Chapter Six

UMIIYAK ako ng magising ako kinabukasan. Hindi ko maigalaw ang katawan ko ng hindi sumasakit lalo na ang nasa pagitan ng mga hita ko. Kapag sinusubukan kong gumalaw ay ako lang ang nahihirapan.

Gusto kong sampalin ang sarili. Ang tanga-tanga ko! Bakit ako bumigay sa lalaking 'yon? Hindi ba nga't ayaw sa 'kin ng mga magulang niya—scract that, ayaw sa 'kin ng nanay niya tapos nakipag-sex pa ko. Sa kanya lang pala mapupunta ang inaalagaan kong hiyas.

Napatingin ako sa bumukas na pinto. Pumasok doon si Leon na may dalang tray. Tumutulo pa ang tubig sa buhok nito tanda na kakaligo lang ng binata. Ngiting panalo si gago ng makitang gising na ako.

Masama ko siyang tiningnan.

"Tangina mo ka! Kasalanan mo 'to!" malakas kong sigaw pagka-upo nito sa kama.

Kinunutan niya ako ng noo at inosenteng tumingin sa 'kin. Parang bata na walang idea sa ginawa niyang kasalanan.

"HINDI AKO MAKAGALAW!" malakas kong sigaw na kinatigil nito. Tumawa ito ng mahina at yumukod para halikan ako sa noo.

"Sorry, mami. Masyado yata akong nanggigil," nakangising anito.

Kulang ang salitang gigil para i-connect sa ginawa namin kahapon hanggang gabi—o madaling araw. Napaka-ano naman kasi ni Leon. Pagkatapos na may nangyari sa 'min kagabi sa kama niya ay pinagpahinga niya lang ako ng limang minuto bago dinala sa shower at doon inangkin. Pagkatapos ay sa couch kami sa sala at nasubukan din namin ang lapag sa kusina. Hindi lang sa iisang posisyon niya ako inangkin.

Merong nakatalikod, patayo, sideway at merong paharap o kaya ako ang nasa ibabaw. Susko parang pinalaki ng bear brand at milo 'tong si Leon sa tindi ng energy sa katawan, eh.

"P-pero masakit talaga ang katawan ko. Kaylangan ko pang umuwi baka nag-aalala na si mama sa 'kin," parang batang sabi ko.

Inipit nito sa likod ng tenga ko ang ilang pirasong buhok na tumabing sa mukha ko.

"Don't worry, mami. Naitawag ko na kagabi sa inyo na magkasama tayo. Sabi nga ni mama na gumawa na raw tayo ng apo at excited na siya," nasisiyahan nitong ani.

Nanlaki ang mga mata ko.

"ANO?"

"Yeah. So, here. Kumain ka muna para makabawi ka ng lakas dahil mamaya ay gagawa ulit tayo ng baby!" maharot nitong sabi.

Kinurot ko siya sa tagiliran na kina-aray naman nito.

*****

PAGKATAPOS naming mag-almusal ay binuhat niya ako papunta sa banyo at binaba sa bathtub na puno ng maligamgam na tubig. Nakaramdam ng kaginhawaan ang pakiramdam ko.

Umayos ako at isinandal ang ulo sa gilid ng tub para makapag-relax. Nakapikit ako ng maramdaman kong dumampi ang malambot na labi ni Leon sa 'kin.

"Chansing ka, ah," puna ko.

"Nah. Just tasting what's mine," anito.

Dumilat ako at tiningnan siya. Nagkasalubong ang mga mata namin. May pagsisisi ba akong nararamdaman? Actually, wala. Pag-aalala sa maaring mangyari, meron. Magaan sa pakiramdam na sa kanya ko iyon binigay.

Hinaplos niya ang pisnge ko.

"Rest there, mami. I will just get you some fresh clothes and ihahatid na kita sa inyo para 'di tayo pagalitan ni Tita," paalam niya.

Tumango ako at muling pumikit. I heard the door open and closed again. He already left. Binabad ko talaga ang sarili ko sa tubig.

So . . . kami na siguro nito, hano? I mean . . . eto na, official na kami na kasi ibinigay ko na sa kanya, eh. My gosh. Boyfriend ko na siya. Hindi na ako NBSB.

Sa isiping iyon ay 'di ko naiwasang mapangiti.

Nang matapos ako sa pagbababad ay umalis na ako sa tub at nagbanlaw sa shower. Habang dumadaan ang kamay ko sa 'king katawan, bumabalik din ang alaala namin kagabi. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Gosh. Lumalandi ka na, Jenny.

Pagkatapos kong maligo ay tinuyo ko ang katawan ko gamit ang asul na towel. Lumakad ako palapit sa salamin para tingnan ang sarili. Napatigil ako ng makita ang kabubuan ko.

"What the fuck?" mahinang bulong ko. Lumapit ako sa salamin para tingnan ang nasa leeg ko. Maraming pulang mga pantal. Isama pa ang dibdib at tiyan ko. Tiningnan ko ang hita ko'y umawang ng makita ang miski iyon ay puno rin ng mga pulang marka.

Para akong pinapak ni Dracula sa dami.

Shit! Kaya pala panay ngisi ang loko!

"LEON!!!!"

*****

WALA akong choice kundi kumuha ng damit ni Leon pansamantala dahil isang oras na siyang wala. Suot-suot ko ang boxers nitong mukhang shorts sa 'kin at t-shirt na halos hanggang gitnang hita ko.

Iika-ikang lumabas ako ng kwarto para kumuha ng tubig sa kusina. Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng makarinig ng tikhim. Mabilis akong lumingon. Naibaba ko ang hawak kong tubig ng makita ang nanay ni Leon.

"Hi?"

Serysoso siyang tumingin sa 'kin.

"Sumunod ka sa 'kin," utos niya saka tumalikod at naglakad papunta sa sala. Naupo ito sa pang-isahang sofa kaya naman sa katapat na upuan niya ako pumuwesto. Nahihiya pa rin ako dahil sa nangyari kahapon.

Ilang minuto kaming tahimik hanggang sa ito ang unang pumutol ng katahimikan.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa dahil pareho naman na tayong matanda dito. Alam mo ang edad ng anak ko, 'di ba?" Tumango ako. "Kung gano'n bakit hindi mo iniwasan ang anak ko? Alam mo bang marami siyang pera kaya sumige ka nang sumige kahit na alam mong mas matanda ka sa kanya?" akusa nito.

Mariin akong umiling.

"Hindi 'yan totoo! May sarili akong business. May pera rin ako!" giit ko. Napalunok ako. "Pero gusto ko ang anak mo. Iyon ang totoo. Mahal ko na siya."

"Ha! Anong mahal?! Mahiya ka nga sa balat mo! Humanap ka ng ka-edaran mo't palayain mo ang anak ko! Can't you see? He has a bright furture! Marami pa siyang magagawa! Mayroong mas better sa kanya at hindi ikaw 'yon!" giit nito.

Parang may humiwa sa dibdib ko dahil doon.

Pagak akong tumawa. "D-dahil lang sa edad ko?" Hindi ko napigilang pumiyok.

Dahan-dahang lumapit sa 'kin si Mrs. San Isidro. Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan ako sa mga mata.

"Nagmamakaawa ako sa 'yo, Jennifer. Iwan mo na ang anak ko. Please. Maawa ka sa kanya. May kinabukasan pa ang anak ko," pagsusumamo niya.

Lalaban pa sana ako ng nag-umpisang tumulo ang mga luha niya. Namalayan ko na lamang ang sarili kong tumatango.

Mabigat ang dibdib na umalis ako ng condo unit ni Leon. Sinuot ko ulit ang mga damit ko kagabi. Mabilis ang kilos kong umalis dahil ayoko ng magtagal doon. Napaka-tanga ko talaga! Umiiyak ako habang lulan ng taxi.

Hinding-hindi kami matatanggap ng lipunan dahil babae ako. babae ang mas matanda sa isang relasyon. Pero kung naging baliktad lamang ang sitwasyon ay sigurado akong walang ni isang tututol sa relasyon namin. Hindi magiging masama sa mata ng tao.

Leon's P.O.V.

HINDI ko maalis ang ngiti sa labi ko sa kadahilanang naangkin ko na ng buo si Jenny. Wala na talaga siyang kawala sa 'kin. Hinding-hindi na niya ako magagawang iwanan.

Sisipol-sipol akong pumasok sa loob ng condo ko dala ang mga damit na babagay sa mahal ko. Hays. Tapos na kaya siyang maligo? I can't wait to be with her again. Aayain ko na siyang magpakasal pagka-uwi namin sa kanila.

Siguradong-sigurado na akong papakasalan ko siya at hindi ko na kayang mabuhay ng wala siya. And para mawala na rin ang duda niya.

Napatigil ako sa paghakbang ng makita ang babaeng naka-upo sa couch. Kumunot ang noo ko at nag-umpisang tambulin ng kaba ang dibdib ko.

"What are you doing here?" nagtatakang tanong ko. Luminga ako sa paligid para kay Jenny. "Where my girlfriend?"

She sipped on her coffee before smiling sweetly at me. Tumayo ito at lumakad palapit sa 'kin. Hinawakan niya ako sa braso.

"Well, son, I'm okay. Thank you for asking. Masama na bang bisitahin ang unico hijo ko? And I think that cougar already left," parang wala lang na sagot nito.

"WHAT LEFT?"

Binitawan ko ang hawak kong paperbag at tinakbo ang kwarto namin. Wala na ito sa kama na maayos ang pagkakalagay at mukhang bago rin ang mga punda. Dinalawang hakbang ko ang banyo, umaasang nasa bathtub pa rin siya at sasalubungin ako ng ngiti ngunit wala rin.

Doon lamang pumasok ang katotohanang umalis ang babaeng mahal ko. Kinuyom ko ang kamao ko't mabibigat ang hakbang na lumakad papunta kay mama.

Mariin ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat.

"WHAT THE FUCK DID YOU DO WITH HER?!" galit kong sigaw.

Bumaha ng takot ang mukha nito. "I-I just did what's best for you!"

"What best?! Anong gusto mo doon ako sa babaeng niloko lang ako?! Can't you just be happy for me for once?! Huwag yung gusto mo ang igiit mo!" sigaw ko sa kanya.

Kumawala siya sa hawak ko at pinadapo niya ang palad niya sa pisnge ko dahilan para tumabingi. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at tumingin kay mama. Napatakip ito sa bibig. Mukhang nabigla sa ginawa niya.

"I will just say this one time, mama. Just one! Accept our relationship and respect my girlfriend if you want me to stay as your son. Huwag kang gagawa ng ikakasira namin kung hindi mawawalan ka ng anak," malamig kong banta bago siya nilagpasan.

Mabilis ang kilos kong tumakbo para maabutan ang girlfriend ko. Kabang-kaba ako habang nagmamaneho. Panay linga ko sa daan dahil baka naglalakad lang siya o kaya nag-isip-isip. Pero nang wala ay dumertso na ako sa kanila. Una kong sinilip ang grocery store pero wala ito doon kaya naisipan ko sa bahay.

Naabutan ko ang mama nito na nagwawalis sa bakuran. Nagulat pa ng makita ako.

"Oh, anong ginagawa mo dito, Leon? Akala ko ba may emergency ka kaya di mo naihatid si Jenny," puno ng pagkakata nitong wika.

Nabunot naman ang isang tinik sa dibdib ko dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ay safe na naka-uwi si Jenny. Nagmano ako bilang respeto saka ngumiti.

"Mabilis lang pong natapos, ma. Akyatin ko lang po sa taas si Jenny," paalam ko.

"O siya. Siya. Kausapin mo't nong nakita ko kanina, eh, umiiyak. Nag-away ba kayo?"

Hindi ako ang nang-away sa kanya, nanay ko po. Gusto ko sanang sabihin iyon ngunit mas pinili ko na lamang tumahimik.

Nilagpasan ko ang ginang at tinakbo ang loob ng bahay nila. Dinalawang hakbang ko ang kanilang hagdan at walang paalam na pumasok sa kwarto nito. Napatigil sa pag-iyak si Jenny at gulat na tumingin sa 'kin. Nakahiga ito sa kama at may tissue-ng katabi.

Dahan-dahan kong sinarado ang pinto. I locked the door before sumandal doon.

"You left," akusa ko.

"Your mother is right, Leon. You have a bright future. Maraming babaeng mas bagay sa 'yo na ka-edad mo. Sila na lang ang habulin mo at kalimutan mo na ako," parang wala lang na sabi nito.

Pero parang punyal ang mga iyon na paulit-ulit na sumaksak sa dibdib ko. Nagkulang ba ko ng pagpaparamdam sa kanya na mahal ko siya?

"If I want woman in my age sana wala ako dito ngayon," mahinahon kong sabi. Ayokong sabayan ng galit ang nararamdaman ni Jenny. Baka magalit lalo sa 'kin at 'di ko na makita pa.

Muling bumagsak ang luha sa mga mata ni Jenny. Parang pinipiga ang puso ko. Gusto ko siyang umiyak sa saya at sarap pero hindi sa sakit. Lumakad ako palapit sa kanya.

"A-ayoko ng ganito, Leon! Ayoko ng palagi na lang ako masasaktan dahil sa nanay mong bruha! OO, hindi na ako magpapaka-plastic. Bruha 'yang nanay mo! Ayoko ng palag siyang nasa likuran natin at naka-react sa relasyon natin!"

Lumapit na ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Hinaplos ko ang buhok niya upang pakalmahin siya.

"Mami, calm down. Don't worry. Naka-usap ko na si Mama. Pinagsabihan ko na siya. I'm so sorry that she talks to you in a bad way. I'm so sorry, mami. Sorry. Sorry." I keep on saying sorry for what my mother did.

"Mahal na kita, Jennifer. I hope you believe it kasi ngayon ko lang naramdaman ang ganito sa isang tao. At ayokong magsisi sa huli kung hahayaan kitang mawala sa 'kin."

Gumanti siya ng yakap sa 'kin at nagsumiksik sa leeg ko. Hinaplos ko siya nang hinaplos hanggang sa maramdaman kong naging payapa ang paghinga niya. Napabuntonghininga ako.

Masyado siyang emotional sa ngayon sa mga nangyari. Hinalikan ko siya sa noo at hinigpitan ang yakap. Hinayaan ko siyang makatulog ng mahimbing dahil alam kong kulang siya sa tulog at pahinga.

"Mahal na mahal kita." 



------------

You like the chapter? Comment down your thoughts and push the star button!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top