Chapter 7
Ala sais na ng gabi nang makasakay kami ng jeep pauwi ng village. Ang daldal parin ni Safe, para bang buong kabanata ng buhay nya naaalala nya at balak nyang I-kwento sakin lahat. Nakwento na rin nya ang tungkol sa mga pinsan nya at ilan sa mga kalokohan nila, and ito pa, meron daw syang adobted brother and his name isa client. Apat pala silang mukong.
Naunang bumaba si Safe at inalalayan akong bumaba. 'Gentle' man of the year goes to Safe Francisco. At syembre dahil wattpader ka iba na naman naisip mo sa gentle, itshusera, hoy, ilan taon ka na nga ulit? Baka mamaya mas bata ka pa sakin. Pink minded kaya ako, I'm so bait you know.
"Hatid na kita sa bahay nyo, since nandun rin naman nakapark yung sasakyan ko."
Napangiwi ako nang maalala ang kotse nya. Talaga bang gumamit sya ng sasakyan, eh halos anim na bahay lang naman ang layo ng bahay nya sa bahay ko, este bahay ng parents ko. Napansin nya siguro ang reaksyon ko kaya nahihiyang napakamot sya ng batok. Sabi ko na nga ba may kuto sya sa batok, kadirdir.
"Ikaw bahala. Pero ang weird mo, sa jeep, bus, at sa haba ng nilakad natin kanina di ka naman tinamad pero paglalakad lang papuntang bahay namin tinamad ka?" takang tanong ko. Sandali syang natigilan bago napangiti.
"Actually, nagulat rin ako. Akala ko nga magiging hassle at disaster ang araw na 'to, lalo na nung sinabi mong sa public vehicle tayo sasakay. But it turn out good anyway, and I didn't expect that. Siguro kasi, ikaw ang kasama ko. And may narealize akong isang bagay ngayong araw na 'to at dahil sayo." ngiting sabi nya. Napahinto ako sa paglalakad at takang hinarap sya.
"Ano yun?"
"I realize one thing. Wala sa ganda ng lugar, o mamahaling pagkain at restaurant pasabing perfect ang isang date, because the important thing is the person with you. This day and this date is the best, with or without expensive things, what important is the person I am with......."
"Nice one, Safe." pabirong sabi ko para mawala ang pagkailang na nararamdaman ko. Kakaiba kasi sya kung tumitig! Hindi ko alam pero tumataas ang balahibo ko.
"This day is the best because of you, Maxine." seryosong sabi nya. Di na sya nagbibiro mga mars.
Anong gagawin ko? How should I react from this? Jusme di kaya na-fall na sakin ang kulogong 'to? Omg, sa ganda ko ba naman, well. 'Aray ko poh.' napahawak ako sa nuo ko, nang maramdaman ang pitik nya ruon. Kainis na kulogo na 'to. Kasunod ng pagpitik nya ay isang malakas na pagtawa. Masamang tingin ang itinapon ko sa kanya pero hindi sya nagpatinag. 'May tililing ata sa ulo ang isang 'to'
"You're so cute, Max." kapos ang hiningang sabi nya. Malakas parin ang tawa nya.
Anong kyot dun? Iba talaga pagmaganda kahit anong reaction ko kyot parin ako. Teka, baka mamaya may crush sakin 'to?
"Hoy, ikaw huh, may gusto ka sakin nuh?" pagbanat ko.
Tumigil sya sa pagtawa at seryosong tumingin sakin. Namulsa sya bago nagsimula lumapit sakin kaya nagsimula rin akong umatras. Ano ba 'tong pinasok ko? Nagbibiro lang naman ako. Bat ba ganito ang life ko? So full of handsome guys but evil. Naks, nakapag-english. You know I'm smart and madalas na shunga-shunga.
Pumaling ang ulo nya at mas lalong lumapit sakin. Naiilang na nag-iwas ako ng tingin. Bahala sya dyan. Napatalon ako sa gulat ng hawak nya ang kamay ko. Pinanlakihan ko sya ng mata. Nawala ang seryosong awra nya at napalitan ng malakas na tawa. Napatingin ako sa kamay nyang nasa palapulsuhan ko habang sya, tumatawa parin.
Bakit ganun? Parang nagreact ang katawan ko? Argh! Physically attractive ba ako sa kanya? No way! Pano si Luxe? Hirap talaga pagmaganda. At bakit ko naman iniisip si Luxe? Patay sakin ang kumag na yun.
'I will make him fall in love with me, harder! Deeper! Faster! Oh, iba na naman iniisip nyo. Mga mahahalay isip nito.'
Isang OA na pag-ubo ang nagpatigil samin ni Safe. Napatingin kami pareho sa likod ko. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko mga mars! Si Luxe kasi! Syems, sya yung umubo at masama ang tingin samin pareho ni Safe. Nakita kong bumaba ang tingin nya sa kamay ko na hawak ni Safe kaya napatingin rin ako dun. Sa gulat ko, nahila ko agad ang kamay ko.
Arghh pakiramdam ko nagtataksil ako! Isa na ata ako sa mga manloloko sa mundo. Huhu, hindi ko naman intensyon na lokohin si Luxe. Teka nga, ang OA ko kala naman eh totoong boyfriend ko yan. Napaatras ako ng magsimulang lumapit si Luxe. Nakakaba ang gwapong muka nya kahit muka syang evil cute monster. Meron ba nun?
"Do you even know what time is it?" seryosong tanong ni Luxe. Di nga lang ako sigurado kung sa akin ba ang tanong na yun. Pero nakatingin sya sakin eh.
Akmang sasagot ako ng tumingin sya kay Safe. Napangiwi ako sabay yuko. Sabi ko nga, hindi ako. Napahiya ako ron. Kainis na kulogo na 'to. Kala mo kung sinong gwapo. Di lang naman sya ang gwapo sa mundo nuh. Yung daddy ko gwapo. Di lang sya! Mayabang! Kainis.
"Dude, relax. Anyway, this is Max. Kilala mo na sya diba? Actually were in date right now." sarkastikong sabi ni Safe. Umakbay sakin si Safe na ikinagulat ko.
My ghad sobra-sobra ng pagtataksil 'to. Nakita ko ang inis at pagkapikon sa muka ni Luxe. Gumalaw ang panga nya na parang nagtitimpi na wag sumabog. May bomba siguro sa bibig nya. Bad breath, eww. Nakapamulsang tumalikod sya at walang sabing umalis. Saka ko lang napansin na nandito na pala kami sa tapat ng mansyon nila.
"Sorry about that, Max. Ganun talaga si Luxe. Anyway hindi naman nya alam na ikaw si Lexie in RPW." ngiting aso na sabi ni Safe.
Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang. Nagsimula ulit kaming maglakad. This time RPW naman ang topic namin. And guess what, hindi nya maalala kung ilan na ba ang lahat ng mga naging ex nya sa RPW dahil wala naman daw syang paki. Tsk, playboy talaga. Playboy is always a playboy. Si Luxe kaya? Playboy din kaya sya?
Gaya ng napag-usapan hinatid nya nga ako samin. Nagpilitan pa kami kung sino ang mauunang pumasok. Sya sa sasakyan nya, ako sa loob ng bahay. At the end hinintay ko syang makapasok ng sasakyan nya. Nang mawala na ang sasakyan nya sa paningin ko saka lang ako pumasok. Habang papasok ako ay kinuha ko ang phone ko.
Sa messenger agad ang punta ko. Pagbukas ko pa lang ng wifi ko ay tambak agad ang notification. A lot of inbox and voicemail from Luxe ang natanggap ko. Kinakabahan ako syems! Buong araw akong walang paramdam. Pano ko sasabihin? Magsisinungaling ako? Na naman! Nakakapagod magsinungaling nuh lalo na pagmabait ka hehe.
I opened our convo. Oh syems! Carrying, sweet, thoughtful messages agad ang bumungad sakin. Pero hanggang three pm lang tumagal ang message nya. Huminto na sya. Anong gagawin ko? Last message nya, tinatanong ako kung anong ginagawa ko? Tinawag ako ni mommy kaya sandaling nadistract ako. Napalingon ako sa dining kung saan ko narinig si mom. Pumasok ako sa dining at tama ako nandun nga sya, but she's not alone. She's with someone else, with tita Lexie. Oh no please.
Natigilan ako in half way of my walk. Sabay silang napalingon sakin at may nakakalokong ngiti. Bat parang malademonyo yung mga ngiti nila para sakin. Nai-imagine kong tatawa sila ng malademonyo at unti-unting lalapit sakin para kunin ang kaluluwa ko at I-alay sa anak ni tita Lexia. Grabe ang ganda ng alay nila syembre ako yun eh.
"Maxine, MAXINE." sigaw ni mommy sa harap ko.
Pinilig ko ang ulo ko. Nakangiwing, pilit na ngumiti ako sa kanila. Inalalayan ako ni mommy na makaupo sa tapat nang upuan ni tita Lexie. Bakit parang masama ang kutob ko rito? Oh no please tama na. Amp, ang weird talaga ng pakiramdam ko pagnandito si tita Lexie. Alam nyo yung pakiramdam na yung pagnakikita isang tao na yun pakiramdam nyo laging may dalang panganib. Ayy iwan ko ba.
"Mommy, hmm. Ano pong meron? Hi po tita Lexie." pilit na pinasigla ko ang boses ko kahit mukang nabitin. Hindi nabitin sa kama kundi nabitin sa sigla.
Ngumiti si tita kaya napilitan akong ngumiti rin. Bumaling ako kay mama para sa hinihingi kong sagot. Nalolorke ako nuh.
"Hmm, pinaghahandaan lang namin ang party ng tita mo next next month. Lalo na at duon mo rin makikilala ang anak nya. Ang taong ipagkakasundo sayo." ngiting sagot ni mommy.
Kunot nuong tinaasan ko sya ng kilay. "Sino po ba? Ano pong pangalan nya?" napalingon ako kay tita Lexie ng sya ang sumagot.
"Si Safe, hija. Ang alam ko ay may lakad kayo ngayon. For sure, magkakasundo kayo." kinikilig na parang teenager si tita Lexia at nakipag-apir pa kay mommy. Luh parang mga nanunuod lang ng kdrama.
Natulala ako ng ilang minuto. Si Safe? As in si Safe? Di nga? Si Safe ba talaga? As in si Safe? King in si Safe? Sa-fe-an na ako ng masamang espirito pero ayoko magpakasal kay Safe! Kay papa Luxe lang ako. Kay papa Luxe lang kakalampag. Chour, etshuserang mga frog. Safe naman ako kay Safe if ever nga na si Safe ang pinili nila. Pero ba parang ayoko? Anong pumipigil sakin? Kaloka, nabibigla lang siguro ako.
Nagpaalam ako kela mom and tita na aakyat na ako. Pinigilan pa nila ako at inayang kumain pero tumangi ako dahil kumain na ako sa labas, syembre kasama si Safe. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Arghh, ano ba! Ang cute kasi ng tawa ni Safe. At ang hot nya kapag seryoso sya. Kung hindi lang umepal si Luxe baka may nangyari na. I mean imposible naman na makipaglaplapan ako kay Safe sa gitna ng kalsada. Ang ibig ko lang sabihin ay yung french kiss, you know gaya nung mga nasa teleserye. Kaso may epal.
Nasa tapat na ako ng kwarto nang mapatalon ako sa gulat. Dahil bukas ang wifi ng phone ko nagring ang call sa messenger ko. Syems sino bang kulogo 'to? Oh no si Luxe! Oo nga pala. Nawala sa isip ko! Argh, ang hot naman kasi ni Safe. Yung abs nya pakiramdam ko heaven na. Mahawakan ko lang ang mga yun mapapasabi na talaga akong 'I'm Safe'.
Back to my bebe. Sasagutin ko ba? Oh bukas na lang ako magpaparamdam. Ang galing ko naman mang-ghost. Arghh, bawal nga pala dahil nasa game kami. Si Safe naman ang admin kaya safe ako. Kailangan ko munang makausap si Daphne about dito. Siguro, mang-go-ghost muna ako for the mean time. Hinintay kong mamatay ang tawag saka dali-dali kong ni-log out ang RP account at binuksan ang RA ko.
Pumasok ako sa ko at nilock ang pinto. I clean myself and wore something comfortable before going to bed. Oras na para magpahinga. Time out muna sa kakaharut. Mahirap na baka makarma ka ghorl. I decide to reflect myself, hanggang sa mapadpad ako sa ideyang o sa tanong na gusto ko na nga ba si Luxe. Isang buwan at kalahati na rin simula makilala ko sya. The thoughtful, carrying, sweet and handsome Luxe, is the one that I like, ops correction possible na magustohan ko, possible pa lang.
Napabuntong hininga ako at pabagsak na humiga sa kama. Hindi sinasadyang napunta ang tingin ko sa sofa bed kung saan nakalagay ang bag ko. Ang bag na syang nagligtas sa buhay ko. Imagine, that bag save my life. How? Simple, dahil ang bag na yun ang sumalo ng mga bubog ng salamin sa sasakyan ni papa. Sa lakas ng mga pwersa ng mga basag na salamin ng mga oras na yun. Posibleng ikamatay at ikabulag ko yun.
Hanggang ngayon hindi ko parin matanggap ang nangyari. I was 11 years old that time, grade 6 student when the accident happened. Isang car accident. Common na masyado kung titignan. Dahil halos taon-taon libo-libo ang naaaksidete. Pero hindi ako naniniwala na aksidente lang ang nangyari. At hindi ko rin matanggap na may taong nasa likod ng aksidente na iyon.
Sino nga bang mag-aakala na ang tanyag na engineer sa panahon nya ay mamamatay sa murang edad? Dad is kind person. Wala syang binabanggang tao. But mommy? Yes, marami. She's attorney what do you expect? At ang mga kalaban ni mommy ang pinagbibintangan ko. At hindi mababago yun hangga't wala pa akong napapatunayan kahit isa sa mga hinala ko.
Nang araw ng aksidente. Si daddy ang driver. Nasa front seat ako yakap-yakap ang bag na paborito ko. Nakasuot parin ako ng school uniform dahil sinundo kami ni daddy that time. Si mommy ang nasa backseat kasama ang twin brother ko. Yes, may kakambal ako. At sya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi nawala-wala ang hinala ko na planado ang lahat. Nang araw ng aksidente, nawala na parang bula ang kapatid ko. Walang kahit anong naiwan na bakas nya sa sasakyan. Kahit ang bag nya o gamit nya, wala.
Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nawala sya. Hindi ko man lang sya naprotektahan. Ako ang ate nya pero wala akong kwenta. Hanggang ngayon wala parin akong balita sa kanya. Ang tagal ko nang naghihintay. Ang tagal ko nang nag-aabang na sana mahanap sya. At ayoko kong sumuko na lang basta. Marami ang nagsasabi na baka wala na sya. Pero hindi ako naniniwala.
Mabilis kong pinunasan ang luhang pumatak sa pisngi ko. Naalala ko na naman. Sana hindi masira ang tulog ko. I think, I need Luxe right now. I get up from my bed and grap my phone in my bed side table. I open my messenger. Nanlaki ang mata ko sa message na natanggap ko galing kay Safe. Oo nga pala friend na nga pala kami sa RA and RP ko. Argh, ang cute ng profile nya. Sarap I-kiss ng pisngi nya. Harut, harut, maharut!
Pinang-gigilan ko muna ang unan ko bago buksan ang message nya.
Hey, Max. I enjoyed this day I hope you do. I wish the second date.
Date? Anong date pinagsasabi nito? Mabilis akong type ng reply.
Friendly date! Friendly date, Safe.
Naseen agad? Luh? Halatang walang kachat. Natawa ako at napakamot rin at the same time. Pano kung marami syang kachat pero ako ang priority nyang replayan agad? Luh, ashumera ka ghorl? Bakla ka ng taon alam mo yun? Argh bahala na nga.
Oh, I forget. Anyway, second date? Game?
Ops second friendly date pala ;)
G! Pero alam mo nakakahalata na ako sayo. I replied.
What do you mean? I'm feeling nervous right now, Max. :(
"May gusto ka ba sakin?" pagbasa ko sa tina-type kong message. I click the send bottom without thinking. Lol, bakit, mabuti na yung sure nuh. Nasa sa kanya na lang yun kung seseryosohin nya ang tanong ko o gagawin nyang biro.
Ilang minuto ang lumipas pero seen lang ang nagtanggap ko. Luh, seener ampotek. Famous ka ghorl? Kagigil, sa cute kong 'to! I-se-seen mo lang ako? Hoy, hindi lang ikaw gwapo sa mundo! Nandyan pa mga pinsan mo! Pinang-gigilan ko ang cellphone ko sa inis. Kagigil ang hottie mong kuya. Kalerke.
Natigil ako sa ginagawa kong kabaliwan dahil sa notification bell ng messenger. Na-back ko ang messenger sa menu kaya binuksan ko ulit ang messenger ko. Oh, si Safe. I open our convo. Halos magtatalon ako sa kilig, gulat at excitement dahil sa reply nya. Wala lang gusto ko lang kiligin. Wait, inis dapat ako diba? Inis ako eh! Inis talaga ako sa kanya. Kaso...
Can I call you?
'Sure!' mabilis na reply ko.
Yung daliri ko ang may kasalanan hindi ako. Totoo, yung daliri ko ang nagreply hindi ako. Ahhhh, ayoko kong maging member ng samahan ng mga marurupok!
"hey.." huskily ampotek. Bebe Safe, bat ganyan boses mo? Huskie, amp, yung aso, chour.
"Ehem, hey? By the way, wag mong seryosohin yung tanong ko kanina."
"I already did." pabulong na sagot nya. Para syang may mabigat na problema? Parang may mabigat syang dinadala. Ano kaya? Baka betlog nya mabigat? Sino kaya pwede magbuhat. Ako na lang kaya.
"Biro lang yun. Alam mo namang loka-loka ako." pabirong sabi ko.
"I know." I heard him chuckled. Luh, ano sabi nya? Ako loka-loka? Minsan talaga nakakainis yung mood swing ng lalaki, lalo na pagnagiging baliw na sila.
"Aray, wala man lang deny dyan. Yun tipong Iche-cheer up mo ko at ipagtatanggol mo ko sa sarili ko?" kunwaring nagtatampong sabi ko.
Kagigil, pag 'to di ako pinagtangol kay Luxe na ako. Kay papa Luxe na lang ako kakalampag. Ayy bad, bawal pa nga palang isuko ang bataan kung hindi pa kasal.
"Sorry, sorry, I mean hindi ka naman loka-loka. Hmm, baliw pwede pa."
"King ina parehas lang yun eh."
"Parehas lang ba yun?" natatawang sagot nya.
May ubo ba sya sa utak? Luh? Lutangers ka boy. Tara dito papalutangin kita sa sarap. Sa sarap ng pagkain na lulutuin ko. Iba kasi iniisip eh. Mga pashnea. Magsi aral muna kayo!
"Opo, gusto mo I-define ko for you. You know I'm smart and globe, chour."
"Sigi, sigi. Another knowledge from the running valedictorian." pabirong sabi nya.
"Uyy, hindi naman ano ka ba." pagpapa-humble ko. Pero totoo naman I'm running for valedictorian. "So ito and loka-loka ay maihahalintulad sa baliw samantalang ang baliw ay maihahalintulad sa loka-loka."
"Naks, talino talaga ng valedictorian. Ganyan pala utak ng valedictorian namin." sarkastikong sabi nya.
"King ina, nag-iinsulto ka ba?"
"Hindi naman, nagmamahal lang." natatawang sagot nya. Humina ng humina iyon hanggang sa mapalitan ng mahihinang buntong hininga. "By the way, Max. Bago mawala ang lakas ng loob ko para magconfess. I want to say, I like you." the call ended.
Natigilan ako at sandaling hindi nakagalaw sa pwesto ko. Dahan-dahan kong naibaba ang phone ko at napatitig duon. WHAT THE HELL? He likes me? Yung totoo? Baka panaginip lang. Wala sa sariling nilagay ko ang phone ko sa bed side table. Humiga ako at tulala na tumitig sa kisame. Paulit-ulit na nag-echo ang boses ni Safe sa utak ko.
"He likes me?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top