EPILOGUE
"Attorney Jea, ito na po 'yong mga kailangan niyong papers," sabi sa akin ni Carly, dala-dala ang mga documents na ni-request ko mula sa kanya.
"Salamat, Carly." Kinuha ko ang mga iyon at inilapag ko na muna sa mesa ko.
Jea ang tawag sa akin dito sa opisina, ang first name ko. Nagsimula kasi ito sa law school hanggang sa nakasanayan na.
Matapos ng mahabang panahon ng pag-aaral ng abogasya, in and out of school nga ako dahil sa kampanya at sa pagkawala ni Evan, sa wakas, nakuha ko rin ang inaasam na Law Degree.
Nangyari iyon habang nagpapaka-nanay ako sa anak ko, on-going ang kaso ni Evan, nagta-trabaho bilang Legal Assistant, inaasikaso ang lahat ng naiwan niya, at nagluluksa pa rin sa pagkawala niya. Hindi ko alam kung paano ko kinaya, pero alam ko, ginagabayan pa rin ako ng asawa ko.
Pero hindi sapat ang makatapos. Kailangang makapasa ng board exam. Gumugol ako ng panahon sa pagre-review, at nagbunga ang lahat ng paghihirap ko nang makita ko ang pangalan ko sa list ng bar passers. Kung buhay lang sana si Evan, alam ko, siya ang pinaka-unang magiging proud sa akin.
Hindi na ako ganoon ka-aktibo sa pagsasayaw, pero ina-advocate ko pa rin ang pole dancing bilang good form of exercise at isang uri ng art.
Noong buhay pa si Evan, nakapag-tayo kami ng isang pole dance studio at sumosyo rin ako upang muling mabuksan ang pole dance studio ni Ms. Nicole, hindi ko kasi matiis na tuluyan niyang i-close ang studio. Saka bilang pagtanaw ko na rin ng utang na loob dahil hindi ko masu-survive ang pag-aaral ko noong college kung hindi ako nag-part time sa kanila. Minsan-minsan, nagtuturo pa rin ako sa mga special pole dance classes kapag kaya ng oras ko.
Wala na ako sa Supreme All Stars matapos ng mahabang panahon na pananatili ko sa grupo.
Para ko na ring pamilya ang SAS. Ito ang grupo na dati pangarap ko lang masalihan. Habambuhay akong magpapasalamat sa SAS dahil tinupad nito ang pangarap ko na maging isang mahusay na mananayaw. Nalinang ang talento ko dahil sa grupo. Pero siguro, may mga bagay na kailangang iwan para harapin naman ang panibagong yugto ng buhay.
Sapat ang naiwan ni Evan para sa amin ni Amelie. Pero walang halagang katumbas ang sana ay kapiling pa rin namin siya.
Iyong The Bloomery, si Ate Erica pa rin ang nagma-manage. Hindi na kakayanin kung ako pa rin ang personal na mag-asikaso noon.
May nabili rin kaming parcel of land noon sa Biglasan Beach na d-in-evelop namin as a glamping/camping site. Minsan, doon din kami nag-i-stay nina Evan at Amelie, noong buhay pa ang asawa ko, kapag gusto lang namin ng quick escape from our usual routine. Hanggang ngayon ay dinadayo pa rin iyon ng mga turista lalo na kung summer months.
Ang condo unit ni Evan sa Manila ay pinauupahan ko. Bukod sa savings sa bank, may mga shares din si Evan sa ilang malalaking companies na patuloy na kumikita hanggang sa ngayon.
Iyong sorpresa ni Evan sa akin na sinabi niya bago kami naghiwalay noong araw na huli ko siyang nakasama, hindi ko na talaga nalaman. Siguro may mga bagay talaga sa mundo na mananatili na lang na walang kasagutan.
Walang nakita sa mga messages sa cellphone niyang natagpuan sa crime scene. Noong ni-retrieve ang mga calls, wala ring siyang any conversation na tungkol doon.
Kung anuman iyon, minsan, nasisisi ko pa rin ang sarili ko na dahil sa kagustuhan niya akong mapasaya, buhay pa niya ang naging kapalit. Saka may kakaiba na akong naramdaman noon sa mga salita niya. Sana pinigilan ko siya. Sana nakinig ako sa instinct ko.
Sana.
Mga sana na hindi na mangyayari.
Sa pag-gulong ng kaso, naisip ko na paano pa kaya ang mga ordinaryong mamamayan, na walang impluwensya o koneksiyon, na walang kakayahan na bumayad ng abogado para ipagtanggol ang sarili nila? Ako nga na asawa ng isang alkalde, at ang asawa ko ay galing sa hindi rin naman basta-bastang pamilya, naghintay ng pitong taon para makamit ang hustisya. Maigsi pa iyon kumpara sa sampu, labindalawa o labinlimang taon na maaring itakbo ng isang kaso.
Doon ko naisipang pumasok sa Public Attorney's Office bilang isang abogado. Isa ito sa mga inspirasyon na iniwan ni Evan sa akin. Sa ganoong paraan man lang ay makatulong ako sa kapwa ko sa pamamagitan ng aking propesyon.
***
"Attorney Jea, kailan mo kaya ako mapagbibigyan sa aking imbitasyon na makasama kang mag-kape?" tanong sa akin ni Attorney Keith. Kasamahan ko siya sa opisina, at medyo nagpapalipad-hangin sa akin.
Umiling ako at ngumiti. "Iba na lang kasi ang yayain mo, Attorney."
"Eh, ikaw nga ang gusto kong kasama," hirit pa niya.
Natawa na lang ako at nagpaalam na mauuna nang umuwi. Hindi ako interesado. May hitsura naman si Attorney Keith, mabait naman, mukhang masaya naman kasama, pero pakiramdam ko hindi na magbubukas ang puso ko sa panibagong pag-ibig.
Maraming nagsasabi na dapat din naman akong sumaya, at naipanalo ko na rin naman ang kaso ng namayapa kong asawa. Ewan ko, pero masaya naman na kasi ako na ganito.
Mas mahirap pa kung susubok akong makipag-relasyon sa iba pero hindi ko rin naman magagawang magmahal ng buo, dahil si Evan pa rin ang nasa puso ko.
Si Evan lang lagi. Si Evan na araw-araw kong pinipili.
Dinaanan ko si Amelie sa school para sabay na kaming umuwi. Sakto namang pag-park ko ng kotse ay nakita ko siyang papalapit na sa sasakyan.
Napangiti ako nang tumapat siya sa bintana at nagpa-cute sa akin. Madalas niyang ginagawa iyon kapag sinusundo ko siya bago siya pumasok sa loob ng kotse. Minsan napapatunganga pa rin ako kasi habang lumalaki, gumaganda lalo si Amelie at talagang kamukha siya ng kanyang daddy. Isang buhay na alaala na iniwan sa akin ni Evan.
Pumasok siya sa sasakyan at umupo sa tabi ko. Humalik siya sa pisngi ko, na lagi niyang ginagawa.
"Mommy, pupunta ba tayo kay Daddy bukas?" tanong niya.
"Oo. Alam mo naman, Saturdate natin 'yon," sagot ko. "Tulungan mo 'ko mag-prepare ng baon natin, ha."
"Yes, Mommy," excited na sabi niya. "I know how to bake a banana cake na po. Ninang Florence taught me via chat."
"Talaga? Sige nga, patikim ako niyan bukas." Nagsimula akong mag-drive.
"Sure." Binuksan ni Amelie ang car stereo.
Sa buhay mang ito
O sa kabilang mundo
Hangga't may pag-asang dumadaloy
Sa akin at sa 'yo
Hanggang pag-ibig ay panig sa atin
Kumagat man ang dilim
'Wag mangamba
Dahil liwanag tayo ng isa't isa...
xxx END xxx
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top