SIXTEEN
"Pasensiya ka na kay Mommy, gano'n lang 'yon, masyadong maraming tinatanong," sabi ni Evan sa akin habang nagda-drive siya. "Kahit sa amin, gano'n talaga siya."
"Okay lang. Naiintindihan ko naman. 'Di ba, sabi nga ng mga kapatid mo kanina, na first time mong may ipinakilala sa kanila. Kaya siguro, marami lang talaga siyang gustong malaman." Ngumiti ako.
"Thank you, love. You made me happy today." Saglit na tumingin siya sa akin at saka ibinaling ulit ang tingin niya sa kalsada. "Well, you make me happy everyday. But today's extra special. It's just a different feeling that I see you having a great time with my fam."
"Enjoy din naman sila kasama. 'Yong ate mo, 'pag ikinukuwento mo sa 'kin dati, akala ko seryosong tao, eh. Makulit pala." Napangiti ako.
"Of all my siblings, she's the one closest to me," kuwento ni Evan. "Siguro dahil kami 'yong magkasunod at magkalapit ang age. Si Ethan kasi, tahimik lang 'yon."
"Oo, hindi nga siya pala-kibo. Pero mukhang mabait naman siya. Parang 'yong dad mo rin. Tamang kinig lang saka react, gano'n," komento ko.
"Sila nga 'yong magka-ugali," natatawang sabi ni Evan.
"Ikaw naman 'yong nagmana sa lolo mo." Itinuro ko siya, kaso tumama ang dulo ng hintuturo ko sa pisngi niya.
"Ang lambot naman ng balat mo! Anong skin care mo?" Tinitigan ko siya.
Natawa lang siya. "Wala. Siguro dahil in-love ako."
"In-love din naman ako sa 'yo pero 'di ganyan skin ko," sabi ko na lalo niyang ikinatawa.
Nagulat ako nang huminto ang sasakyan namin sa tapat ng isang bahay. Kabaliktaran ng pinuntahan namin na kita ang bahay sa labas, ito naman, kulob na kulob at napapaligiran ng mataas na layers ng gray stones. Bumusina si Evan at hindi nagtagal, may nagbukas ng gate. Si Kuya Drew, namukhaan ko.
Napakunot-noo ako. "Kaninong bahay 'to, love?"
Ipinarada niya muna ang sinasakyan naming kotse sa garahe sa bandang gilid ng bahay na iyon. "Naisipan ko na ring dumaan tayo dito since along the way naman."
Hindi naman niya sinagot ang tanong ko, pero bumaba na rin ako ng sasakyan. Garahe pa lang ito pero parang kasing-laki na ng buong first floor ng bahay namin sa San Pascual. May iba pang sasakyan na naroon, at nakita ko rin ang van na ginamit namin noon sa gift-giving noong birthday ko.
Pagkalabas namin ng garahe, saka ko lang nakita ang kabuuan ng bahay. Sa labas kasi ng bakuran kanina, halos second floor na lang ang kita. Two levels lang naman ang bahay na iyon, pero ang laki pala! Walang masyadong kulay, painted in white, tapos ang pinaka-accent lang niya is malalaking glass windows with black edges.
Saka ko lang na-realize. "Ah, sa 'yo 'to. Lalaking-lalaki 'yong design, eh."
Natawa siya at hinawakan ang kamay ko. "Let's get inside."
Made of glass ang sliding door ng bahay with black edges at trimmings. Sinalubong kami ng dalawang babae, isang may edad na, nasa sixties na siguro, saka isang mga nasa forties. Hindi ko ma-figure out kung mga kasambahay sila kasi hindi sila aloof kay Evan, though ang tawag nila sa kanya, Mayor. Saka hindi sila naka-uniform. Tamang naka-shirt at walking shorts lang, hindi tulad doon sa bahay ng parents niya na lahat ng househelp, naka-uniform.
"Nanay Linda, Ate Liza, nobya ko, si Ellie."
"Magandang hapon po." Nagmano ako kay Nanay Linda at binati ko rin si Ate Liza. Mukhang expected nila na darating kami ngayon, baka nag-message si Evan sa kanila.
Katulad sa labas, black and white lang din ang kulay ng bahay sa loob. Dito sa living room, white ang pintura ng walls pero black halos lahat ng furniture. Black sofa, black center table, may black recliner chair din na naka-puwesto malapit sa floor to ceiling na glass window.
"Ikaw lang mag-isa nakatira dito?" tanong ko.
Tumango siya. "I bought this parcel of land last 2017. Earlier this year lang natapos ito including the construction and all the stuff."
"Kaya wala akong masyadong funds no'ng nag-run ako for elections this year," natatawa niyang sabi saka idinugtong sa mahinang boses, "Buti na lang, walang kalaban."
Natawa din ako. "Naalala ko nga, sinabi 'yon sa 'min ni Kap Andy, na wala nang nagtangkang lumaban sa 'yo. Anong feeling ng gano'n?"
"It's a sure seat so I won't deny that there is less effort in campaigning for myself. Less expense din," pag-amin niya. "So to keep myself visible, sumasama pa rin ako sa mga sorties para i-kampanya 'yong mga kasama ko naman sa partido."
Napatango-tango ako. Nagsimula siyang humakbang, so sumunod naman ako. Ganoon pa rin ang kulay sa ibang parte ng bahay, black and white lang. Nadaanan namin ang staircase na papunta sa second floor, pero dumiretso kami sa ibang direksiyon.
"House tour pala 'to, 'di mo ako in-inform," biro ko.
Natawa siya at kinuha ang kamay ko. So, holding hands while walking na kami ngayon.
Nadaanan namin ang dining area, pang-six pax lang ang upuan doon pero ang lalaki ng dining chairs kasi tufted at high back, parang sofa na nga iyon na pang-isahang tao, ganoon. Hindi ko alam kung paano i-describe ng tama, wala naman kasing ganoon sa bahay namin. Iyong dalawang upuan sa magkabilang dulo ng lamesa, may arm rest pa. Kaya malaki pa rin ang space na sakop ng area na iyon kahit pang-anim na tao lang talaga. Sa part na iyon, black naman ang walls at ang table pero white lahat ang upuan. Iyong dalawa sa dulo, may zebra prints kaya pasok pa rin sa motif na black and white.
"Ang laki ng bahay na 'to para sa isang tao lang." Nagmamasid ako sa mga dinadaanan namin habang naglalakad. Papunta yata kami sa likod ng bahay.
"Actually, when this is being built, I envision this to be a home to my twelve kids in the future," tatawa-tawa niyang sabi.
Alam kong joke iyon pero muntik na akong nasamid. Napa-"ehem!" tuloy ako para pigilan ang pag-ubo ko.
Hinagod ni Evan ang likod ko at pabirong nagsalita, "Okay ka lang, love? Na-pressure ka ba?"
Natawa tuloy ako. "Loko ka. Tara na nga, saan ba tayo papunta nito?"
Ang kamay niyang nasa likod ko lang, biglang naging akbay na. Nagsalita siya sa mahinang boses malapit sa tenga ko, "Sa master's bedroom, love."
Napa-diretso ang pagkakatayo ko at napatingin sa kanya. "H-ha?"
"Simulan na natin 'yong twelve." Kumindat siya kasunod ng isang pilyong ngiti.
Nanlaki ang mga mata ko. "Hala ka, Evan Carlson."
Tawa siya nang tawa, sabay pinisil niya ang ilong ko. "'Yan na, tinawag na ako sa buong pangalan."
May itinatago palang ganito ito si Evan, may pagka-ano, eh, medyo pilyo. Pero nagugulat din ako sa sarili ko kasi hindi naman ako naba-bastusan, siguro dahil mag-jowa naman kami. Kailangan ko lang din talaga siguro sanayin ang sarili ko para sa susunod, masasakyan ko na, hindi iyong palagi akong nagugulat.
Nakarating na kami sa likod ng bahay, at naroon pala ang pasabog. Simple lang kasi ang front façade ng bahay, eh, pero dito sa back, hala, ang ganda. Itong kinatatayuan naming porch, kumpleto rin sa furniture, eh, may sofa, chaises, bean bags at low center table, lahat kulay white. Ang porch na iyon, nakaharap sa kidney-shaped pool na adjacent sa circular shaped na jacuzzi.
Sa isang corner, may shower area pa, na ewan kung bakit may enclosure pa na glass, eh kitang-kita rin naman iyong nasa loob. Hindi ko na tinanong. Mula naman dito sa porch, may hagdanan paakyat sa second floor. Umakyat kaming dalawa.
Mas malupit sa second floor kasi ang peg niya parang view deck. May mga sofa at bean bags din doon katulad sa porch, pero bukod sa tanaw ko ang swimming pool mula doon, kita rin ang malawak na palayan na nasa paanan ng Mt. Sawi.
Sooobbrraang relaxing!
"Napakagandang tanawin nito tuwing gigising ka sa umaga, tambay lang dito sa veranda, hanging-probinsya, plus saktong init ng araw sabay kape, solve na solve!" sabi ko habang nakatanaw sa bundok at naka-tukod ang mga siko sa railing.
"I love that you appreciate the little things," seryosong sabi ni Evan kaya napalingon ako sa kanya. Hinawi niya ang ilang strands ng buhok ko na kumawala na sa pagkaka-pony tail at nililipad-lipad ng mahinang hangin.
Walang salitang lumabas sa bibig ko kahit gustuhin ko mang sumagot. Para kasi akong na-hypnotize sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Ito na naman ang tingin niyang nanunuot hanggang sa kaibuturan ng puso ko.
"Come with me, love," mahinang sabi niya sa akin. Wala sa loob na humawak ako sa kamay niya. Naglakad siya papunta sa isang glass door na medyo nasa gilid na ng veranda, siyempre sumunod ako kasi hawak niya ako. Naka-bukas iyon pero hindi naman wide na wide ang pagkaka-open, tamang kasya lang kami. Nauuna siya habang hawak pa rin ang kamay ko.
Bedroom na pala iyon!
Hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin ang mga detalye basta ang alam ko, maganda saka malaki ang space. Kinabahan kasi ako nang maisip ang puwedeng mangyari.
Nakatayo lang ako doon sa may glass door, hindi ako makakilos. Bumitaw si Evan sa pagkakahawak sa akin at hinarap ako. May isa pa palang sliding door na made of wood naman, para siguro hindi makita ang loob ng kuwarto mula sa labas ng bahay.
Habang ini-slide niya ang pinto sa kanang kamay, ang kaliwa naman niya naka-abang doon sa lock, kaya ang nangyari, na-sandwich ako sa loob ng mga braso niya. At noong sarado na ang pinto, na-corner na ako sa pagitan niya at ng isinara niyang sliding door.
Tumitig siya sa akin at nagsalita sa mahinang boses, "Love..."
Napasandal ako doon sa wooden sliding door. Parang naririnig ko pa ang lakas ng tibok ng puso ko sa gitna ng katahimikan ng kuwartong iyon.
Parang nag-slow mo ang ikot ng mundo nang unti-unti niyang ilapit ang kanyang mukha sa akin, until he claimed my lips for a kiss.
He slowly moved his lips against mine, carefully placing my upper lip in between his lips. I responded sa ginagawa niya.
He took the opportunity na dahil nagre-respond ako, hindi lang ang mga labi ko kundi alam ko, ipinagkakanulo na ako ng body language ko ng mga oras na iyon, he slowly parted my lips and lightly run the tip of his tongue on my lower lip. It sent shivers down my spine, and it surprisingly felt good. Suddenly, I felt his tongue slowly teasing mine, testing the waters if I am ready for more. Ginaya ko ang ginagawa niya and he took it as a sign to kiss me deeper, harder. And I found myself responding with equal passion and intensity.
He encircled his arms around my waist. Napadilat ako, kasi paghapit niya sa akin, bumangga ang puson ko sa ano...sa pagkalalaki niya! Juicecolored! Naramdaman ko talaga iyon! Sa totoo lang, na-turn on ako pero mas nangibabaw ang kaba at pagdadalawang-isip. Wala sa sarili na napahinto sa pag-galaw ang mga labi ko. Hanggang sa napuna na rin ni Evan and he stopped the kiss.
"What's wrong, love?" nag-aalala niyang tanong sa akin sa mahinang boses.
"H-hindi kaya ano..." Napayuko ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Baka magalit siya sa akin at sabihing nag-iinarte ako. Lavaarrn na lavaarrn na nga ako sa paghalik sa kanya tapos ngayon biglang umaatras ako sa giyera.
I felt the back of his hand slightly running through my cheek, until he held up my chin very gently para tingnan ko siya. No choice, hindi ako maka-iwas ng tingin. Nagtanong ulit siya, "You're not ready yet, right?"
Napatango ako. Noong nakita ko ang mapang-unawa niyang tingin saka lang ako nakapagsalita, "Eh kasi, ni wala pa tayong isang buwan na mag-jowa. H-hindi kaya masyado pang maaga para mag...mag-ano, alam mo na."
Nakita kong napangiti siya noong hindi ko masabi-sabi ang karugtong ng sinasabi ko. Nagsalita ulit ako, "'W-'wag ka sana ma-disappoint."
"I am not." Ngumiti siya. "I completely understand."
"Thank you," iyon lang ang tanging nasabi ko sa dami ng tumatakbo sa isip ko.
"Now let's go back outside while I can still control myself," nakangiti niyang sabi sa akin. Sinimulan niyang buksan ang wooden sliding door the same way na kung paano niya iyon isinara kanina. nasa pagitan ako niya at ng pinto. Kaya tumalikod na ako para ako na ang magbukas ng sliding door na glass.
He planted a soft kiss sa gilid ng leeg ko. "Faster, love. Before I devour you."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Buti na lang nakatalikod ako sa kanya kaya hindi niya nakita.
"O-okay. Ito na po." Napalunok ako at binilisan ko ang pagbukas ng pinto. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya. Nanunukso lang talaga, eh.
Balik ulit kami sa veranda. Wala sa loob na naupo ako sa isa sa mga bean bags na naroon. Pakiramdam ko nanlalambot ang mga tuhod ko sa mga ginagawa ni Evan. Nakakapanibago. Hindi naman ito 'yung first time ko na magka-boyfriend, pero lahat ng pakiramdam na ito, bago sa akin.
Pang-isang tao lang naman ang bean bag kung tutuusin pero sumiksik talaga siya sa tabi ko. Inihilig niya ang kanyang ulo sa balikat ko. Hinihintay ko kung may sasabihin siya, pero mukhang wala kasi nakatanaw lang siya doon sa scenery sa labas ng veranda.
"S-sorry." Nakatingin lang din sa ako sa Mt. Sawi. "Alam mo, ito 'yong problema bakit din ako ipinagpalit, eh."
"Nino?" tanong niya, hindi kumikilos sa pagkakahilig sa balikat ko.
"No'ng ex ko," sagot ko. "Hindi ko alam kung kailan ba ako magiging handa."
"How old are you then?" tanong niya ulit.
"Eighteen siguro? Second year college ako no'n," pag-alala ko.
"It's understandable, love. Bata ka pa no'n," sabi naman niya.
"Eh, ngayon hindi na understandable kasi twenty-four na 'ko," sabi ko naman.
Natawa siya at umalis sa pagkakahilig sa balikat ko para humarap sa akin. Seryoso siyang nagsalita, "You don't have to force yourself if you're not ready yet."
Tumango ako.
"Also, I myself, will feel bad if I knew you're not sure and went for it just to satisfy me and make me stay, because I'm here to stay, my love, no matter what."
Parang gusto kong maluha ng mga oras na iyon. Emotional na yata ako dahil sa dami ng nangyari ngayong araw, sabay nake-carried away ako ng romantic na ambiance. Pero mas nakaka-emote talaga ang paraan ng pagtingin niya sa akin na punong-puno ng pagmamahal.
"Ewan ko ba. Napaka-ideal kasi ng ano ko sa...do'n nga, sa bagay na 'yon," pagtatapat ko sa kanya. "Gusto ko kasi, in the right time, right place, right moment, and when everything feels right. 'Yon bang hindi na 'ko natatakot saka sure na sure na talaga 'ko. Hindi ko lang talaga alam kung kailan 'yon. Siguro kapag nagtagal 'tong relasyon natin? Hindi ko alam."
Nagsalita ulit siya, "Whatever your preference is, I'll respect that. But I can't promise to keep my hands..."
Kinuha niya ang isang kamay ko and gently kissed the back of it. "..and my lips.."
He put a quick, playful smack on my lips. "..off of you. Sorry, love, I'll never get enough of you."
"Juicecolored!" hindi ko napigilang sabihin at napayakap na lang ako sa kanya. "Awat na po. Kinikilig na 'ko masyado."
Natawa siya at yumakap din sa akin pabalik with a slight squeeze. "I love you, my Ellie."
"I love you too."
Nagulat ako nang may dumikit sa binti ko na mabalahibo. Napaalis ako sa pagkakayakap kay Evan para tignan kung ano iyon.
"Hala. May miming!" Yumuko ako para maabot ang ulo ng pusa at ma-pet ko siya.
"Alaga mo?" tanong ko kay Evan.
"Nandito," sumagot siya.
"Ha?" Hindi ko na-gets. Tumuwid ako ng upo at tumingin sa kanya.
Tumingin siya pababa sa bagay sa pagitan ng mga hita niya sabay balik ng nanunuksong tingin sa akin. "Alaga ko. Want him to introduce himself to you?"
"Hoy!" gulat na sabi ko nang makuha ko kung anong ibig niyang sabihin.
"Only if you're ready. Because he's ready for you anytime." He bit his lower lip habang nakatingin pa rin sa akin.
"Itong pusa nga kasi ang tinutukoy ko," sabi ko na lang para hindi ako masyadong maapektuhan. Kahit ang totoo, feeling ko pinagpapawisan ako ng ga-munggo. Salita pa lang iyon pero nag-iinit ang pakiramdam ko.
"Ah, siya ba?" tatawa-tawa niyang sabi. "He's Toothless. He's a senior cat already, deaf, and literally toothless."
"Kawawa naman. Inborn 'yong pagka-deaf niya?" Na-curious ako.
"Sabi sa shelter, dahil na rin daw sa katandaan. No'ng binisita namin 'yong municipal shelter, binigyan kami ng chance na makapag-adopt along with the council members. He's the least likely to be picked by adopters, so siya 'yong kinuha ko," kuwento niya.
Napangiti ako sa huling sentence na sinabi niya.
"I have two other cats, and a dog," sabi pa niya.
"Nasaan sila?" excited na tanong ko.
"Baka nandiyan lang sa kung saan-saan, or maybe sleeping," nangingiti niyang sagot. "They're free to roam around here. But the dog is in the clinic of my vet friend."
"May sakit?" tanong ko.
"Hindi naman. Check-up lang saka grooming. He's a rescue dog, so most of his time before is spent in the clinic bago siya napunta sa akin. Kaya he's close to my vet friend. Kaya kapag check-up and groom day niya, kinabukasan ko na binabalikan so they could bond together," kuwento niya.
Napatango-tango ako. "Mahilig ka pala sa pets."
"Ikaw din 'di ba? I remember you feeding stray cats outside the municipal hall," sabi niya.
Napangiti ako. "Ah, oo. Naalala mo pa pala 'yon."
"Oo naman. It's one of the things that attracted me to you," pagtatapat niya.
"Totoo ba?" Hindi ako makapaniwala.
Tumango siya. "Well, for me, if a person is kind to animals, that person is kind to everyone else. So, I'm right, you have a big..."
Tumingin siya sa dibdib ko sabay tingin ulit sa akin at kumindat.
Nahampas ko tuloy siya sa balikat. "Love!"
"Big heart," tatawa-tawa niyang sabi. "Hindi pa ako tapos, eh."
Natatawang napa-iling na lang ako at saka nagtanong, napansin ko kasing medyo papadilim na. "'Di pa ba tayo uuwi?"
"We're home now," malambing niyang sagot sa akin.
Ngumiti ako. "Ibig ko sabihin, hindi mo pa ba ako ihahatid? Baka gabihin ka na masyado sa daan pagbalik mo dito."
Umiling siya. "Hindi ka na babalik sa Manila."
"Ano?" Nagulantang ako.
"You heard it right, you'll stay here with me starting today," seryoso niyang sabi.
"Hala. Hindi puwede," nag-aalalang sabi ko.
Bigla siyang tumawa. "Just kidding!"
Napalo ko siya nang malakas sa balikat. "Anak ng bakang bakla ka, Evan!"
Tawa lang siya ng tawa.
Pinagkukurot ko talaga siya sa tagiliran, "Ang dami mong alam! Kinabahan ako, iniisip ko na pa'no ko ipapaliwanag sa mga magulang ko, kung bakit nakipag-live-in ako agad-agad. Pero hindi rin."
Napa-iling ako. "Masyado pang maaga para magsama tayo. Loko ka talaga."
"You really have high regards to your parents," sabi niya sa akin.
Tumango ako. "Oo naman. Kahit umabot na 'ko sa edad na 'to, may mga desisyon pa rin ako sa buhay na kailangan ko silang i-consider. Hindi puwedeng pabigla-bigla."
Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa tabi ko at tumayo sa tapat ko. "I know, and for me that makes you a respectable woman even more."
Napangiti ako habang nakatingala sa kanya.
Inilahad niya ang mga kamay niya. "Let's go, my love."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top