Chapter 10
Ilang linggo na ang lumipas. Ilang linggo na simula ng humaba nang humaba ang buhok ko. Di kayo maniniwala. Si Jeremiah, ayun araw-araw nambubulabog sa bahay. Si Safe? Inaya akong makipagdate ulit diba? Bukas na. Bukas na ang date namin. Opps, friendly date pala. Ganun din naman yun, nawala lang ang friendly. Si Luxe? Hmm, bukod sa pangbubwisit sakin araw-araw. Naging mas sweet sya in RPW. Sa one week na kachat ko sya nag-ingat talaga ako ng mabuti sa bawat reply ko.
Kinakabahan ako. Isang buwan ang game. Pano kaya ang mangyayari? Pano malalaman kung sino ang talo? At ang weird naman dahil si Safe ang admin. At sya ang pagsasabihan namin ng mga nangyayari or process about sa feelings namin. Ano ba 'to. Ganito ba talaga pagmaganda? Pinapaligiran ng abs? Este mga gwapo. Parang ayoko ng maging maganda, cute na lang.
Nagbeep ang phone ko. Kanina pa ako naghihintay ng chat nya. Napaayos ako ng upo sa kama. Si Luxe! Yes!
How was your day?
Seen.
Bakit ganun? Simpling tanong lang nya nakakakilig na? May tililing na ba ako? Yakes!
As usual. Boring. Ikaw?
Sent.
Joke lang pala yung sinabi ko kanina na naging maingat ako sa mga reply ko. Pagnagsisimula na kasi kaming mag-usap nakakalimutan ko na mag-imbento ng mga kwento. Di naman nya siguro ako makikilala diba? Bahala na. Basta, kailangan ako ang manalo. Ayoko kong maging luhaan nuh!
Lumabas ang notification bar sa screen. Si Safe? Ano meron? Manghaharut na naman ba sya? Hmm, bukas ang schedule nya! Si Luxe ngayon. Wait, why do i sounds like a bitch? Good girl ako, sadyang hinaharut lang nila ako. 'Nagpaharot ka naman?! Aba magaling...'
Safe Francisco
Hi, queen (Heart emoji). May date tayo bukas, kaya matulog ka na. Baka late ka na namang magising. Wag ka na magchat kung kanino-nino.
Seen.
"Ayy possessive naman ng lolo nyo. Papasa kaya s'ya sa inches."
"Anong papasa sa inches? Ang alin?" rinig ko na masungit na tanong ni mom.
"Ayy malaki!" gulat na sabi ko. "Mommy naman! Nakakagulat ka. You know, scary."
"Dami mong learn. Ikaw, Maxine. Umayos ka. Nakita ko yung mga binabasa! 15 ka pa lang! Jusmiyo, aatakihin ako sa puso dahil sa mga binabasa mo. Ano ka ba naman!"
"Ano po bang binabasa ko?"
"Aba, eh yung chugchugan. Yung series na may chugchugan. Abat, complete set pa."
"Pano n'yo naman po nalaman na may chugchugan yun?" takang tanong ko. Pinaningkitan ko ng mata si mommy. May pagkamillenial to mommy e. Naging malikut ang mata. "HA. HA. HA. HA. NAGBABASA RIN KAYO NUH?! HULI KA PERO DI KA KULONG." sabi ko na nga ba. Galit na tinignan ako ni mom. "HULI KA BALBON, DI KO MAPIGILAN AT AKING PINANGGIGILAN. HULI KA, HULI KA, BALBON-" pagkanta ko sa gawa na kanta ng bubble gang.
"TAHIMIK!" natigil ako sa sigaw ni mom. "Atleast ako 18 plus. E ikaw? 15 ka pa lang, Maxine."
"Mom, as if naman makikipagchugchugan ako."
"MAXINE!"
"Mom, binabasa ko lang naman e, hindi ko naman ginagawa. Sa future husband ko pa lang itatry ang mga natutunan ko. Atleast marunong na ako diba? Stock knowlegde-"
Di ko na natapos ang sasabihin ko nang makita kong kinuha na ni mom ang shinelas nya. Ano ba yan! Takbuhan na naman. Pano ba kasi nakita ni mom yun. Tinago ko pa naman yun sa pinakataas ng shelves ko. Nagsimula na naman kaming maghabulan ni mom.
Mag-iisang oras din bago tumigil si mom. Pinaliwanag ko sa kanya na di ko gagawin ang mga nabasa ko. Maliban na lang kung lalabas mismo ang mga fictional husband ko. At dahil sa sinabi ko napalo ako ng shinelas. Pero nangako naman akong di ko gagawin yun sa kung kanino-nino lang. Kasal muna bago sex. Pero ibang usapan talaga pag lumabas na ang mga fictional husbands ko. With s yun mga mars.
Kakalabas lang ni mom nang saktong may tumawag. Sinagot ko agad ng hindi tinitignan ang caller.
"Hello?"
"Hi my Queen! Busy? I received seen and not reply in my message." malungkot na sabi nya.
Siguro sa sobrang gwapo ni Safe di pa sya nakakaranas madedma, maseen o ma-inbox. Tsk, tsk.
"Ahm, sorry." awkward akong tumawa. "Si mommy kasi pinagalitan pa ako kaya di ako napagreply."
"Why? Did you do something?"
"Wala. Nagalit lang si mommy dahil sa binabasa ko." nag-aalinlangang sagot ko. He asked about the book kaya napangiwi ako. "Ahm, yugyugan. Pwede bang makipagyugyugan?" natatawang tanong ko.
He just answered with huh sound. Awit, slow hirap talaga magjoke pagmamilosopo kausap mo. O binge? Sayang opportunity. Ako na nga nag-aaya. Minsan lang ako mag-aya.
"A wala. Yung kanta ni kuya wil yun. Yung taranat magyugyugan." pagkanta ko with matching dance kahit di n'ya nakikita. "Yung ganun. Alam mo ba yun?"
"Alam ko." natatawang sagot nya.
"Alam mo pala e."
"No, I mean. Alam ko yung tanong mo. Sadyang nagulat lang ako. I mean a girl who is asking a one night stand is weird." natatawang sabi nya.
Napalunok ako at natulala. Alam nya? Patay. Nakakahiya. Biro lang naman yun. Di ko nga alam kung bakit ko nasabi yun. Maxine, nakakahiya. Unti-unting dumudulas ang cellphone ko. Bago ko pa mabitawan ay inayos ko na ang pagkakahawak ko.
Sunod-sunod na hello ni Safe ang narinig ko. Ay yawa, peking ubo ang pinakawalan ko. Agad naman s'yang nag-alala at nagtanong. Luh? Iba din 'to e. kaloka, napakapa-FALL! Unti na lang talaga mahuhulog na ako. Mas napapadalas ang pakikipag-usap ko kay Safe, may time management kasi ako. Bebe time ganern, Safe sa umaga, Luxe sa gabi, charot! Weekdays si Luxe,weekends si Safe. Kaasar naman kasi si Luxe hindi naman ako sigurado sa mga ipinapakita n'ya in person and sa chat while Safe alam ko at sigurado ako sa kanya. Problema ko pa nga si Jeremiah. Ang hirap talaga maging magandang single. Sakit sa ulo ng mga boys.
At dahil Friday ngayon wala akong gagawin. Malapit na ang birthday party ni Tita Lexia, pagnaiisip ko yun kinakabahan ako. I donno why. Lalabas na nga lang ako pangpawala ng boredom. Kinuha ko ang jacket ko sa likod ng pinto at sinuot, I wore my white shoes and pick up my wallet with my phone. Maglalakad-lakad lang ako, at kapag umabot ako sa labas ng village namin, tatambay ako sa seve eleven. Mabuti na lang may cash ako.
Lumabas ako ng k'warto at nadaanan si manang, sa kanya ako nagpaalam na aalis muna. Pinayagan naman n'ya ako at sinabing wag masyadong magpagabi. Madilim na ang gabi. 7 pm na kasi, mas maganda maglakad ng gabi sa village dahil malamig at tahimik. Ang sarap magmoment. Then may makakakita sayo sasabayan ka maglakad ng di mo namamalayan then bigla kang tatanongin kung pwede saan ka pupunta and magkakakilala kayo.
"Hey, Max. Where are you going at this late night?"
Napahinto ako, or mas magandang sabihin na naistatwa ako sa kinatatayuan ko kasabay nang paglaki ng mga mata ko sa gulat. What the heck? Seryoso ba 'to? Hindi ako lumingon dahil baka nananaginip ako. Well, how come? Ayy naku imposible talaga 'to! At bakit s'ya pa? P'wede naman yung iba.
Hindi ako lumingon nang magsimula s'yang magsalita. Napakunot ako ang nuo at halos magpantig ang tenga ko sa sinabi n'ya. Wow parang bilib naman 'ata s'ya sa sarili n'ya. Anong akala n'ya, isa ako sa mga nagkakandarapa para sa kanya? Kapal ng face.
"Maxine? I'm asking you, well you shouldn't go outside without anyone with you. Let's say na mabait ako ngayon at sasamahan kita kung saan ka man pupunta." mahangin na sabi n'ya at huminto sa harapan ko.
Bumagsak ang balikat ko. Napabuga ako ng hangin bago s'ya tinignan. Ano bang akala n'ya sa sarili n'ya? Na s'ya lang ang gwapo sa mundo? Na s'ya lang ang mayaman sa mundo? Kainis. Napabuntong hininga ako nang makita ang malawak n'yang ngiti. He already decided do I have a choice? Of course none.
"Naglalakad-lakad lang naman ako para makatulog, nagpapahangin. Pero kung sasama ka sigi, pumunta na lang tayo ng seve eleven so we can eat and seat there." malumbay na sagot ko.
"So how was your day?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong n'ya. That was the same question he was asking to me in RPW. Paktay, alam kaya n'ya? Madalas na ang pagkikita namin for the past few weeks. Malapit narin matapos ang game. One month na kaya! Lagpas na nga sa one month simula ng makilala ko s'ya. Napalunok ako at nag-isip ng sasabihin.
"Ahm, maayos naman. Medyo nakakainis lang sa math subject namin. Pakiramdam ko pahaba ng pahaba ang formula. Pana'y ang hanap sa X e nangiwan na nga." nakasimangot na sabi ko.
Narinig kong tumawa s'ya kaya napatingin ako sa kanya. He rarely to laugh even to smile, this is miracle! Napaawang ang bibig ko sa sobrang cute n'yang pagtawa. Grabe kahit madalas n'ya akong inaasar, nagkakaruon din kami ng moment kung saan ngumingiti s'ya at nakakapag-usap kami ng matino ang kaso kasing rare lang din iyon ng mga tawa n'ya hayts.
"You really hate math.." natatawang sabi nito.
"Halos lahat naman may ayaw sa math. Bakit ikaw?"
He shaked his head and smile. Napasimangot ako dahil sa sagot n'ya. Iyon lang? Ang weird n'ya talaga. Well, isa na ito sa pinakamatinong pag-uusap namin.
"Alam mo ang totoo n'yan, yang mahihilig sa math sila talaga yung di pa makamove on sa ex nila kaya panay ang hanap nila. At yung mahihilig sa history? Sila rin yung di pa makamove on kaya panay ang balik tanaw sa nakaraan nila. Ang mga mahihilig science naman sila yung mga bitter at di naniniwala sa salitang LOVE." itinaas ko ang dalawang kamay ko na parang may hinahawi kasabay ng pagbigkas ko ng love.
He then suddenly asked why. Pinigilan kong wag matawa dahil halos magdikit na ang dalawang kilay n'ya. Seryoso ba s'ya? Interesado sa love ang mukong. Napabuntong hininga ako bago humingo at humarap sa kanya ganoon rin ang ginawa n'ya.
"Love has nothing to do with your heart. Kayang-kayang ipaliwanag ng science ang LOVE. Its a chemical reaction inside your brain. Brain, hyphotalamos to be exact is the one who can feel inlove not your heart. So if someone say I love you with all my heart that's not true."
Tumaas ang isang kilay n'ya. Totoo naman kasi. Napakamot s'ya ng ulo at lumapit ng kaunti sa akin kaya napaatras tuloy ako.
"So paanong naging bitter ang mga kagaya naming mahilig sa science?"
"So simple duh?" di ko alam na may pagkaslow pala s'ya. "Bitter sila dahil naniniwala silang kayang ipaliwanag ng science ang LOVE. Kaya kapag may nagsabi sayong I love you with all my heart sabihin mo mag-aral muna s'ya bago landi dahil utak ang nagmamahal hindi ang puso." gigil na sabi ko.
Bakit parang nagiging bitter na rin ako? Hayaan na n'ga. Nagsimula ulit akong maglakad. Kinapkap ko ang bulsa ng jacket ko. There! Buti na lang talaga lagi akong may dalang earphone. Madalas kong naiiwan ang earphone ko sa jacket na 'to. Kinuha ko iyon at sinalpak sa magkabilang tenga. Ano ba naman 'tong music! Kalas magparinig. Malapit na kami sa alfa mart hindi ko man lang napansin.
Nang makarating kami sa tapat ng alfa mart ay tinaggal ko ang earphone ko. S'ya na mismo ang nagbukas glass door for me. I thank him at nauna nang pumili ng makakain. Sumunod s'ya sa akin pero nakatitig lang s'y sa akin. Problema n'ya? Tinapunan ko s'ya ng masamang tingin pero hindi s'ya nagpatinag,
"Pumili ka na. Ako ang magbabayad, libre ko ngayon." bored na sabi ko.
Hindi s'ya kumilos at nakatitig lang s'ya. Hindi na nakakatuwa ang ginagawa n'ya.
"Why so silent Max? Bakit kapag si Safe ang kasama mo ang daldal mo? Why? Is that because you like him?" halos pabulong na tanong nito.
Napahinto ako sa ginagawang pagpili ng makakain at hinarap s'ya. Nagsalita naman ako a. Anong gusto n'ya? I'm confused, so much kasi sa tuno ng boses n'ya nagseselos s'ya. Feelingera na naman ba ako? Assumera na naman ba ang pig ko? Kasi kung hindi diretsyahin n'ya ako hind yung iba't-ibang ugali ang ipinapakita n'ya. Pakiramdam ko kasi pinaglalaruan ako. Huminga ako nang malalim bago sumagot.
"Why? I don't know too.... siguro kasi alam ko ang motive n'ya sa pakikipagkaibigan sa akin. Alam ko kung saan ang pinanggagalingan nang bawat kilos n'ya. And you? You are confusing me. Sometimes you are acting like a jealous boyfriend, sometimes you are acting weird like you become irritated when you saw me, you become an beast when you saw me. You always pissed me off big time everyday walang palya, pero alam mo yung nakakairita? Mali, alam mo ba yung mas masakit?" I inhaled so hard para mawala ang nakabara sa lalamunan ko."Umaakto ka na parang boyfriend ko kapag nakikita mong may kaagaw ka at para akong walang kuwentang bagay na titignan mo lang kapag wala na sila. Why? Why are you like that?!"
One tear fell down. For almost one month, ang tanga ko siguro para mainlove sa kanya ng ganito. Ang bilis masyado pero anong magagawa ko e nahulog na ako. Hindi ko alam kung makakaahon pa ba ako. I felt so hopeless, because I know we are not meat for each other. Handa ba ako sa disappointment kung sakaling pumili ako? This will ruining everything.
"I'm sorry, akala ko kaya kong hindi ka ipagdamot sa iba pero nagkamali ako. I know I'm confused you big time, I'd no choice, Max. Kasi kung meron gagawin ko, pipiliin ko, pipiliin kita." desperate, that was all I can hear. Yumuko s'ya kasabay nang patulo ng ilang putil ng luha.
"What the heck? I'm not part of the choices. i'm not the one of the choices, and my feelings too. Kung hindi mo kayang lumaban then accept the part that you lose. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo at dinadamay mo pa ako." pagalit na sabi ko
"I'm sorry...." paulit-ulit na sabi n'ya.
"Sana kayang bawasan ng sorry mo ang mga ginawa mo. Kung kaya lang bawasan ng sorry ang sakit edi sana wala ng nasasaktan ngayon." tumalikod ako at tuluyang s'yang iniwan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top