EIGHTEEN

Favorite yata ni mayor yung white tshirt na yan. Lagi suot e.

Meron pang isa guys yung may letter e sa shirt pocket na kulay white din.

Nagbabasa ako ng comments habang nanonood ng live ni Evan sa FB. Naging regular viewer na talaga ako kasi gusto ko talaga siyang makita lagi, iyon ang totoo. Pangalawa na lang na para updated ako sa mga ginagawa niya, saka ikinukuwento rin naman niya ang mga iyon sa akin.

Ang mga t-shirt na sinasabi ng mga commenters ay ang Christmas gift ko kay Evan. Dalawang shirt iyon na parehas white. Guwapung-guwapo kasi ako lalo sa kanya kapag naka-puti.

Noong nag-gift-giving kami na kasama namin siya at naka-white siya noon, hindi ko talaga makalimut-limutan iyon. Guwapo siya sa kahit anong outfit pero ang lakas ng dating niya sa akin kapag naka-white siya.

Iyong shirt na suot niya ngayon, ako mismo ang nag-design noon. Sketch iyon ng couple na magkaharap at magkadikit ang noo. Dahil hindi naman talaga ako magaling mag-drawing, cartoon-type lang ang ginawa ko, tapos ipinaayos ko na lang kay Florence para kapag pina-print sa shirt, malinaw at malinis tingnan.

Naisip ko tuloy na ilang araw na lang at Valentine's Day na. Pero wala pa akong idea kung anong ibibigay kay Evan. Sa totoo lang, ang hirap mag-isip ng ibibigay sa taong nasa kanya na ang lahat. Appreciative siya sa kahit ano, ako lang talaga ang nahihiyang magbigay ng hindi pinag-isipan.

Nagbabasa rin siya ng ilang comments bago magtapos ang live niya. Kahit anong comment, random lang siyang pumipili. Minsan, mga humihingi ng tulong, may mga complain tungkol sa kung anu-anong bagay, at mayroon ding nagpapa-shoutout lang talaga-na pinagbibigyan naman niya. Doon siya nakikita ng mga tao sa laidback side niya, kasi seryoso siya most of the time.

Habang nanonood ako ng live niya ay inaayos ko rin ang unit niya. Hindi na talaga ako naka-tanggi nang ibigay niya sa akin ang susi ng unit. Last week, nagkita kami dahil second monthsary namin, sinamahan ko na rin siyang bumili ng mga gamit sa bahay. Hindi na nga lang namin naiayos kasi kulang na sa time. Kaya ako na ang nag-ayos, inu-unti-unti ko iyon kapag may oras ako.

Ngayon, ang ginagawa ko ay decoration na para sa living room space. Nagpa-print lang ako ng mga pictures niya galing sa Facebook, mga solo saka kasama ang family niya, saka kami siyempre. Tapos, bumili ako ng fairy lights. Hindi puro pictures namin ang nilagay ko kasi magmumukhang kaming dalawa ang nakatira sa unit, eh, sa kanya lang naman ito. Hinahabol ko na maiayos ko lang ang buong lugar bago kami magkita ulit, which is one day matapos ang Valentine's Day.

Tapos na ako sa ginagawa ko at nagliligpit na lang ng mga materials na ginamit ko nang tumawag si Evan. Sinagot ko iyon kaya nakita niya ang makalat na sahig.

Humingi ako ng paumanhin. "Sorry, Love, nagkalat ako dito sa unit mo."

Inilagay ko sa isang stand ang phone ko para puwede akong magligpit habang nagvi-video call kami.

"Sabi sa 'yo kung may oras ka lang, eh. Pagod ka na nga sa rehearsal," malumanay na sabi niya.

"Okay lang ako." Hindi ko napigilang sabihin, "Ang guwapo mo, love."

Nakita kong medyo nabigla siya pero napangiti din. "Suot ko kasi 'tong gift mo."

Nagkuwentuhan lang kami sa mga nangyari sa isa't isa buong araw. Ganito lang lagi ang routine namin araw-araw.

Tuwing gabi, bago matapos ang araw, mag-uusap, kumustahan, tapos kung anu-ano lang maisip na topic. Hindi kami nauubusan ng pag-uusapan, at hindi ako nagsasawang kausap siya. Palagay ko naman, ganoon din siya sa akin. Saka never pa kaming nag-away. Feeling ko nga, minsan, parang hindi na normal, eh. Pero wala naman kasi talagang pagtatalunan.

Sana ganito lang lagi.

***

Dumating ang Feb. 15. Pero hindi kami nagkita ni Evan.

Isang malaking sunog ang naganap sa San Nicolas. Mga 7:00 A.M. tinawagan niya ako para ipaalam sa akin ang nangyari. Mga lunch time pa siya expected na makarating dito sa Manila, pero gising na ako kasi nagpe-prepare na ako.

"Eh, kumusta na, naapula na ba?" nag-aalalang tanong ko.

"Oo. Declared fire-out na a few minutes ago. We're now working on moving the affected families in the evacuation center," sagot niya.

"Kawawa naman 'yong mga tao." Nalungkot tuloy ako.

"Sorry kung hindi muna tayo magkikita ngayon," apologetic na sabi niya sa akin. "I need to be here to take charge on many things."

"Marami pa namang araw. Mas kailangan ka ngayon diyan." Naririnig ko pa ang mga boses sa background. Baka nasa munispyo siya o nandoon mismo sa pinangyayarihan ng sunog.

"Thank you so much." Narinig ko sa boses niya parang nabuntan ng tinik sa dibdib. Akala niya siguro, magagalit ako. "Babawi ako sa 'yo, love. Pangako."

"'Wag mo munang isipin 'yon. At balitaan mo ako, love," bilin ko.

"I will." Nagpaalam na siya. "Will call you later. I love you."

"I love you too."

Napatingin ako sa mga sangkap sa pagluluto na nakapatong sa lamesa. Aaminin ko, bumagsak talaga ang energy ko.

Balak ko kasi sana, dahil nga alam kong maraming gastos si Evan nitong mga nakaraang araw dahil sa pagbili ng unit saka mga gamit, magluto na lang ng lunch at doon na lang kami mag-stay sa unit niya maghapon. Naghanda na ako ng mga movies na puwedeng panoorin, at mga board games kung trip maglaro, ganoon. Na-decorate ko na rin ang unit niya.

Pero napaka-selfish ko naman kung uunahin ko pang magtampo kaysa intindihin siya.

Noong malapit na mananghali, inadobo ko na lang ang manok na binili ko. With the help of YouTube recipe videos, dahil hindi naman tayo masyadong skilled sa kusina. Iyong pasta baka mamayang gabi ko lutuin.

"Parang masarap lunch natin ngayon, ah," sabi ni Lyre sa akin.

"Adobo ala tsamba," natatawa kong sagot. "Ewan ko kung matutunawan tayo dito."

"Teka." Biglang may naalala si Lyre, "'Di ba magkikita kayo dapat ni Evan ngayon?"

Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa San Nicolas.

"Gusto ko nga sana pumunta do'n bukas, eh. Baka may maitulong ako kahit sa distribution ng relief goods o kahit ano." Napapa-isip ako.

"Absent ka muna sa show. Kunwari masama pakiramdam. Ako bahala sa 'yo." Matapos maghain ay binuksan ni Lyre ang TV.

"Mga suggestion mo din, eh." Natawa ako. "Lakas mo maka-sira ng blocking."

"Gampanan mo muna ang iyong First Lady role," biro niya.

Sasagot sana ako pero napatingin kami sa TV parehas nang bumungad ang balita na nagsalita ang pangulo na huwag mag-panic sa corona virus.

"Naka-survive naman 'yong isang babae, eh. 'Yong Chinese." Nagsandok ng kanin si Lyre. Sa sala na kami kumain para makapanood ng TV.

"Pero namatay 'yong kasama niyang lalaki na Chinese rin. Nag-bakasyon galore pa naman sila. Nag-Cebu at Dumaguete pa sila, chosko." Napa-iling ako.

"Pa'no na lang kaya 'yong mga ksama nila sa eroplano? Mga nakasalamuha nila na hotel staff at mga locals?" tanong ni Lyre.

"Eh, ite-trace isa-isa 'yon. Para malaman kung sinu-sino saka kung na-infect ba sila. Grabeng trabaho 'yon." Humugot ako ng malalim na buntong-hininga.

"Pero sana hindi na lumala. 'no?" sabi ni Lyre.

"Sana nga. Nakakatakot, eh. Sana all incoming flights from infected countries, travel ban muna. Para 'di tayo mapasukan ng mga posibleng makapang-hawa."

Nagkatinginan na lang kami ni Lyre.

***

Kinabukasan, pagkatapos ng performance namin sa variety show ay dumiretso ako sa unit ni Evan para ligpitin sana ang mga set-up ko doon. Hindi ko na kasi nagawa kahapon dahil nagkuwentuhan kami ni Lyre sabay nagligpit at naglinis na rin ng unit namin na hindi ko na matandaan kung kailan kami huling nag-general cleaning. Kinagabihan naman, niluto ko ang seafood pasta na dapat ay para sa indoor date namin ni Evan, at iyon ang dinner namin ni Lyre.

Binuksan ko ang unit ni Evan.

"Love!" Laking gulat ko talaga nang makita ko siyang naka-upo sa sofa.

Ngumiti siya at tinapik-tapik ang space sa tabi niya, senyas na doon ako maupo. Sumunod naman ako.

"Anong oras ka dumating? Kanina ka pa? Bakit 'di ka nag-message sa 'kin?" sunod-sunod na tanong ko.

"Hindi na surprise 'yon 'pag sinabi ko," natatawa niyang sagot. Favorite niya talaga ang linyang iyon. Natawa na lang din ako.

Bumaling siya sa may side table sa tabi niya at iniabot sa akin ang isang malaking circular white box. Ang laman ay mga roses na kulay white at iba't ibang shade ng pink. Marami, higit isang dosena. "Happy Valentine's Day, my love."

"Ang ganda naman nito. Maraming salamat. Happy hearts day, love. Pasensiya na, wala akong gift sa 'yo. Ito na lang." Itinuro ko ang wall sa likod niya. Naroon ang mga pictures na kinabitan ko ng fairy lights.

"You compiled all this?" tanong niyang hindi makapaniwala.

"Oo. Dinekwat ko sa Facebook mo." Nag-peace sign ako.

Natawa siya, tapos ay sumeryoso, "Please don't remove this. It's beautiful."

"Talaga?" Napangiti ako. "Sige. Sakto naman kasi ang plain ng wall sa bandang 'yan, eh. Ito lang 'yong tatanggalin ko." Itinuro ko ang mga kumot na ginawa kong tent na nasa tapat namin.

Itinali ko iyon sa handrail ng hagdanan saka sa kung saan pa na puwedeng magtali. Sinakop ko rin ang TV. "Sorry, love. Kung anu-anong ginawa ko dito. Pang-movie marathon sana 'to, eh. Liligpitin ko na lang."

"Mamaya na. 'Di ko pa nga nakikita. Ang daya nito." Ngumuso pa siya na kunwari nagtatampo. Ang cute!

Natawa ako. "Tara, dali."

Hinawi ko ang kumot para makapasok kami sa loob ng makeshift tent ko. "Wait lang, kailangan pala maghubad ng sapatos."

Hindi puwedeng tumayo doon kaya payuko ang pasok, sabay upo lang dapat pagdating sa loob. Nilatagan ko ng comforter para komportable maupo sa sahig, nilagyan ko rin ng mga unan at naroon pa iyong bucket of popcorn. Nalimutan ko palang itabi. Sabagay, sealed pa naman kaya hindi nilanggam.

"Ganito 'yan." Pinindot ko ang switch ng fairy lights na ikinabit ko sa loob ng tent at ipinalibot ko rin sa edges ng TV.

Napalinga si Evan sa buong paligid ng tent. "This is amazing, love.

Humarap siya sa akin. "I hope we could still push thru our indoor date."

"Oo naman." Nag-thumbs up ako. "Kaso 'yong food naluto ko na, at nasa tiyan na namin ni Lyre."

Nakita kong natawa siya nang bahagya. "Cake na lang 'yong nandiyan, eh. Nasa ref. Sorry. Naisip ko kasi, kung hindi ko pa maluluto 'yon, baka masira na. Kung alam ko lang na darating ka ngayon. Akala ko kasi matatagalan bago tayo magkita ulit..."

"Ssshh." Iniharang niya ang hintuturo niya sa mga labi ko para pigilan ako sa pagpapaliwanag. "I ruined all our plans. I'm sorry."

Umiling ako. "Sabi ko nga, marami pa namang araw. Saka puwede namang Valentine's Day everyday. Puwedeng-puwede ko naman 'tong gawin kahit hindi hearts day."

Kumindat ako. "At marami pang ibang pakulo."

Sumeryoso ako after. "Teka, love, kumusta na pala 'yong mga nasunugan?"

"We're now doing relief efforts to support their daily needs but we're rushing now on the release of their cash assistance to help them start anew and to rebuild their homes," kuwento niya. "Hopefully we'll start tomorrow or the next day."

Napatango-tango ako. "Parang ang dami niyo pang gagawin. Sana hindi ka muna pumunta dito ngayon."

"But, I made a promise to you." Tumitig siya sa akin.

"Okay lang naman 'yon, love. Hindi mo naman ginustong hindi makapunta kahapon." Ngumiti ako. "Nandito lang naman ako, eh. Anytime, puwede mo namang matupad 'yong mga pina-promise mo sa 'kin. Maiintindihan ko naman kung may konting delay minsan."

"Thank you, my love." Niyakap niya ako. "Thank you."

Yumakap ako pabalik sa kanya.

"Ito naman, o. Baka maiyak ka pa niyan," biro ko. Sobra kasing madamdamin ang pagkaka-"Thank you" niya, eh.

Narinig kong natawa siya. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tumitig. His eyes speak of too much love, na pakiramdam ko pinupuno noon ng pag-ibig ang puso ko,. "You're the one who holds this relationship the most. Kung wala ang pang-unawa at pasensiya mo, we will crash. I owe it to you in making this work."

"Hindi lang ako." Umiling ako.

Mas lumapit pa ako sa kanya at hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi. "Parehas tayo. 'Yong effort mo rin hindi matatawaran. Saka mahal natin ang isa't isa. 'Yon ang nagho-hold sa 'tin."

Hindi ko napigilan ang sarili ko na bigyan siya ng isang smack sa lips. Ang guwapo niya kasi! As always.

"That was fast." Ngumiti siya ng nanunukso. "Hindi ko masyadong naramdaman. Isa pa."

"Hindi na, manonood na tayo." Tumawa ako at hinawakan na ang remote control para buksan ang TV. "Ano bang bet mo?"

"Ikaw." Kumindat siya.

"Hindi. Panoorin," natatawa pa ring sagot ko.

"Ikaw nga gusto kong panoorin." Pumuwesto siya sa bandang likod ko, ang pagkaka-upo niya, nakabaluktot at nakataas ang isang tuhod, at ang isang leg naman niya nakalapat lang sa sahig.

"Come close to me," mahinang sabi niya na sinunod ko naman.

Kaso, noong naramdaman ko na bumangga sa bandang puwetan ko ang "ano" niya, napalunok ako at pasimpleng umusog ng konti palayo. Doon na lang ako nag-lean sa tuhod niyang nakataas.

"Bahala ka, ako na pipili nito." Pinindot ko ang remote. Hindi naman na siya nag-protesta kahit pinoy romantic movie ang pinili ko.

"Buksan na natin to." Kinuha niya ang bucket ng popcorn. Hawak niya iyon sa kanang kamay at ang kaliwang kamay naman ang pinangkukuha niya. Kaya pumapaikot sa akin ang braso niya tuwing kukuha siya ng popcorn sa bucket.

Alam kong sinasadya niya iyon, hinayaan ko lang. Feel na feel ko rin, eh.

Landi.

Hindi ko alam kung anong naisipan ko, pero sinubuan ko siya ng ilang piraso habang nakatingin pa rin ako sa TV. Itinataas ko lang ang kamay ko at aabutin naman ng lips niya ang popcorn. Hindi naman siya naimik at hinahayaan lang ako. Feeling ko nae-enjoy niya rin.

Landi rin.

Maya-maya, hinawakan niya bigla ang wrist ko para pigilan ang pag-galaw ng kamay ko. Hindi ko naman nilingon kasi akala ko naman trip niya lang hawakan ng ganoon.

"Let's clean your fingers up," sabi niya sa mahinang boses. Hindi pa rin ako lumilingon, akala ko kasi pupunasan niya lang dahil naipon na ang cheese flavoring sa hinlalaki at hintuturo ko.

Pero naramdaman ko na lang na he gently sucked my index finger. I felt the wetness of his tongue, and the warmth of his lips.

Nahigit ko ang paghinga ko! Juicecolored! Hindi pa rin ako tumingin sa kanya, pero wala na talaga sa pinapanood ko ang focus ko.

He did the same to my thumb. Napakagat-labi ako. Bago sa akin ang ganitong pakiramdam. Hindi ko akalain na ang ganoong action will feel so...erotic.

Hindi naman niya binitawan ang wrist ko matapos niyang gawin iyon. Kunwari busy lang ako sa panonood. Siya naman tahimik lang din. Nanonood lang din siguro.

Naramdaman ko na lang na dahan-dahan siyang umihip sa batok ko.

"Ay!" Napa-wiggle ako sa pagka-kiliti dahil sa ginawa niya. Doon na ako napalingon.

Tawa siya nang tawa. "I love you."

Nakurot ko siya sa baba. "I love you too." Bumaling ulit ako sa TV. Siya naman, tahimik na ulit. Pero feeling ko may binabalak na naman ito, eh.

Hindi nga ako nagkamali dahil naramdaman ko na lang na he gently kissed my bare shoulder. Ang suot ko kasi, oversized sweater na nakabagsak ang isang sleeve kaya naka-expose ang kanang balikat ko.

Mga tatlong beses pa niyang inulit-ulit iyon, at tuwing ginagawa niya, nagtatayuan ang mga balahibo ko sa batok. Hindi ko maintindihan pero may kilabot na masarap sa pakiramdam.

Kunwari tamang nag-comment na lang ako sa pinapanood namin, "Madali lang kaya aralin 'yang sign language?"

"Marunong ako. Basic signs," sabi naman niya.

Napalingon tuloy ako sa kanya. "Talaga? Ang galing naman. As in nag-enroll ka sa isang school? Like nitong sa movie?"

"Oo. To help me communicate with people with challenges in speaking and hearing. Para makausap sila and know their needs or concerns straight from them. I'll teach you some other time." Ngumiti siya.

"Ay, sige," masayang sabi ko. Lumingon na ulit ako sa TV para ituloy ang panonood.

Tahimik na ulit kaming nanood ng movie. Kaso hindi pa yata siya nasiyahan sa paghalik sa balikat ko, he playfully bit my shoulder.

Hindi masakit, pero nagulat ako kaya lumingon ako ulit sa kanya. Nakita kong nag-lip bite siya bago tumawa.

"Ang harot mo, love!" Natatawa rin tuloy ako. Bumago ako ng puwesto at sumandal na lang ako sa kanya para hindi niya na pagdiskitahan ang balikat ko.

Ang ulo ko ngayon, nakasandal na sa dibdib niya. Naririnig kong natatawa pa rin siya ng mahina. Hanggang sa niyakap niya ako sa baywang.

Kahit bumago na ako ng puwesto, inaantay-antay ko kung ano pang pangungulit ang gagawin niya. Mukhang natahimik naman na. Pero narinig ko na lang ang mahina niyang boses na sumasabay sa musical scoring ng isang scene.

"Ako'y sa 'yo, ikaw ay akin. Ganda mo sa paningin..."

Natigilan ako. Maganda ang boses niya! Medyo husky pala ang voice niya kapag kumakanta. Parang ang layo sa speaking voice niya. Hindi bale, minsan, maririnig ko rin iyon nang mas malinaw.

Medyo nangawit ako sa posisyon ko kaya lumipat ako ng puwesto. Gumapang ako tapos tumabi ako sa kanya.

"That was un-ladylike, love," natatawa niyang sabi patungkol sa pag-gapang ko. "But cute, though."

"'Yaan mo na, ikaw lang naman ang nakakita." Natawa na lang din ako at humilig ako sa balikat niya.

"Here." Inakbayan niya ako para mas mapaayos ang paghilig ko sa shoulder niya.

Bumaling ulit siya sa TV saka siya mahinang nagsalita, "I wish to spend more moments like this with you."

"Ako rin," totoo sa loob na sagot ko. Parang kulang kasi lagi ang oras kapag kasama ko siya, at parang napakahaba naman ng mga araw sa mga panahon na hindi ko siya kasama.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top