TWENTY-FIVE
Pagkatapos ng kasal, trabaho agad!
Nag-decide kami ni Evan na next year na mag-honeymoon, or kung kailan safe na talaga mag-travel. Saka, napakaraming project nina Evan ngayong month kaya malabo ring lumarga.
Lahat kasi gusto niyang magawa bago sumapit ang Pasko o bago man lang matapos ang taon. Bukod sa bigayan mga Christmas packages na taon-taon ginagawa, sangkaterbang mga appointment papers ang pinipirmahan niya para ma-regularize na ang mga empleyado sa munisipyo na matagal nang panahong under contractual status.
Pagkakaalam ko, ngayong buwan din mai-implement ang salary increase na matagal na nilang wino-work out. Kahapon lang, nag-open na ang extension ng San Nicolas Hospital complete with all the facilities kasama na ang free swab testing para sa lahat. Ilan lang iyan sa mga natatandaan ko na naikuwento niya sa akin.
Bet ko sana sa Batanes mag-honeymoon dahil na-inlove talaga ako sa mga pictures na kuha ni Chanel noong na-stranded siya doon noong ECQ, si Evan naman, Iceland ang gusto. Taray, Iceland pa ang nais. Sabi ko, puntahan na lang namin parehas in the future dahil gusto ko rin ma-witness ang Aurora Borealis.
One day, in-invite kami ni Marc sa birthday celebration niya. Siya ang kaibigan ni Evan na namahala sa technical aspects ng wedding namin. Pagdating namin sa venue ay naroon na ang lahat.
Actually, ang iba sa kanila, kilala ko naman na kasi invited sila sa wedding namin dahil mga solid friends sila ni Evan katulad nga ni Marc. Naroon din ang asawa niyang si Meg at dalawa nilang anak. Si Francis at Paul na kilala ko na rin parehas, at parehas din walang kasama. Si Raf, kilala ko na rin, pero ngayon ko lang din na-meet ang wife niya na kasama niya.
Naroon din si Katarina na host noong wedding namin, may kasama siyang guy, ipinakilala niya as boyfriend niya. Then, may isa pa silang friend na noon ko lang din nakita, si Sheena. Actually, in-invite namin siya sa wedding pero nagpasabi naman siya ahead of time na hindi makaka-attend dahil out-of-the-country daw siya that week. Tulad nina Francis at Paul, wala din siyang kasama.
"So, hindi pa kayo nagha-honeymoon?" nanunuksong tanong ni Katarina sa amin ni Evan nang maikuwento namin na galing pa kami sa distribution ng Christmas packages sa San Nicolas. Sumama ako kay Evan sa pamamahagi dahil wala naman akong rehearsal.
"Hindi pa. But, everyday seems like a honeymoon, anyway." Kumindat si Evan at ngumiti.
Natawa si Katarina. "But are you even planning to?"
"To travel and spend our honeymoon somewhere? Oo naman," sagot ni Evan.
Napansin kong nagsimula nang mag-serve ng food. May sinabi si Paul kay Evan na katabi niya sa kabilang side kaya naputol ang kuwentuhan with Katarina. Hanggang sa sina Paul, Francis, at Evan na ang nag-uusap-usap.
Hindi naman ako maka-relate sa pinag-uusapan nila kasi puro throwback sa mga pinag-aralan nila sa law school.
"So, where do you plan to spend your time together?" biglang tanong sa akin ni Katarina. Siguro napansin niyang medyo napapatulala ako kasi wala namang akong makausap, sakto namang katabi ko lang siya.
"H-ha?" medyo nagulat pang reaction ko at sinagot ko siya, "Ah, sa Batanes sana."
"New Zealand is awesome," sabi ni Katarina pero hindi ako sure kung ako pa ba ang kausap niya kasi bumaling siya kay Sheena na nakaupo naman sa tapat ko. "I've been there last year."
"Oh, I also would want to go there. Last year din sana," sagot naman ni Sheena. "But a friend of mine invited me to a Caribbean cruise so I tried the cruise first."
"And who's this friend naman?" nang-iintrigang tanong ni Katarina.
Mukhang wala naman yata silang balak na isali ako sa usapan nila dahil silang dalawa na lang ang nagkuwentuhan ng mga travel nila abroad. Nag-focus na lang ako sa pagkain.
"Love, try this one. It's their specialty here." Nilagyan ni Evan ng pasta ang plato ko.
"Talaga?" Ang pagkakasabi ko noon, natuwa ako hindi dahil in-offeran niya ako ng pagkain, kundi dahil alam naman pala niyang kasama niya ako. Akala ko nakalimutan niya na.
Pero after noon, nagkuwentuhan na naman silang tatlo ng mga bagay na hindi naman ako maka-relate. Mga artikulo, konstitusyon...juicecolored! Tina-try naman nila ako isama sa usapan nila at paminsan-minsan, ipinapaliwanag ni Evan sa akin kung tungkol saan ang ilang topics na pinag-uusapan nila, pero hindi ko naman ma-absorb kaya umo-oo o ngumingiti na lang ako.
Na-miss ko tuloy bigla ang mga kaibigan ko na kahit magdamag na kaming nagkukuwentuhan ay hindi kami nauubusan ng topics. Palibhasa, same wavelength kaming lahat.
Nagpaalam ako kay Evan na magre-restroom muna. Pero after ko sa restroom, dumiretso ako sa garden sa likod ng resto. Hindi naman siya kalakihang space, saktong may mga puno lang at benches kung saan puwedeng magpahangin. Maliwanag ang lugar dahil ilang vintage lamp posts din ang naroon.
Naupo ako sa isa sa mga benches at wala, tumunganga lang. Palipas-oras lang muna. Nakaka-OP kasi sa loob.
"Good evening, First Lady."
Nagulat pa ako nang may magsalita sa kabilang gilid ng bench na kinauupuan ko. Paglingon ko, iyong BF ni Katarina.
"Hi." Bumati ako.
"Puwede po maki-share ng seat?" tanong niya.
"Sure." Bet ko pa naman sana mapag-isa, pero alangan namang sabihin kong hindi puwede.
Umupo siya pero sinigurado niyang may tamang distansya sa pagitan namin. "Hindi ka pa babalik sa loob, Ma'am?"
"Ellie na lang," sabi ko na hindi sinagot ang tanong niya. "'Wag na Ma'am. Lalong 'wag nang First Lady. Nakakahiya, eh."
"Steve." Ngumiti siya at nag-offer ng handshake. "Don't worry, tadtad na ng alcohol 'yang kamay ko."
Natawa ako at tinanggap ko ang pakikipag-kamay niya. In fairness, guwapo rin itong boyfriend ni Katarina. Namumutok ang mga muscles sa braso. Mukhang gym buff.
"Dito muna 'ko," paliwanag niya kahit hindi naman ako nagtatanong. "'Di ako maka-relate sa mga usapan nila sa loob, mga pang-avocado, este, abogado."
Natawa naman ako, at naka-relate din, pero hindi ko sinabi na parehas kami ng feeling. Hindi na lang ako umimik.
"Ikaw, bakit ka nandito?" tanong niya.
"Wala naman. Tamang pahangin lang," sabi ko na lang. "Busog na busog din kasi ako, seryoso, kaya naglakad-lakad muna 'ko. Eh napagod, ito, upo muna bago bumalik sa loob."
Natawa siya. "Ako rin, eh. Sarap kasi no'ng food nila dito. 'Di ba 'yon 'yong owner ng resto, 'yong skinhead na guy?"
"Oo." Tumango ako. "Si Raf. Saka 'yong wife niya."
"Maitanong ko lang, nag-gi-gym ka?" tanong niya out-of-the-blue.
Mukhang mag-aalok pa yata ito maging instructor. "Hindi, eh. Tamang work-out lang sa bahay tapos warm-up bago kami mag-rehearsal."
"Rehearsal?" ulit niya.
"Ah, oo. Sumasayaw kasi ako," paliwanag ko.
"Talaga? May grupo ka?" interesadong tanong niya.
"Part ako ng Supreme All Stars," sagot ko.
"Ay, lodi naman pala," natutuwa niyang sabi. "Kaya pala parang pamilyar ka. May grupo din ako, dati. Pero nag-quit na ako, nag-focus na lang sa gym business ko."
Sinabi niya rin kung anong dance group siya nabibilang. "Nag-audition din ako dati diyan sa SAS, pero 'di pinalad, eh."
"Ako rin no'ng una. Pero nag-audition ako ulit," pagse-share ko.
Hanggang sa kung ano-ano na tungkol sa pagsayaw ang napag-usapan namin ni Steve. Sa kanya-kanya naming grupo, mga experiences sa career, at iba pa. Natigil lang kasi tumunog ang phone ko na nasa loob ng clutch bag ko. Nag-message pala si Evan.
Love? Where you at?
"Naku, Steve, babalik na 'ko sa loob. Si Evan 'tong nag-text, hinahanap na 'ko," paalam ko sa kanya.
"Sabay na rin ako," sabi naman niya.
Sabay na kaming tumayo mula sa bench at naglakad pabalik sa loob ng resto. Pero bago pa kami makarating sa loob, nasalubong na namin si Evan.
"Good evening, Mayor," pagbati ni Steve.
Tumango lang si Evan bilang sagot. Ang ngiti halatang napilitan pa. Kanina pa siguro ako hinahanap nito kaya na-badtrip na.
Inakbayan ako ni Evan pabalik sa loob ng resto habang nasa likod namin si Steve na nakasunod sa amin.
***
Tahimik lang si Evan habang nagda-drive. Hindi ko alam, baka antok na o pagod. Anong oras naman na rin kasi natapos ang birthday celebration, tapos ilang oras pa kaming magbi-biyahe pabalik ng San Nicolas.
Hinayaan ko lang muna siya. Tumanaw lang ako sa labas ng bintana ng sasakyan at nilibang ang sarili sa pagtingin sa mga Christmas lights ng mga bahay na nadadaanan namin. Kapag hindi pa rin ako kinibo nito, sa bahay ko na tatanungin.
At hindi niya nga talaga ako inimik sa buong biyahe. Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang akong malapit na kami sa San Nicolas pero hindi pa rin siya nagsasalita.
Pagdating namin sa bahay, ganoon pa rin siya. Ipinagbukas pa rin naman niya ako ng pinto ng sasakyan and all that gestures na madalas niyang ginagawa, pero ang weird talaga ng pagkatahimik niya.
Hindi na ako nakatiis, tinanong ko na siya, "Love? May problema ba?"
"Wala, love," cold niyang sagot.
Tumango ako. "Okay, pagod ka lang siguro. Pahinga na tayo."
Dumiretso na ako sa bathroom para mag-shower bago matulog. Pinapakiramdaman ko kung susunod siya, usually kasi, dahil sa kaharutan naming dalawa, nagsasabay na kaming maligo sa gabi at siyempre, alam na kung saan mauuwi iyon.
Aba, ngayon, walang Evan na sumunod sa akin. Wala nga siguro talaga sa mood.
Pagkatapos ko mag-shower ay nadaanan ko pa siyang nagtu-toothbrush. Tiningnan niya ako sa reflection ko sa salamin sa harap niya, pagkatapos ay bumalik na ulit sa ginagawa. Ako naman, lumakad na palabas ng bathroom.
***
Naramdaman kong yumakap sa akin si Evan. Nakatalikod kasi akong natulog sa kanya. Actually, hindi naman ako tulog talaga, tamang panggap lang.
"Love..." tawag niya sa akin.
Hindi ako nagpatinag. Bahala siya, mag-iinarte muna ako. Matapos niya akong deadma-deadmahin kanina. Maraming times na pagod din ako sa biyahe pa lang kapag may rehearsal ako dahil sa Manila pa iyon, pero never ko naman siyang s-in-ilent treatment katulad ng ginawa niya sa akin.
Naramdaman kong hinalikan niya ako sa pisngi at inayos ang mga strands ng buhok na tumatabon sa mukha ko, inipit niya iyon sa likod ng tainga ko.
"Sorry." Naramdaman ko pa ang mainit niyang paghinga sa batok ko. "I can't sleep knowing what I did to you."
Hindi pa rin ako gumalaw kahit ramdam ko ang pagsisisi sa tono ng pagsasalita niya. Isiniksik niya lalo ang sarili niya sa katawan ko, na para bang kapag hindi niya ginawa iyon ay makakawala ako.
"Goodnight, my wife." He planted a soft kiss on my shoulder. "Sleep tight. I love you."
Hinayaan ko lang siya. Kakausapin niya ako kung kailan "tulog" na ako. Maghintay siya hanggang bukas. Kung hindi siya makatulog, bahala siyang mapuyat.
Hanggang sa ang pagtutulug-tulugan ko ay nauwi sa totoong tulog.
Naalimpungatan ako ng mga alas-kuwatro ng madaling-araw. Call of nature. Kaso ang hirap bumangon para umihi dahil nakayakap na nga sa akin si Evan, naka-dantay pa.
Dahan-dahan kong inalis ang braso niya na nakapaikot sa akin para hindi siya magising, ganoon din ang binti niya. Nang tuluyan akong makawala, bumangon na ako at naglakad papuntang CR.
Paglabas ko ng restroom, nagulat pa ako nang makitang naka-abang na si Evan sa may pinto.
"Good morning, love," nakangiti niyang pagbati sa akin na halatang pupungas-pungas pa. Pero walang duda, kahit bagong gising ay napaka-guwapo niya talaga.
"'Morning. Magsi-CR ka rin?" tanong kong hindi ngumingiti.
Umiling siya. "Nawala ka sa tabi ko, eh."
"Ang weird mo." Napailing ako. "Kagabi lang, ayaw mo 'kong kausapin, ngayon naman, nag-restroom lang ako, nakabantay ka pa."
"Sorry, love," apologetic na sabi niya. Naglalakad na sana ako pabalik sa higaan pero pinigilan niya ako at niyakap mula sa tagiliran.
"So, ngayon wala ka nang sapi at sasabihin mo na kung bakit bigla ka na lang nag-mute mode kagabi?" tanong kong hindi tumitingin sa kanya.
"Bakit kasi ang tagal mong nawala?" nagtatampong balik-tanong niya sa akin.
"Nawala saan?" Nagtaka ako.
"Kagabi." Naramdaman ko na parang inaamoy niya ang buhok ko.
Bumuntong-hininga ako at lumingon sa kanya. "Sorry. Alam ko, ang paalam ko sa 'yo, magre-restroom lang ako. Kaso na-engganyo ako pumunta do'n sa garden sa likod no'ng resto. Nag-picture ng konti tapos nagpahangin do'n. Pasensiya na kung pinaghintay kita."
"With Katarina's boyfriend?" salubong ang kilay na tanong niya.
"Nagkita na lang kami do'n," depensa ko. Natigilan ako, nagsalubong din ang kilay at ngumiti ng alanganin. "Nagseselos ka ba?"
Iba ang isinagot niya, "Parang nag-enjoy ka kasi na kasama siya, nakalimutan mo nang nasa loob pa 'ko."
Gusto ko sana siyang sagutin na siya yata ang nakalimot na kasama niya ako, kaya nga na-OP ako at lumabas muna. Pero ayoko siyang sabayan sa sama ng loob niya kaya tinukso ko na lang siya, "Ay, nagseselos nga 'tong asawa ko."
Hindi siya sumagot at umiwas ng tingin sa akin.
Humarap na ako nang tuluyan sa kanya, hindi ko alam kung matatawa ako sa reaksiyon niya. "Totoong nagka-kuwentuhan kami. Eh kasi, dancer din siya, dati. May mga napag-usapan, siyempre, bilang nasa same industry kami. 'Yon lang 'yon. 'Wag ka na sanang magalit sa akin, love."
"Hindi ako galit. Hindi ko magagawang magalit sa 'yo kahit na kailan," seryoso niyang sabi.
Na-touch naman ako doon. "Pasensiya ka na, love. 'Di ko rin naisip na mararamdaman mo 'yan. Kasi may jowa din naman 'yong tao at kaibigan mo pa, tapos ako married na sa 'yo. Pero hindi ko naman puwede pangunahan o i-judge 'yang feelings mo, kaya sorry. At sana magtiwala ka rin sa akin."
"I trust you with all my heart," maagap na sabi niya. "I just don't know what's gotten into me seeing you in a happy conversation with that guy. Sorry."
"'Yaan mo, mas magiging mindful na ako sa susunod," sabi ko.
"No, no. Don't think I'm hindering you from talking to other guys. It's not that." Napa-iling siya. "I don't know how to explain. Oh, God."
"Gets ko na." Natatawang naaawa ako sa kanya kasi exasperated na ang hitsura niya.
"Please bear with me. It's new to me, love." Napayuko siya.
Niyakap ko na lang siya para hindi na siya ma-bother. "Naiintindihan ko. 'Wag mo nang guluhin 'yang isip mo. Basta, peace na tayo, ha."
Yumakap siya sa akin pabalik. "Thank you, my wife. I love you."
"I love you too."
***
"Good afternoon, Chief." Ako na ang naunang bumati sa guard ng munisipyo pagdating ko doon. Nagulat pa siya nang makita ako.
"Kay Mayor po ako," pabiro kong sabi.
Natawa siya. "Kayo ho talaga, Ma'am. Diretso na ho kayo."
Pagpasok ko sa loob ng munisipyo ay bumabati sa akin ang mga empleyado na nasasalubong ko. Ako naman, siyempre, naninibago sa ganito saka nakakailang din na ang formal nila masyado sa akin. Noong pasakay na ako ng elevator, pumila ako pero pinapauna nila ako. Ayoko sana pero mapilit sila, eh, sige, pag-trip-an ko nga.
Pagpasok ko ng elevator, doon ako pumuwesto sa tapat ng buttons, kaya lahat ng pumapasok, tinatanong ko ng, "Anong floor po kayo?"
"Mayora, ako na po," sabi ng isang lalaking employee na sumakay.
"Chill. Ako ang bagong elevator girl dito," biro ko sa kanila kaya nagkatawanan.
"Mas maganda po pala kayo sa personal, Ma'am," may nag-comment na isa sa kanila. "Nakita ko kayo no'n sa Facebook, no'ng kasal niyo po ni Mayor."
"Dahil diyan, may additional Christmas bonus po kayo. Ilalakad natin kay Mayor, 'yan. Saang department ka po saka anong pangalan?" sagot ko naman kaya lalo silang nagtawanan.
Lahat pala kami sa third floor ang punta. Doon din ako dahil nasa floor na iyon ang Mayor's Office. Pagdating ko sa opisina ni Evan ay si Janice ang bumungad sa akin. Staff siya doon at nakilala ko na rin siya noong nag-ninong si Evan sa anak niya na bininyagan noong isang linggo at sumama ako.
"Good afternoon po," nakangiti niyang bati sa akin.
"Good afternoon. Nandiyan ba?" alanganin kong tanong. Ang style kasi ng Mayor's office, pagpasok ng bisita, may receiving area sa right side, at sa left side ay tables at working area ng staff. Then, may isa pang room na doon mismo nag-o-office si Evan. Kapag sarado ang pinto ng room na iyon, either nasa labas si Evan o may ka-meeting sa loob.
"Nandiyan, Ma'am, pero may bisita po," sagot ni Janice sa akin sabay dugtong sa mahinang boses, "Si Ma'am Ingrid. Kababata daw ni Mayor 'yon, eh. Bumisita po."
"Ah, gano'n ba. Eh, hintayin ko na lang sila matapos mag-usap." Ngumiti ako. "Okay lang. Hindi naman din alam ni Evan na pupunta ako."
"Hindi Ma'am, sige lang po, pasok po kayo." Sinamahan pa ako ni Janice papunta sa pintuan.
"Babe, bakit naman kasi nagpakasal ka agad? You didn't wait for me."
Babe?
Nagkatinginan kami ni Janice nang marinig ang boses ng babaeng nagsalita mula sa loob ng opisina ni Evan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top