TWENTY-SEVEN

"The bid is now open for a charity date with none other than the Mayor of the Municipality of San Nicolas, Mayor Evan Carlson Montealegre."

Pagka-announce noon ng host ay medyo nag-step forward si Evan para mas makita siya ng mga tao sa audience. Ang paliwanag kanina, kapag magbi-bid daw, itataas itong maliit na square red cardboard na may handle, na nakalapag sa gitna ng table ng bawat bidder, para makita ako ng host. Tatlong guys na ang nauna kanina, ang pakilala ay model daw iyong dalawa at young entrepreneur iyong isa pa.

Nalula ako sa mga tawaran nila. Ang pinakamalaki, nagtapos sa One Hundred Thousand Pesos. Iyon ay para doon sa entrepreneur na I think nasa thirties ang edad, and guess what, ang nanalong bidder, babae na nasa fifties na yata. Mukhang amiga ng asawa ng governor dahil nasa iisang mesa lang sila.

May nagtaas ng cardboard mula sa table na iyon. "Ten Thousand Pesos."

Unang lapag, Ten Thousand agad? Iyong kanina halos sa mga five thou lang nag-i-start, ah. At mukhang kasama rin sa circle of friends ng asawa ng governor ang unang naglapag ng bid.

May mga sumunod pa!

May nag-bid ng Eleven, Twelve, Fifteen Thousand. At iba-ibang tao iyon. Parang may excitement sa mukha ng mga kababihan. Feeling ko dahil nga first time napapayag ng org si Evan na mapasama sa line-up. Ito rin siguro ang pinakahihintay nila.

"Twenty Thousand Pesos." May nagsalita sa bandang kaliwa. Si Ingrid.

Iniangat ko ang cardboard ko at nagsalita sa mini microphone na naroon sa table namin, "Thirty Thousand."

Nakita kong tumingin si Evan sa direction ko at ngumiti siya sa akin. Sa totoo lang, hanggang ngayon nagtatalo ang isip ko kung hahayaan ko bang manalo si Ingrid.

May mga nag-bid ng Thirty-Five, Forty, Forty-Five Thousand hanggang sa nagsalita ulit ang pinaka-unang nag-bid kanina.

"Fifty Thousand." Akala ko si Ingrid lang ang makakasagupa ko sa auction na ito. Mukhang seryoso din si "Madam Kilay" na amiga ng asawa ni gov. Iyon na lang muna ang ibabansag ko sa kanya ngayon. Plakado kasi ang pagkakaguhit ng kilay ni madam, ang kapal at itim na itim. Kitang-kita ko kahit malayo ako sa kanya.

"Sixty Thousand," si Ingrid. Tumingin ako sa kanya at tumingin din siya sa gawi ko.

Hindi ko expected ito. Akala ko sagad na ang 50k sa ganito.

Pero sige, laban.

"Seventy Thousand," sabi ko.

"Go. Mayora!" Tuwang-tuwang naman itong mga kasama ko.

"Eighty Thousand," si Madam Kilay iyon.

Siyempre, hindi nagpatalo si Ingrid. "Ninety Thousand."

"Mayora, 'wag ka papatalo!" pagchi-cheer ni Jeric nang hindi ako naka-imik agad.

"Going once, going twice," sabi ng host.

Itinaas ko ang cardboard ko. "One Hundred Thousand Pesos."

Nakita ko ang mukha ng mga kababaihan na napatingin sa gawi ko, at ang gulat sa mukha nila, obvious na obvious.

"Who is she?" May narinig akong nagtanong sa table sa likod namin. Tina-try niyang hinaan ang boses niya, pero narinig ko pa rin.

"I think she's the wife." May sumagot.

"Of Mayor Montealegre?" tanong ulit noong naunang nagsalita.

Lumingon ako sa kanila, ngumiti, at tumango ako ng bahagya. Parang nagulat pa sila na narinig ko ang pag-uusap nila, eh, ang lalakas kaya ng boses nila. Tatlong babae iyon na mukhang ka-edaran din ni Madam Kilay.

"Going once, going twice," sabi ng host.

Hindi na sumagot si Madam Kilay, pero nandiyan pa si Ingrid. "One Hundred Fifty Thousand Pesos."

Nagkatinginan kami nina Jeric. Nag-aalala na ako noon, sabay napatingin ako kay Evan. Mukhang hinihintay niya akong sumagot.

"Two Hundred Thousand Pesos," deklara ko.

"Two Hundred Fifty Thousand Pesos," si Ingrid iyon. Napatingin ako sa gawi niya, nagkataon naman na nakatingin pala siya sa akin. Tinaasan ba naman ako ng isang kilay sabay look away ang lola mo.

'Wag mo 'ko ganyanin, lukaret ka. Naaawa pa 'ko sa 'yo sa lagay na 'to. Magmaasim ka pa sa 'kin, ipatitigil ko 'tong bidding na 'to at iuuwi ko ang asawa ko, sa isip-isip ko lang.

"Three Hundred Thousand Pesos." Tinapatan ko pa rin siya. Ewan kung saan ko kukunin itong perang sinasabi ko. Bahala na si Evan. Ang intention ko lang naman makatulong kami kahit paano doon sa Save the Kids Foundation, kaya pumayag kami mag-participate dito. Kaso itong babaitang Ingrid laban na laban, eh.

"Three Hundred Fifty Thousand Pesos."

Syet.

Seryoso at determinado talaga si Ingrid na makuha ang tsansa na makasama si Evan. Hahayaan ko na ba siyang manalo?

Kapag ginawa ko iyon, magkakaroon sila ng pagkakataon na makapag-usap, at siguro, mabibigyan na ng closure ni Ingrid ang nararamdaman niya para sa asawa ko. Mapapalaya na niya ang sarili niya sa isang unrequited na pag-ibig.

Sana pagkatapos noon ay tuluyan niya nang matanggap na hindi talaga sila para sa isa't isa ni Evan, at sana rin, makatagpo siya ng isang tao na kayang suklian ang pagmamahal niya.

Pero, in the first place, puwede naman niyang gawin iyon kahit walang bidding na ganito. Puwede niyang kausapin si Evan kung seryosong gusto niya talaga ng closure. Kung tutuusin, nakakapunta nga siya sa Mayor's Office nang hindi ko nalalaman. May tiwala lang talaga ako kay Evan. At kanina, sa narinig kong takbo ng usapan nila ni Ingrid, mas lalo kong napatunayan ang honesty sa akin ng asawa ko. 

Napatingin ako kay Evan at pumasok sa isip ko ang sinabi niya noon sa akin.

'Wag mo 'ko hayaang mapunta sa iba.

Bibiguin ko ba siya?

Itinaas ko ang cardboard. "Four Hundred Thousand Pesos."

Muli ay napuno ng mga gulat na reaksiyon ang buong venue.

Akala ko, doon na magtatapos pero biglang nagsalita si Ingrid, "Four Hundred Fifty Thousand Pesos."

Anak ng bakang baklang pink! Hanggang saan ba ang kayang itaya nito ni Ingrid? Isang milyon?! Kailangan pa bang umabot sa ganito? Kung kakausapin niya ako ng matino to let her settle things with my husband, sa totoo lang, baka payagan ko pa siya, eh.

Pero sa karakas niya, mukhang hindi niya gagawin iyon. Masyadong mataas ang pride niya para makiusap sa akin. Puwedeng manikluhod siya kay Evan, pero hinding-hindi sa akin.

"Mayora, ang laki na," bulong ni Jeric.

"Laban pa po ba tayo?" nag-aalalang tanong ni Macy.

Tumingin ulit ako kay Evan. Ngumiti siya sa akin na para bang sinasabi na, "Kalma lang, love. Sige, ilaban mo lang."

Ellie will win. I know her. She'll fight for me.

"Hindi tayo pinalaki ng Sexbomb para bumawi," pabiro kong sagot kay Macy when I made up my mind. "Laban!"

Tuwang-tuwang nagpalakpakan sila nina Jeric at Janice.

I showed my cardboard. "Five Hundred Thousand Pesos."

Tumingin ako sa gawi ni Ingrid. Tumingin din siya sa akin. Nagsukatan kami ng tingin, at kahit malayo ang distansya namin, ramdam ko ang tensiyon sa pagitan naming dalawa. I'm secretly wishing na huwag niya na sanang tapatan ang bid ko.

"I think Mayor Montealegre has something to say," sabi ng host. Sabay pa talaga kaming tumingin ni Ingrid sa harap.

Nagsalita si Evan sa microphone, "Good evening, everyone. I respectfully declare my wife, Mrs. Ellie Montealegre, as the winning bidder."

Nagtinginan ang lahat ng tao sa gawi ko. Ako naman, titig na titig kay Evan. Feeling ko nga nanlalaki ang mga mata ko sa pagkakatingin sa kanya. Nagulat kasi ako sa ginawa niya na siya na mismo ang nag-desisyon na ako na ang panalo. Pinangunahan na niya ang organizer.

Evan lang malakas!

"We're giving Five Hundred Thousand Pesos, from our personal funds, to the women's organization of the provincial government for their effort to help the Save the Kids Foundation, and for their other good causes in the future, if this amount will suffice," nakangiti niyang pahayag. "This will be the first and last time I'm participating to be a part of the auction line-up, but please don't hesitate to ask me of any other help. Thank you very much."

Nagpalakpakan ang mga tao. Ako, tunganga. Hindi ko namalayan na nasa harap na pala ng table namin si Evan.

He lent his hand to me and smiled sweetly. "You can take me for a date now, my beloved winning bidder."

***

"Ang high-end naman pala ng lugar na 'to," sabi ko kay Evan. "Ano 'yon, lahat ng mga nananalo sa auction na 'yon, dito sa lugar na 'to sine-set 'yung date?"

"Siguro, since the Josons own this place," sagot niya sa mahinang boses.

"Joson as in pamilya ni Governor Joson?" tanong ko.

"There they are," sabi ni Evan sa akin at tumingin sa direksyon ng nilalakaran namin bilang sagot sa tanong ko.

Tumingin din ako doon at naroon nga si Governor at ang asawa niyang pasimuno ng auction. Parehas siguro silang mga nasa sixties na. Si first lady parang may minahan ng perlas sa dami at laki ng mga accessories niyang made of pearls, pero bakas pa rin ang kagandahan kahit may edad na, at sobrang pino kumilos.

"Welcome to San Felipe Highlands Country Club," magiliw na sabi sa amin ni Governor Joson.

Nag-handshake sila nila ni Evan at ipinakilala niya ako sa kanya at sa asawa ni Gov. Napansin ko na may mga lalaking pang-bouncer ang pangangatawan na nakatayo hindi kalayuan sa aming apat, at may distansya sa pagitan ng bawat isa. Security team siguro ni Gov ang mga iyon.

"Mabuti at naisipan mo nang tanggapin ang imbitasyon ng women's organization sa iyo, Mayor Montealegre," sabi ni Mrs. Joson kay Evan noong magkakaharap na kaming apat sa dining table. Nag-arrange kasi sila ng welcome dinner para sa amin sa restaurant na nasa vicinity pa rin ng resort.

"May sure bidder na ho kasi ako," nakangiting sagot ni Evan sabay tingin sa akin. Napangiti din tuloy iyong mag-asawa sa kanya.

"Alam namin na you are supposed to win a date for two here in Highlands Restaurant and Cafe, but we would also like to take this opportunity to get to know you two." Naglipat-lipat ang tingin ni Mrs. Joson sa aming dalawa ni Evan. "Kindly consider this as our welcome dinner for you and spend your date tomorrow instead, maybe at the Highlands Lounge or dito ulit."

"Anyway, you're staying overnight, right?" tanong naman ni Governor Joson.

Tumango si Evan. "Nandito na ho kami, so we might as well book an accommodation and stay a little longer."

Marami pang napag-usapan ng gabing iyon, mostly tungkol sa kalagayan ng lalawigan at politics.

"I heard na hindi mo pinirmahan ang quarrying permit ng Aggregate Industries ni Mr. Chan," sabi ni Gov kay Evan. "At ikaw rin ang namumuno sa petisyon para hindi pumayag ang mga alkalde ng iba pang mga bayan."

Napatingin ako kay Evan. Ngayon ko lang nalaman iyon.

"Mahirap ho galawin ang bundok, Gov. Una, humaharang ho 'yan sa malalakas na hangin tuwing masama ang panahon. Pangalawa, ang mga puno sa kabundukan ang pumipigil sa pagragasa ng tubig para 'di umapaw ang Ganja River sa San Nicolas at mga karatig-bayan tuwing malakas ang buhos ng ulan," paliwanag ni Evan. "Kaya tutol ho ako sa quarrying at iba pang aktibidad na makakasira sa kapaligiran."

Napatango-tango si Gov. Joson. Hindi ko sure kung sang-ayon talaga siya sa mga sinasabi ni Evan o nahihiya na lang talaga siyang salungatin ito.

"Kapag pinahintulutan ko ho 'yan, aminado ako na malaki ang income na papasok sa bayan namin. Pero 'di ko ho puwedeng isugal ang buhay ng mga tao," sabi pa ni Evan. "Sila ang unang maaapektuhan ng mga kalamidad na dulot ng pagsira ng kalikasan."

"Tama ka naman, Mayor," sabi ni Gov. "Alam ko naman na kapakanan lang ng mga tao ang iniisip mo. Ganoon din naman ako. 'Wag kang mag-alala at suportado ko ang magagandang plano mo para sa San Nicolas."

Hindi ko alam pero may something off sa gobernador na ito. Parang iba ang sinasabi sa expression ng mukha. Well, nakangiti naman siya habang nagsasalita pero parang hindi sincere. Ewan ko ba.

Hindi ko alam kung naramdaman ni Mrs. Joson na may ganoon akong feeling, kaya iniba niya ang topic. Nagsimula siyang magtanong sa amin ni Evan ng mga personal na bagay na tulad ng kung paano kami nagkakilala, at nag-share din siya ng mga kuwento tungkol sa married life nila ni Gov.

Natapos naman ang dinner na iyon na masaya at good vibes lang.

***

Nasa terrace ako nitong villa na ino-occupy namin, at mula doon ay matatanaw ang iba pang mga villas at cabanas, napakalawak na infinity pool, at iba pang structures at amenities. Inspired from Bali, Indonesia itong resort at mukhang hindi basta-basta mapupuntahan kung nasa budget mode.

Narinig kong sabi ni Mrs. Joson kanina na may membership fee pa nga para ma-avail ang mga luxury rooms at iba pang exclusive na amenities. Siguro mas maganda ito sa umaga kasi nasa mataas na lugar, kaya for sure tanaw mula dito ang mga karatig na bundok at mga kagubatan. Hindi sinabi sa akin ni Evan kung magkano ang overnight stay dito, si Janice ang nag-book noon para sa amin pero hindi ko rin siya mahuli sa amount. Secret daw.

Ang sagot lang naman kasi ng women's org ay ang dinner date mismo. Kaya naisipan ni Evan na mag-overnight na rin para sulit ang pagpunta dahil medyo malayo rin itong San Felipe mula sa San Nicolas.

"What are you thinking, love?" Evan hugged me from behind and kissed my shoulder.

"Wala naman. Ang ganda lang nitong lugar," sagot ko sa kanya.

"Mas maganda ka," bulong niya sa tainga ko.

"Asawa mo na 'ko, 'di mo na 'ko kailangang bolahin," biro ko na lang, pero sa totoo lang ay nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang manit niyang hininga sa tainga ko. Bakit ba konting ginagawa lang ng lalaking ito ay nag-iinit agad ang pakiramdam ko?

"Maraming bolero sa pulitika, pero 'di ako kasama do'n," pagkasabi niya noon ay nilingon ko siya at ngumiti siya sa akin. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa tanawin sa labas at naramdaman ko ang paghalik niya sa gilid ng leeg ko.

"Ikaw, ang hilig-hilig mong mag-kiss sa part na 'yan." Humarap ako sa kanya at sumandal sa hamba ng terrace. "Tapos, sa batok ko, saka sa balikat. Minsan nako-conscious ako baka 'di ako mabango, eh."

Natawa siya. "I actually wonder how you smell so good all the time."

He kissed my neck once more with a light sniff. "You smell enticing, my love. It makes me wanna go to bed with you."

Magsasalita sana ako pero bigla niya akong hinalikan sa labi. It was a deep, passionate kiss that took my breath away. Pareho kaming hinihingal nang matapos ang halik na iyon.

"P-pasok na tayo," sabi ko sa kanya sa mahinang boses.

"Love, ikaw na ang nagyayaya." A naughty smile was on his face. "Aggressive, huh."

Natapik ko tuloy siya sa braso. "Hindi! Baka kasi may makakita sa atin na naghahalikan dito. Open area pa naman."

"Ganyan ba ang mga natututunan mo sa 'kin?" Kiniliti niya ako sa tagiliran kaya napa-iwas ako at tawa nang tawa.

"'Uy, 'wag! Teka!" Pinipilit kong harangan ang pangingiliti niya sa akin habang siya ay ayaw naman tumigil.

"Hala, ang harot nito!" Napatakbo na ako sa pinto papasok ng room. Natatawa rin siyang naglakad papalapit sa akin.

Napasandal ako sa bed post kasi nanghihina na ako katatawa. Canopy ang bed dito sa room namin kaya may apat na matataas itong post sa corners para i-hold ang pinaka-roof ng kama.

"Hoy! Tama naman na!" nakangiti kong sabi nang tumayo siya sa tapat ko.

He grabbed my waist and pulled me close to him. Akala ko ay hahalikan niya ako ulit katulad kanina kaya napapikit na ako, pero nagulat ako nang bigla na naman siyang nangiliti.

Ako kasi ang tao na lahat na lang yata ng bahagi ng katawan ay ticklish, saka kapag nasimulan na kasi, wala na, sensitive na lalo, tipong hindi pa luma-landing ang daliri sa balat ko pero napapa-igtad na ako agad.

Hindi ako makawala sa pagkakahawak niya sa akin kahit anong palag ko. Ang ending, bumagsak kami sa kama pero ako ang nasa ibabaw. Feeling ko, sinadya niya talaga iyon.

"Wild ka na talaga, love," sabi niya sa akin at kumindat. "You're on top now."

"'Uy, hindi." Aalis sana ako sa puwesto ko pero lalo niya akong hinapit papalapit sa kanya.

"My sexy love..." Tumitig siya sa akin. "Will you drive me hard?"

"H-ha?" gulat na sabi ko. "Ako?"

"Please?" he said with pleading eyes.

"Paano?" Nag-alala ako. "Baka 'di ka masiyahan sa akin."

He bit his lower lip. "I get excited just by the thought of you being on top, so I think the actual is even better."

Napatunganga lang ako sa kanya.

"Kiss me," he commanded in his hoarse voice.

Madali naman akong kausap, ginawa ko nga. Noong una, medyo nahihiya pa ako na mag-initiate, pero nang maramdaman ko na gumaganti na siya ng halik, ako na ang gumawa ng paraan para mas lumalim pa iyon. I felt his hands running over my back down to my behind, at lalong nagatungan ang apoy na nagsisimulang lumiyab sa kaloob-looban ko.

"Undress me, love," habol ang hiningang utos niya nang matapos ang halik na iyon.

I took off his shirt and bent over to kiss his neck, down to his broad chest.

"Love, touch me," pabulong niyang sabi. Halatang hindi pa kasi ako marunong mag-multi-tasking sa ganito. Juicecolored.

Hindi ko na rin namalayan kung saang bahagi niya nahubad ang suot kong pang-itaas na damit habang sabay na kumikilos ang mga labi at kamay ko. I kissed him down his toned abs hanggang sa puson niya. Napatigil ako at umangat para tumingin sa kanya.

"Take that off from me." Tumitig siya sa akin. "Please, love..."

Juicecolored. Paano ko ba gagawin ito? Nanginginig ang mga kamay na tinanggal ko mula sa pagkakasuot sa kanya ang boxer shorts niya.

"Relax. I love what you're doing." Nahalata niya yatang kinakabahan ako.

Lalo na talaga akong kinabahan nang makita ko ang itinatago ng boxer shorts. Kaya ko ba ito?

Napalunok ako.

Nasa ganoon na kaming tagpo nang may marinig akong nagri-ring na cellphone. Kay Evan ang ringing tone na iyon.

"Sshhh...don't mind that," malambing na saway niya. Napansin niya kasing natigilan ako at dumako ang tingin sa nagri-ring na phone na nakapatong sa bedside table.

"B-baka importante," pag-aalala ko, pero hindi pa rin naman ako kumikilos sa ibabaw niya.

"Nothing is more important than you." He gently pulled me towards him. Akala ko ay magpapalit kami ng posisyon, pero hindi pala. Instead, he kissed me with hunger and passion, with his hand cupping my nape and the other one caressing my body all over.  Hindi ko na namalayan kung kailan tumigil sa pagtunog ang cellphone na kanina pa nagri-ring. 

I did the same to him with equal fervor until I felt the desire to be in-charge. I went down on him as he wished, and this is the first time that I did all the work with him in the receiving end. It feels satisfying seeing him aroused that I wanted to do more and more for him.

"I'm all yours, love. Take me," he passionately said.

At tuluyang naging mainit ang malamig na magdamag. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top