EIGHT

Nakakaloka.

Kahit saan yata ako magpunta ay iyong viral post ang itinatanong sa akin ng mga tao. Pagpasok ko palang sa building ng TV network kung saan ume-ere ang variety show na mainstay ang dance group namin, iyon ang ibinati sa akin ni Manong Guard.

Pati ang mga staff ng network na nasasalubong ko sa hallway, sa elevator, na hindi naman ako kilala noon, iyon ang ibino-brought up sa akin. Hanggang sa nakarating ako sa studio, lahat ng kasama ko sa grupo, iyon din ang topic.

"Ellie! Viral na rin 'yong reply mo do'n sa post! Dami nang SS at shares," sabi sa akin ni Lyre habang nagpapahinga kami saglit matapos mag-rehearse.

"H-ha? Pati 'yon?" Nagulat ako.

"Ito, o." Ipinakita niya sa akin ang isang post ng screenshot ng comment ko naman sa post ni Karren kahapon. Pero ibang tao na ang nag-share. Hindi ko kakilala. Baka isa sa mga nakabasa ng reply ko.

Binasa ko ang caption, "Bait talaga ni ate. Reply niya 'to do'n sa post ni Karren Apostol. 'Yong may tatay na naholdap. Ms. Ellie Buendia, everyone. #angelonearth"

Ganito pala maging famous. Hindi ko lang alam kung gusto ko ito o hindi. Oo, madalas akong sumayaw sa harap ng maraming tao, pero hindi ako ang tipo na maaalala nila. At okay naman ako sa ganoon. Mas lowkey, mas okay sa akin.

I tried my best na reply-an isa-isa ang mga PMs. Pero aminado ako na inuuna ko siyempre ang mga messages mula sa mga kakilala ko. Relatives, friends, dating classmates. Iyong parents ko kasi alam naman na ang kuwento bago pa nag-viral dahil ka-PM ko noon si Nanay noong nasa ospital ako. Itong kuya at ate ko ang nagulat, nagtataka kung ano daw ba iyong kumakalat na post, so ikinuwento ko na.

Ang mga notifications talaga ang hindi ko na kayang isa-isahin pa. Nagpatuloy pa iyon hanggang sa mga sumunod na araw. Hindi ko alam kung kailan lilipas kasi patuloy pa rin ang pagshe-share ng mga netizens ng una, post ni Karren, at pangalawa, screencap ng reply ko. So, dalawang bagay iyon tungkol sa akin na nagci-circulate sa social media.

May pailan-ilan na ring tao ang nakakakilala sa akin kapag nakikita ako sa network ng ibang audience, tapos sa mall o grocery, o minsan kahit habang naglalakad lang ako papunta sa condo mula doon sa dance studio namin, and vice versa. Ang mga staff ng condominium, kilala na rin ako. Minsan may mga nakiki-selfie pa.

Tapos, dahil nga hindi na rin ako nakakanood ng TV, nagugulat na lang din ako kasi may mga nagpi-PM sa akin o nagta-tag na na-feature daw ako sa balita at sa isang radio program.

O, eto na naman ung famous nating friend!

Napa-iling na lang ako nang makita ang ipinadalang link ni Patti sa group chat namin.

Video iyon ng isang segment mula sa isang news program. Totoo nga na nasa balita ako. Ang sabi pa ng anchor, "Abangan! Babae, hinangaan ng mga netizens sa pagliligtas ng buhay ng isang matanda!" Tapos naka-flash pa sa screen iyong same pictures na in-upload ni Karren doon sa viral na post.

Nung isang araw pa pala to. Ngayon ko lang din nakita to, reply ko kay Patti.

Nag-scroll-scroll pa ako through the FB messages nang may pumasok na isang message. Bagung-bago lang, as in at this moment lang nag-send. Nagulat talaga ako nang mabasa ko ang pangalan ng sender.

Evan Carlson Montealegre.

Pangalan pa lang iyon pero ang lakas makapagpatibok ng puso! Juicecolored!

At personal account ang gamit!

Para akong tanga na dahan-dahan pang binuksan ang message. Parang baraha sa sugal na pinipintahan muna.

Magandang gabi, Ma'am. 😊

Juicecolored! Mayooorrr!!! sigaw ko sa isip ko.

Parang gusto kong magwala! Magwala sa kilig, ganoon! Kung hindi lang mabubulabog si Lyre, kanina pa ako nagsisigaw at nagtatalon dito.

Grabe, sobrang saya sa feeling! Iyong feeling na ilang beses kong sinubukan na i-PM siya pero natakot ako ma-seenzone o unreadzone. Tapos ngayon, ito na, siya na mismo ang nag-message sa akin! Juicecolored talaga! I love you na talaga, Mayor!

Huminga muna ako nang malalim. Tapos nanginginig pa ang mga daliri na nag-type ng reply. Mukha na talaga akong ewan nito. Bahala na, basta sobrang saya ko.

Good eve po, Mayor. Kumusta na po kayo?

Naka-ilang type at erase pa ako para lang sa reply na iyon. Normal pa ba ito? Normal pa ba ako?

Doing great. Ikaw? How are you? Ang bilis niya mag-reply.

Ok lang din po ako. Buti gising pa po kayo. Ang hirap mag-isip ng reply na kareply-reply. Iyong tipong mae-engage ko siyang makipag-chat sa akin nang mas matagal pa.

Ang dami ring tanong sa isip ko. Paano niya ako nahanap? At bakit bigla siyang nag-message sa akin?

Dami lang work sa munisipyo pero on the way home na ako. Nakita kita sa news. Good job, angel on earth. 😉

Juicecolored!! Mayor, wait lang, dahan-dahan lang sa pakilig!

Hehe. Nai-speechless po ako Mayor. Pero thank you po. Ingat po kayo sa pag-uwi niyo, reply ko.

I will. Saan ka nag-i-stay? I thought tiga-San Pascual ka? But the viral post is I think in Manila. Tama ba?

Bakit niya kaya tinatanong? Opo taga dun talaga ako pero ang work ko po dito sa Manila. Most of the time nandito po ako.

I see. I was actually looking for you. Too bad, Kap Andy forgot to let you fill-out the form in the tourism office so there's no info of you there, reply niya na talagang ikinagulat ko. Napatitig ako sa message na iyon at maka-ilang beses na binasa.

Bakit niyo po ako hinahanap? May problema po ba or offense po akong nagawa? Natakot naman tuloy ako, at napa-isip kung may nagawa ba akong violation sa bayan niya pero wala naman akong matandaan.

Offense, wala. Problema, meron tayo, reply niya.

Ay, hala. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at na-wash out lahat ng kilig ko. Napalitan ng kaba at takot. Ngek. Ano kayang problema iyon? Patay ako. Gusto ko na lang sana mag-logout sa FB pero pinilit ko pa rin ang sarili ko na mag-reply para malaman iyon, Ano pong problema Mayor?

I'll be in Manila tomorrow for a conference. Puwede kaya tayong magkita?

Hindi ko tuloy alam kung kikiligin o kakabahan sa reply na iyon. Juicecolored! Oo, gusto kong makita siya ulit, as in! Pero kung sa ganitong paraan naman na may problema pala, parang ayoko na lang. Bakit kaya hindi na lang dito sa chat sinabi? Ganoon ba kalala ang kung anumang ginawa ko para kailanganin pa naming magkita ng personal, eh, kung tutuusin ay napakahalaga ng oras niya?

Sige po. Kaya lang ang rehearsal po namin bukas hanggang 7:00 PM pa. Baka ma-late na po kayo pabalik ng San Nicolas. Totoo naman iyon.

No problem. Willing to wait. 😊

Napakunot-noo ako. May smiley naman ngayon ang reply niya! Matapos ako pakabahin, biglang may emoji na nakangiti. Adik yata ito si Mayor, eh.

Ok po. See you po tomorrow, reply ko na lang. Gusto ko pa sana siyang ka-chat pero wala na, eh. Kinabahan na ako.

See you! Goodnight, Ma'am.

***

Nag-PM ako sa barkada group chat namin na nakikipagkita sa akin ngayong araw na ito si Mayor Montealegre. Nag-screenshot din ako ng convo namin at ipinadala sa GC na iyon. Hinintay ko ang reply nila habang nagbibihis ako. Papunta na kasi ako sa rehearsal noon.

Baklaaaaa! My Gaawwwddd! Babaeng pinagpala ka talaga sa lahat juicecoloreeedd! Nakikita ko pa sa isip ko ang hitsura ni Patti habang nagre-reply ng ganoon.

Anong pinagpala eh may problema nga. Isipin niyo nga kung may ginawa ba tayong kalokohan nun? reply ko. Tapos na ako magbihis at hinihintay na lang si Lyre matapos mag-ayos para sabay na kaming pumunta sa rehearsal

Uy wala di naman tayo pasaway sa san nicolas. Saka bakit ikaw lang? Di ba dapat tatlo tayo nina patti? reply naman iyon ni Luna.

Napa-isip din ako doon. Oo nga, bakit sa akin lang siya nakikipagkita? Sana ipinasama din niya sina Luna at Patti.

Sakto namang biglang nag-message si Mayor, Ma'am, magandang umaga. Remind ko lang usapan natin ha. Wag mo po ako kalimutan.

"'Wag mo po ako kalimutan." Binasa ko pa nang malakas ang huling sentence ng message niya sa akin. Ito naman si Mayor Evan, oo. Kahit dancer ako, baka mas malimutan ko pa iyong choreo sa rehearsal kaysa sa pagkikita namin ngayong araw.

Good morning po, mayor. Paano po pala tayo magkikita? Saan po? naisipan kong itanong.

Saan ba ang location ng studio niyo for the rehearsals? Tanong din ang isinagot niya sa akin.

Sinabi ko kung saan ang rehearsal namin. Ang ikinagulat ko, alam niya na may malapit na café doon. Baka nag-search siya.

Doon na lang tayo magkita, Ma'am. I'll wait for you there.

Totoo ba talaga ito? Si Mayor Montealegre naman siguro talaga itong nagme-message sa akin. Ang hirap lang paniwalaan. Seryoso, bago ako maka-reply sa mga PM niya, mga ilang segundo muna akong natutulala sa message niya.

Tinanong ko kung anong oras matatapos ang conference na sinasabi niya pero hindi na siya nag-reply.

"Tara na, Ellie!" tawag sa akin ni Lyre na ready na palang umalis. Sabay na kaming nagpunta sa dance studio.

Pasado 7:00 P.M. na kami natapos sa rehearsal. Si Mayor Montealegre agad ang una kong naalala. Baka napanis na iyon sa paghihintay.

"Lyre, ano, may kikitain lang akong friend, galing probinsya." Nagpaalam ako sa kanya habang hinahanap sa loob ng dala kong bag ang pamalit na damit ko. Kailangan ko talagang magpalit kasi pawis na pawis na ako. Nakakahiya naman kay Mayor Evan na hulas na akong haharap sa kanya.

"Ah, o sige." Napansin niya ang paghahalughog ko ng bag. "Okay ka lang? Anong hinahanap mo?"

"Ang shunga ko. Pang-practice na damit pa rin pala 'tong nadala ko." Tumingin ako kay Lyre. "Hindi ko nailagay dito sa bag 'yong dress at sandals."

Sa sobrang aligaga ko kaninang umaga habang kapalitan ng message si Mayor Evan, inilabas ko ang mga iyon para sana isilid sa bag ko pero hindi ko pala nagawa. No choice. Gusto ko man sanang magpaka-pormal, dahil Mayor itong ka-meetup ko, alangan namang umuwi pa ako sa unit para lang magpalit ng damit, eh, anong oras na.

"Puwede naman na siguro 'yang dala mong extra clothes." Nang-iintrigang tumingin sa akin si Lyre. "Unless, date 'yang pupuntahan mo, hmmm?"

"Hindi." Mabilis akong umiling, pero wala na akong naidugtong na sabihin. Pero, hindi naman nga talaga date iyon. Wala namang sinabi si Mayor. Pero ganoon ba talaga ako kahalata at parang alam ni Lyre na hindi naman "kaibigan" ang imi-meet ko?

Hindi bale, saka ko na lang ichi-chika sa kanya kung sino talaga ang katatagpuin ko ngayon.

Isinuot ko na lang ang nadala kong jogger pants na black at slightly loose na white v-neck shirt. Konting suklay, sabay suot na lang ng cap.

Dahil malapit lang sa dance studio ang café, nilakad ko na lang. May ilang stairs pa bago marating ang entrance, pero nasa kalahatian pa lang ako ng pag-akyat ko, nakita ko na agad si Mayor Montealegre.

Ang puwesto niya, sa couch na malapit sa glass wall ng café. Naka-polo shirt siya na Lacoste yata iyon, basta may logo sa left side ng chest, hindi ko pa masyadong makita, plain black at fitted sa kanya. Dahil naka-de kuwatro siya, nakita ko ang jeans niya na medyo faded at may konting rips. Naka-baseball cap siya na kulay black din.

Na-recognize ko ang baseball cap na iyon.

Iyon ang suot niya noong nakita ko siya after namin mamundok. Noong nabundol ako ng bike. Ngayon, sigurado na ako, siya nga talaga ang nakita ko noong araw na iyon!

Napatigil ako sa paghakbang at pinagmasdan lang siya mula sa malayo. Lutang na lutang ang kaputian niya sa black shirt.

Ang guwapo niya!

Nakita kong napasulyap na siya sa suot niyang relo. Naiinip na yata. Nagsimula akong humakbang papasok ng café kahit kabado ako sa magkahalong kilig at pag-aalala.

Pagbukas ko pa lang ng glass door ng café ay napatingin na siya. Nakita niya na ako. Ngumiti siya at pakiramdam ko, tumigil ang mundo.

Bahagya siyang tumango as a sign na pinalalapit niya ako. Pero nakangiti pa rin siya.  Paglakad ko papunta sa puwesto niya, pakiramdam ko sa ulap ako nakatapak. Tumayo siya at hinila ang couch sa tapat niya para paupuin ako doon.

"G-good evening po, Mayor." Napalunok ako.

Puso, please, kumalma ka na lang muna.

"Good evening," nakangiti niyang bati pabalik.

"P-pasensiya na po, medyo natagalan 'yong rehearsal namin." Humingi ako ng pasensiya, habang kabado pa rin, "Anong oras pa po kayo nandito?"

Imbis na sagutin ang tanong ko, ngumiti lang siya. "Sabi ko naman sa 'yo, I'm willing to wait."

Napatitig lang ako sa kanya. Buti na lang hindi niya yata napansin kasi sinenyasan niya ang staff ng café, para yata sa menu. Naalala ko na may suot pa pala akong bull cap kaya tinanggal ko na lang muna.

Matapos makuha ng staff ang order namin, actually, niya pala, dahil siya na rin ang nag-order para sa akin, naisipan ko nang tanungin siya, para matapos na rin itong kaba sa dibdib ko.

"M-mayor, p-puwede ko po bang malaman kung ano po 'yong...'yong problema? 'Yong sinabi niyo po kagabi. Na wala po akong offense, pero may problema po."

Natawa siya nang slight. "Teka, kumain muna tayo, Ma'am."

"Ellie na lang po," sabi ko. "Nakakahiya naman na mas matanda po kayo sa akin tapos Mayor pa po kayo, pero "Ma'am" ang tawag niyo sa 'kin."

"Ouch naman sa matanda." Natawa siya.

"Ay, sorry po!" maagap na sabi ko. "Ibig ko sabihin..."

"Hey, it's okay," nakangiting putol niya sa sasabihin ko. "I know what you mean."

Tumango na lang ako at napangiti. Nakakahawa kasi ang ganda ng ngiti niya sa akin.

"Look, Ellie." Intro pa lang iyon sa sasabihin niya, pero noong binanggit niya ang pangalan ko, juicecolored, ang puso ko!

Literal na napahawak ako sa dibdib ko, pero noong na-realize ko iyon, ibinaba ko agad ang kamay ko. Mukha naman kasi akong kakanta ng Lupang Hinirang.

Alab ng puso, sa dibdib ko'y ikaw...charot!

Nagpatuloy siya, "I've been trying to find you since the day I last saw you in San Nicolas. But the truth is, I don't know where to start. And sabi ko nga sa 'yo kagabi, I looked all over the log of the Tourism Office, but your name's not there. Not even your colleagues' names. So I'm thinking like, paano ba ito? I only have your first name. Remember, when you gave me the cake with the note?"

Nakatunganga lang ako sa kanya, pero wala akong masabi. Bakit kasi kahit speaking voice niya ay maganda? Kaya ko talaga siyang pakinggan kahit buong maghapon pa siyang magsalita.

"I tried to guess your last name based on the known clans in San Pascual. That's silly, I know." Bahagya siyang natawa. "Looked it up on Facebook, but to no avail. Good thing, napanood kita sa news and saw the viral post. That's how I was able to find you."

Nakikinig lang ako sa kanya pero iyong tanong sa isip ko na, "Bakeeeett?" ay nagsusumigaw na.

Dumating na ang order namin, White Truffle Pasta sa akin, Pasta Pomodoro naman sa kanya. "Come on, kumain ka muna." Nakangiti siya habang nagsasalita.

Bumalik ang staff dala naman ang mga drinks. Ayoko pa muna sanang kumain kasi parang hindi pa tapos ang sinasabi niya kanina. Kaso ay nagsimula na siya, kaya kumain na rin ako. Isa pa, gutom na rin talaga ako noon. Sayang nga, walang rice meals itong café, mas solve sana. Anyway, masarap naman itong truffle pasta, ang konti nga lang.

Nasa kalahatian na siguro ako ng pagkain nang mapansin kong nakatingin pala sa akin si Mayor. Siguro sa isip-isip niya, "Ang siba naman ng babaeng 'to!" Nahiya tuloy ako ng slight at napa-higop ng green mango shake. Bumalik ang kaba sa dibdib ko.

"Mayor Evan, kinakabahan na po talaga ako, eh." Hindi ko na talaga napigilang aminin. Gusto ko nang malaman kung bakit hinahanap niya ako.

"Ako rin, eh. Kinakabahan na," sabi niya sa mahinang boses pero malinaw na narinig ko iyon.

"Po?"

Tumikhim siya. "I told you, there's no offense or violation. But there's a problem. It's me."

"Bakit po?" tanong kong nagtataka.

Sumeryoso siya at tumingin sa mga mata ko. Pakiramdam ko noon ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko na para bang gusto nang kumawala. Ang way ng pagkakatingin niya sa akin, ibang klase. Tumatawid sa kaluluwa, tumatagos sa puso.

Nagsalita siya, sa mahina pero masuyong boses, "This may sound crazy, but believe me, Ellie. I think I fell for you the first time ever I saw your face."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top