➹ 19 ┇ prom night
Chapter 19 - Prom Night
https://youtu.be/bfcagFSaFEA
"WOAH. A-an--"
"Ang ganda ko?" nakangising kong pagtuloy sa sasabihin ni V sa akin pagkalabas ko sa kwarto.
"Hindi. Ang ganda nung dress na binili ni Jimin!"
"Aba leche ka ah!"
Ngumisi ito at nagpeace sign. "'De joke lang. Mas maganda ako sa'yo 'no," asik nito at umikot sa akin na para bang kinikilatis ako. May pahawak-hawak pa sa baba at parikit-rikit pa ng mata na nalalaman.
Tinignan ko ito ng maigi matapos umikot sa akin.
Naka-dark red tuxedo pala ngayon si V. Light brown-black na ang hair color at medyo messy ito. May suot ito na black neck tie, black pants at black shoes. Pormadong pormado ang alien. Rumarampa ang kagwapu--ehem ehem--han--ehem.
Pero hindi ko tuloy maipagkakaila na ang lakas ng datingan niya sa suot nito.
"Okay na rin," tipid nitong sagot.
"Aba--"
"Oo na, sige na. Maganda ka na sa suot mo 'yan."
Pinitik ko ito sa tenga at ngumisi rin. Nakasuot kasi ako ng light pink na naka-form na heart tube na gown na binili ni Jimin sa akin kahapon. May mga crystal sa may bandang dibdib nito. Naka-curl rin yung buhok ko sa baba at nakalugay lang. Simple lang siya pero eleganteng tignan.
"Pero alam mo, Jelyn.."
"Na dyosa ko na ba?" tanong ko rito habang may pataas-taas pa ko ng kilay.
"Umasa ka dali. Umasa ka."
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Pero alam mo, nagmukha ka na rin tao, pwede na rin lalo na yung light make-up mo, bumagay. Kaya masasabing tao na rin tignan," aniya V kaya binatukan ko ito.
"Wala ka na bang magandang sasabihin bukod sa panglalait sa akin?"
"Meron ah!"
"Ano?"
"Ang gwapo ni V."
"Sinungaling," singhal ko at inirapan ito.
"Aba at--!"
Nagpunta ako sa body mirror ko at tinignan ang sarili.
"Oo na, sige na. Maganda ka na Anjelyn Tan. Pero pangit ka pa rin kapag natapos na itong prom. Sige doon lang ako sa labas, bilisan mo na mag-ayos! Malapit na mag-alas-otso ng gabi!"
Tinignan ko ito at nginitian. "Salamat kuya," pahabol ko, nginitian niya rin ako at lumabas na ng pinto.
[Playing: All I ever need by Austine Mahone]
Tumingin uli ako sa body mirror at huminga ng malalim.
JS Prom na, gabing matagal ko ng hinihintay. Gabi na puno ng selebrasyon, seremonya, sayawan, magagarbong gowns at coat and tie.
Hay. Dagdag ala-ala na naman...
Napatingin ako sa gown na suot ko at tumikhim.
"Bakit gano'n? Imbis na maging masaya ako ngayong gabi ay hindi ko magawa? Dahil ba may kapalit?" napa-buntong hininga ako at ngumisi. "Para tuloy ako si Cinderella ngayon dahil may oras na dapat ilaan.. Pero mas maswerte pa rin si Cinderella dahil alas-dose ang oras ng pag-alis nito. Ako? Alas-dyis. Nakakainggit pa rin."
"'Pag may problema, iiyak mo lang tapos tama na. Punas luha. Ayos damit. Suklay buhok. Tapos smile. Parang ganito, labas gilagid. Tapos, tuloy na ang ikot ng mundo.."
Napangiti ako ng marinig ko ang boses ni Suga sa utak ko.
♪♬ You're all I ever need
Baby you're amazing
You're my angel come and save me ♬♩♪
"Matalino ka 'di ba?"
Napasinghap ako pero kalaunan ay agad naman ako napangisi at lumingon. "Jimin..," mahina kong sabi.
"Tutal ikaw ang matalino sa ating dalawa..."
♪♬ You're all I ever need
Baby you're amazing
You're my angel come and save me ♬♩♪
"E 'di i-explain mo 'tong nararamdaman ko para sa'yo?"
Napanguso ako at niyakap ito.
"Hala? Nagdrama si pips?"
"Ewan ko sa'yo!" bulong ko sa kanya habang nakayakap pa rin, gano'n rin siya.
"Ang ganda mo, aking prinsesa."
"Tsk. Pero salamat sa'yo, aking prinsipe," aniya ko at ngumiti ng patago.
Gustuhin ko man umiyak ngayon ay hindi pwede dahil ayoko umiyak sa harapan niya o kahit man patago. Ayoko. Dahil kapag umiyak ako ay parang sinabi ko na rin na hindi ko na kaya na makita pa siya..
Nanatili kami ng ilan pang minuto sa gano'n sitwayon. Maya maya pa'y bumitaw na ko sa pagkakayakap nang mapansin kong tumatakbo ang oras.
Gustuhin ko 'man paramdam pa sa kanya kung gaano ko siya sobrang kamahal pero sayang ang gabing ito para maisayaw ako ng aking prinsipe.
♡♡♡
NANDITO na kami sa hotel na pagmamay-ari ng magulang nila Jin at Ice. Sa hotel kung saan gaganapin ang prom night.
Habang naglalakad patungong hotel ay napatingin ako sa mga babaeng nagbubulungan. Nagsalubong naman agad ang aking kilay nang mapansin kong nakatingin ang mga nagkukumpulang babae sa kasama ko. Nakatingin silang lahat kay Jimin na para bang gusto na nilang tunawin itong katabi ko.
"Why so serious?" nagulat ako ng biglang bumulong sa tenga ko si Jimin habang papasok ng hotel.
Inirapan ko ito. "Eh kasi naman yung mga babae, akala mo ostrich kung makahaba ng leeg para lang masulyapan ka! Sinasabi ko sa'yo, pagdudukutin ko yung mga eyeballs nila, isa pang tingin sa kapartner ko, hss!"
"Huwag mo sila pansinin. Mas maganda ka pa do'n."
Lumingon ako sa kanya at tumingin ng hindi makapaniwala. "Maganda ako sa lagay na 'yon? Eh parang kanina mo pa rin nginingitian sila nung dumaan tayo ro'n ha?! Gandang ganda ka pa nga eh sa isang halos lumuwa na ang watermelon nitong boobs tapos binati mo pa yung isa na halos maghubad na sa harapan mo? Aba leche ka, Jimin."
Ngumisi ito kaya nairita na naman ako. "Aba, sino nagsabi sa'yo na ngumisi ka d'yan malandi ka rin?! Hoy Jimin, sinasabi ko sa'yo, gagawin kong sisig 'yang eyeballs mo! Aba ngitian ba naman ang mga babaeng 'yon. Akala mo walang kasamang girlfrie--" Napahinto ako sa pagdadaldal nang mabilis akong halikan ni Jimin sa pisnge.
Namumula akong tumingin sa kanya. "Ayos na? Hindi na ba nagseselos yung girlfriend ko? Gusto mo isa pa? Pero this time, sa lips naman?" nakangiti nitong tanong sa akin kaya bigla ako nagreact.
"Heh! Hokage ka na naman? Tara na nga sa loob, naghihintay na sila," asik ko at nagmadaling maglakad.
Grabe. Grabe ka Anjelyn, sobra ka naman magselos. Hindi naman kasi totoo na pinansin ni Jimin yung mga babaeng 'yon. OA mo lang magreact, halata ka.
"Anjelyn!"
Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Pero pagkalingon ko ay para bang nagslow-motion ang paligid.
Nakita ko si Jimin na slow-motion rin maglakad.
Grabidad. Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Inangat ko ang ulo ko at tinignan ng maigi ang papalapit na lalaki sa harap ko. Naka-black tuxedo at pants ngayon si Jimin with black necktie. Ang kanyang buhok ay medyo messy style. Ang kanyang jawline, shet pati na rin ang kanyang labi. Napaka-manly tignan nito.
Nakakatindig balahibo ang kanyang aura! Ang gwapo ni Jimin, ng partner ko. Hay, mukha tuloy siyang totoo prinsipe dahil sa kanyang suot.
Totoo pala talaga na hindi lang sa libro nag-e-exist ang mga prinsipe na nababasa natin. Minsan kasi nasa harap na pala natin. Hahawakan ang iyon kamay, hahalikan ang iyong noo at sabay na pupunta sa destinasyon.
Bakit ka ganyan Jimin? Bakit ganyan ka tumingin, humalik, magpaamo, at magsalita kapag kasama mo 'ko? Lalo mo ko pinapahirapan eh. Ano ba gusto mong mangyari?
Napatingin ako sa kamay namin naka-intertwined.
Para na tuloy ayoko ng bitawan itong kamay na ito.. Ang hirap.
"Aba naman kakapasok pa lang, magkahawak na agad ang mga kamay?" buwelta ni Jungkook nang narating na namin ang table na pina-reserved ni Jin para sa amin. Ang table na ito ay malaking pabilog consist of 18 people.
"Gano'n talaga kapag going strong na!" nakangiting sabi ni Hoseok habang naka-akbay ito sa girlfriend niya na si Ginelle.
"Going strong rin kami ni RJ! 'Di ba love?" tanong ni Jungkook kay RJ na katabi nito.
Napansin kong namula si RJ kaya tumingin ito kay Jungkook at kumuha ng apple at nilagay ito sa bibig ni Jungkook.
"Nakakahiya ka, kumain ka na lang ng apple!"
"Grabe ka naman--ksndepnxks!"
"Oh eto pa yung pen, Kookie! Kumanta ka na ng PPAP!" sabay bato ni V ng pen.
Napatingin ako sa gilid ko. Si Henrich at Rica pala. Bakit parang ang tahimik ng dalawang ito at nagsimplihang nagpapaluan? Nag-away na naman ba 'to?
Napansin kong may anim na mata ang nakatingin sa akin. Tinignan ko ito, si Jamielyn pala na katabi nito si Sean sa kanan, si Pauline na katapat upuan lang ni Jin at Jillian na katabi ni V sa kaliwa naman. Tatlong babaeng magkakalapit ng upuan ang nakatingin sa akin.
Napatikhim ako ng maalala ang huling pag-uusap ko sa tatlong ito. Makabuluhang ang tingin nila sa akin ngayon, tingin na nagsasabing sabihin ko na kay Jimin tungkol sa pag-alis ko.
Naiintindihan naman nila ang sitwasyon ko pero ang kinahirapan lang no'n ay ang magsinungaling at mapalayo.
Pasimple akong umiling sa kanila kaya maya maya pa'y wala na lang rin sila nagawa kung 'di ang bumuntong hininga na lang at ngumiti sa 'kin ng malungkot.
Napansin ko si Pauline na parang malapit na mapaluha.
"Pauline? Are you okay?" napatingin ang lahat kay Jin ng bigla ito tumayo at pumunta sa upuan ni Pauline.
Napatayo rin si Pauline habang pinupunasan ang kanyang mata. "Ha?" Napatingala si Pauline dahil sa hindi niya inaakala na nasa harapan na niya si Jin
"Ayos ka lang?" tanong pa ni Jin. Napuno tuloy ng mabigat na atmospera dito.
"Pare." napatingin kami lahat kay Thunder na ngayon ay nakahawak sa kamay ni Pauline.
Napansin kong napatingin si Pauline sa kamay nilang dalawa ni Thunder na kanya namang ikinabigla pero binaling naman niya muli ang kanyang tingin kay Jin. "Ah ano, napuwing lang ako. Excuse me, comfort lang," garatal na sabi ni Pauline. Tinanggal nito ang pagkakahawak ni Thunder sa kamay nito at agad na umalis pero sumunod pa rin si Thunder kay Pauline.
"Okay, what was that?" tanong bigla ni Jungkook. Kaya lumalaki yung ilong nito kasi chismoso eh.
Bumalik na sa upuan si Jin na blanko ang isip.
"Ano nangyari do'n?" segunda ni Namjoon habang may hawak na libro.
Nagkaroon ng tanong ang lahat pero ang iba ay nagkibit-balikat lang at hindi pinansin.
Napakagat labi naman ako at umupo katabi ni V sa kanan, umupo na rin si Jimin sa kaliwa ko naman.
Alam ko naman na ako ang dahilan kung bakit hindi okay si Pauline ngayon. Hindi niya kasi natanggap agad dahil matagal nagsink-in sa kanya ang lahat. At isa pa, naranasan na niya ang gano'n sitwasyon nung elementary siya, ang hirap daw. Sobra.
"Ang tagal naman ng pagkain natin. Nagugutom na ko," bulyaw ni V habang may pahawak-hawak pa sa tiyan.
"Patay gutom ka talaga!" singhal ni Jin na ngayon ay nagbalik na rin sa wisyo.
Napatingin ito kay Jin. "Bakla ka naman!" ganti ni V.
"Ayon!! Hahaha nice V!" asik ni Jungkook at nakipag-apir kay V sa hangin.
"Ano ka ba, Taehyung. Hindi pa nagsisimula oh," sabat ni Jimin.
"Hoy elyen! Huwag kang kakain mamaya! Tss," singhal ni Jin.
"Ikaw Jin! Huwag ka ng babakla ha?" usal ni V kaya siniko ko ito.
"Aba at--Miciel oh," sumbong ni Jin kay Miciel na ngayon ay katabi nito.
"Huwag mo kasi patulan," asik ni Miciel.
"Woaaah basag sa girlfriend hahaha!" natatawang sabi ni Namjoon. Ang iba ay natawa na rin maging sila Jamielyn.
Si Hoseok ay tawang kabayo naman kaya pati ang girlfriend niyang si Ginelle ay nahahawa na.
Napailing na lamang ako at ngumiti.
Napatingin ako kay Jin na hanggang ngayon ay naaasar pa rin. Nakasuot pala ito ng light pink tuxedo at light pink pants. Naka-black bow tie ito at light brown ang kulay ng buhok. Favorite niya talaga ang pink kahit kailan.
Si Hoseok naman ay naka-black striped na tuxedo, at ternong striped pants at plain white long sleeve. May gel ang buhok. Ang gwapo niya tignan lalo na't bagay na bagay sa kanya ang suot nito.
Si Jungkook naman ay naka-white tuxedo. Naka-black bow tie rin ito at bagsak na bagsak ang kanyang light brown na buhok. Pero kapansin-pansin pa rin ang malaki niyang ilong na halata naman.
Binaling ko ang aking tingin kay Namjoon na ngayon ay naka-v-neck white longsleeve habang may suot ring black tuxedo at black shiny pants. Wow ha, ang sexy tignan.
Si Henrich naman ay naka-brown striped na long sleeve at black pants. Nakataas ang buhok nito. Maganda tignan sa kanya lalo na't fit na fit sa kanyang katawan at mukha. While, si Rica naman na kapartner niya ay naka-pink cocktail dress. Naka-siopao ang kanyang buhok at may crystal na hairband. Bumagay sa kanya ang bangs nito dahil sa kanyang maliit na mukha. Ay, bagay talaga sila ni Henrich. Carich for the win!
Ang mga girls naman na nandito ay may kanya-kanyang style ng gown at 'pagkapareha sa partner. Katulad ni Jillian na naka-light red na long gown na may glitters na blue sa mga laylayin nito na partner sa dark red tuxedo ni V. Si Jamielyn naman na naka-blue gown na may crystal sa taas nito na terno naman sa dark blue tuxedo ni Sean. Si Pauline na ngayon ay kararating lang uli na bumalik na rin sa pagiging masayahin, naka-red cocktail dress with red lipstick ito, kapartner niya si Thunder na ngayon ay naka gray tuxedo at ang kanyang buhok ay parang superman style. Si RJ ay halatang terno kay JK na parehas nakaputi. Ikakasal na ba 'to? Si Miciel ay gano'n rin, naka-dark pink siya na kaparehas ni Jin. Ang kapartner naman ni Hoseok na si Ginelle ay naka-striped black cocktail dress with black lipstick. Si Chesca naman na kapartner ni Namjoon ay naka-black and white ang long gown nito na talagang bagay na bagay sa kurba niyang katawan. At ang iba ay naka-green, black at purple na may iba't ibang style. Ang lahat na nandito ay talagang pinaghandaan ang selebrasyon. Ang iba ay pagkain lang ang habol tulad ni V at Jillian.
Lumipas ang ilang minuto ay nagsimula na rin ang event na hinihintay ng lahat. Nagsimula sa introduction ang mga emcee na kasama pala doon si Namjoon. Nagpa-game sila na talagang sobrang saya. May mga performance rin tulad ng pagkanta at pagsayaw. Pagkatapos no'n ay nagsikain na ang lahat. Bumalik na rin sa upuan si Namjoon at salo-salo kaming kumain.
Habang kumakain ay s'yempre hindi pa rin mawawala ang daldalan at chikahan ng lahat. Ang iba ay nagsimulang mag-open ng mga nakakagreen na jokes at malaman sa malamang ay s'yempre ang KTS ang namumuno ro'n.
"Jin, ayos rin pala itong venue 'no?" tanong ni Jimin.
"Oo nga, pink pa ang motif ng venue. Hmm sino kaya may idea ng pink ang design, ng stage, ng table at chair?" tanong pa ni Jungkook na halatang may pinapatama ito.
"Gago ka ah," singhal ni Jin kay Jungkook at binatukan ito.
"Ang garbo ng datingan ng hotel. Pangmayaman!" asik naman ni Hoseok.
"Tama. Pwede siguro magbenta rito ng--" hindi natapos ang pagsasalita ni Namjoon ng unahan siya ng lahat.
"Ng CDs?!" sabi ng lahat maging ako ay magugulat rin sa sasabihin ni Namjoon.
"Ano ba Namjoon, huwag dito. Masisira ang repustasyon ng hotel namin," singhal ni Jin kay Namjoon.
"Sige Namjoon, magandang idea 'yan! Tapos i-play mo sa big screen lahat ng binebenta mong CDs. Doon oh!" sabay turo ni V sa malaking screen.
"Kadiri ka Namjoon!!" sigaw ni Henrich. Napatingin ako sa kanya, nakangiwi ito. "Pero magkano uli benta mo sa CD? Baka bumili ako next week," pahabol pa nito na agad naman napangiwi ang mga babae maging si Rica na katabi nito.
Sinamaan kami isa-isa ng tingin ni Namjoon. Yung mata niya ay kasing itim ng balat nito. "Grabe naman kayo! Kumot kasi! Magbebenta ako ng kumot dito kasi!"
"Ay sayang! Akala ko pa naman CDs! Balak ko pa naman magovernight rito," bulyaw ni V na para bang nanghihinayang ito.
Nakita kong siniko naman agad ni Jillian si V sa pagiging inosente nitong kumag.
Napatingin si V kay Jillian at kumunot ng noo. Pagkatapos ay binaling nito ang tingin niya sa aming lahat at sabay sabing, "Bakit?"
Matapos ang dabalyutief na tanong ni V ay sabay-sabay kaming nagtawanan dahil sa reaction nito.
"Anjelyn, tuloy ba ang pag-alis mo?" biglang tanong ni Thunder habang tumatawa pa rin. Napatingin ako sa kanya at bigla na lamang sumeryoso ang aking mukha.
"Ay oo nga pala Anjelyn 'no? Next month 'yon 'di ba?" tanong pa ni Jungkook.
Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko nang mapansin kong lahat ng atensyon nila ay napunta sa akin.
Napangiti ako ng maliit habang sinusulyapan sila Jamielyn, Pauline at Jillian. Nakatingin rin sila sa akin. Napatingin ako kay Jimin nang naka-seryoso rin ang kanyang mukha.
Napalunok ako. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya nanatili lang ako maging tahimik.
"Anjelyn." Napatingin ako kay Jamielyn nang bigla ito umimik. "Ma-mimiss ka namin, tandaan mo 'yan," sabi nito. Tumayo ito sa kinauupuan at lumapit sa akin. Nagulat na lang ako ng yakapin niya ko sa likod. Gano'n rin sila Pauline at Jillian.
"Oo nga, ma-mimiss ka namin!" sabi ng mga iba pang babae na kasama namin sa table.
"Huwag ka na lang sana umalis, Jel," aniya Hoseok na bigla na lamang tumatak sa isip ko.
Napangiti ako ng malungkot nang marinig ko sa kanya 'yon. Sana gano'n na lang. Gano'n na lang sana kadali. Na sa gano'n ay kasama ko pa kayo sa mga sumusunod na araw, buwan at taon. Sana nga.
Kaso hindi talaga pwede eh..
—
Dear Kupido,
Kung pwede lang ibalik ang lahat. Gagawin ko. Pero bakit gano'n ang nangyari? Ang daya mo naman talaga makipaglaro.
✿ ❀ ✿ ❀ ✿
✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!
✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!
✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top