Chapter 5
Nasa jeep ako ngayon kasi pauwi na ako, obviously. Inilabas ko ang cellphone ko. I inhale deeply and exhale to release the bad breath, chour. Duh, pangmayaman kaya ang mouthwash ko. Kaya ko 'to. Binuksan ko ang RP account ko at ayon. Tama ang hinala ko. Tadtad ng message galing kay Luxe! Bigla akong kinabahan. I can do this.
Syems! Anong gagawin ko? Should I reply to his message? Alam niya kayang ako 'to? Tanga, Max. Remember kung pano ka niya bwisitin tuwing umaga? Tama, hindi niya ako kilala. For sure yun. Arghh, kainis. Ano bang buhay 'to. Buong buhay ko ngayon lang ako nag-complain. Sana naman blessing in disguise 'to. Pero paano mangyayari 'yun? Amp, angel in disguise, hah I wish.
I sighed before decided to answer him. May pa-voicemail pa ang gunggong. Naka-online siya ngayon kaya naman hanggang sa pagbaba ko ng jeep ay kachat ko siya. Muntik na akong madapa dahil tutok na tutok ako sa pagre-reply sa kanya. Yeah, I enjoy the flow of our conversation. Buti na lang at hindi pangit ang ugali niya rito. He's sweet, thoughtful, carrying and a bit cold. Hindi ko alam kung pano niya nagagawa 'yon.
Halos mabitawan ko ang phone ko ng tumawag s'ya. Nagpalundag-lundag ang phone ko sa kamay ko. Buti na lang, hindi ko nasagot ang tawag. Huminga muna ako ng malalim bago sagotin iyon. Bakit ba ako kinakabahan na excited?
"Hey,"
Syems! Ang pogi talaga ng boses n'ya! Akin ka na lang pwede? Yung boses hindi yung tao. Correction lang, baka bigyan ng malisya.
"Ehem, hey. Napatawag ka? Kakachat mo lang hah." pinahina ko ang boses ko. Mabuti ng nag-iingat. Pano kung mabuking ako? Edi patay ako. Nadungisan ang dignidad ko.
"I want to hear your voice."
"Alam kong pangit, amp." napasimangot ako at lalo pang sumimangot ng marinig ko ang pagtawa niya.
Ang ganda rin pagtawa niya, arghhh. Nababaliw na ata ako, kahit simpling pagtawa nya maganda para sakin. Para akong nakakarinig ng kanta.
"No, I love your voice. Can you sing?"
Sandali akong natigilan. Yes, I know how to sing pero ayokong madissappoint sya sa boses ko. What Maxine? Seriously? Talagang iniisip mo kung madi-dissappoint siya?
"Nasa labas pa kasi ako, maybe later. I will sing for you."
Nagpatuloy ang usapan namin. He teased me and I just go with the flow. I know him, siya kaya? Ang totoo kanina ko pa gustong itanong kay Daphne pero natatakot ako, iwan ko ba kung bakit. Natatakot na parang iwan. Pakiramdam ko kasi parang may mali. Hindi ko lang mahanap kung ano ba yun.
Hanggang sa pagpasok ko sa bahay ay kausap ko siya. Maaga akong naka-uwi ngayon kaya wala pa si mommy. Dumiretso ako sa kwarto ko. Nagpaalam na muna ako para makapag-ayos. I went down to the stair with a full smile. Hindi ko alam kung smile lang ba 'yon or kinikilig na smile. Paano kung, maging member ako ng marurupok? No way.
"Ngiting-ngiti ah. Anong meron?" nang-aasar na sabi ni mommy. Nakapanglakad pa siya, mukang kakarating lang niya.
"Nothing, mom. May masama ba? Wag mong sabihin na magpapatawag kayo ng albolaryo?" napangiwi ako nang nakitang ngumiti ng malawak si mommy. Iba na naman iniisip niya. Hindi ko pinansin si mom at nagsimulang kumain.
"By the way, I have a good news." tumaas ang kilay ko sa sinabi ni mom. "I already meet your Tita Lexia."
At tumigil ang mundo. Nagpatuloy si mom sa pagkwento hanggang sa mapansin niya ang pagkatulala ko. Naririnig ko siya pero hindi makuhang mag-respond ng utak ko, ni hindi nga niya nakuhang I-process ang lahat ng sinabi ni mommy. Paulit-ulit na tinawag ni mommy ang pangalan ko. Kung anu-anong pumasok sa isip ko. Masisiraan na ata ako ng ulo.
Paano kung demonyo ang lalaking mapipili para sa'kin? Paano kung buong buhay ko laging sira ang araw ko? Anong gagawin ko? Si Luxe? Paano si Luxe? Natampal ko ang sarili ko. Ba't ko iniisip 'yon? Nasa fake world kami! Paano kung fake din ang feelings niya? Saka ano bang pakielam ko kung fake ang feelings niya? Hindi naman siya kawalan. Lagi naman niyang sinisira ang araw ko, sa tatlong araw na 'yun.
My single life is over. At ang masama, malaki ang chance na isa sa mga kampon ng demonyo ang pwedeng mapangasawa ko. Wait, bakit ko nga ba iniisip 'yon? Hindi naman ako pinipilit ni mommy. Malaki na rin ang savings ko pwede na akong bumukod at umalis rito. Hindi problema 'to. Tama, hindi problema sakin 'to
Bakit ba kasi ako nagaalala e, si tita Lexia ang ginang na may ari ng aso na muntik ng kumain sakin, arghh. Yeah, ang pamilya ni Luxe at Safe ang nakipagkasundo kay mommy. Ako ang naging way para magtagpu sila. Tama, hindi dapat ako mag-alala. Next month pa naman kami magkikita diba? Makakapaghanda pa ako. May ghost naman na pwedeng gawin diba? Yung ghost na sinasabi sakin ni Daphne, yun ang gagawin ko kay Luxe.
"Hija, are you okay? Iniisip mo ba ang tungkol sa usapan namin. Ano ka ba binigyan naman kita ng option. Isa pa, ako ang nakipagkasundo. For sure pagnandito ang mommy at daddy mo, ang desisyon mo parin ang masusunod."
Napalunok ako bago marahang tumango. Mommy is right siguro pagnandito si mommy and daddy, desisyon ko pa rin ang masusunod. Pero sino ba ang niloloko ko? Wala na sila. Si mommy Mina ang nandito. Si mommy Mina ang kaisa-isang taong hindi nang-iwan sakin. Wala na dapat pa akong hanapin pa.
Naging tahimik ang buong dinning. Umakyat ako ng kwarto ng hindi kinakausap si mommy. Wala ako sa mood. Dumiretso ako sa C.R para mag-ayos. Pagkalabas ko ng kwarto, ang gitara ko agad ang napagdiskitahan ko. I know how to sing and play some instrument. Sinimulan kong mag-strum nang maalala ko si Luxe. Kakantahan ko nga pala siya.
Kinuha ko sa bedside table ko ang phone ko para makapagrecord. Kalawakan ang pinili kong kanta. I sang the song from the very beginning till the end. Binuksan ko ang RP account ko para makita kung online ba siya. And yeah, online nga at ayun tinambakan na naman ako ng messages and voicemail. I called him at mabilis naman niyang sinagot.
Ba't kaya ang bait ng ugali niya sa RP? Fake world nga pala 'to so means fake din yung ugali niya. Arghh, why I am hoping na sana hindi? Na sana totoo yung pinapakita niya? Oh no, I think I already like him, but no. Still no, no fucking way.
"Hey, should I start to strum my guitar?" natatawang tanong ko. I heard him chuckled that make's me smile wider.
"Yeah, I been waiting you for an hour. I thought you ghosted me."
'Balak ko nga,' napangiwi ako bago pagak na tumawa. Hours pa lang naman, sus takot na mawala ako, ayie. Pinapakilig ko lang sarili tsk.
"Do you really think that? Well, ready your ears, and specially yung eardrums mo."
I heard him chuckled before he answered. Napailing na lang ako bago sinimulang mag-strum. I inhale deeply to release my nervous. Sana naman hindi ako mapahiya. Why I have this feeling na sana hindi siya ma-dissappoint sa boses ko? Argh, I'm crazy.
"You give me hope. The strength, the will to keep on. No one else can make me feel this way, And only you. Can bring out all the best I can do...." sana maayos lang boses ko. Here na this, the chorus."Its your smile..."
'It should be your smirk.' I smile of my own thoughts
"Your face, your lips that I miss. Those sweet little eyes that stare at me. And make me stay. I'm with you through all the way. 'cause it's you. Who fills the emptiness in me. It changes everything, you. When I know I've got you with me...."
'I'm happy, my day always lighten, just by your all day messages.' napailing ako at pinigilang ngumiti habang tinatapos ang pagkanta.
"What do you think? Handsome?" agad na tanong ko pagkatapos ko kumanta.
"It that really your voice? Aha, my instinct was right. Another song, please."
"What song?" natatawang tanong ko.
"What about hmm, always be my baby?" natatawang sagot niya.
Buti na lang alam ko yung kanta. Argh, nahihirapan akong kumanta paglalaki ang singer ng song. May mga words kasi na hirap akong ibigkas, and my throat really hurts after I sang. Pero okay lang, worth it naman siguro diba?
"We were as one babe. For a moment in time. And it seemed everlasting. That you world always be mine. Now you wanna be free. So I'm letting you fly. 'Cause I know in my heart babe. Our love will never die, no...."
At the second stanza he sang with me, like what the heck babe. Ang ganda ng boses mo. We sing along. He will stop and there's a part that he will sing with me.
"You'll always be a part of me. I'm part of you indefinitely. Boy don't you know you cant escape me. Ooh darling 'cause you'll always be my baby...."
Dalawang kanta ang natapos ko. I didn't choice the first song for him, okay just to be clear, it just a random pick. Wag kayong ano dyan, walang malisya yun. Trip ko lang yung kanta saka mas kabisado ko ang chords. Arghh, sino bang niloloko ko? Days pa lang, Maxine? Wag mo sabihing na-fall ka kaagad? Nasaan na yung sinasabi mong imposible na magkagusto ka sa lalaking sa chat mo lang nakakausap?
Ano bang nangyayari sakin? Dapat inis ako sa kanya. Tama, inis ako sa kanya. Saka ano bang alam ko sa crush-crush na 'yan? E never pa naman akong naka-crush in my entire life. Relax, Maxine, kaya lang siya mabait kasi hindi niya alam na ikaw yan. For sure pagnalaman niya kung sino talaga ako, bye bye handsome voice. Hayts, atleast for now, I should enjoy what we are now.
We talked again about our planned in future, syembre in separate ways, mga etshusera, ako nga hindi umasa na kasama ako sa plans niya sa buhay, ikaw pa kaya? Napag-usapan din namin ang mga bagay na interest namin sa buhay, fears, and about our past relationship. Good thing wala ako, same sa kanya. We both say our reason about why we don't have past relationship.
Almost ten pm na nang magpaalam ako. Kinanta niya muna ang favorite song ko. Nakaramdam na rin ako ng antok. So, bye bye handsome for now. Ang ganda talaga ng boses niya. Buti na lang kahit nagpupuyat ako para sa kanya hindi sayang kasi jowa ko na siya, e yung iba, pinuyat lang hindi naman jinowa, kawawa. Oo nga pala, fake world nga pala ang ginagalawan ko.
"You're the missing piece, you make me believe that there's nothing in world I can be...."
'You're the missing piece in my heart too, baby. Huhu I'm so deds.' hala ang harot mopo.
"Good night, Miss universe."
"Good night, handsome."
Sabay naming pinatay ang tawag. Darn, I'm his Miss Universe. Sinabi ko kasi sa kanya na pangit ako and yung mga flaws ko pero ayon hindi nagpatinag. Miss universe pa nga ang tawag. Ang galing niyang mangbola ako naman 'tong si tanga nagpabola. Arghh, hayaan na nga. Pag nag-kalakas na ako ng loob, I-go-ghost ko talaga siya.
I have still two months para gumawa ng paraan para mawala siya sa landas ko. Woah, parang kontrabida ang pig ko roon. Bahala na basta I need to guard my heart. Mahirap na baka ma-fall ako, edi deads na ako. May magandang naidulot din naman sakin si Luxe. Hindi na ulit ako binabangongot. Magaan ang pakiramdam ko tuwing matutulog ako, pakiramdam ko safe na ako.
Ano bang ginawa ng mukong na 'yon sakin? May pinainom siguro siya sakin! Never pa nga pala niya akong binigyan ng pagkain o kahit ano. Makatulog na nga.
Kinabukasan maaga ulit akong nagising. Masaya na naman si mommy, buti nga hindi nagpatawag ng albolaryo. I finished my food. Tahimik lang ako, I never talk mom even manang. Wala ako sa mood makipag-usap. Hindi ko alam kung bakit. Basta wala akong gana, trip ko ngayon maging tahimik. Nakadepende ang pagiging madaldal ko sa mood ko.
May tililing ako sa ulo. May toyo rin ako madalas. Minsan para akong yelo, kapag hinawakan mo magkaka-cold burn ka. Madalas mababasag ang eardrum mo sa kaingayan ko. Minsan para akong makabasag pinggan, napakahinhin. May multiple split personality yata ako.
Gaya ng madalas kong gawin, maglalakad na naman ako palabas ng village. Tulala ako habang naglalakad kaya naman hindi ko napansin ang paghinto ng sasakyan. Napapitlag ako nang may humawak sa balikat ko. Wala ngang kotse na bumisina may nanggulat parin. Ganito na ba talaga buhay ko?
"Pwede kang sumabay sakin, Maxine." agad na bungad na tanong ng isang nilalang na kalahi ni Adan. Kung tama ang naalala ko, isa siya sa mga tatlo na lalaki, yung mga asungot.
"Sorry, I don't talk to strangers." mataray na sagot ko.
"But you already talk to me." nakangiting sagot niya.
Hindi ko alam kung nang-aasar siya o pilosopo lang talaga siya. Napangiwi ako bago ngumiti ng sarkastiko.
"Pabida, pilosopong kalahi ni Adan." inis na bulong ko sa sarili. "Sorry a, pero ayoko kasi sumabay sa mga asungot, bye."
Tumalikod na agad pero pinigilan niya agad ako. Tinawag niya ang pangalan ko sabay hawak sa braso ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Stalker ko ba siya? Well, ganda ko talaga. Kahit poging kalahi ni Adan na-aakit sa ganda ko. Hinawi ko ang braso niya bago ko siya hinarap.
"Ano pa bang kailangan mo?"
Mala-late na ako. Kailan ba ako naging concerned sa pagiging late ko? Ngayon lang, magagamit kong dahilan 'yon para makawala sa poging Adan na 'to.
"Sumabay ka na sa'kin, Maxine. Please, pang-bawi ko sa nangyari nung nakaraang araw." he insisted.
"Hmm, ano pangalan nito? Alam mo kasi may kotse kami, may family driver, alam mo yun? Gets mo yung logic? Ayoko kasi, so please wag mo nang ipilit. Okay lang sana kung bus o jeep 'yan, sasakay ako, kaso hindi e." ngumiti ako at tinapik ang balikat niya habang siya tulala lang sakin. "Sigi, pre. Alis na ako."
Tinalikuran ko siya. Bahala siya sa buhay niya. Kung kailan wala yung isang asungot, ibang asungot naman ang lumabas. Wala na bang imamalas pa ang buhay ko? Una, wala akong mga magulang. Pangalawa, epic fail ang love life ko. Pangatlo, may mga asungot sa buhay ko. Pang-apat hanggang ngayon hindi ko pa rin matakasan ang kasalanan ko.
Saan ba ako lulugar sa mundong 'to? Bakit ba hanggang ngayon hindi ako tinatantanan ng masamang boses na 'yun? Lagi na lang, gigising ako ng umaga para pagsisihan ang lahat ng kasalanan ko. Sumuko na ang doctor sa pagga-gamot sa'kin. Kasi kahit ako sa sarili ko hindi ko magawang tanggapin ang nangyari. Duh, wag chismosa. Kwento ko na lang sa next chapter. Mala-late na ako, baka madagdagan ang warning ko.
At dahil traffic, deds na deds ako. Alas nuebe ako nakarating sa school. Pang-third subject na ako nakaabot. Syembre alam ko na ang sasabihin ni Sir Wendy.
"Miss Concepcion, you're late again! This is your 49th warning!"
Pasok sa isang tenga labas sa isang tenga. Sa sobrang kabisado ko na ang line ni Sir, nasa labas pa lang ako, naririnig ko na ang boses niya sa isip ko. Ayoko naman talagang malate, kaso yung traffic, plus yung pila sa bus. Bongga parang may ayuda sa haba ng pila! Nakakaloko, aalis ka ng bahay na fresh na fresh, pagdating mo sa pupuntahan mo parang may sabongan sa ulo mo. Pwede na ngang magprito sa muka mo dahil sa sobrang oily. Hanggard na haggard, ghorl.
"Sorry, sir. And advance sorry, sir. Bukas naman po ulit." yumuko ako bago tinignan si Sir. Masama ang tingin niya sakin, binalewala ko 'yon. Pumasok ako ng room na parang walang nangyaring hazard sa bus kanina.
'This is how my day always start before and until now, but this time there's something new, and it was Luxe and his cousins.'
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top