Chapter 8

Halos buong magdamag na gising ang diwa ko. Paulit-ulit na nag-echo ang boses ni Safe sa utak ko. Napakaimposible ng sinasabi ni Safe. Isang araw na-fall agad? Aba ang ganda ko talaga. Keri lang. Sanay na ako. Yan kasi ang madalas na problema ng magagandang gaya ko. Masyado na ata akong ashumera.

Hindi pa nagsisimula ang araw ay pakiramdam ko palubog na si tandang araw dahil sa pagod at tamlay na nararamdam ko. Ilang oras lang kaya ang tulog ko haler. Yawa ka ,Safe. This is your fucking fault babe. What! Argh, harut ko talaga. And I know. Ganyan pagsingle always ready to mingle. Crush rito crush duon. Asawa dito asawa duon. Pati yung artistang napapanuod sa kdrama add to cart na natin. Oh yeah oppa. Opakyu ka Safe. Pinagod mo ko! Hindi sa kama sa kakaisip mga gaga.

Back to myself. Tamad akong bumangon at pumasok sa c.r. Daig ko pa ang zombie sa kapal ng eye bags ko. Ilang oras ko ding pinaghirapan ‘to. Kainis naman kasing ‘to si Safe. Naghubad ako ng damit ko. Syembre para makaligo na. Inabot ako ng isa o dalawang oras sa banyo. Napakabagal kasi ng kilos ko. Lumayo pa ako sa shower dahil ang lamig pala ng tubig. But I need cold water to energize.

Lumabas ako ng kwarto na hindi man lang nabawasan ang pagkatamlay ko. Tanging robe lang ang suot ko. Pabagsak akong nahiga sa kama. Pumipikit-pikit pa ang mata ko. King ina ang hina ko talaga pag sa puyatan. I let myself sleep. Nagising ako sa ingay ng ringtone ko. Argh, sinong piste ang nangbulabog sa beauty rest ko.

Inaantok pa ako. Padabog kong kinuha ang cellphone ko sa bedside table ko.

“Wahhhhhhhhhhh, Safe.”

Sinagot ko agad ang call ni Safe. King inang, Safe. Anong oras na ba? Ang aga naman nyang mangbulabog.

“Hello…”

“Good afternoon, Max. Sabi ni tita Mina, tawagan raw kita. Nandito sya sa bahay, you should come here too. Hindi ka daw kasi sumasagot kanina sa tawag nya.”

What the? Good afternoon?

“Ganun ba, kakagising ko lang kasi.. pupunta ako.” pinatay ko agad ang call.

Mabilis pa sa alas kwatro na nagbihis ako. Pulbos lang ok na. White shoes done. Suklay wag na, muka namang nagsuklay ako dahil bagsak tignan ang buhok ko. Tumakbo ako pababa hagdan dala-dala ang cellphone. Maiwan na ang lahat wag lang phone ko.

“Oh, hija. Kumain ka na. Anong oras na oh.” rinig kong sabi ni manang nang madaanan ko sya.

“Hindi na po, manang!” pasigaw na sagot ko nang nasa pinto na ako.

Bumagal ang takbo ko nang makalabas na ako ng gate. Tinignan ko ang oras sa phone ko. Luh? Totoo ba ‘to? 2 pm na? Omy ang kyot ko talaga. Naglakad ako ng normal this time. Napahinto ako nang makita ko si Safe na naglalakad palabas ng gate nila. Saan naman pupunta yun? Lumiko ang daan nya sa gawi ko kaya nagtama ang mga tingin namin. Hinintay kong makalapit sya.

“Why took you so long? What happened? Hindi ka raw lumalabas ng kwarto mo-.”

“Heep, chill, relax, inhale. Exhale. Good. I’m fine. Anyway, bakit ka lumabas? Saan ka pupunta?” pag-iiba ko ng usapan.

“Sayo.” agad na sagot nya.

Ngumit pa na pang close up ang mukong. Akala mo walang kasalanan. Hindi nya pa naisip na baka dahil sa confession nya kagabi kaya anong oras na ako nakatulog. Buti na lang weekends ngayon dahil kundi. Darn, I’m doom. Argh, itong kay amo ng muka na safe na ‘to pero sa tingin ko may evil plan.

“Ahm, ganun ba. Tara na.”

Nagsimula kaming maglakad. Awkward. This fucking awkward. Bakit kasi sya nagsabi ng ganun?

“Ahmm, bakit nga pala nasa bahay nyo si mommy? Anong meron?” tanong ko para mawala ang awkwardness.

“Ahh yun ba? About ata sa birthday party ni mommy ang pinag-uusapan nila. And I heard kay mom na baka sa birthday party nya i-announce ang about sa wedding arrangement. Pero hindi ko alam kung sino sa aming apat ang mapipili para sa wedding arrangement.” takang sagot nya.

Agad na dumambol ang kaba sa dibdib ko nang marining ko ang wedding arrangement. Shit, wag naman sana. No way.

“Ahm, what do you mean? Wedding arrangement?” kunwari ay walang akong ideya.

“Kilala ang mga Amoroso bilang isang royal family. We need to maintain our bloodline. Kaya naman bawat lalaki sa amin ay dapat makapangasawa ng isang babae na may royal blood din.-”

“Heep, timepers muna. Pano kayo nakakasiguro na may royal blood ang babae na mapapangasawa nyo? And anong batayan ng isang royal blood?”

Parehas kaming napahinto sa paglalakad. Sakto naman na nasa dapat na kami ng gate nila. Tinignan nya ako ng mabuti. Para bang sinusuri nya ang bawat angulo ng muka ko. Nakakailang. Tinaasan ko sya ng kilay kaya natauhan sya. He just smiled.

“Like you, you’re one of the royal blood.”

“ANO!” gigil na sabi ko. “Hindi ko gets. Come on, Safe. Tell me.” pakiusap ko. Hinawakan ko ang braso nya at niyugyog iyon. Natatawang tumango sya kaya umayos ulit ako ng tayo.

“A royal blood, should be rich not just rich but a billounair or more than that. At dapat mula sa mga ninuno nya ay may kayaman na sila. Second, maganda ang background. From the background of the family, to her talents, her hobbies, her personality, and her skills. She also need know how to take of business. She also had a beauty, classy, a perfect body. As you can see.”

“Ang dami namang kailangan ipasa na requirements.” reklamo ko. Bumusangot ako sa inis.

Bayan, pano kung hindi ako pumasa sa lahat ng requirements? Pano na si bebe Safe? Charot ang harot grabe. Mas lalo akong nainis nang tumawa lang si Safe.

“Marami talaga. Bata pa lang kami ay meron ng isang babae na nakalaan samin-” natatawa sya pero malungkot ang mga mata nya.

“Huh?” naguguluhang tanong ko.

“Para ma-maintain ang bloodline. Bata pa lang kami ay naghahanap na sila ng babae na papakasalan namin sa tamang edad. At ang babaeng mapipili para samin ay bata pa lang mula sa hibla ng buhok nila ay pag-aari na namin.”

“Pano kung hindi nyo mahal ang babae na napili para sayo?” malungkot na tanong ko. Napakamot si Safe sa batok nya.

“Iwan. So far. Matched naman lahat. Wala namang sumuway sa tradisyon ng pamilya. Siguro kasi. Pinili talaga ng mabuti ang babae na para samin. Yung tipong alam nila na darating ang panahon na mahuhulog din kami sa babaeng nakalaan para samin.”

“Ang lungkot parin. Ang lungkot isipin na hindi ka malayang pumili ng taong mamahalin mo. Ang lungkot isipin na kailangan mong pilitin ang sarili mo na mahalin ang isang tao. Minsan talaga nakakapunyeta ang buhay, ayy madalas pala.”

Napailing na lang si Safe. Hinawakan nya ang likod ko at ginaya ako papasok ng gate. Parehas kaming natulos na kinatatayuan nang makita namin si Luxe. Ang sama ng tingin ni lolo mo. Tinalo pa yung mas dalaw na babae. Laging nakabusangot. Napabuntong hininga si Safe. Nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko at hinila ako papasok ng bahay.

Dalawa na ang kasalanan ko kay Luxe. Dalawang beses na akong nagtaksil sa kanya. Argh, baliw! Walang kayo! Hindi ka nya gusto! Laro lang ang lahat! Remember both of you joined the game. You’re in a trap. Argh, I need to win the game. Baka may price then consolation price na lang ang kay Luxe. Bakit kasi ang pogi nya? Pwedeng akin na lang si papi Luxe.

“Max!”

“Ayy anak ka ng nanay mo!” gulat na bulalas ko. Kabayo naman kasi ‘tong si Safe. Humalgapak sa tawa si Safe. Napangiwi ako at hinayaan sya sa pagtawa. Hindi pa ata sya tapos. Ang babaw ng kaligayahan. Parang syang baby, oo nga pala baby nga pala sya. Baby ko. Washmewep washme neyney. Anebe! ANG HAROT!

Tinignan ko ang buong paligid. Nasa kusina na ata kami. Good thing gutom na ako. Tinignan ko si Safe na ngayon ay nakangiting pinagmamasdan ako. Pinitik ko ang nuo nya kaya natauhan sya.

“Masakit yun huh!” gulat na sabi nya. Bumusangot ako kaya kinuha nya ang kamay ko. Inalalayan nya akong umupo sa isang stall. “Tara na nga. Dito ka muna. Pagsisilbihan kita mahal na prinsesa.” nakangising sabi nya. Nagpangalumbaba ako at pinagmasdan syang kumilos.

“Ikaw naman ang prince charming ko….” pabulong na sabi ko.

“May sinasabi ka ba mahal na prinsesa?” takang tanong nya. Lumingon sya sakin kaya agad akong umiling.

‘hay buhay paserko sirko lang. Magulo, mahirap, malungkot, masakit pero may darating talaga para pasayahin ka, pero minsan akala natin sya na pero may iba pa palang nakalaan na mas magpapasaya sayo.’
Pagkatapos ko kumain ay lumabas kami ni Safe ng kusina. Tumabay kami sa garden nila. Nakita ko si mom kaso mukang busy sa pakikipag-usap kay tita Lexia kaya hindi na namin inabala. Safe and I talk a lot of random things nang maudlot dahil sa isang tahol.

“Mommyyyyy.” malakas na sigaw ko.

Hindi ko na namalayan ang pag-upo ko sa mga hita ni Safe. Nakayakap na rin ang mga braso ko sa leeg nya. Tinignan ko ang buong paligid para hanapin ang aso. LUXE! Walangya ka! Nakita ko ang aso na kasama si Luxe. Hawak ni Luxe ang tali ng aso. Sya talaga ang nagpakawala. Gaya ng dati, sya parin ang may hawak nun. Nakasimangot pa ang mukong at nakatingin pa sa malayo. Sya pa ang may ganang sumimangot?

Hindi man lang nagpatinag ang mukong sa masamang tingin ko. Aba, kinakalaban nya talaga ako. Akmang tatayo ako nang mapatingin ako kay Safe. Pulang-pula ang lolo nyo. Problema nito. Nagtatakang tumingin ako sa kanya. Hello?

“Ahm, mabigat ka pala…” naiilang na sabi nya.

Napakunot ang nuo ko sa sobrang pagtataka. Halos lumuwa ang mata ko nang ma-realized ko ang sinasabi nya. Napaawang ang bibig ko sa gulat. Nahihiyang tumayo ako at napakamot sa batok. May kuto na rin ata ako sa batok e.

“Sorry. Hindi ko sinasadya. Nagulat kasi ako. Yung pinsan mo kasing puro papogi lang ang alam ginulat ako.”

“Oh, so I am handsome, huh? Now, I more than…. like you…” nakangising sabi ni Luxe.

Nadulas. Ako? Nagsabing pogi sya? Asa! Kaso nasabi ko na. Anong gagawin ko? Well honesty is the best policy nga diba? Honest lang ako. Pogi naman talaga sya kaso parang laging may dalaw. Daig nya pa yung mga babae na nagkakared tide. Ako nga inaantok pagnakakared tide sya naman tinutopak.

‘I more than like you? Anong say nyo dun? Wait. Baka mag-assume na naman ako. Baka mamaya iba naman ang ibig nyang sabihin ron.’

“Hoy, palakoka walang kaawa-awa. Manahimik ka na lang ok? Saka pwede ba ilayo mo sakin yang aso mo. Mamaya kagatin pa ako nya.” masungit na sabi ko.

‘Buti sana kung ikaw ang kakagat rawr’ parang gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa naisip ko. Akala ko ba hate mo sya self? Bat humaharot ka? Kalembong pa ghorl.

“You’re so weird.” pabulong na sabi ni Luxe.

Bubulong na lang rinig na rinig pa. Bakit kaya may mga ganung tao. Sarap palunokin ng mic. Isaksak nila sa baga nila yan. Magsasalita na sana ako nang dumating ang isa pa nilang kasama.

“Hey, max.” nakangiting bati nito. Umakbay sya sa braso ni Luxe.

Napangiwi ako at pilit na ngumiti. Ano nya nalaman ang pangalan ko? Weird nilang lahat.

“Nakwento ka na samin ni Tita Mina. But I wonder why you don’t look like her. And the last time I saw her, wala pa syang anak, even a boyfriend.”

“So sinasabi mo ba na ampon ako? Excuse me, pero kung ano man ang issue ng family namin ay labas ka na ron, kayo.” I said and look at them with my cold stare.

Nilambasan ko sila. Ano bang pakielam nila? Buhay ko ‘to. Buhay namin ‘to. Ayoko sa lahat ay ang mga pakielamera. I hate does people na gustong-gusto na halungkatin ang buhay ng may buhay. At ipapamalita sa iba.

“Of course, we should care. I should care.”

This time iba na ang boses nya. Cold and sarcasm was evident. Napalingon ako sa kanya. I gave him eye to eye contact. Ano bang problema nya? Nakahawak si Safe sa braso ng lalaki yun. Para bang pinipigilan ni Safe na magsalita pa ng kung ano-ano ang lalaking yun.

“And why? It’s my life. Mind your own business.”

“Why? Seryoso ka ba? Wala kang alam? O nagmamaang-maangan ka lang?”

“Ano bang problema mo? Can you just please shut up. Kung wala ka namang magandang sasabihin manahimik ka na lang.” pikon na sabi ko. Tumalikod na ako. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang mapahinto ako. Naugat ako sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko.

“I’m your fucking future husband so don’t you fucking walk out on me while I’m talking to you.”
He’s mad.

“What a bad joke.” hindi ko alam kung matatawa ako o manghihina.

Humugot ako ng malalim na hininga. I bet this is a joke. Naglakad ako palabas ng mansyon na yun. What is he saying? Baliw ba sya? I’m expecting Safe to be my future. Atleast Safe. Kahit sya na lang. Or si Luxe. I’m fine with Luxe.

Naglalakad na ako sa kalsada nang maramdaman kong may nakasunod sakin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top