THIRTEEN
"Ready?" tanong sa akin ni Evan.
"Oo," sagot ko naman. "Tara."
Nagsimula si Evan na mag-drive. Akala ko kagabi, babalik din siya ng San Nicolas after namin kumain kina Konsi. Iyon pala, naka-check-in siya sa isang hotel na hindi kalayuan sa condo namin. Doon siya nagpalipas ng gabi, at ngayong umaga, pabalik na siya ng San Nicolas. Ako naman, talagang pauwi sa amin para makapag-celebrate ng birthday kasama naman ang pamilya ko. Dahil unang madadaanan ang San Pascual, nagsabi siya na ihahatid niya ako sa bahay namin doon.
"Evan, wait lang, sorry. Puwede paki-hinto do'n?" Itinuro ko ang matandang babae na naglalako ng mga basahan sa hindi kalayuan. "Bibili lang ako."
"No problem." Ngumiti siya.
Pagdating namin sa tapat ng matanda ay binuksan ko ang pinto ng sasakyan sa gilid ko. "Magandang araw, 'nay. Magkano po sa basahan na ganyan?
"Sampung piso ang isa, 'ne." Napansin kong paos ang boses niya, iyong tipo ng paos dulot ng katandaan. Baka mga 70s na ito si nanay.
"Bibilhin ko na po lahat ng natira mo diyan, 'nay." Nag-abot ako sa kanya ng Five Hundred Pesos.
Nakita kong tuwang-tuwa si nanay. Siguro dahil maaga siyang makakapahinga ngayong araw dahil naubos agad ang tinda niya. Nasa 15 pieces na basahan pa ang iniabot niya sa akin. Dumukot siya sa dala niyang maliit na sling bag para suklian ako pero tinanggihan ko. "'Wag niyo na po 'ko suklian."
"Ay..."
Magsasalita pa sana siya pero inagapan ko na para hindi na makatanggi. "Okay na po 'yon, 'nay. Next time po ulit."
"Salamat." Tumingin siya sa akin, tapos ay kay Evan. "Maraming salamat sa inyo."
"Wala pong anuman." Ngumiti ako bago isara ang pinto. Nakita ko si nanay na lumakad na papunta doon sa footbridge para siguro tumawid doon sa kabilang side.
Nagsimulang mag-drive ulit si Evan. "Binili mo lahat kasi naawa ka kay nanay, 'no?"
"Oo, eh. Kahit hindi ko sure kung anong gagawin ko dito." Bahagya akong natawa. "Gusto mo ba? Panlinis nitong sasakyan mo. Pero hindi, eh. Baka magasgasan pa."
"Alam ko ganyan din 'yong ginagamit ni Drew, eh. It's okay, leave some to me if you want," sabi naman niya.
Tumango ako. "Sige. 'Yong iba naman iuuwi ko sa 'min. Naawa lang ako, kasi naman ang jonda na ni nanay tapos naglalako pa. Buti kung may isang puwesto lang siya na pirmi lang siya do'n, hindi 'yong naglalakad siya sa initan."
"Tama nga 'yong sinabi no'ng nag-post tungkol sa 'yo na nag-viral." Saglit siyang tumingin sa akin bago tumingin naman ulit sa dinadaanan namin.
"Alin 'yon?" Kumunot ang noo ko.
"Angel on earth." Nakita kong ngumiti siya.
Natawa ako. "Grabe ngang description 'yon. Parang papunta na sa pagka-santa, eh. Hindi naman gano'n, sakto lang. Mahirap masyadong mabait, baka kunin agad ni Lord."
Natawa rin siya, saka sumeryoso. "Anong mga hobbies mo o hilig during your childhoood days?"
"Ha?" Medyo nagulat pa ako doon sa tanong kasi out-of-topic, pero sinagot ko pa rin, "Sumayaw talaga, eh. Ginagaya ko pa no'n 'yong mga dancers sa mga noontime show, 'yong may dalang mga pa-premyo o kaya cheke na malalaki tapos tamang kendeng lang, gano'n. Nanonood ka ba ng mga gano'n?"
"Sometimes I get to watch them when I was younger. Sina yaya kasi mga ganyan ang pinapanood noon like the contestant would guess if ano 'yong laman ng box o bayong ba 'yon?"
Wala namang yabang ang pagkakasabi niya, kaswal lang na nagku-kuwento. Pero parang damang-dama ko ang kahirapan ko.
"So, you're into dancing ever since you we're young?" tanong pa niya.
"Oo. No'ng bata nga ako, laman ako ng mga showdown sa kalye. Alam mo 'yong gagawa kayo ng isang bilog, tapos sa gitna 'yong dalawang nagsho-showdown. So, palupitan ng split, pabangisan ng steps, palambutan ng katawan. Parang mga bulateng inasinan, eh."
Narinig kong natawa si Evan kaya siya naman ang tinanong ko, "Ikaw ba? Ano mga trip mo no'ng bata ka?"
"Ahmm...nood lang ng cartoons, Play Station, Game Boy," sagot niya. "'Pag sawa na, reading naman."
"Hindi ka naglalaro sa labas ng bahay?" tanong ko.
"Hindi, eh. Ang labas ng bahay sa 'min no'n, 'yong pool area. Then mga kapatid ko lang ang kalaro ko. Pero mas madalas akong nag-iisa," kuwento niya.
"Ang taray no'ng may pa-pool area. RK talaga," biro ko.
"Anong RK?" tanong niya.
Hindi niya rin pala alam iyonn. Mukhang marami-raming millennial terms na kailangang maituro ko dito kay Evan. "RK. Rich kid."
Natawa siya. "Hindi naman. Katulad nga ng sabi mo kanina, sakto lang."
"Sabi mo, eh," sabi ko na lang sa kanya kaya napangiti siya. "Kami mahirap lang talaga. Tipikal na ordinaryong pamilyang , gano'n. Si Nanay, mananahi, tapos si Tatay naman, messenger sa isang printing press company. Kaming magkakapatid, sa public school nag-aaral. 'Yon talaga 'yong totoong sakto lang, minsan nga kulang pa, eh. Pero nakaka-survive naman."
"Kaya generous ka. Kasi alam mo 'yong pakiramdam ng kulang," sabi naman niya.
"Baka nga." Nagkibit-balikat ako. "Pero actually, 'di ko masyadong ramdam 'yon no'ng bata ako, eh. Kumbaga, sanay naman kung anong me'ron. Pero no'ng nag-college, 'yon na, do'n na 'ko sinubok ni mare mong life. 'Kala ko nga 'di na 'ko makakatapos ng pag-aaral."
"Bakit naman?" tanong niya.
"Kasi, kalagitnaan ng third year ko, biglang nagpakasal si Kuya. Kasi buntis na no'n si Ate Alyssa, 'yong asawa niya ngayon. Eh, siya kasi 'yong nagpapa-aral sa 'kin. 'Yong ate ko naman, job hunting pa lang no'n, kaga-graduate lang," kuwento ko. "Nahihiya kasi ako na magkaka-anak na sila tapos paaaralin pa niya 'ko, kaya t-in-ry ko talaga makakuha ng part time job no'n para lang makapagpatuloy. Tapos, 'yon, natanggap ako do'n sa pole dance studio kung sa'n ako nagpa-part time ngayon. Pero 'di pa 'ko nagtuturo no'n, ah. Bale receptionist ako do'n".
"Tapos nakikita ko 'yung mga dancer do'n, ang gagaling nila! Ang fe-flexible ng katawan! Do'n ako nagka-interes sa pole dance. Kapag free time, ginagaya-gaya ko lang mga steps nila. Hanggang sa t-in-rain na rin ako ni Ms. Nicole, 'yong may-ari. Kaya malaki ang utang na loob ko sa studio na 'yon, at kaya hindi ko rin sila iniwan kahit natanggap na 'ko sa All Stars." Hanggang ngayon naaalala ko pa kung paano ako napapanganga sa ginagawa ng mga pole dancer noon.
Napatango-tango siya. "At least, all your hardwork paid off."
"Oo. Pero 'di ko rin magagawa 'yon kung wala 'yung mga tumulong sa 'kin. Lalo 'yong mga panahon na hindi ko mapag-abot-abot 'yong mga gastos sa school, bayad sa dorm, daily meals. 'Yong ibang kaibigan ko, kapag may mga konting babayaran sa school, nililibre na 'ko. Si Patti, kasama ko 'yan sa dorm, shine-share niya sa 'kin 'yong mga stock niyang pagkain. Kahit pare-parehas lang naman kaming nag-i-struggle." Napa-kuwento na talaga ako.
"Kahit 'yon si Konsi, 'yong kinainan natin kagabi, nililibre kami sa pagkain no'n samantalang ang liit pa lang no'ng eatery nila no'n. Kaya nga natuwa ako no'ng nakita ko kagabi na ang ganda na no'ng puwesto nila. Umasenso na talaga sila compared do'n sa dati," pagbibida ko pa.
"I see. Kaya pala close kayo sa kanya. Though, I'm curious kung bakit "Konsi" ang tawag niyo sa kanya." Inihinto ni Evan ang sasakyan dahil naka-red ang stoplight.
"Ah, dati kasing tumakbong konsehal 'yon. Pero 'di nanalo Sabi nga namin sa kanya, baka 'di lang talaga para sa kanya 'yon. Kung ang hinahangad niya eh, makatulong, sa totoo lang, marami siyang estudyanteng natutulungan sa maliit niyang paraan, hindi lang kami. 'Yon naman ang mahalaga, 'di ba? Ang pagtulong naman wala sa laki o sa liit 'yan kundi sa totoong intention mo."
"You're inspirational." Lumingon siya sa akin. "Lalo mo akong pinahahanga."
"H-ha?" Na-caught off-guard ako. Pabigla-bigla naman kasi 'to si Evan! Juicecolored. Napasandal talaga ako sa kinauupuan ko sa pinagsamang gulat at kilig. Paulit-ulit sa isip ko iyong "Lalo mo akong pinahahanga." Hindi na tuloy ako naka-imik.
Napansin kong nagpalinga-linga siya. "Dito na pala 'yong area kung saan ako na-traffic kahapon papunta sa 'yo."
Nakitingin din ako. May hinuhukay nga sa isang side ng kalsada at medyo mahaba ang part ng kalsada na sakop noon. Nakita ko ang isang malaking tarpaulin sa bungad ng excavation area na nakasabit sa isang improvised na stand gawa sa kahoy. Binasa ko ang nakasulat, "Drainage repair? Okay naman 'tong lugar na 'to, ah. Hindi nga bumabaha dito, eh."
"Baka sa ibang lugar na naka-connect sa drainage dito ang problema," sabi naman ni Evan.
"Maniwala ka sa mga politikong 'yan. Kahit wala naman talagang sira, binabakbak 'yong mga kalsada, masabi lang na may ginagawa." Badtrip na itinuro ko ang trapaulin. "Tingnan mo nga 'yan, mas malaki pa 'yong mukha at pangalan no'ng Congressman ke'sa sa detalye ng pinapagawa."
Natawa si Evan. "Basta, hindi kami ganyan sa San Nicolas."
Natigilan ako. Napalingon ako sa kanya na mabilis ko ring binawi, napakagat ako sa lower lip ko. Me and my big mouth. Ang lakas ko mag-generalize ng mga politiko, nawala sa isip ko na Mayor nga pala si Evan. Mayor.
Napahawak ako sa ulo ko at alanganing tumingin sa kanya. "S-sorry..."
"Hey, it's okay," maagap na sabi niya, nakangiti. "Katulad mo rin akong pagod na sa makaluma at maling sistema. Maraming Pilipino ang nakararamdam niyan, hindi lang ikaw."
Napatango-tango ako. Buti na lang hindi siya na-offend.
Nagtanong ako, "Sa palagay mo, may pag-asa pa ba ang Pilipinas?"
"Oo naman," mabilis niyang sagot.
"Pero ang daming problema, eh. Saan ba dapat magsimula?" tanong ko ulit.
"Eliminating corruption. Because of corruption, people were deprived of even the basic services and facilities," diretsong sagot niya.
"Poverty is there, it's not something we can eradicate, and I admit that. Politicians lie when they promise that. But poverty can be alleviated if funds were properly allocated. Puwedeng mahirap ang buhay, but when someone got sick, healthcare is accessible. They can send their kids to school without worrying about the fees. They have decent livelihood to provide the needs of their families. A lot of things na hindi na nila kailangang problemahin pa because the government provides it," pagpapatuloy niya.
Nakikinig lang ako sa kanya. He always talks with sense. Isa ito sa mga bagay na gusto ko sa kanya.
"The culture of corruption has long been tolerated na kapag may mga public servants na napapabalitang nagta-trabaho ng matino, parang bilib na bilib ang mga tao, when in fact, it's supposed to be just normal. 'Yon naman talaga ang dapat naming ginagawa."
Iba ang tama sa akin ng sinabi niyang iyon.
"I don't usually share this to anyone outside of work, but on my first term, nagulat ako kasi gano'n pala katalamak 'yong red tape sa munisipyo, seriously. Fixers, bribery, pati 'yong pagta-time-in sa work pero 'di naman talaga magre-report for duty kundi pupunta sa ibang lugar, then babalik na lang para mag-time-out." Napa-iling siya.
"You know, corruption is not just in the form of money. When you use your power to abuse or threaten people, that's corruption. When you use the government's resources for your personal gain, that's corruption. When you clock-in for work but you're not in the workplace, it's corruption. 'Yong huli, maliit na bagay kung titignan, but if they have been doing that for the longest time, imagine the wasted salaries, which, are being paid to them from the taxpayers' money. Kung sa maliit na bagay, hindi na sila honest, what more sa mas malaking bagay."
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagda-drive siya at nagsasalita. "So I called on San Nicolas people to help us out, kasi hindi ko kaya na ako lang mag-isa, o kung iilan lang kami. Doon lang din naglakas-loob ang mga tao to report or complain. Naging open sila sa amin sa pagdulog ng mga concerns nila."
"Kasi may tiwala sila sa 'yo na pakikinggan mo sila, at naniniwala sila sa pagbabago na ipinangako mo," sabi ko naman.
"Kaya hangga't may mga tao na naniniwala sa pagbabago, at gumagawa ng mga hakbang patungo sa pag-unlad, hindi mamamatay ang pag-asa ng bansa." Ngumiti siya. "And that, is the answer to your question."
"Lakas maka-beauty contest ng sagutan. Nagta-transform ka pala kapag 'yan ang usapan," biro ko para lang ma-lighten up ang ambiance. Medyo naging seryoso na kasi ang takbo ng usapan namin.
Natawa sya. "Paanong nagta-transform?"
"Iba, eh. Seryoso saka medyo may gigil," komento ko.
Natawa na naman siya. "Sorry. I just take governance topics very seriously, kaya may gigil siguro."
Napatingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Nakalagpas na pala kami doon sa ginagawang drainage kaya tuloy-tuloy na ang pag-andar ng van. Habang nakatanaw lang ako sa labas, ewan ko ba kung bakit bigla kong naisipang tanungin na naman siya, "Hindi ba sumasakit ang ulo mo o nape-pressure sa dami ng problemang nasa balikat mo?
"There is pressure, aminado ako. On my first term, the incumbent left me with nothing but debts and I have to start with scratch. But, you know, I can't reason that out to the constituents. Double time talaga kami no'n. Alam mo 'yong pinaka-na-devastate ako, no'ng nalaman ko na that there are kids who need to cross the river or to trek mountains just to get to school." Nakita ko ang frustration sa mukha niya.
"How come na hindi nalaman 'yon ng mga previous leaders? I mean, not just the Mayor but the councilors and congressmen on those districts? Even just a decent bridge to cross to the other side of the river, wala rin. They must have confined themselves to the four corners of their office in the municipal hall kaya hindi nila nakita 'yon." Pati boses niya ngayon ay may bakas na ng inis.
"Siyempre mas masarap sa opisina," biro ko. "Airconditioned, tapos tamang chill ka lang. Tamang patimpla ng kape, ganern. 'Pag ayaw mo tumanggap ng appointment, ikaw ang masusunod."
Natawa siya. "Pero 'di dapat gano'n, eh. Kapag kampanya nga pati kasuluksulukan ng lugar, nararating namin para lang suyuin 'yong mga tao na iboto kami, tapos kapag nasa puwesto na, ni hindi na maihakbang ang mga paa palabas ng municipal hall? Hindi lalapit ang problema sa opisina namin, dapat lumalabas kami, nag-iikot, para nalalaman namin 'yong kailangan ng mga tao."
May point siya. Actually, kanina pa siya may point!
"Eh teka, going back sa pinag-uusapan natin kanina. So, nagpagawa ka ng mga schools?" tanong ko.
Tumango siya. "Inilapit sa mga lugar nila 'yong mga schools. No more trekking and river- crossing everyday. That's dangerous. We have finished three elementary schools already. High schools are currently being built, so habang wala pa, we set up a dormitory building near the existing high schools, walking distance lang, so students who live far from the school could stay there, and it's free."
"Tapos, kapag natapos na 'yong mga high school buildings, siyempre 'yong ibang estudyante, magta-transfer na doon. Paano 'yung dorm?" pag-uusisa ko.
"We would retain the building, maybe leave a single floor for dorm rooms, then the rest of the floors will be converted to skills training facilities. Malapit na 'yon." May confidence ang pagbibitaw niya ng mga salita.
"Galing naman," humahangang sabi ko. "Sana all."
"Hindi naman," parang nahihiyang sagot niya sa akin. "I can't take all the credit, it's a collaborative effort of the council, pati na rin ng mga tao. Saka sabi ko nga, trabaho naman namin 'yon. One thing, I'm a believer of education. It's supposed to be a right, pero hindi lahat may opportunity na makapag-aral because of financial problems and all that, kaya it turned out now to be a privilege instead, and I wanted to change that, at least, sa lugar namin."
"Sa San Nicolas ka rin ba nag-college?" tanong ko.
"Hindi. 'Yong nag-iisang university doon does not offer PolSci course so dito rin ako sa Manila nag-aral. Law school ko, dito na rin," sagot niya.
Napatango-tango ako. "Kaya pala parang hindi ka na rin bago dito."
Tinanong ko siya kung saan siya nag-aral, sinabi niya ang pangalan ng university. Alam ko iyon. One of the best schools dito sa Pinas. Quality education, pero pang-yayamanin.
"Pero ngayon, expanded na 'yong programs and courses sa San Nicolas University of Science and Technology, puwede nang lumaban ng sabayan," natatawa niyang sabi. "And I think bored ka na sa pinag-uusapan natin."
"Hindi, ah." Umiling ako. "Interested nga ako making kasi ang galing, eh. Nakaka-inspire. Sana dumami pa 'yong mga katulad mo. Kasi kung iilan lang kayo at outnumbered kayo ng mga sira-ulong politiko sa ibang lugar, mahihirapan pa rin maka-usad ang Pilipinas."
"Then people should not vote for those politicians ever again," sabi niya. "Ang mahirap kasi sa karamihan, they vote out of the popularity of the last name carried by the politician. Sa panahon ng technology at social media, dapat nga mas nakakapag-research na ang majority of the people about the credentials of a certain candidate. Accomplishments kung dati nang nanunungkulan, and potential naman kung baguhan.
"But of course, not everyone has access to the internet, and that's why education and school is important to teach the younger generation to vote wisely, and responsibly in the future, and influence their parents and other family members to do the same. And definitely, no to political dynasty," dagdag na paliwanag niya.
"Diyan sa political dynasty, medyo napapa-isip ako. Kasi baka kaya 'yong ibang politician, pinapasa 'yong iiwanan nilang posisyon sa anak, then 'yong anak sa anak niya ulit, para siguro maipagpatuloy 'yong mga projects nila o 'yong mga maganda nilang nasimulan." Napapakunot-noo ako habang nag-iisip ng sasabihin. "B-baka hindi nila kayang ipagkatiwala sa iba 'yong pamumuno?"
"I can't speak for all political families, but on a personal take, I don't believe that only one clan could serve the entire town or province. Because if you are a good leader, the next generation of public servants will follow your good example. They will take on the good path you paved, and inspire them to serve from the heart, free of any personal interest. For me, public service is not a family business wherein you need to train your next of kin to take over the leadership."
Grabe. Wala akong tanong na hindi nasagot ni Evan.
Napatango-tango ako. "Sabagay, tama ka, eh. Give chance to others din na makapaglingkod naman. Sa ibang lugar nga parang iisang pamilya na lang ang humahawak, eh. Mayor 'yong isa, 'yong asawa Vice Mayor, 'yong anak, Congressman. Minsan magkakamag-anak pa nga pero sila rin ang naglalaban-laban. Parang 'di na nila binigyan ng choice 'yong mga tao do'n na pumili naman ng iba."
"At mga wala ring delikadesa." Napa-palatak siya. "I can't believe that, you know, a husband and wife or a father and son run for the same position, then throw shade at each other during campaign sorties. All for power or position? That's just disgusting."
Natawa ako, kasi ang facial expression niya talagang badtrip. Parang masusuka na sa sobrang sulasok tungkol sa sinasabi, kaya biniro ko siya, "Paano ulit 'yong disgusting?"
Tumawa rin siya. "Wala nang ulitan!"
Lalo akong natawa kasi para siyang bata pagkasabi niya noon. Itong biyahe naming ito, mas nakita ko ang public servant side niya at wow, lodi talaga. Ramdam kong siya iyong tao na mabait at may malasakit talaga, pero naroon ang tikas at authority as a leader.
Pero iba rin kapag laid back lang siya, nagbibiro, hindi seryosong topics ang pinag-uusapan, tapos, ang dali-dali pa niyang patawanin.
Ang guwapo pa. Juicecolored!
Confirmed. Hindi na ito basta crush-crush lang na tulad noong una.
Gusto ko na talaga siya. The serious side or the funny side, whatever side. Totoo na ito.
I think I am now willing to take the risk.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top