TWENTY

"Nakakuha kami ng idea do'n sa ginawa niyo ni Lyre," sabi sa akin ni Evan isang gabi na magka-video call kami. As usual, late na iyon pero wala pa rin siya sa bahay.

"Inuuna kasi ng national government na mabigyan ng social amelioration 'yong mga highly affected areas katulad diyan sa Manila. Might as well magbigay na rin muna kami ng cash assistance for the meantime from the LGU funds," dugtong niya.

Ito ang isa sa mga ugali rin na hinahangaan ko kay Evan. Lagi siyang inclusive. Never ko siyang narinig na sinabing "project ko 'to, ginawa ko 'to, ako naka-isip nito." Nagre-refer siya lagi as "kami", o "ako kasama ni ganito o ganyan".

"Hala, kami nga ni Lyre 'yong nakakuha ng idea sa inyo kakapanood namin ng FB live updates mo. Ang bongga naman kasi ng mga bigayan niyo diyan. After no'ng pa-bigas at pa-gulay, aba, may pa-whole chicken, pa-cold cuts, at pa-isang tray ng itlog ka pa, Mayor. Lahat naman talaga mapapa-"sana all" sa 'yo, eh," proud na sabi ko naman.

Napatawa siya ng malakas.

"It's the people's money, ibinabalik ko lang." Ngumiti siya. "Isa pa, gobyerno ang nag-utos sa mga tao na huminto muna sa paghahanap-buhay at mag-stay sa bahay, so dapat gobyerno rin ang gumawa ng paraan para suportahan 'yong day-to-day living ng mga tao."

"'Galing talaga, eh. Tapos ngayon balak mo pa magpa-cash. Eh, ikaw na talaga," biro ko kaya natawa siya lalo.

Sumeryoso ako pagkatapos. "Pero alam mo, love, sobrang proud ako sa 'yo. Totoo 'yon. Kahit hindi mga taga-San Nicolas kilala ka na, eh. Saka ilang beses ka na nafi-feature sa news. Siyempre, napanood ko lahat 'yon. Hindi tuloy maiwasan na mai-compare ka sa ibang Mayors."

"Which I feel uncomfortable about." Nagkibit-balikat siya. "I believe, leaders are doing their best to address all concerns. It's just that resources vary in each area, population count is also a factor as well as logistical concerns."

Napatingin ako sa TV nang makita ko si Evan doon. Nakabukas lang kasi iyon habang nag-uusap kami. Featured na naman siya, sa isang late night news naman.

"Nasa balita ka na naman!" Nagulat pa ako.

"Ano'ng channel 'yan?" tanong niya.

Sinabi ko ang pangalan ng news program at kung saang channel iyon.

"Ah, oo, in-interview nga nila ako via Zoom kahapon." Parang noon lang niya na-recall sa dami ng ginagawa niya. "Maigsi lang 'yan."

"After daw ng commercial break. Nakakatawa 'yong headline, eh. Kung single ka pa daw ba," natatawang sabi ko.

Natawa din siya. "Tinanong nga 'yan kahapon."

"Anong sagot mo?" tanong ko naman.

"Panoorin mo, love," tatawa-tawa niyang sagot.

"Whew. 'Kinahiya mo yata ako, eh." panunukso ko.

Pero kinabahan ako ng slight. Baka sinabi niya ngang single siya to protect his bachelor image. Praning lang ako, ang trabaho ko kasi, medyo close to showbiz peeps kaya alam kong may ilang personalities na sinasabing single sila pero may non-showbiz palang ka-relasyon.

Pero hindi naman showbiz person si Evan. Saka bakit ko ba inuunahan ang interview?

Natapos na ang mga ads at nag-resume ang news.

"'Yan na. Gusto mo ba tingnan?" tanong ko.

Sumagot lang siya ng "sige" habang napapangiti. In-adjust ko ang phone ko para ang screen ng TV ang makita niya.

"Matunog ngayon sa social media ang alkalde ng bayan ng San Nicolas na si Mayor Evan Montealegre." Intro pa lang iyon ng news anchor pero naririnig ko na ang slight na pagtawa ni Evan.

"Natatawa ka diyan," puna ko pero natatawa din ako.

"Ganito pala 'yong pakiramdam na panoorin ang sarili. Awkward," sagot niya.

"First time mo ba ma-interview sa TV?" tanong ko.

"Hindi naman. Pero 'di ko rin pinapanood. May awkward feeling sa akin, eh. I don't know," paliwanag niya.

Dahil sa Zoom app ginawa ang interview, divided ang screen ng TV into two. Cam ng reporter, saka cam ni Evan.

"So, anong masasabi niyo po, Mayor, na maraming tao ang humahanga sa inyo ngayon sa social media, particularly sa mga ginagawa niyo po para sa inyong mga constituents?" tanong ng reporter.

"Actually, hindi ko po alam," nakangiti niyang sagot. "Sa akin po kasi, ginagawa ko lang naman po ang trabaho ko. Siguro po, salamat. Maraming salamat po sa mga nakaka-appreciate."

Nagpatuloy ang palitan ng tanong at sagot ni Evan at ng reporter. Tungkol sa mga projects ngayong pandemic at iba pang mga bagay na ginagawa niya para sa San Nicolas. Hanggang sa nag-shift na ng topic ang reporter.

"Since naging trending po kayo sa social media, marami rin ang naging interesadong malaman, kung kayo po, Mayor Montealegre, ay single pa."

Natawa si Evan. "Well, technically I'm single..." Natigilan ako at napatitig sa screen. "...because I'm not yet married."

"But if we may ask, may girlfriend po?" pahabol na tanong ng reporter.

Ngumiti muna si Evan bago sumagot, "Yes. I have a girlfriend."

"Naku, marami sigurong na-heartbroken ngayong gabi," biro ng reporter.

Natawa si Evan. "H-ha? Hindi naman po siguro." Medyo na-awkward siya doon, pero ang cute!

Natawa rin ang reporter sa expression niya bago sumeryoso ulit. "Mayor, maraming salamat po sa pagpapa-unlak niyo sa amin. Stay safe po."

"Thank you," nakangiting sagot ni Evan. At doon na natapos ang interview.

Yes. I have a girlfriend.

Nakahinga ako nang maluwag. Hindi ko kasi alam kung anong magiging pakiramdam ko kung sakaling i-deny niya ako. Baka first time naming mag-aaway iyon. Sasama talaga ang loob ko.

"Love..." Narinig kong nagsalita si Evan mula sa hawak kong phone.

"Ah, oo nga." Nalimutan ko palang ibalik ang cam sa selfie mode kaya ang TV pa rin ang nakikita niya sa end niya. In-adjust ko.

"There," nakangiting sabi niya pagkakita niya ulit sa mukha ko sa screen. "How did you even think that I'm going to deny our relationship?"

"Eh, sorry na." Nag-peace sign ako. "Praning lang minsan."

Sumeryoso ang mukha niya. "I'm proud of you, and I'm proud to have you, Ellie. I hope you bear that on your mind, always."

Napangiti ako. "Thank you, love. Sorry, minsan may mga insecurities lang talaga. Alam ko, nasabi ko na sa 'yo noon kung saan nanggagaling 'to."

"We're just the same," sagot naman niya. "It's just human to feel those things. But we'll work our way through it together."

Napatango ako nang ilang ulit. "Oo, love. Maraming salamat."

***

Nagluto kami ni Lyre para makapagbigay ng konting food sa mga frontliners na sundalo at pulis sa checkpoint na hindi naman kalayuan sa condo namin, mula pa rin sa naipon naming funds sa aming fundraising project. Nakapag-secure si Lyre ng pass for volunteer work sa barangay na nakakasakop sa condo namin kaya makakasama ko siyang lumabas ngayon.

"Okay naman siguro 'yong luto natin, 'no?" tanong ko kay Lyre habang naglalakad kami papunta sa chekpoint, tag-isa kami ng dalang eco bag na may lamang tag-fifteen pieces na food packs.

"Oo, pang-tao naman siguro," sagot ni Lyre.

Natawa ako. "Alam mo naman, tamang tantiyahan lang tayo ng mga sangkap."

"At tamang hula kung luto na." Tatawa-tawa rin si Lyre. "Pero seryoso, masarap naman no'ng tinikman natin kanina."

"Sana nga." Napangiti na lang din ako.

Pagdating namin sa checkpoint, lumapit kami sa isang lalaking naka-fatigue uniform na nakatayo sa isang gilid at mukhang naka-break. Hindi na namin inabala ang mga mismong nagka-conduct ng inspection na naka-suot din ng katulad niyang uniform.

"Excuse me, Sir, magandang umaga po. May dala po sana kaming konting food, para sa inyo po."

Narinig ng dalawa pang lalaki sa hindi kalayuan ang sinabi ko kaya lumapit din sila. Hanggang sa in-assist na kami ng tatlong officer sa mga dala namin.

"Maraming salamat po sa inyo, Ma'am," masayang sabi ng isa sa kanila. Kita namin sa kanila ang kaligayahan sa maliit na bagay na dala namin kahit natatakpan ng face mask ang mga mukha nila at tanging mata lang ang nakikita.

Pagkatapos noon, magpapaalam na sana kami ni Lyre nang may isang babae, na kasamahan din nila ang nakakilala sa akin, kahit naka-face mask na ako, "Ma'am, kayo ho 'to, 'di ba?"

Ipinakita niya sa akin ang phone niya. Article iyon ng isang showbiz Facebook page, naroon ang mukha namin ni Evan.

Actually, iyon ang current profile picture ni Evan sa personal FB account niya, at nagkataon naman na ang suot niyang shirt sa picture na iyon ay suot ko ngayon mismo. Campaign shirt ito ni Evan noong last election na in-arbor ko sa kanya. Na-astigan lang ako kasi simple lang kaya hiningi ko na lang. Navy blue ang kulay, at sa right side ng chest part, naka-print ang last name niya in white typewriter font.

"Get to know the girlfriend of the handsome San Nicolas Mayor," binasa ni Lyre 'yung headline.

Bago pa ako makapagsalita ay sunod-sunod na silang nag-komento na napapanood nila si Evan, magaling daw, mukha daw mabait, maka-tao, at madami pang magagandang adjectives. Siyempre, bilang jowa, proud na proud naman ako.

Pero napapa-isip ako doon sa post kasi ganoon pala iyon, puwede pala silang magsulat ng isang article tungkol sa akin na hindi humihingi ng permiso mula sa akin mismo. Siguro, mga basic lang naman kasi ang nakalagay, baka mga pictures lang iyon na galing din sa FB ko. Basahin ko nga mamaya sa bahay.

***

Marami pa palang mga article na may same content ang nasa iba pang mga FB pages. Mukhang naglabasan ito noong umamin si Evan on national TV na may girlfriend na siya.

Sabog na naman ang notification ko, kasi, ang mga nakakakilala sa akin, itina-tag din nila sa akin ang mga articles. Nakalagay nga doon na member ako ng Supreme All Stars, at minsan na ring nag-viral dahil sa pagtulong ko kay Tatay Berting, mga info na base lang din sa mga naka-public na posts sa wall ko.

Nag-try akong magbasa ng comments. Majority ng comments ay good vibes naman.

Parehas matulungin at may puso sa maliliit na tao. Perfect couple. God bless po sa inyo!

Crush ko pa naman to si mayor pero may jowa na pla. Magsama kayo! Chos! More power! Sige n te iyo na ang korona!

Si ate to na nag-viral dati! Yung tumulong dun sa matandang naholdap.

Pero may pailan-ilan talagang negatibo.

Sobrang bata nung babae. Pera pera lang talaga e.

Nakadale ng mayor. Iba sayaw ginagawa neto.

Da who mga to? Wala kame pake.

Sinilip ko ang profile ng mga nag-comment ng ganoon, mukhang mga dummy accounts naman. Pero masakit pa rin sa dibdib ng very slight.

"Hindi naman talaga ako gano'ng klase ng babae katulad ng sinasabi ng iba dito," reklamo ko. "Marunong naman ako mag-hanapbuhay para sa sarili at sa pamilya ko. Napag-aral ko nga 'yong sarili ko at one point. Talaga naman dito sa social media, eh. Ang bilis mang-husga ng mga tao kahit 'di ka naman nila kilala."

"'Wag mo intindihin 'yang mga 'yan. Ikaw na nga mismo ang nagsabi na hindi ka naman nila kilala," sabi naman ni Lyre. "Kung gusto mo, 'wag ka na lang magbasa sa mga comment section para 'di mo na lang makita."

"Pero nakakatawa 'yong wala daw paki pero nag-comment pa." Itinabi ko na ang hawak kong phone at napabuntong-hininga ako.

"Never ko talaga naisip 'yong sa pera, eh. Basta alam ko lang, mahal ko si Evan." Tumingin ako kay Lyre.

Bumagsak ang mga balikat ko. "Pero ako 'to, hindi ko hawak 'yong isip ng ibang tao. Baka nga kaya medyo wary sa akin si Tita Vangie, 'yong mommy ni Evan. Baka tulad din ng mga nagco-comment na 'to, may duda din siya na financial advancement lang 'yong habol ko sa anak niya, o sa pamilya nila."

"Ellie, mas marami ka pang comment na maririnig o mababasa in the future na ganyan ang sinasabi. Baka nga may mga nakakasama ka rin sa araw-araw na ganyan ang iniisip tungkol sa 'yo. Real talk lang." Banayad na hinawakan ni Lyre ang isang balikat ko. "Siguro kailangan mo nang simulan na sanayin ang sarili mo na hindi maging apektado. Tutal, alam mo naman ang totoo, eh 'di deadma na lang."

"Tama ka, eh. Mahirap rin ipaliwanag ang sarili sa mga tao na sa simula pa lang, naka-buo na ng masamang conclusion tungkol sa akin," sang-ayon ko.

Nagpatuloy ako, "Pero siyempre, iba 'yong nanay ni Evan. Kailangan kong gumawa ng paraan para makapag-reach out sa kanya."

"Well, magkaiba tayo. Kung ako kasi sa posisyon mo, kung ayaw niya sa 'kin, eh 'di 'wag. Hindi naman siya 'yong karelasyon ko kundi 'yong anak niya." Nagkibit-balikat si Lyre.

Umiling ako. "Ayoko namang dumating sa point na maipit si Evan sa amin ng mama niya. Siyempre, mom niya 'yon at mahal niya 'yon, at sa paniwala ko, kapag mahal mo 'yong isang tao, pahahalagahan mo rin 'yong mga taong mahalaga sa kanya."

Tumanaw ako sa labas ng bintana. Actually, mas masakit pa pala maakusahan na gold digger kaysa sa makabasa ng mga comments ng mga kababihang may paghanga sa boyfriend ko.

Hindi maiiwasan kasi guwapo si Evan at malakas ang dating, sabay ang mga ginagawa pa niya nakahahanga talaga. Lahat na yata ay nabasa ko na mula sa "Ang pogi ni Mayor" hanggang sa pinakamalala na, "Pa-isa naman sa 'yo, Mayor!" na tinatawanan ko na lang. Okay lang naman sa akin.

Hindi naman siya nagre-react o nagre-reply sa mga not-so-wholesome na comments. Isa pa, may tiwala ako kay Evan. Masyado nang maraming nakaka-praning na nangyayari sa mundo para ma-praning pa sa maliliit na bagay tulad ng mga chicks na nagco-comment.

***

"Hindi pa rin kita mabibisita, love," sabi sa akin ni Evan habang magka-video chat kami, as usual. "GCQ na kami rito starting next week. Pero modified ECQ pa kayo diyan sa Manila."

"Oo nga, eh. Wala, mataas pa rin kasi 'yong bilang ng cases dito. Okay lang, love. Ang importante, safe tayo parehas, at mga loved ones natin." Inayos ko ang cellphone ko sa stand nito.

"Bakit 'yang hitsura mo parang hindi okay?" nakangiti niyang tanong sa akin. "Nanghahaba 'yang nguso mo, o. 'Pag ikaw, hinalikan ko..."

"Hoy! Wala 'kong headset! Marinig ka ni Lyre!" natatawang putol ko sa sinasabi niya.

Natawa din siya, at nag-open ng bagong topic, "Kumusta na pala 'yong project niyo?"

"Success kami, love! Na-distribute na namin 'yong sixty thousand sa fifty na tao. 'Yong iba, mga kasamahan din namin sa industry, 'yong iba mga napili lang din namin ni Lyre na mga nakaka-inspire, kasi nagre-request sila hindi para sa sarili nila kundi para sa ibang tao rin na alam nilang mas may need," masayang kuwento ko. "'Yong natira sa fund, nagbigay naman kaming food sa mga frontliners dito sa area."

"That's good to know, love. I'm very proud of you and what you do." Ngumiti siya.

Hindi ko alam kung saan kikiligin. Sa sinabi niya, sa ngiti niya, o parehas.

Hindi ko alam kung anong sasabihin bukod sa magpasalamat, kaya nagtanong na lang ako, "Medyo mapapahinga na rin siguro kayo 'no? Kasi GCQ na kayo. Unti-unti na magbubukas mga businesses and makakabalik sa work ang mga tao."

"Hmmm...not really," sagot niyang napapa-isip. "Hindi pa rin puwede magpakampante. Also, if the education department will push through with the online classes, we'll be providing gadgets for the students."

"Lahat ng estudyante?" gulat na tanong ko.

"Yup." Tumango siya. "We understand the predicament that not every household could provide learning gadgets for their kids, so that's the plan, plus an affordable internet connection. We'll be talking about the details soon, and make sure no one is left behind."

"Saludo na talaga 'ko sa 'yo," nabibilib na sabi ko. "Kaya gusto ka na rin hiramin ng ibang lugar, eh."

Natawa siya. "Puwede naman mag-kopyahan ng ideas if it's for the good of everyone. We actually copied you and Lyre's."

Napangiti ako. "'Yaan mo, kapag may naisip ako na puwede makatulong, ise-share ko din sa 'yo."

"Thank you, love," seryosong sabi niya. "Thank you for believing in me, and for understanding, and caring...sa lahat na."

"Sorry din, mas lumala pa 'tong pagka-LDR natin. 'Yong dating once and twice a week na pagkikita natin, ngayon, none at all. Thank you to technology, though, but it doesn't change the fact that I miss you. I miss you every single time that you're away from me."

Damang-dama ko ang sincerity sa mga sinabi niya. Parang gusto ko tuloy maluha. Sobrang miss ko na rin siya.

"Ganyan na ganyan din 'yong nararamdaman ko, eh." Naghahalo ang lungkot at saya sa puso ko.
Malungkot kasi ganito nga ang sitwasyon namin, pero masayang  malaman na parehas kami ng nararamdaman.

"By the way, ano bang ibig sabihin ng "pa-mine" kapag nagse-sell ka ng items online?" tanong niya out-of-nowhere. "Nakikita ko kasi 'yon no'ng nagbenta kayo ng mga pre-loved items ni Lyre para sa project niyo."

"Ah, ibig sabihin no'n, parang, kunin or bilhin niyo na. 'Yong word na "mine" ang need i-comment ni buyer sa pic ng item or sa live selling kung bibilhin niya talaga, as in sure na kukunin niya 'yong items," paliwanag ko.

Tumango-tango siya. "I see."

"Bakit?" tanong kong nagtataka.

"Wala naman. Na-curious lang ako," nakangiti niyang sagot.

Magsasalita sana ako pero nagsalita ulit siya, this time seryoso na ulit ang mukha niya at dama ko talagang nakatitig siya nang matiim sa akin kahit through video call lang ang pag-uusap namin.

"Being apart doesn't seem so right anymore. But, I know a way for us to be together."

"Bawal pa nga magtravel-travel!" Pabiro, pero sinaway ko siya kung iyon man ang binabalak niyang gawin para magkasama kami. "'Wag kang pasaway, Mayor."

Natawa lang siya. Pero hindi niya kinontra o sinang-ayunan ang sinabi ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top