Chapter Two
NAPATILI ako ng biglang marahas na bumukas ang pinto ng grocery. Pumasok ang isang matangkad na lalaki na sa tingin ko'y nasa mid-twenties. Nagdikit ang kilay ko. Balak pa yatang sirain ang pinto!
Imbis na mag-sorry ay malamig lang niya akong tiningnan saka naglakad. Nakasunod ang mata ko sa malapad nitong likod. Naka-t-shirt kasi ito at hapit na hapit sa malaki nitong braso at sa magandang hubog ng katawan nito. Hmp! Sayang ang pagiging gwapo niya dahil masama naman ang ugali!
Kinagat ko ang dila ko para huwag siyang sitahn dahil costomer pa rin ito, pero kapag may nabasag siya saka ako kikilos. Nakasunod lamang ang tingin ko sa kanya hanggang sa mawala na ito sa shelf. Ibinalik ko ang atensyon ko sa computer, akala ko magiging peaceful na lahat pero biglang bumagsak sa harapan ko ang isang case ng beer.
Masama ko siyang tiningnan.
"Kung magbabasag ka sana naman sa labas!" mataray kong ani bago ni-punch ang binili nito.
Napansin kong umawang ang labi nito't hindi makapaniwalang nakatingin sa 'kin. Inirapan ko siya. Ano, ngayon lang nakakita ng maganda? Hmp!
"One hundred and eighty-seven lahat." Binaba ko ang resibo sa harapan nito at naghintay ng bayad.
Inilingan niya ko saka nakangising kumilos para kuhanin ang wallet at nagbigay siya sa 'kin ng isang libong buo na sinuklian ko.
"Come back again," ani ko saka inalis ang tingin sa kanya. Buong akala ko'y aalis na ang lalaki pero ang gago ay lumakad papunta sa bakanteng table sa loob. Pinabayaan ko na lang at nag-ayos ako ng inventory.
I felt uneasy bigla. Para bang uminit ang buong kapaligiran na kanina'y napakalamig. Pasimple kong pinunasan ang leeg ko dahil pinagpapawisan ako.
Lumingon ako sa paligid dahil parang may mga matang nakatuon sa 'kin at tama nga ako. Isang pares ng brown na mga mata ang nakasalubong ko. Napalunok ako. He is looking at me intensely. Like a pray to his victim.
Natatarantang nag-iwas ako ng tingin kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko. Humawak ako sa dibdib ko.
Ano ba 'yan, Jennifer?! Bakit ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko? May sakit ba ko?
"Miss . . . do you have anything to eat to remove the hangover for later?" I heard him ask.
Nagsalubong ang kilay ko. Gago?
Nilingon ko ito at pilit na nginitian. Siraulo yata 'to!
"Nasa grocery store ka po, sir. Maraming cup noodles diyan." Tinuro ko ang section kung saan nakalagay ang mga noodles.
Tumawa ng mahina ang binata habang nakatingin sa 'kin. Inilingan ko ito. May sapak pa yata ang unang costumer ko ngayong gabi. Tumatawa wala namang nakakatawa. Nakakaloka talaga ang mga kabataan ngayon.
"By the way, I'm Leon San Isidro, twenty-five. Working in Makati. Ikaw, what's your name?" pagpapakilala nito sa sarili.
Like, who cares? Hindi ko naman tinatanong, amp!
"Hm . . . let me guess your name. Anna? Sandra? Ruby?" Kung sino-sino pang tinawag nitong pangalan pero 'di ko naman kilala.
Humarap ako sa kanya. "My name is Jennifer Marquez. Wala sa nabanggit!"
"What a nice name. How old are you?"
I crossed my arms. Nanunuri ko siyang tiningnan. Lasing na yata talaga ito, wala na kasing laman ang tatlong bote at ang pang-apat ay tinutunga ng lalaki. Wala man lang chaser o pulutan. Parang umiinom lang ng tubig ang lalake kung uminom.
"Mas matanda sa 'yo kaya pwede ba bilisan mo sa pag-inom, sir at magsasara na ako." Kahit hindi pa man.
Itinukod ng lalaki ang braso sa lamesa pagkatapos may tinuro ito sa labas na sinundan ko ng tingin. Saglit akong mariing napapikit bago nagpakawala ng hininga't tumingin dito. Paano kasi, nakaturo ito sa 24/7 sign namin sa labas.
"Don't lie, Miss. I just want to have a conversation with me. Wala akong balak na masama sa 'yo," seryosong sabi nito bago muling tumungga ng alak. "I just saw my ex and best friend having sex inside our bedroom. They cheated on me and hindi ko alam kung kailan nagsimula 'yon."
Umawang ang labi ko sa kinuwento nito. Anong klase namang babae 'yon? Shocks. Siguradong masakit para sa ego and sa puso ng lalaking ito.
"Aw . . . sorry to hear that. Hindi dapat nila ginawa sa 'yo 'yon."
"Yeah pero I'm starting to feel glad they do it," pabulong nitong sabi.
"Huh?"
Tumayo ang lalaki at naglakad palapit sa akin na kinataka ako. Huminto siya sa harap ko. Nakatukod ang braso sa ibabaw ng counter at nag-lean palapit sa 'kin. Ini-atras ko ang ulo ko.
He bit his reddish and wet lips. Nakatitig sa 'kin ang mga mata niyang may kung anong emosyon na hindi ko maintindihan.
"Because if she didn't do it I will not get here. Hindi kita makikita."
Pabulong niyang sabi na nakarating sa 'kin. Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya sakabay ng pag-iinit ng pisnge ko.
Ano raw?!
"You are so beautiful, mami" bulong nito at akmang ilalapit ang mukha sa 'kin. I tightly close my eyes and ball my fist and then a feel a hot blow in my face. Dahan-dahan akong dumilat.
Sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin. Amoy na amoy ko ang pinaghalong mint at alak sa hininga niya. Isang maling galaw ay pwedeng maglapat ang mga labi namin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nag-umpisang mangiliti ang mga alaga ko sa tiyan. Nag-iwas ako ng tingin.
Nahigit ko ang aking hininga nang hawakan niya ang baba ko, muli niyang hinarap sa kanya. Seryoso ang mata niyang nakatingin sa 'kin.
"Napaka-ganda mo, at gusto kong malaman mong liligawan kita," anito sa desididong tono.
Lahat ng kakaibang nararamdaman ko kanina'y napalitan ng inis. Mabigat kong tinabig ang kamay nito at masama siyang tiningnan. Aba, balak pa yata akong gawing isang rebound!
"Hoy! Hindi porke naawa ako sa 'yo ay lalandiin mo na ko, ha! Pwede ba! Umalis-alis ka na dito dahil naiinis mo lang ako! Para kang hindi nag-grade 2!" bulyaw ko sa lalaki, nagtataas-baba ang dibdib ko.
Gulat siyang napantingin sa 'kin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Pwede ba, kung nasasaktan ka dahil sa ginawa sa 'yo ng girlfriend mo, edi sorry! Pero wag kang manggamit ng ibang tao, noh! Bwisit na 'to! Lumayas ka na nga dito!" Anong akala niya? Maloloko niya ako? Sa edad kong 'to.
"But I really like you! To the point na ayoko ng umalis dito." Namewang ito. "Bakit, mayroon ka bang boyfriend kaya ayaw mo sa 'kin? Baby, you can choose me over him. I can give you the world if you say so."
Napatawa ako ng pagak. Itinukod ko rin ang kamay sa counter saka inilapit ang mukha sa kanya at nakipagtitigan.
"Totoy! Fourty years old na ako. Kung gusto mo maghanap ng babaeng mauuto do'n ka sa labas, gago!" pabulyaw kong sabi.
Nabigla naman ito at napa-atras. Nanlalaki ang matang nakatingin sa 'kin. Tumaas ang isang sulok ng labi ko.
Oh, ano?! Akala mo siguro bata pa ko, hano?! Ayan napala mo!
Bumuka-sara ang bibig nito na parang may gustong sabihin pero sa huli'y itinikom na rin. Iiling-iling itong lumakad palabas ng grocery.
Nang sigurado akong wala na siya ay napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Ano ba 'yong lalaking 'yon? Nakakaloka siya! Kakahiwalay lang—hmp! Nako-nako talaga! Huwag lang siyang babalik dito.
*****
TATLONG buwan ang mabilis lumipas at naging payapa ang buhay ko. Hindi na ako ginulo ng lasing na lalaking minsan kong naka-usap, which is good kasi ipapa-barangay ko na siya if he didn't stop.
And today is a special day dahil birthday ni Mama. It's her sixty-seventh birthday and we're going to celebrate outside, then may pakain kami sa mga suki sa grocery and ilang kapitbahay because that's what she want.
Inayos ko ang suot kong bestida bago tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ang cute ng dress na nabili ko sa isang social media app. Hanggang gitna ng hita ko 'to. Labas na labas ang braso ko't binti, pati na ang kulay ko ay tumitingkad lalo dahil sa kulay na asul.
Pa-bun ang tali ng buhok ko. Napaka-init kasi sa Pilipinas, susko.
"Jen, tapos ka ba? Mahuhuli tayo sa misa."
Napatayo ako ng biglang kumatok at magsalita si Mama sa likod ng pinto. Binigyan ko ng huling tingin ang sarili bago binuksan ang pintuan.
"Eto na, ma. tapos na po. Ready ka na?" tanong ko sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa suot nito. Naka-red dress si mama na binili ko sa kanya last week.
"Mabuti naman. Halika na." Humawak si mama sa braso ko. Nakaalalay ako sa kanya ng lumabas kami ng bahay.
******
NAGSISIMULA na ang misa ng makarating kami kaya agad akong humanap ng pwede naming ma-pwestuhan ni mama. Umupo kami sa may harap. Nag-sign of the cross ako pagka-upo ko at nakinig sa pari.
"Saan mo gustong kumain, ma?" tanong ko ng makalabas kami ng simbahan. Nakapaikot sa bewang niya ang isang braso ko at ang isa naman ay nagpapayong sa 'ming dalawa.
"Kahit saan na lang anak, o kung maganda ay sa bahay na lang, 'di ba may pagkain tayo—"
"Ayy! Ako na pala ang hahanap ng kakainan natin, ma. Doon na lang tayo sa bagong bukas na kainan alam ko masarap daw do'n," pagpuputol ko sasasabihin niya.
Mahina niya kong tinawanan. "O siya, siya. Basta Wag sa masyadong mahal ha."
"Mama, okay lang na gumastos ako ng mahal basta sa 'yo," mahinahon kong ani sa kanya.
Biglang lumambot ang mukha nitong bakas na ang katandaan. I really love my mother. Iginapang niya ang pag-aaral ko noon, lalo na't mahirap ang maging single mother pero kinaya niya. Kaya walang kaso sa 'kin na gastusan siya o bilhin ang luho niya. Basta mapasaya ko lang siya.
"Ikaw ang bahala."
Ngumiti ako sa kanya at hinalikan siya sa noo. Sumakay kami sa kotse ko at nag-drive papunta sa isang sikat na restaurant. Pagpasok namin sa loob ay sumalobong na agad sa 'min ang mabangong amoy ng mga ulam dahil mainit pa 'yon kapag sinerve nila.
----------
Do you like the chapter? comment down your thoughts and push the star button!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top