Chapter Four
AND another four months has been left. It's my birth month! September! I can already smell the Christmas vibes everywhere!
And of course, this year hindi ko na sasalubunging mag-isa ang pasko dahil magkakajowa na ako. Yes, you heard it right I'm already having a boyfriend dahil balak ko nang sagutin ang sugar baby ko.
In those months, Leon becomes a person I want to be with when I grow old. He is a gentleman, a kind and loving person. Greenflag na nagkatawang tao. He never give me reason to doubt his feelings. Palaging may update, palaging magko-call kapag hindi ako busy, at hatid-sundo pa ako.
He respects me and my space. Instead of telling me to stop studying because I already had enough, he pushes me to take more classes to become a great teaching to my students. Instead of cutting of my wings, he is giving me a hand to get my dreams.
And he is so sweet! Like today! Mayroon na namang pakulo si gago. Nagising na lang akong punong-puno na ng rosas ang kwarto ko. Umupo ako sa may gilid ng kama ay nakangiting inabot ang isang tangkay ng pulang rosas kasama ang maliit na sulat.
Good morning, mami. I love you.
Inilapit ko ang rosas sa 'king ilong at inamoy 'yon. Napangiti ako.
Bumaba ako at lumabas ng silid, ganoon na lamang ay pagsinghap ko ng makitang nakatayo sa dulo ng hagdan si Leon, may hawak-hawak na kumpol ng rosas at nakangisi sa 'kin. He look dashing with that black suit.
Dahan-dahan akong humakbang pababa. Parang may kung anong pwersang humihila sa 'kin na huwag mag-alis ng tingin sa binata. Tumigil ako sa huling baitang, nagkapantay kami.
"Good morning beautiful," aniya.
Pilit akong ngumiti. Susko, wala man lang akong ka-ayos-ayos. Baka may tulong laway pa. Or bad breath!
Tinakpan ko ang bibig ko. "Good morning."
"Why cover your face?" he asked with a frown.
Pinanlakihan ko siya ng mata sa hiya. "Paano wala pa akong toothbrush at hilamos tapos nandiyan ka na agad," giit ko.
Mahina itong tumawa at hinapit ako sa bewang palapit sa kanya. Nagsumiksik ito sa leeg ko na kinabilis lalo ng tibok ng puso ko. Umangat ang isang kamay ko't hinawakan ang buhok nito.
"I don't really care if isang linggo ka pang walang liggo at toothbrush, mami. I still like you," he whispered.
Hinampas ko siya sa braso at tinulak palayo sa 'kin. Iniwan ko siya doon at patakbong tumungo sa may kusina. Mabilisan akong naghilamos at nag-toothbrush pagkatapos ay kumuha ako ng tissue at nagpunas sa mukha't kamay.
Pagkatapos ay binalikan ko si Leon sa kung saan ko siya iniwan. Ni hindi natinag ang lalaki, nakatayo pa rin ito sa may hagdan.
Inilahad niya ang bulaklak sa harapan ko na agad kong tinanggap. I smell the fresh roses. Napakabango.
"Thanks for this," tukoy ko sa bulaklak at as pa-surprise niya.
"Welcome, mami. Do you have anything to do today?"
Napa-isip ako.
"Wala naman. Bakit?"
Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa ibabaw ng balikat nito. Humawak ako sa kanya.
"Gusto sana kitang i-date tapos ipapakilala rin kita kay Mama ngayon. Nasabi ko na kasing may babae na akong gustong makasama sa pagtanda and she's curious about it," mahinahon at puno ng pag-iingat niyang ani.
Ipapakilala na niya ako sa mga magulang niya? Pero . . . baka mamaya hindi nila ako magustuhan.
Nabasa niya siguro ang pag-aalangan sa 'kin kaya hinawakan niya ako sa magkabilang pisnge at deretsong tumingin sa mga mata ko.
"You don't have to worry. Magugustuhan ka ni Mama, and kung hindi, I don't care dahil ikaw ang gusto ko. Wala silang magagawa," parang haring aniya.
"Pero hindi mo pa ako girlfriend."
"So? Girlfriend lang ba pwedeng ipakilala sa magulang? Besides, sure naman na ko sa 'yo na ikaw ang makakasama ko sa habangbuhay kaya okay lang 'yon."
Hindi na ako nakakibo dahil hinila na niya ko sa isang mahigpit na yakap.
*****
"OKAY lang ba talaga ang suot ko?" tanong ko kay Leon, nasa loob kami ng sasakyan niya at papunta na sa bahay nila.
Mula sa kalsada ay lumingon siya sa 'kin. Ipinatong nito ang libreng kamay sa ibabaw ng tuhod ko at pinisil ako.
"Yes, mami. You look pretty as always." Kumindat pa ito.
Bahagya akong kumalma. Unang beses ko kasi 'tong maipakilala sa magulang. Hindi ko nga alam kung ano ang dadalhin ko sa kanila. Nakakahiya namang magpunta roon ng walang dala.
"Dumaan muna kaya tayo sa café para bumili ng cake?"
"Okay," he agreed.
Nang huminto kami sa harapan ng café ay tinanong ni Leon kung anong cake ang gusto ko. I just told him na bumili ng kung ano ang magugustuhan ng magulang niya. I was about to pull out my credit card but he just laught at me.
"Baby, I will not let you pay a single penny in our date, even when buying gifts for my parents," he said before kissing my cheeks and getting out of the car.
I shake my head and watch him inside the glass window of the café. Maskuladong-maskulado ang likuran ng lalaki, he is so detectable. Nilabas ko ang compack ko at chineck ang sarili sa salamin. I retouch my make up so later hindi haggard.
Nilagay ni Leon sa backseat ang cake bago pumasok sa driver seat. Tapos umalis na rin kami.
HUMINTO kami sa tapat ng isang malaking bahay. Sumilip ako sa bintana. Nako po. Eto na naman ang puso kong panay ang tibok ng mabilis.
"Now na ba talaga tayo pupunta? Hindi pwedeng sa susunod muna?" medyo kabadong tanong ko.
Natatawa akong nilingon ni Leon. "Yes, mami. Don't worry because they are cool. Mabait ang parents ko."
Pinaglaruan ko ang daliri ko sa kamay na nakapatong sa ibabaw ng hita ko. Natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko para patigilin ako.
"Just hold my hand, mami. Grip it when you're scared, okay?" he gave me an assuring smile. I let a loud sigh before I nod and smile a bit.
He kissed the back of my hand before walking out of the car to open the door in my side. Magkahawak kaming pumasok sa loob ng kabahayan; his holding the cake using his right hand. The maids are greeting him, and looking weirdly at me. Napayuko ako.
"Where are they?" he asked the maid who took the cake.
"Sa dining room, sir. Kanina pa po kayo hinihintay," magalang nitong sagot.
Umawang ang labi ko ng makita ang kusinang sinasabi nila. It's so big and beautifully clean! Huminto kami ni Leon ilang dipa sa mag-asawang naka-upo na sa kusina. Nang mapansin ng tatay siguro ni Leon na naroroon na kami ay nag-angat ito ng tingin at malawak na ngumiti kasabay ng paglingon ng may bahay nito.
"Leon!"
Hinila ako palapit ni Leon sa ama nito. Sandali nitong binitawan ang kamay ko para yumakap sa ama at humalik sa pisnge ng ina pagkatapos ay hinawakan niya ko ulit sa kamay.
"Pa, Ma, this is the woman I'm talking about. The girl I'm courting. Her name is Jennifer. Baby, they are my parents. Father, Elixir and my mother Agatha," he said.
Tipid akong ngumiti sa kanilang dalawa inilahad ko ang kamay ko na tinanggap naman ni Sir Elixir.
"Good day, sir. Nice to meet you po," magalang kong ani saka bumaling sa asawa nito. Unlike him. His wife's face is already wrinkled. Her eyebrow is raising, nakatingin siya sa 'kin na para bang hinuhusgahan na agad niya ang buong pagkatao ko.
Napalunok ako saka mahigpit na hinawakan ang kamay ni Leon. Nanginginig ang kamay ko ng ilahad ko 'to sa harapan ng ginang pero instead na kuhanin ay nag-cross arm pa ito. The boys cough.
Umakbay sa 'kin si Leon.
"Ma, she's Jennifer. You want to meet her, right?" ani Leon.
Matalim ang tinging lumipat ito sa anak niya. Unti-unting lumambot ang expression nito saka umirap sa hangin.
"Yes." Disappointment laced her voice. "But you never mention to me that . . ." Tiningnan niya ko mula ulo hanggang paa at binalik rin sa mga mukha ko.
Nag-iwas ako ng tingin. I heard his father laugh awkwardly, maybe to ease the athmosphere.
"Agatha, don't be like that. Tinatakot mo ang mamanunganin natin," nakangiting anito saka apologetically na ngumiti sa 'kin. "Don't be scared with her, ganyan talaga siya sa umpisa."
Napangiwi akong ngumiti at tumango.
"Bueno, let's seat. Nakakahiya naman kay Jennifer if nakatayo tayo," ani pa nito.
Sumunod si Leon sa tatay niya at pinaghila ako ng upuan na katabi nito samantalang yung dalawa ay umupo sa kaninang pwesto nila. Bale katapat ko na ngayon yung nakakatakot na nanay ni Leon.
I bit my cheeks.
Now, I have a chance to look thoroughly to his parents. Kamukhang-kamukha ni Leon ang ama niya pero nakuha nito ang kulay ng mata sa kanyang ina. They both have brown eyes.
But then she scoff when she noticed I'm checking them out. Napalunok ako. Nakakuyom ang kamao ko sa ilalim ng lamesa. Sobrang basa na ang mga palad ko sa kaba.
"So, when you started dating again?" tanong ng tatay ni Leon.
"Ahm . . ." Nilingon ko si Leon, nakatingin siya sa 'kin at tumango. I looked at his father again.
"Ilang buwan na rin po. Four months," magalang kong sagot.
Nakangiting tumango ito. "Nice. You know what, ikaw ang unang niligawan niyan kaya we're sure that your relationship are serious."
"Dad."
"How old are you?" malamig na tanong ng nanay nito.
Tumingin ako sa kanya. Nanlalaki ang mga mata. Kinakabahan akong sumagot.
"Ahm . . . I'm turning forty—"
"What?!"
Napa-astras ako ng biglang tumili ang ginang. Nagtataka akong tumingin kay Leon na nakatiim bagang bago tumingin muli sa Nanay nito.
Her face are currently red. In anger.
"Do you know my age?!" Umiling ako. "I'm forty-six! My husband is forty eight! What the hell are you thinking para pumatol sa anak kong twenty six lang!?" naghy-hystrerical niyang ani.
Bigla akong nahiya dahil sa sinabi niya. Sampal sa akin iyon.
"Ma, don't start!" pigil ni Leon.
"Anong ma-ma! Leon naman, hahanap ka lang ng kapalit ni Haillie bakit sa mas matanda pa sa 'yo?!" galit nitong tanong sa anak pagkatapos ay bumaling sa 'kin.
"Ikaw hindi ka man lang nahiya sa edad mo at pumatol ka pa sa mas bata sa 'yo! Magka-edaran lang tayo! Para mo ng anak 'yang anak ko!"
Nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ko sa kahihiyan. Rinig ko ang boses ng mga katulong na nag-uusap-usap.
"Ma, wag mong pagsalitaan ng ganyan ang girlfriend ko!" Marahas na tumayo si Leon at humawak ng mariin sa kamay ko.
"Totoo naman! Nilandi ka ba niya, anak? May hawak ba siyang kung ano laban sa 'yo?! Sabihin mo and ipapagtanggol kita—"
Napasinghap ako sa sinabi niya. Sobra na siya!
"Hindi niya ako nilandi o kung ano pa man, mama. Mahal ko si Jennifer. And who cares if she's older than me? Bakit, anong masama do'n? You and Pa also had an age gap." Ani Leon. Tumayo ako at nagtago sa likuran niya.
"But hindi ganyan kalaki! Anak, hindi ka ba man lang nandidiri?! Ha?! Hindi mo man lang naisip na, ka-edaran lang namin siya!" mariin pang giit.
Hindi ko namalayang nag-uunahan na pala ang luha kong bumagsak sa 'king mga mata. Binitawan ko ang kamay ni Leon at patakbong umalis ng lugar na 'yon. Hindi ko kayang lunukin ang pinagsasabi sa 'kin ng nanay niya! Hindi naman ako pinag-aral ni mama para lang maliitin.
Ano pa nga bang inaasahan ko? Na tatanggapin nila kami gayong malaki ang age gap namin? Tangina kasi naman, Jennifer!!!
------
You like the chapter? Comment down your thoughts and push the vote button!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top