Hindi Maglalaho, Hindi Magbabago.


Ano nga ba ang kahulugan ng bagong taon? Nangangahulugan ba ito ng bagong pag asa o bagong simula?

Maraming tao ang gusto mag bagong buhay tuwing sasapit ang bagong taon pero hindi naman nila halos nagagawa. Tulad ko, marami akong gusto gawin sa buhay tulad ng magpataba pero nagagawa ko ba? Hindi, Dahil hindi naman lahat ay magagawa mo agad dahil hiniling mo ito, kailangan mo rin mag sumikap para mapagtagumpayan iyon.

Pero ngayon, Ang nais at pinaka hihiling ko na lamang ay manatili ang aking pagiging masiyahin, mapagkumbaba at ma respeto.

Ang pagiging masiyahin ay hindi lamang makikita sa ating mukha na naka ngiti, Hindi porket nakangiti ay masayahin na at hindi rin dahil tumatawa ang isang tao ay masiyahin na ang tawag dito.
Maraming kahulugan ang salitang masiyahin na ngayon ay sasabihin ko kung ano ang kahulugan nito para saakin. Masiyahin ang nais kong hindi maglaho at mag bago sa aking sarili dahil kahit anong problema o pag subok ang aking nararanasan ay nagagawa ko paring maging masaya, Hindi dahil isa akong peke na tao kundi dahil ang problema ko ay hindi ko dapat ipasa sa iba. Gusto kong maging masaya dahil alam kong kahit anong problema ay malalagpasan ko parin ito.

Laging nakatatak sa aking isipan na walang problema ang hindi nalalagpasan kaya mas gusto kong maging masiyahin kaysa pasanin ito gamit ang kalungkutan. At isa pa, mas mapapadali ang lahat ng bagay kung idadaan natin ito sa saya kaysa sa pagiging malungkot.

Isa ka bang guro? Doktor? Pulis? O ano mang estado mo sa buhay ngunit wala kang pagpapakumbaba. Ang pagkukumbaba ay hindi pagpapakita ng pagkatalo ng isang tao. itoy pagpapakita o isang paraan na isa kang edukado o edukada. Sa lahat ng bagay ay kailangan natin magpakumbaba hindi dahil takot tayo o mahina tayo kundi may respeto tayo sa isang tao. Hindi sukatan ang posisyon, kayamanan, kapangyarihan at karangyaan para mag pakumbaba nasa puso natin iyon.

Kaya mawala na ang lahat ng bagay na gusto ko, huwag lang mawala ang pagiging mapagkumbaba ko. Matatawag ko itong kayamanan sa aking sarili dahil hindi lahat ng tao ay ganito.

Ano mang nais natin makamtam o marating sa buhay ay kinakailangan na may baon tayo lagi na respeto. Hindi lahat ng tao ay alam na natin ang pinagmulan o pinagdadaan sa isang tingin lamang. May mga tao na ubod ng sama at buti sa loob-looban ngunit malalaman ba natin agad iyon dahil lamang nakausap natin sila? Hindi. Dahil hindi lahat ay bukal sa lahat. Kaya ngayon taon at sa darating pa na taon ay baon baon ko lagi ang pagiging marespeto, Hindi lamang sa matatanda kundi sa lahat. Kahit ba na sabihin natin na hindi lahat ay kailangan ng respeto mas mabuti na maging respetado tayo.

Muli, Bago matapos ang sanaysay kong ito ay sasabihin ko ulit kung ano ang tatlong bagay na ayaw ko mawala at maglaho sa aking sarili. Iyon ang Masiyahin, Mapagkumbaba at Marespeto.

Lahat tayo ay may kanya kanyang silbi sa mundo, At sa aking estado ay nais kong pag silbihan ang mundo na puno ng saya, pakikipagkumbaba at may respeto sa lahat.

#WattpadAthonChallenge2023
#WattpadJanuaryEntry

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top