Chapter 3

Bago matapos ang araw, gumawa si Daphne ng isang Role Play account, and of course for me. She chose the name Lexie Xine. Ang totoo ay kinakabahan ako. At first, I'm excited about the thought na may chance na magkaka-boyfriend na ako but now, ow no. Parang gusto kong umatras. I mean, para saan pa 'tong game, gayong may I-irereto naman na siya. Kinakabahan ako na parang iwan. P'wedeng-p'wede ko ngang sabihin yung may heart went opss, na yan. Naloloka ako. Tama ba yung decision ko? Bahala na. For peace, I can do this!

Nasa jeep ako ngayon and as usual may mga couple naman na naglalampungan sa harap ko. My gosh, hindi ba sila nagsasawa? Kasi ako, I prefer the long distance relationship. Nakakasawa rin kaya makita yung taong oras-oras, araw-araw, kasama mo. Nagtataka nga ako sa iba. Hindi ba sila nauubusan ng pag-u-usapan? Baka lahat ng emoji sa keyboard nila nagamit na nila. O baka lahat ng words sa dictionary ng pilipino e, nagamit na nila.

Bumababa ako ng jeep na masama ang timpla ng muka. Nakakairita, sa classroom may naglalampungan, sa jeep, meron pa rin, sa kalsada meron pa rin, kapit bahay makapagshug-shugan wagas, chour, pero totoo talaga 'yon. Papasok na ako nang village namin nang maisipan kong buksan ang account ko. Dati dummy account ang tawag ko dito. Hirap talaga pagtaga-bundok ka, lagi kang late sa balita.

I saw an almost 10 messages and 20 plus notification. Anong meron? Ano ganap? May hindi ba ako alam? I opened the notification first. Comment, react and mention, agad ang nakita ko. Para saan ang mga 'yon? Ang alam ko hindi naman ako nagpost? At naka-only me ang profile ko. I clicked every notification at dumiretso iyon sa isang post ko RAW. For sure si Daphne ang nagpost niyon.

Newbie here, care to welcome me ( with heart-heart emoji)

-Xinexine.

What the hell! Daphne! Ano ba naman 'to! At meron pang isang post!

Someone introduce me the world of role play. Hoping I enjoy staying here.

Send kachat ( with haha emoticon)

-Xinexine

Maha-high blood 'ata ako nito. Anong send kachat?! kaya ba maraming nagchat? Relax Maxine. I opened the messages na halos 10 person. OMG puro mga lalaki! My gosh, sana hindi CRP! Ayoko ma-fall sa kabaro ko. Wait, ang tanong mafa-fall ba ako? Bahala na. Isa-isa ko silang nireplayan. Even yung mga nasa comment box. Unexpected I survived the convo and just go with the flow.

Na-estatwa ako nang marinig ko ang isang tahol. No way, please. Takot ako sa aso. Slowly, I faced the dog where I heard it. Napasigaw na lang ako nang makita ang isang aso na kasing laki ng K9, na tumatakbo palapit sa'kin. Naitapon ko ang cellphone ko at pumikit. Sumigaw ako nang napakalakas. Katapusan ko na. Wala na, patay na ako. I'm sorry mommy kung mahilig ako magpadagdag ng allowance ko. Iniipon ko naman 'yon e hindi ko naman ginagasta.

"Miss?" tawag ng isang angel.

Napaka-pogi naman ng boses niya, pero hindi ako tumigil sa pag-sigaw. Hindi kayang alisin ng magandang boses niya ang takot ko. Wala kahit ano!

"Miss!" this time mas malakas ang pagtawag niya with matching yugyog sa balikat. Nahahawakan niya ako? Patay na nga talaga ako. Huhuhu. "Miss, wala na yung aso."

Napatigil ako pagsigaw. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Kinapa ko ang katawan ko kasama ang paa. Panigurado lang. Teka, hindi naman ako mamamatay pagkinagat ako ng aso diba? Buhay ako? Buhay ako!

Marahan kong binuksan ang isang mata ko at nakita ko ang isang napakagwapong nilalang. Napaatras ako at tuluyang binuksan ang dalawang mata ko. I blinked multiple time to make sure that I'm alive. I heard him chuckled. Pinitik niya rin ang nuo ko. Aba, feeling close si kuya, ok na rin, cute naman siya.

Narinig ko ang mahinang pagtawa, kaya napalingon ako sa bukas na gate. Isang malakas at mahabang sigaw ang ginawa ko. Yung aso! Naglalaway at handa na akong lapain. Kitang-kita ko sa mata niya, ang tingin niya sa akin ay isang masarap na putahi, well masarap naman talaga ako. Papatayin niya ako. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko dahilan para mahimatay ako.

ISANG malakas na sigaw ang pinakawalan nang magising ako. Kinapa ko ang katawan ko, I checked every part of my body. Nakahinga ko nang maluwag nang maayos ang lahat sa akin.

"Hija, relax. Calm down. Wala ng aso," malamyos, parang musika ang boses niya, ang ganda.

Napalingon ako sa ginang na nagsalita. "Diwata...." tulalang sabi ko.

Ang ganda niya at yung buhok niya kulot na parang diwata. Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko. Ang init ng kamay niya. Ano kayang ginagawa niya sa city? Diba ang mga diwata, dapat nasa kagubatan lang?

"Hija, are you okay? You passed out after you saw my dog?"

Napangiwi ako nang marinig ang sinabi niya. Siya yung may ari? Ayoko na sa kanya. Hinayaan niya akong ipalapa sa aso! Ang ganda pa naman niya tapos ganun lang? Hindi sya responsible na diwata. Dapat inaalagan niya ang asong 'yon at hindi niya hinahayaan na makasakit ang mga inaalagaan niya.

"Nasaan po ako. Dinala n'yo po ba ako sa kuta n'yo. Naku, hindi po ako masarap. Bawal po ako sa mga ritwal at alay. Hindi po ako pasado sa mga alay-alay na 'yan." napakunot ang nuo n'ya.

"Hija, ano bang sinasabi mo? Kuta? Hindi naman kami mga terorista."

"Hindi nga po. Diba po, diwata kayo?" takang tanong ko.

Isang malakas na pagtawa ang narinig ko. Napalingon ako roon at nakita ang lalaking lumapit sa akin kanina. Bakit s'ya tumatawa? S'ya ang may kasalanan kung bakit ako muntik mamatay. Tinignan ko rin ang dalawang lalaki na nanduon. Tatlo silang lahat, tatlong lalaki na may angking kagwapohan. Dalawa sa kanila ang palihim at nagpipigil ng tawa pero yung isa, ang sama ng tingin sa'kin.

Problema ng isang 'yon? Mukang pinaglihi sa sama ng loob.

Napalingon ulit ako sa ginang. Nakita kong nakangiti s'ya habang nakatingin sa'kin. Wag mo sabihin na natatawa rin s'ya? Napahawak ako dibdib ko. Baka nagustohan nila ako at I-alay ako. Hindi pwede paano ang mga dreams ko? Masama ang tingin ko habang tinitignan sila. Napako iyon sa lalaking kanina na pa masama ang tingin sakin. Tinaasan ba naman ako ng kilay. Baklang diwata? Hala, meron palang ganoun.

"Baklang diwata, hello." naiilang na sabi ko. Lalong lumakas ang tawa ng mga kasama n'ya, habang s'ya ay lalong sumama ang tingin.

"Hija, hindi kami mga diwata. Ano ka ba! Kapit-bahay n'yo kami. Dito ka rin sa village nakatira, diba? Gusto mo ba ihatid ka na namin? Gabi na kasi." napaawang ang labi ko.

Huh? Hindi sila diwata? Sa bagay ang sama ng ugali nung isa. Natauhan ako at mabilis na tinignan ang wrist watch ko. Syems! Seven thirty na! Iba talaga epekto sa akin ng aso. Nababaliw ako. Kung anu-anong imposibling bagay ang pumapasok sa isip ko.

"Nasaan po yung bag ko?" natatarantang tanong ko.

"Yun nga, hija. Kasi nung mahimatay ka. Pinaglaruan ni Ronron," kinakabahang sagot ng ginang

"Sino pong Ronron?" takang tanong ko.

"Yung aso," alanganing sagot nito.

Natulala ako. Alam ko kung paano maglaro ang aso. Kung ang bata makalat maglaro, mas makalat ang aso. Nanglulumo akong napahiga. Importante sa'kin ang bag na 'yon. Mas importante pa sa kahit anong bagay sa mundo ang bag na 'yon sa akin. Para akong pinagbagsakan ng lupa at langit. Naririnig ko ang sunod-sunod na sorry ng ginang pero parang lumabas lang sa kabilang tenga ko ang sinasabi n'ya.

Galit ako. Pero may magagawa ba ako? Wala naman diba? Kahit kailan never akong naging maarte sa mga bagay na meron ako. Kung ano ang nandiyan ay masaya na ako basta nandiyan ang bag ko. Yun kasi ang kaisa-isang gamit na tanging nakakapagpaalala sakin kay daddy. Kasama ko ang bag na 'yon sa aksidente. Ang bag na 'yon ang nagligtas sa'kin mula sa aksidente. Nanlulumo akong bumangon at hinarap ang ginang.

"Nasaan po ang bag ko? Aalis na po ako," malamig pa sa yelo na sabi ko.

Napalunok ang ginang bago itinuro ang isang upuan. "Ayun, hija. Papalitan na lang namin. Bago, mas maganda at mas mahal," sunod-sunod na sabi n'ya.

I felt insulted. Kinalma ko ang sarili ko bago kinuha ang bag ko at hinarap siya. Whatever her reason is, she's still nonsense to me.

"Nang-iinsulto ho ba kayo? Sa tingin n'yo ho ba hindi ko kayang bumili ng bago, maganda at mas mahal sa bag na 'to?"

Napayuko siya at kinakabahan na hinarap ako. "Hindi naman sa ganun, hija. Papalitan ko kasi nasira ng alaga ko-"

"Hindi ho lahat ng bagay napapalitan. At higit sa lahat, hindi ho lahat ng bagay kayang palitan ng pera."

Lumabas ako ng kwarto. I found the way out hanggang sa gate. Sobrang common na kasi ng mansyon nila, same style na nakikita ko sa tv at internet. Lumabas ako ng walang lingon-lingon. Ito ang mahirap sa mga mayayaman. Akala nila lahat ng bagay puwedeng palitan. Yes, mayaman kami. Pero hindi ako pinalaki ng parents ko sa marangyang buhay at spoiled brat. Tinuruan nila akong paghirapan ang bagay na gusto ko.

Ang mayayaman, akala nila lahat ng bagay pwedeng masolusyonan ng pera. Yeah, maybe, sa generation na meron tayo ngayon, kailangan talaga ay may pera ka. Pero for sure, meron kang bagay na hahanap-hanapin. You're searching the missing piece, to fill the missing piece on your heart, at hinding-hindi yun kayang punan ng pera.

Pumasok ako ng bahay. Naabotan ko si Manong Rod na naglilinis ng kotse. Mukang tinatanggal n'ya ang mga dumi sa loob ng kotse. Nakita n'ya ako kaya bumati ako. Ang kaso tinakot ako. Kanina pa raw naghihintay si Mommy at galit na raw. Tinawanan pa ako. Close ko si Manong Rod kaya makapang-asar wagas.

"At saan ka galing? Huh?" bungad na tanong ni mom. Nasa sala s'ya kaya nakita niya agad ako. "Babae, alam mo ba kung anong oras na?"

Napakamot ako ng ulo dahil sa tanong nya. "Opo, mom. Seven thirty na po ng gabi."

"Ikaw talaga na bata ka! Napakapilosopo mo!" galit na sabi ni mom. Naghabulan kami sa buong sala. "Ikaw na bata ka. Magpahuli ka!"

"Ayoko mommy! Papauluin mo ako!"

Lalong nagalit si mommy sa sagot ko. Totoo naman kasi e. Pagnahuli ako palo ang aabutin ko. Sinong matinong bata ang magpapahuli sa nanay niyang may hawak na shinelas pamalo sa puwet? Wala diba?

Sa huli ay napagod si mommy kakahabol kaya s'ya rin ang unang sumuko. Napaupo s'ya sa sofa habang hawak-hawak ang dibdib. Binitawan n'ya na rin ang shinelas n'ya at sinuot. I won! Tinawag ko si Manang Loling para kumuha ng tubig. Binigay n'ya sakin ang tubig kaya napa-face palm ako.

"Manang, muka bang nauuhaw ako? Ayun kay mommy."

Napakamot si Manang ng ulo. Napangiwi naman ako dahil sa reaction nya. May kuto ata 'to si Manang.

"E ikaw ang humingi ng tubig e, malamang para sayo 'yon. Sa susunod linawin mo," sabi ni Manang bago lumapit kay mom.

Napangiwi ako at itinuro ang sarili. Ako pa may kasalanan? Sino bang amo dito? Diba ako? Ayy si mom pala. Napailing na lang bago lumapit kay mom. Masama ang tingin ni mommy sa'kin habang paupo ako sa tabi n'ya. Sinimulan kong I-kwento ang nangyari kahit hindi pa s'ya nagtatanong. Advance ako e. Ipinakita ko rin ang bag ko na medyo gutay-gutay na bilang evidence.

Oa na niyakap ako ni mommy. Kanina galit ngayon naiiyak. Bipolar din 'to si mommy. Naku, naku. Pero masaya ako na okay na kami ni mommy. Makakain na rin. Bwisit na pamilya na 'yon, dahil sa aso nila nasira ang araw ko, ang bag ko at muntik ng masira ang tiwala sa'kin ni mommy. At dahil sa kanila 'yon!

Tulala ako habang kumakain. Napansin ni mommy 'yon kaya kinausap n'ya ako. Alam n'ya kung gaano kahalaga sa'kin ang bag na 'yon, kaya naman kakausapin n'ya raw ang ginang na nakausap ko. Kahit anong sabi ko na wag na, nagpumilit parin s'ya. Mother is always a mother. Okay na rin siguro 'yon para malaman nila na naging irresponsible sila sa pag-aalaga ng aso.

Umakyat ako pagtapos ko kumain. Naligo at nagready para matulog. Sumalampak ako ng higa sa kama. Hala! Yung phone ko? I search my bag at hinanap ang phone sa loob. Buti na lang at nandoon. Ayoko ng makita ang mga pagmumuka nila, wait. Naalog ba ang utak ko Pakiramdam ko nawala na ang respeto ko sa kanila kahit sa ginang.

Hindi tama ang ginawa kong pagsagot, alam ko. Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ganun naman talaga diba? May mga nagagawa tayong hindi natin inaasahan paggalit tayo. Ganoon ang nangyari sa'kin. Pero hindi ko pinagsisihan 'yon. Tama lang sa kanila 'yon, para matauhan din sila.

Binuksan ko ang youtube at nagsearch kung pano manahi. Sorry akin hindi kasi ako marunong manahi. Nung nagpatahi kasi nung grade 6 ako iba ang gumawa. For some reason again. Lahat ng mga ayaw ko at hindi ko kayang gawin ay may dahilan. Gustohin ko mang matuto dapat ready ako sa p'wedeng kalabasan niyon, gaya ng gagawin ko ngayon.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Manang Loling. I found her in a kitchen. I asked her about the kit na ikinagulat niya. I know, himala. Malaki na rin ako, I can handle myself now.

"Sigurado ka ba, hija? Baka masugatan ka? Alam mong bawal."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top