh. Never ka talaga nagkaroon kahit fling man lang?" Tinitigan ko siya.
Napailing siya. "Wala talaga."
"ONS?"
"Ano 'yon?" tanong niyang napakunot-noo.
"Ah..." Ako pa yata ang nabigla sa sarili kong tanong, pero in-explain ko na rin. "Ano, ONS...One-night stand."
Doon siya natawa. "Mas lalong wala."
"Bakit?" tanong ko.
"Anong bakit?" napapangiting tanong niya pabalik.
"Ahmm..." Na-awkward na ako nang tuluyan. "P-para kasing normal lang naman sa lalaki 'yon 'di ba? Na nagkakaroon kayo ng mga ONS o mga gano'n."
"Well, I guess I'm not normal." Sabay kaming natawa sa sinabi niyang iyon.
Sumeryoso siya matapos ang tawanan namin. "For me, it's hard to be intimate to someone you've just met. It comes with love, with the relationship. The problem is, I've never been into any relationship. So, no ONS for me."
Ngumiti siya ulit. "You have a lot of questions, love."
"Sorry na, curious lang," sabi ko naman. "Hindi kaya tayo mangapa no'n?"
"Saan?" tanong niya.
"Sa ano, do'n sa moment na 'yon. Alam mo na. Parehas tayo walang experience..." Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko. Parang ayoko na tuloy ituloy ang sasabihin ko.
Natawa naman siya nang malakas. "Gusto mo mag-practice ngayon, love?"
Natawa rin ako. "Hindi. Okay na, naniniwala na 'kong alam mo na gagawin."
"Paano ka maniniwala kung 'di natin gagawin?" Inilapit niya ang mukha niya sa akin sabay kinindatan ako.
"S-sa ano...sa first night na lang natin," sabi ko na lang kahit grabe ang tibok ng puso ko. Konting panunukso lang ng lalaking ito pero malala ang epekto sa akin.
"Bakit ko ba naisip kasi 'tong topic na 'to?" Napakamot ako sa ulo at natawa naman siya.
"Okay, first night it is." Humilig siya sa balikat ko. Natutuwa ako kapag ginagawa niya ito. Ang cute lang kasi. Ang laki-laking tao tapos kung makahilig sa akin, parang batang naglalambing.
Natahimik kaming dalawa for a few minutes. Iyong sinasabi nilang parang may dumaang anghel, ganoon. Nag-iisip sana ako ng sasabihin pero bigla siyang nagsalita.
"Going back to what we're talking about earlier, I never thought that love at first sight was possible too. I have this thinking that for you to realize that you love someone, you must know the person well, and you've been with that person for quite sometime, those things."
Umalis siya sa pagkakahilig sa balikat ko at humarap sa akin. "But you are the exception, Ellie. Lahat ng 'di ko pinaniniwalaan noon, naging totoo ngayon. Lahat ng 'di ko inaasahang mangyari, nangyari no'ng dumating ka sa 'kin."
He pulled me close to him and hugged me tight. "Mahal kita."
Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa ganoong posisyon. Tahimik lang na magkayakap. Hinayaan ko ang sarili kong damahin ang pagmamahal sa akin ng lalaking ito na nakatakda kong makasama habambuhay.
Marami pang puwedeng mangyari sa hinaharap, dahil wala namang sigurado sa mundo. Pero isang bagay lang ang sigurado ako, si Evan ang gusto kong makasama na harapin ang mundong walang kasiguruhan.
***
"The stylists are there inside!"
Masayang sumalubong sa amin si Tita nang dumating kami ni Evan sa kanilang ancestral house. Naisipan namin na iyon ang gawing venue para sa aming Filipiniana-themed pre-nup photo shoot.
Stylists. With "s". Gaano naman kaya karami iyon? Baka isang buong glam team na ang inimbitahan ni Tita...oops, ni Mommy. Sabi ko nga kay Evan kahit isa na lang dahil marunong naman ako mag-make-up sa sarili ko. Kailangan ko lang din talaga ng mag-a-assist sa akin sa hair at wardrobe. Hindi kasi ako masyadong marunong sa buhok.
Pero as expected, bongga nga ang glam team na naghihintay pagdating namin sa loob ng bahay. Hindi ko na kinailangang ayusan ang sarili ko dahil ang dami nilang nagtutulong-tulong para ayusan ako.
Nakita ko si Chanel na nagsisimula nang mag-set-up ng mga gamit. Siya mismo ang magte-take ng pics namin. Salamat at may kaibigan akong pang-malakasang photographer. Sinundo namin siya ni Evan at isinama dito sa San Nicolas.
Nag-enjoy ako sa kabuuuan ng pre-nup shoot kahit medyo nakakangawit pala ang nakangiti palagi. Ganito rin siguro ang feeling ng mga artista. Naka-tatlong palit kami ng damit sa buong duration ng shoot. Naikot namin ang buong bahay nina Evan sa dami ng naisip na ideas ni Chanel.
"Saka ko na ipapakita sa inyo lahat ng mga pics, ha," sabi ni Chanel sa akin nang matapos kami sa shoot. "Ie-enhance ko lang ang preset at mga details. Saka para makapamili kayo kung anong mga pics ilalagay niyo sa online invitation at iba pang anik-anik."
"Sige, hintayin ko 'yan kahit excited na 'ko talaga." Hindi pa ako nagre-remove ng make-up noon at suot ko pa ang traje de mestiza na ipinasuot sa akin ng glam team. "Ang lakas maka-I Love You Since 1892 nito, o. Achieve na achieve 'yong mga iniisip ko lang noon na mga awrahan na ganito. Salamat talaga Chanel, ha."
"Ikaw pa ba, beh," sabi niya sa akin. "Congratulations sa inyo ni Mayor. Happy ako para sa 'yo."
Nagsalita ako sa mahinang boses, "Alam mo, hanggang ngayon, para akong nananaginip. Ang guwapo kasi ni Evan. Lalo na kanina no'ng naka-all white siya na suit. Napapatanong ako sa sarili ko kung mapapangasawa ko ba talaga 'yon, eh. Ang guwapo, sobra."
"May sinasabi ka yata, Binibini?"
Nagulat ako nang magsalita si Evan sa likod namin ni Chanel. Sabay pa kaming napalingong magkaibigan. Hindi pa rin pala nagpapalit si Evan ng damit, at ang sinasabi kong all-white three piece suit ay suot niya pa rin.
Ang pinaka-accent lang ng outfit niya ay tie at pocket square na parehong black. Naka-eyeglasses siya na may manipis na circular-shaped gold frame. Walang grado iyon, part lang talaga ng outfit para may vintage feel, sabi ng nag-style sa kanya.
"Chanel, I think may kulang pa tayong photo," sabi niya sa kaibigan ko.
Nagkatinginan pa kami ni Chanel bago siya sumagot. "Kulang pa? May naiisip ka pa, Mayor?"
Hinawakan ako ni Evan sa kamay at iginiya palapit sa kanya. Ang isang kamay niya ay inilagay niya sa likod ko, at ang isa naman ay sa baywang ko. Nailapat ko tuloy ang magkabilang kamay ko sa dibdib niya. Nagkatitigan kami.
Tumingin muna siya kay Chanel pero hindi siya gumalaw para hindi mabago ang pose namin. "Wala pang kissing scene."
"Ha?" gulat na sabi ko.
Nakita kong napahawak si Chanel sa SLR camera na nakasabit sa dibdib niya. Naintindihan niya agad kung anong gagawin.
Bumaling ulit si Evan sa akin. He slowly moved his face closer to mine, napapikit ako, and he claimed my lips for a soft, sweet kiss.
His lips stayed on mine for quite a number of seconds without moving. Siguro para bigyan si Chanel ng time na makakuha ng pics. Then, he cupped my face with his hands and kissed me once more. Kagaya noong una, his lips didn't move for a moment. He ended it with a gentle smack on my lips.
"Pagpasensiyahan mo na, Binibini, ang pangahas na binatang ito," sabi niya sa mahinang boses.
Ngumiti siya sa akin. "Napakaganda mo sa aking paningin, at kanina pa ako nagpipigil."
Nahigit ko ang paghinga ko habang nakatitig lang sa kanya. Parang na-estatwa ako sa ginawa niya.
"May tao pa po dito," pabirong sabi ni Chanel. "Lalabas na lang ba muna ako para ituloy niyo po ang paglalambingan niyo?"
Nagkatawanan kaming tatlo.
***
Nag-agree kami ni Evan na i-stream din online ang wedding namin. May isa siyang friend na classmate niya rin noon from law school ang siyang mamamahala sa part na iyon. Ito ang naisip namin para ang mga hindi makaka-attend ng kasal tulad ng mga relatives, friends, at mga importanteng tao sa buhay namin ay ma-witness pa rin ang mahalagang araw na iyon. Limitado nga lang kasi ang puwedeng imbitahan ng personal.
"You know, love, I'll marry you again someday."
Napalingon ako kay Evan nang sabihin niya iyon. "Ha? Bakit?"
"I'll marry you again under normal circumstances, where we can have a bigger celebration, because that is what you deserve," seryosong sabi niya.
"Okay naman na ako sa ganitong kasal natin." Ngumiti ako. "Hindi ko nga naiisip 'yan, eh. Kahit anong circumstances pa 'yan, normal, new normal o abnormal man 'yan, basta sa 'yo ako magpapakasal, 'yon ang mahalaga."
Natawa siya nang marinig ang salitang "abnormal". Nagpatuloy ako sa pagsasalita, "Alam mo, hanga nga ako sa 'yo, eh."
"Bakit?" napakunot-noong tanong niya.
"Kasi tuwing nagbi-biyahe tayo, para puntahan ang mga supplier natin, dumadaan pa rin tayo sa mga checkpoint at protocol," sabi ko sa kanya.
Nagpatuloy ako, "Puwede naman 'di ba na itawag mo na lang 'yon sa mga mayors do'n sa mga dinadaanan nating lugar? Saka kilala ka naman nila. 'Di ba do'n sa isang checkpoint na nadaanan natin, 'yong nagche-check pa mismo ang nagsabi na puwede namang i-bypass na natin, pero nag-insist ka."
"Mahigpit ako. Lahat ng pumapasok at lumalabas ng San Nicolas, dadaan sa health and safety protocols, no exceptions. I expect them to follow and respect our rules." May conviction ang bawat salita ni Evan. "So, I'll follow and respect the rules of the other towns also. Saka 'di sila maniniwala, wala tayong convoy."
Tumango-tango ako. "Tama ka naman. Kaya minsan ang hirap pasunurin ng mga tao kasi 'yong mismong nagpapatupad din ang lumalabag."
"Right," sang-ayon niya. "Actually, susunod pa rin naman sila sa akin kasi ako ang namumuno, Pero ayoko ng gano'n. Gusto ko, sumunod ang mga tao hindi dahil takot sila sa kapangyarihang nasa kamay ko, kundi dahil may tiwala sila sa gobyerno na me'ron sila."
Napatitig ako sa kanya, at napangiti.
"Bakit?" tanong niya kung bakit nakatingin lang ako sa kanya at hindi nagsasalita.
"Wala, nae-elib lang ako sa 'yo," pagtatapat ko. "Minsan, hindi pa rin ako makapaniwala kung pa'no mo 'ko nagustuhan, eh."
"Who wouldn't?" May confidence ang pagkakasabi niya, ha.
"Marami 'yong wouldn't. Ikaw nga lang nagkamali, eh," biro ko.
"If they only knew how amazing and awesome of a person you are." Ngumiti siya. "They would come lining up to you."
"Naku, Evan, 'kuwento mo 'yan sa pagong," natatawa kong sabi pero kinikilig na ako.
Sasagot sana siya pero tumunog ang phone ko kaya ch-in-eck ko kung sino ang nag-PM. Si Luna.
"Oo nga pala, 'yong mga request nating kanta," sabi ko nang mabasa ang message ng kaibigan ko.
Tumingin ako kay Evan. "Teka, 'di ba, sabi mo, bet din kumanta ni Ethan sa kasal natin?"
"Yup, tutugtog daw siya. I don't know if he's serious about it. But if he is, baka puwede silang mag-collaborate ni Luna. What do you think?" Ngumiti siya.
"Ay, puwede!" excited na sabi ko, at naisip kong tanungin, "Single ba 'yong kapatid mo?"
"I'm not sure," napapa-isip niyang sagot sabay tingin sa akin. "Are you trying to play matchmaker?"
"Baka lang naman!" tumatawa kong sagot. "Malay mo, mag-work. Parehas naman silang musically-inclined, baka mag-jive naman."
"Mga naiisip mo." Nangingiti siya. "Game, let's finalize our song choices."
"Teka, nag-message na rin 'yong sa gown," sabi ko nang mabasa ang message ng couturier tungkol sa gown fitting.
"O, isa-isa lang." Natatawa si Evan. "Mahina ang kalaban."
"Parang ang dami pa nating kailangang gawin," pag-aalala ko.
"Relax. We got time." Ngumiti siya. "'Wag ka ma-stress, love. Just enjoy the preparation process."
"Lahat ng kilala kong nagpakasal, simple man o magarbo, na-stress talaga sa proseso. Ikaw lang yata ang hindi," sabi ko naman.
"Why would I? I got you. Ikaw ang pinaka-mahalaga sa 'kin sa araw na 'yon. So whatever happens, basta darating ka, that solves everything, Mrs. Montealegre." Banayad niyang pinisil ang baba ko.
His words touched my heart especially when he said "Mrs. Montelegre". Oo, hindi pa naman sa ngayon, pero doon din naman papunta. Napangiti ako habang nakatingin lang sa kanya. Napaka-suwerte ko talaga. Wala na akong mahihiling pa. Nasa tamang tao na ako.
Solve na solve na ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top