TWENTY-NINE

Naisipan kong i-kuwento na kay Evan ang tungkol sa naging pagkikita namin ni Ingrid. Para kasing confused din siya kung saan nanggagaling ang mga sinabi ni Ingrid para sa akin.

Sinabi ko kung paano ko kinuha ang number ni Ingrid mula sa cellphone niya, pagse-set na magkita, at lahat ng nangyari sa naging pagkikita namin.

"At least hindi naman pala minasama ni Ingrid 'yong mga sinabi ko sa kanya," sabi ko pa. "Sorry kung hindi ko sinabi agad sa 'yo. Baka kasi magalit ka, siyempre, kaibigan mo pa rin naman siya. Pero wala naman ako intention na mang-away. Gusto ko lang naman..."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi iniharang niya ang hintuturo niya sa mga labi ko. "Ssshh. You don't need to say sorry. You did the right thing."

"Hindi ka galit?" pagme-make sure ko.

Nakangiting umiling siya. "Alam kong sasabihin mo rin naman sa akin 'yan. Nahalata ko na recently na parang may gusto kang sabihin pero bigla kang nagche-change topic."

"Huli," biro ko na lang. "Pero 'di kulong."

Natawa siya. Umupo siya sa swivel chair na naroon. "Halika nga. Come close to me, please."

Madali naman akong kausap kaya sinunod ko siya. Humakbang ako at tumayo sa tapat niya. He held both of my hands at tumingala sa akin.

"I am yours, my wife. No one else could own me or take me away from you, remember that," he said wholeheartedly.

Napangiti ako. His words touched my heart.

Nagulat ako nang bigla niya akong mabilis na hinila palapit sa kanya. Hindi ko talaga alam kung paano niyang nagagawa ito na hindi ako napu-puwersa. Napaupo ako sa kandungan niya at napakapit sa mga balikat niya.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong, "Now, rightful owner, claim what's yours."

"N-ngayon na?" Nautal naman ako bigla.

"Right here and right now." He winked and turned to my right ear, "I wanna hear you moan my name."

His breath on my ear and his words sent delicious shivers down my spine. Umayos ako ng upo sa kandungan niya. Naalala ko tuloy bigla ang lap dance ko noong kasal namin. Kaso biglang nag-creak ang swivel chair. Sabay kaming natawa pagkarinig noon.

"Hala, bibigay pa yata 'to." Napatingin ako sa ilalim ng upuan.

"Ang bigat mo daw, love," biro niya.

"Ako pa talaga sa lagay na 'to, ha." Tiningnan ko ang maninipis kong braso.

"Wala kasi diyan 'yong bigat. Nandito." He ran his hands across my bum. "Round and full."

"Hoy, ikaw..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may kumatok sa pinto.

"Mayor, nandiyan po ba kayo?" tanong ni Nanay Linda mula sa labas.

Narinig kong mahinang napabuntong-hininga si Evan bago nagsalita. "Nandito po, 'nay. Bakit po?"

"Ah, eh, nasa ibaba po si Ma'am Erica," sagot niya.

"Ay, si Ate," sabi ko at tumayo mula sa pagkakaupo sa lap niya.

Napa-iling si Evan at bumulong, "Wrong timing, ah."

Nagkatawanan na lang kaming dalawa.

"Pababa na po 'nay, pakisabi," sabi ni Evan kay Nanay Linda.

***

Ang paminsan-minsang pagbabasa ng mga governance at law books ni Evan out-of-curiosity ay nag-spark ng panibagong interes sa buhay ko.

Nagsisisi nga ako kung bakit hindi ko masyadong sineryoso ang pag-aaral ko noong college. May mga law-related subjects na ako noon tulad ng Oblgations and Contracts at Law of Taxation.

Ngayon, parang gusto kong mag-aral ulit. Parang gusto kong mag-law.

"Law school?"

Nagulat ako nang magsalita si Evan sa likod ko. Nasa porch ako noon at nagmi-mix ng music gamit ang laptop ko, pero habang nagre-render ako, nag-try ako mag-search ng mga school kung saan puwede mag-aral na afford naman, iyong hindi pang-malakasan ang tuition fee.

Hindi ko pa sinasabi kay Evan ang tungkol sa kagustuhan kong mag-aral, pero ngayon, mukhang buking na ako kasi nakita na niya.

Tumabi siya sa akin sa upuan at sinilip ang nasa screen ng laptop ko. "You're planning to enroll, love?"

Tumango ako. "Sana. Palagay mo ba, kaya ko?"

"Of course," confident na sagot niya, at nagtanong, "But what made you decide?"

"Dahil sa pagbabasa ko ng mga books sa office mo sa taas. Kung naalala mo 'yong birthday ni Marc several months ago na nag-uusap kayo nina Paul tungkol sa pag-aaral niyo, 'di ako maka-relate no'n. Kaya nag-excuse muna 'ko at umalis." Natawa ako, pero pinutol niya ako sa pagsasalita.

Nakita kong nalungkot siya. "Why didn't you tell me back then?"

"Naunahan mo 'ko, eh. Nagselos ka do'n sa jowa ni Katarina. Alangan namang sabayan ko 'yong emote mo no'n?" Ngumiti ako.

Natawa siya. "Pero ang daya mo. May sama ka pala ng loob no'n."

"Hindi, okay lang naman. Dahil do'n, mas nagkaroon ako ng kagustuhan na magka-idea sa mga ginagawa mo. 'Yon bang kapag isinasama mo 'ko sa mga events o projects niyo, o kahit ng mga friends mo, hindi lang ako basta naka-upo sa tabi mo. Gusto ko, naiintindihan ko rin 'yong pinag-uusapan niyo," paliwanag ko.

"Pero habang ginagawa ko 'yon, nag-grow 'yong interes ko na mas maintindihan pa 'yong mga binabasa ko. Gusto ko na siyang pag-aralan. Gusto ko nang magkaroon ng pormal na edukasyon. Saka lodi kita, eh." Kumindat ako at ngumiti.

"Ikaw talaga." Napangiti siya. "If you wanted to go back to school, it's okay. I'll support you with that. But are you still gonna continue with dance?"

"Oo. Sayang, pang-tuition din 'yon," pabirong sagot ko. "Sayang nga lang, nag-close na 'yong pole dance studio ni Ms. Nicole, wala, eh, hindi na rin kami nakaahon dahil sa pandemic. Nami-miss ko na nga sila pati 'yong pole dancing. Malapit pa naman 'yong studio na 'yon sa puso ko, alam mo na, 'yong kuwento ko nga sa 'yo na isa sila sa mga unang nagtiwala sa skill ko. Buti na lang may SAS pa."

In-off ko ang music na mula sa laptop. "Parang 'di ko rin kayang iwanan ang pagsasayaw. Mula bata pa 'ko, ito na ang pangarap ko. Eh, natupad naman na. Mangangarap naman ako ngayon ng mas mataas pa."

Inakbayan niya ako. "Go ahead, love. You're smart, hardworking and passionate on things you focus on, so I know you could make it."

"Puwede na ako mag-enroll this school year?" masayang tanong ko.

Tumango siya.

"Thank you!" Nayakap ko siya sa sobrang katuwaan. "Alalayan mo 'ko, ha. Tulungan mo 'ko. Minsan pa naman loading 'tong utak ko."

Natawa siya. "I got your back, my wife."

"Wait lang, love." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Para kasing iba ang dating sa ilong ko ngayon ng pabango niya. Pagyakap ko pa naman sa kanya, nasinghot ko talaga ng bonggang-bongga. "H-hindi ka naman nagpalit ng pabango, 'di ba?"

Napakunot-noo siya. "Hindi naman. Bakit?"

Napailing na lang ako. "Wala naman. Ang weird lang ng paki-amoy ko. 'Yaan mo na."

"Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" tanong niya. "We could continue inside the house, baka 'yong chlorine ng pool ang naaamoy mo."

"Sige, sa loob na lang nga din siguro tayo," pagsang-ayon ko.

Siya na ang nagkusang dumampot ng laptop ko na nakapatong sa mesa. Kaso pagtayo ko, parang umikot ang paningin ko. Na-control ko naman, pero muntik akong na-out-of-balance, at napuna ni Evan iyon.

"You okay, love?" Maagap na inalalayan niya ako sa isang kamay, habang hawak naman niya ang laptop sa kabila niyang kamay.

"Oo, oo. Nabigla lang yata ako pagtayo," sabi ko.

"Dahan-dahan lang." Inalalayan niya ako hanggang makapasok sa loob ng bahay.

"Wait lang love, wait lang," sabi ko. Parang may gustong kumawala mula sa lalamunan ko. Kanina pa ito actually habang nagre-render ako pero kaya pa pigilan. Naisip ko baka may nakain lang akong hindi kasundo ng tiyan ko, so inabala ko na lang ang sarili ko.

Kaso na-trigger yata nang maamoy ko ang pabango ni Evan. Pinipigilan ko pero naluha na lang ako. Napatakbo ako sa lababo at doon ko inilabas ang kanina pang nais kumawala. Nasuka na ako nang tuluyan.

"Love." Nag-aalalang hinagod niya ang likod ko.

Lumapit na rin si Ate Liza at Nanay Linda. Narinig kong inutusan ni Nanay si Ate na kumuha ng towel at maiinom.

Halos nakasubsob na ako sa lababo pero pinilit kong abutin ang gripo para ma-wash out ang mga nilabas ko at makapaghilamos na rin. Pakiramdam ko hinang-hina ako at nanlalambot ang mga tuhod ko. Humarap ako sa kanila habang nakasandal ako sa lababo. Nakatingin silang tatlo sa akin.

"Hala, Madam, anong nangyari sa 'yo?" Si Ate Liza ang unang nakapagsalita sa kanila. Iniabot niya sa akin ang hawak niyang face towel. "Namumutla ka."

"T-thank you, Ate Liz," hinang-hina kong sabi. Tinulungan ako ni Evan na punasan ang mukha ko at pagkatapos noon ay inalalayan niya akong makaupo sa pinakamalapit na upuan.

Nakatitig sa akin si Nanay Linda. "Dinatnan ka na ba?"

Natigilan ako at napa-isip. "Parang magda-dalawang buwan na nga pong hindi, Nanay."

Sabay pang nagliwanag ang mukha nina Nanay Linda at Ate Liza, at halos nagkasabayan pa sila sa pagsabi, "Baka buntis ka na."

Lumingon ako kay Evan na nakatayo sa gilid ko. Ngumiti siya. "Let's get you checked tomorrow."

"Pero bibili na ako ng kit." Parang mas excited pa si Ate Liza kaysa sa akin. "'Yong pang-test, Madam. Para ma-check mo na bukas pagka-gising mo. Unang ihi sa umaga 'yon. Ngayon na, aalis na 'ko."

Napatingin na lang kaming tatlo nina Evan at Nanay Linda sa kanya. Ang bilis niyang nag-desisyon, at ang bilis din niyang kumilos. Nagpasama agad siya kay Kuya Drew na nasa may garden, dala ang isang sasakyan.

***

Dahil nga first time ko gumamit ng pregnancy test kit, medyo hindi ko alam ang gagawin. Itinuro naman sa akin ni Ate Liza kung paano, pero sana tama itong pinaggagagawa ko.

Naupo ako sa toilet bowl habang hinihintay ang resulta. Naisip ko tuloy ang balak kong mag-law school, mukhang hindi muna yata matutuloy this year. Okay lang naman. Mas mahalaga na maalagaan ko ang magiging anak namin ni Evan at naroon ako sa tabi niya habang lumalaki siya.

Pagtingin ko sa dalawang pulang guhit ng pregnancy kit, napasigaw ako sa tuwa. Juicecolored. Legit! Babae nga talaga ako na may matris. Charot! Napatakbo tuloy sa loob ng bathroom si Evan dahil sa pagsigaw ko.

Pagkakita ko sa kanya, tuwang-tuwa na niyakap ko siya.

"Wait, love, wait." Natatawa siya habang yakap ako. Pinakawalan niya muna ako sa pagkakayakap at tumingin sa akin. "Let me see."

Ipinakita ko sa kanya ang resulta ng test. Halos magtatalon kami sa saya.

Pero inawat niya ako at hinawakan ang tiyan ko habang natatawa. "Ooops. Tama na. Baka maalog masyado si baby."

"Oo nga. Baka maalog ang utak nito, maging kasing-kulit mo," biro ko.

"Ako ba ang makulit sa 'tin? Parang ikaw yata," ganti niya.

"Sige, kasing-ganda ko na lang." Kumindat ako.

"Perfect," sabi niya. "Pero paano kung lalaki?"

"Siyempre, kasing-guwapo mo." Kinurot ko ang magkabilang-pisngi niya.

Hinawakan niya ang mga kamay ko at sumeryoso siya. "But one thing is for sure, our baby will grow up in a home full of love and happiness. That, I promise you."

Itinuro niya ang tiyan ko. "And you."

"Thank you, love." Yumakap ako sa kanya and he lovingly hugged me back.

***

Mas lalong lumala ang paglilihi ko ng mga sumunod na buwan. Partikular ako sa amoy ng mga bagay-bagay. Iyong pabango ni Evan, talagang hindi ko bet, samantalang dati naman ay bangong-bango ako doon.

Saka iyong mga cravings, hindi pala siya inarte lang. Kasi ang trip ko ngayon, tapang karne ng kabayo, eh hindi naman ako kumakain noon dati. May dala kasi noon si Kuya Drew, tapos niluto nina Nanay Linda, doon ako bangong-bango, saka sarap na sarap ako.

As in after noon, nagpa-order pa ako ng marami doon sa kinuhaan ni Kuya Drew. Hindi ako nagsasawa kahit halos araw-araw akong kumakain noon. Niloloko nga ako ng mga kapatid ko na baka magmukhang kabayo na raw itong ipinagbubuntis ko. Nakakainis.

Pang-apat na buwan ng pagbubuntis ko, lumipas na rin ang cravings ko sa tapang kabayo. Actually, ayoko na nga siya ni makita man lang kasi parang naduduwal naman ako. Parang hindi ako makapaniwala na kumain ako noon.

Wala na akong trip na pagkain ngayon, ang bet ko naman, magkukulong sa madidilim na lugar. As in ayoko kahit liwanag ng araw. Iyong kuwarto namin ni Evan, dark colors ang mga kurtina para siguradong walang makakapasok na liwanag. Kakaiba talaga.

Nawala lang ang mga abnormal na trip ko noong nasa fifth month na ako ng pregnancy. Nabawasan na rin ang mga malalang pagsusuka, madalas na pagka-antok at pagkahilo. Nag-leave na rin muna ako mula sa Supreme All Stars.

Sixth month nang mag-ayos ng gender reveal party si Ate Erica. So, invited ang buong pamilya ko, at buong pamilya ni Evan. Ganito pala ang gender reveal na sinasabi. Iyong resulta ng ultrasound, kay Ate Erica ibinigay ng doctor namin, so, wala talaga kaming idea na mag-asawa kung anong gender. Pero parehas kami ng feeling na boy ito, at marami ring nagsasabi sa akin.

Na-miss ko tuloy bigla ang mga kaibigan ko. In-invite ko sila pero may mga work din sila kaya hindi na nakarating. Saka naiintindihan ko rin dahil ang layo ng San Nicolas sa Maynila.

"Alright," sabi ni Ate Erica sa aming lahat, "If your guess is a girl, line up under the pink balloons. If you think it's a baby boy, line up under the blue balloons. Game!"

Napatingin pa ako sa mga blue at pink balloons na nasa ceiling. Sa pagitan ng mga lobo ay may mga blue and pink ribbons din bilang design.

Halos lahat ay pumila sa tapat ng blue balloons. Dalawa lang ang pumili ng pink, si Ethan na kapatid ni Evan at ang pamangkin kong si Belisha.

Nilapitan tuloy sila ni Ate Erica. "O, bago tayo mag-proceed sa gender reveal, tatanungin muna kita, brother. Bakit sa palagay mo ay girl ang baby ni Ellie at Evan?"

"Ewan. Favorite color ko lang talaga, pink." Nagkibit-balikat siya, ni hindi man lang ngumiti kahit nagtawanan na ang lahat sa sagot niya. May pagka-weirdo din talaga ito si Ethan, eh.

"Si Belisha na nga lang ang tanungin natin. Walang kuwentang sumagot 'to si Ethan." Lumapit siya kay Belisha at umupo para magkapantay sila ng height. "Ikaw, baby girl, bakit sa palagay mo ay girl ang baby ni Tito and Tita?"

"Hindi ko po alam kung girl, pero girl po gusto ko para may kalaro ako." Napangiti kaming lahat sa sagot niya.

"Okay, so now, ganito po ang gagawin natin. Pull the strings of the balloons kung saan po kayo pumila. May mechanism po 'yan na magpa-pop kapag hinila niyo. If may mga confetti na nahulog mula sa balloons, that is the correct answer," Ate Erica instructed.

Nakita kong kinarga ni Ethan si Belisha para ang bata mismo ang humila ng strings. Hindi niya kasi abot kaya need siyang kargahin. Napangiti ako.

"So team blue and team pink have to pull the balloons simultaneously, right?" tanong ni Kuya Eris.

"Yes, Bro," sagot ni Ate Erica. "Okay, at the count of three. One, two, three!"

Walang confetti na nahulog mula sa blue balloons, at sumambulat naman ang confetti galing sa pink balloons. Nagkatinginan kami ni Evan. Maski kami ay nagulat. Boy kasi ang ine-expect namin, though wala namang problema kung girl.

"Dito tayo sa pink!" masayang sabi ni Kuya Francis kaya lumipat lahat sa side ng pink balloons para hilahin ang mga strings na hindi pa na-pull nina Ethan at Belisha.

"Tara!" Hinila ko si Evan para maki-putok na rin ng lahat ng mga pink na lobo. Bata at matanda ay nagsabuyan ng mga confetti. Nakakatuwang makita na magkasundo ang mga pamilya namin, at lahat ay masaya para sa pagbuo namin ni Evan ng aming sariling pamilya.

***

Hindi ko mapigilang maluha nang i-hand over sa akin ng mga nurses ang bagong-silang kong anak. Napaka-surreal ng pakiramdam na sa wakas nasilayan ko na, at nasa bisig ko na ang buhay na pinangalagaan at iningatan ko sa loob ng aking tiyan nitong nakalipas na siyam na buwan.

Natatawa iyong mga nurses nang tanungin ko sila kung normal lang bang maiyak. Ni hindi ko kayang ma-translate sa salita ang overwhelming na saya na nararamdaman ko.

"Amelie." Tanging nickname niya lang ang nasabi ko nang titigan ko ang mukha niya. Napaka-angelic. Ang tangos at shape ng ilong, Evan na Evan talaga. Medyo marami na rin agad siyang hair, mukhang sa akin namana. Hindi pa masabi kung sino ang mas kamukha niya sa amin ng daddy niya, pero palagay ko mas makakamukha niya si Evan habang lumalaki.

Nagkatinginan kami ni Evan at parang teary-eyed na siya. Isa rin sa mga nakaka-overwhelm sa akin ngayon ay ang way na tingnan niya ang anak namin, punong-puno ng pagmamahal.

"Love, halika, kargahin mo siya," sabi ko.

"I might break her bones. I never carried a baby as small as her ever," pag-aalala niya.

Natawa ako. "Ako din naman. Pero no'ng inabot siya sa 'kin ng mga nurses kanina, parang alam na alam ko na kung pa'no. Sige na, subukan mo."

Maingat na inilipat ko si baby Amelie sa mga braso niya. Tinuruan ko rin siya kung paano ang tamang pagkarga.

"Love!" tuwang-tuwang sabi niya sa akin noong karga niya na ang baby namin. Maya-maya lang, bine-baby talk na niya kahit tulog naman. Nakatutuwa silang tingnan. Napangiti ako.

Maya-maya ay tumingin sa akin si Evan. "Thank you, love."

"Saan?" tanong ko. Mine-make sure ko na mahina lang ang boses namin habang nag-uusap para hindi naman mabulabog si baby.

"For bringing into the world this amazing human being. Yours and mine, but a totally different individual," nakangiting sabi niya. "The discomforts you have to bear during your pregnancy and the pain you have to go through during the delivery. It's something unfathomable. I'm beyond happy that both you and Amelie are safe and healthy."

Tumitig siya sa akin. "I have nothing but the highest regard for you."

Wala na talagang ibang tao sa mundo na may kakayahang kumausap sa akin ng ganito kundi si Evan lang. Iyon bang bawat salita hindi lang sa tainga ko pumapasok, kundi sa puso at kaluluwa.

Naluha na naman ako pero mabilis kong pinahid iyon. "Hindi, love. Salamat. Kasi inalalayan mo 'ko, ibinigay mo lahat ng kailangan ko, inunawa mo lahat ng ka-abnormalan na pinagdaanan ko. Lahat 'yon contributory sa maayos at ligtas kong pagbubuntis pati na rin panganganak. Kaya ako ang dapat magpasalamat sa 'yo."

Marahan kong hinaplos ang pisngi niya. "Oo, mahirap, pero naging magaan ang lahat para sa akin kasi nandiyan ka. Salamat, Evan. Mahal na mahal kita."

"Love, don't make me cry," sabi niyang dinadaan sa ngiti ang pagpipigil na maluha. "I love you too."

Bigla naman naming narinig ang mahinang pag-iyak ni Amelie.

"Ay, naiyak din siya," biro ko. "Nakiki-emote."

Nagkatawanan kaming dalawa ni Evan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top