➹ 17 ┇ happenings
Chapter 17 - Happenings
"HINDI na." Napatingin ako sa kanyang malulungkot na mata.
"Huh?"
Tinignan rin niya ko habang hinahawakan niya ang dalawa kong kamay. Ang init ng palad niya.
"Hindi hihilom ang sugat kung patuloy itong sinusugatan."
Nakaroon ng malaking question mark sa taas ng ulo ko. Ano ibig niyang sabihin?
"Ate.."
"Si Jimin.. mahal ko siya. Mahal na mahal pero hanggang doon lang. Mahal ka niya, Anjelyn. Mahal ka ni Jimin."
Napakunot ang aking noo sa lumabas sa bibig ni ate Angeline. "Tropa kami. Bestfriend ko siya. Bestfriend rin niya ko. Kapatid ang turingan namin. Paano mo masasabi na mahal ako ni Jimin? Eh turing sa akin nun, palaka."
"Gusto mo ba siya?" deretsang sabi ni ate na nagpahinto naman sa akin.
Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Maging ang pagbuka ko ng bibig ay hindi ko na magawa. Ni paghinga ata, hindi ko na alam kung paano gawin.
Ganun ba talaga ang epekto niya sa akin? Nung mga nakaraan araw.. Talaga bang may gusto na ko sa bestfriend ko?
Siya ang naiisip ko. Siya ang laging bukambibig ko. Sa kanya lang umiikot ang kuryente dulot na sa tuwing magkakadikit ang balat namin. Siya at siya lang. Si Park Jimin.
"Ate..," walang hangin na tawag ko.
Nginitian lang ako nito at hinalikan sa gilid ng noo ko.
"Gamitin ang talino kapag nasasaktan, gamitin naman ang puso kapag nagmamahal. Ganun lang ang daloy ika nga nila. Pero ang mas maganda ay gamitin mo parehas, 'yang talino at puso mo lagi," aniya nito at hinawakan ang balikat ko. "Ayoko matulad ka sa akin sa mga pagkakamaling ginawa ko. Nagmahal lang ako pero nagpakatanga nang nagpakatanga hanggang sa hindi ko na alam ang direksyon na tatahakin ko. Sabi nila tao lang, nagkakamali. Paano naman ako? Paulit-ulit ang pagkakamali at pagkukulang."
Bumuntong hininga ito, tumingin sa akin at pinipilit nitong ngumiti sa patuloy na pag-agos ng kaniyang luha.
"Hay. Ang buhay talaga ay hindi patas. Nakakainis pero masaya kasi ganun talaga ang buhay. Kailangan danasin ang hirap, sakripisyo, at pag-iisa pero dadating ang oras na magiging masaya na uli tayo. Hmm.. alam mo kung bakit tayo naiinis kay tadhana? Kasi hindi natin alam kung saan patungo ang ating mga kwento. Pero nasa sa atin na 'yon kung ano ang dabest na gawin. Kung lalaban ka ba o susuko na lang agad? Ikaw lang naman ang gumagalaw sa kwento mo at ikaw at ikaw lang rin ang magbabago ng pananaw mo."
Parang guro si ate dahil sa pangaral na ginagawa niya, sa pangaral na ikakabuti nang lahat, na ikinahihiligan na rin niya.
Lahat ng sinasabi niya ay tumatak sa isipan ko, bumaon na parang bala at aral na hindi na malilimutan.
"Bukas ng gabi, babalik na ko ng States. Siguro hindi na ko makakabalik dito, magsisimula na rin kasi ako ng panibagong buhay. Inaasahan rin kasi ako ni daddy sa pangatlong negosyo niya. At itong baby." Tumingin muna si ate sa kanyang tiyan na nagkakaroon na ng round shape at binaling uli ang tingin sa akin. "Aalagaan ko, katulad ng pag-alaga sa akin ni Jimin noon."
Napakagat-labi ako. "Alam na ba ni Jimin yang dinadala mo?" mahina kong tanong sa kanya.
Tumango ito at ngumiti ng malungkot. "Kaya alagaan mo si Jimin. Alagaan mo rin sarili mo. Mahal ka niya kaya sana ay matutunan mo rin siyang mahalin."
Niyakap ko siya ng mahigpit. Niyakap ko ng mahigpit ang ate ko na puno ng pagmamahal.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya na may malungkot pa rin na tono. "Ma-mi-miss rin kita, my lil' sis," bulong nito sa tenga ko habang yakap yakap rin niya ko ng mahigpit.
Kahit ba magkaiba ang ugali namin. Kahit iba ang papa namin. Kahit hindi ko siya tunay na kapatid. Iisa lang, iisa lang ang puso namin na pinagdugtong ng pagmamahal.
"Anjelyn! Anjelyn!"
Napamulat ako nang may tumawag sa pangalan ko.
"Jel, ayos ka lang?"
Napahawak ako sa noo ko at bumangon.
"Huy Jel, magsalita ka naman. Kinakabahan kami sayo eh. Lagot kami ni Jimin niyan."
"Bakit? Ano ba nangyari?" tanong ko sa kanila.
Nakapalibot sila V sa akin. Nandito kami sa may open area.
"Malay namin. Nakita ka na lang namin sa damuhan na walang malay habang katabi ang yellow box," asik ni Jungkook.
"Ayos ka na ba?" tanong ni Namjoon.
"Mahirap ba ang lesson niyo?" dagdag naman ni V, bigla naman nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
Maya maya pa'y biglang binatukan siya ni Hoseok. "Anong lesson pinagsasabi mo. Baliw 'to! Nahimatay na nga, nagtanong ka pa ng kakaibang tanong?"
"Mas baliw ka! Nakita niyo kanina nag-aaral si Jelyn! Malay natin, nahimatay siya dahil hindi kinaya ng braincells niya ang lesson nila!" sumbat naman ni V na proud na proud pa.
"May point ka. Galing mo bro!" singhal ni Jungkook at nakipag-apir pa.
Napa-iling na lang ako at inilala ang panaginip kanina.
Ang panaginip na 'yon ay nung gabing umuulan, kasama ko si Suga. May sugat si Angeline nun dahil sa pagkadapa. Si Jimin naman ay masama ang loob kay Suga na hindi malaman ang dahilan. Pero nun gabi rin 'yon ay hinabol ni Suga si Jimin at ako naman ay pinuntahan si ate Angeline na may sugat sa tuhod.
"Anjelyn, are you okay? Hindi ko alam kung bakit ganun ang laman ng box." Napatingin ako kay Pauline na nasa gilid ko na pala.
"Sino ba talaga ang nagbigay nun?" seryosong sabi ni Hobi. Ngayon ko lang nakitang nakaseryoso ito.
Bigla ko naman naalala yung nangyari bago ako nahimatay.
Yung yellow box. May laman na patay na kuting.
"Hindi ko nga alam kung sino 'yon. Basta naka-jacket siya na itim," pagpapaliwanag ni Pauline sa amin.
"Babae o lalaki?" tanong naman agad ni Jin.
"Ewan, nakatakip kasi ang kanyang mukha at pinapabigay lang sa akin 'yon."
"How come?"
"Pero napansin ko ang kwelyo niya, taga-S.I rin. Estudyante rin dito sa campus," dagdag pa ni Pauline.
"Masama ang kutob ko," biglang sabi ni V na ngayon ay seryoso ang tingin.
"May hater ka siguro 'no Jin! Bakla ka talaga!" sigaw ni Jungkook.
"Lul! Paano ako naging bakla kung may girlfriend ako na nagngangalang Miciel? Ha? T'yaka hater? Eh ikaw nga lang Jungkook ang kilala kong hater ko e!" singhal ni Jin.
"Bakla na nga, assuming pa!"
"Lul mo gintong ilong!" sigaw ni Jin sabay pumakyu kay Jungkook.
Tumayo na ko sa upuan pero bigla naman ako pigilan ni Namjoon.
"Saan ka pupunta?" tanong naman agad ni V.
"Uuwi na, aba," tipid kong sabi.
Magsasalita pa sana sila pero nagdere-deretso na ko maglakad.
Hindi ko na inintindi ang kahon na 'yon dahil hindi naman sa akin 'yon at isa pa, nagkataon lang na ako ang unang nakakita. Pero nakakapangilabot pa rin. Nakakatakot ang nagbigay ng kahon na 'yon o baka 'di kaya'y nangtri-trip lang. Pero sana nga, trip lang.
Habang naglalakad ay napasinghap naman ako sa bilis ng pangyayari.
Bigla naman agad bumilis ang tibok ng puso ko.
"Shit!"
May motor na humarurot sa gilid ko, laking pasasalamat na nahila ako na kung sino man lalaki.
"Hey! Anjelyn."
Nanatili lang akong tulala dahil sa mabilis na pangyayari.
Dahan-dahan kong itinaas ang tingin ko.
"Thunder.."
"Anjelyn!" May narinig akong sumigaw ng pangalan ko. Tumayo na ko ng maayos pero nakaalalay pa rin ako sa mga kamay ni Thunder.
"Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Thunder sa akin.
"Pips! Nasugatan ka ba? Ano? Ayos ka lang ba? Saan dumudugo?? Dalhin na kita sa clinic!"
"Oo, okay lang ako," bulong ko sa kanya, nagulat naman agad ako nang bigla ako hilahin ni Jimin at niyakap. "Pinakaba mo ko."
"Jam, hindi na namin naabutan yung motor. Ang bilis ng pagkakatakbo!" hinihingal na sabi ni Namjoon.
"Lintek na! Parang nananadya 'yong motor na 'yun ah!" singhal ni Hoseok na hinihingal rin dahil siguro sa paghabol sa motor.
"Bakit hindi mo naabutan Hobi?? Mas mabilis ka doon ah!" asik ni Jungkook kay Hoseok.
"Paano nakapasok 'yon?!" galit na sabi ni V.
"Anj, kinakabahan ako sa'yo!" nag-aalalang tanong ni Pauline sa akin na nasa gilid ko na pala.
"A-ayos na ko," nanginginig kong sabi.
"I-re-report ko ito sa security area kung bakit nakakapasok ang mga ganon ka-barumbadong magmaneho," aniya Thunder na tumango naman agad ang lahat.
"Samahan na kita," sabay na sabi ni Jin at Pauline. Tumango naman agad si Thunder at umalis na silang tatlo.
"Bakit ngayon ka lang, Jam?" tanong ni Jungkook.
"Galing ako kay Suga," sagot ni Jimin kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit hindi ka man lang nagsabi? Edi sana sabay-sabay tayo pupunta sa hospital?" agad naman sabi ni Namjoon.
"Sensya na."
"Gusto ko na umuwi," sabi ko at kinuha ko ang bag ko sa baba.
"Ihahatid na kita--"
"Ako na maghahatid sa kanya, Jimin," seryosong sabi ni V at hinila na ko papalayo sa kanila.
"Pero--"
Napansin kong hinawakan ni Hoseok si Jimin sa braso na siguro ay para huminto ito sa pagbalak na sumunod.
Kaya nung hinawakan siya ay hindi na rin sumunod at nagpumilit na ihatid ako dahil iba ang mood ngayon ni V.
Ewan ko ba dito, ganito na ata siya since birth. Over-protective ang mokong, tapos ang cold ng tingin sa tuwing alam niya na may mali.
Pero nagpapasalamat pa rin ako na may kuya-kuyahan ako na over-protective. Kahit alien, basta napapasaya ako okay na ko doon. Huwag lang sumabog ang ulo, dahil nakakatakot magalit ang isang 'to.
"Ano ba nangyayari sa buhay mo, Jelyn?" biglang tanong ni Taehyung sa akin na ikinabigla ko naman.
Nagsalita ito nang nasa harap na kami ng gate.
Nagkibit-balikat na lang ako sa tanong niya dahil ako rin naman ay walang clue sa mga nangyayari sa buhay ko.
"Baka mamaya niyan, mawala ka na lang na parang bula. Ayoko mangyari 'yon."
Napangiti ako sa sinabi niya. "Masyado mo naman pinangungunahan ang hinaharap."
"Aba kahit wala kang hinaharap--aray!"
"Leche ka!" singhal ko matapos ko pitikin ang tenga.
"Pero ayoko mawala ka sa amin 'no!"
"Aba ang sweet naman ng kuya-kuyahan ko oh!" nanunukso kong sabi.
"Ngayon lang 'yan, sa susunod hindi na dahil kay Jillian ko na lang ibibigay ang ka-sweetan ko!"
"Aba. Bakit virgin ka pa ba??" nang-aasar kong sabi.
Ngumisi ito, "Ay huwag ka, birhin pa ang tete jr. ko hahaha!"
"Bastos 'to!"
"Pero alam mo Jelyn, hindi ko na maintindihan si tadhana."
"Alien ka eh! Paano mo maiintindihan?!"
"Pero nung ipinakilala mo sa akin si Jillstick, naiintindihan ko na kung bakit ganun si tadhana. Pinagtagpo niya kasi kami eh yieee. Nakakakilig ba?"
"Ang corny mo," tipid kong sagot at binuksan ang gate.
"Nakakakilig kaya sinabi ko!" asik niya at mabilis na pumasok ng gate.
Aba loko, plano kong saraduhan siya pero ang alien ang bilis makapasok.
"Hindi ko nga naintindihan sinabi mo eh!"
"Gusto mo ulitin ko?"
"Ha? Ano? Ano? Aalis ka na? Ha? Sige! Ingat!"
"Grabe ka sa akin! Ayaw mo talaga ako pakainin 'no?"
Hay. Kapag alien talaga, mabilis mag-iba yung mood. Kuya-kuyahan ko pa ba 'to? lol.
"Maghuhugas ka na ba ng pinggan?"
"Oo! Oo!"
"Madali lang naman ako kausap kaya sige, pasok!" asik ko at binuksan ang mga ilaw.
Binaba ko ang bag ko sa sofa at dumeretso sa kusina para maghanda ng hapunan.
"I love you, Bwi! I love you I love you!!"
Napalingon ako kay V nang marinig ko ang boses ni Jillian.
"Si Jill ba 'yon?" tanong ko kay V pero nginitian lang ako.
"Ringtone ng message ko lang 'yon!"
"Si Jillian, ringtone mo?!" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Napanganga naman agad ako nang biglang tumango ito.
"Seryoso, si Jill 'yon?" tanong ko pa uli.
Pinakita ni V sa akin yung video call nila na naka-screenvideo.
"I love you, V! I love you I love you!!"
"Si Jill nga," nasabi ko na lang.
Hindi ko maimagine na sinabi ni Jillian 'yon habang kinikilig dahil never ko pa talaga nakita ang ma-inlove ang bruhang mas malamig pa sa yelo.
Ang pokerface lagi na si Jillian, sadako, sabog at poste na 'yon--aba sige oa ko na.
"Talagang ringtone mo?"
"Oo naman, nakakakilig kaya!"
Napailing na lang ako habang natatawa sa kanya. "Alien talaga," singhal ko at tumalikod na.
Panigurado si Jill, nahawaan na ng ka-elyehan.
"Magluluto ba ako ng fried chicken?" sigaw ko habang tinitignan ang laman ng ref.
"Ah, Jelyn." Napatingin ako kay V na nasa loob na rin ng kusina. "Si Jamielyn pala ang nagtext, sabi niya may report kami sa English na muntik ko nang makalimutan. T'yaka kanina pa daw ako hinihintay ni Jillstick. Siguro gagabihin na ko ng uwi kaya tirahan mo na lang ako ng fried chicken ha! Oo promise, ako maghuhugas ng pinggan. Sige bye na!"
"Bye," mahina kong sabi dahil halatang nagmamadali na si V.
Nang tahimik na ang bahay ay biglang sumagi sa isip ko yung motorsiklo kanina na mabilis humarurot.
Napasinghap na lang ako at bumuntong-hininga.
Nagkataon lang ba 'yon na dumaan ako o sinadya ng hindi ko kilala?
♡♡♡
NASAAN na kaya ang mokong?
Mag-aalas-dyis na ng gabi ay wala pa rin si V. Eto ako ngayon, nanonood ng spongebob sa sala habang hinihintay ang pagdating ni V.
Ako na pala naghugas ng pinggan dahil nakakahiya naman sa kanya, siya na nga lang nakikitulog, uutusan ko pa siya 'di ba? Ang kapal naman ng itlog niya. Buti ang hotdog, maliit lang.
Napatingin ako sa pinto nang may biglang kumatok. Ayan na siya.
Tumayo na ko at pumunta sa may pintuan.
"Mabuti naman at nakauwi ka na k--M-mr. Chua.." Kasabay nang pagbukas ko ng pinto ay isang galanteng lalaki ang bumulaga sa akin.
"Oh Anjelyn? Bakit parang gulat na gulat ka naman na makita ako?" nakangiting tanong nito sa akin.
"Bakit po kayo naririto?"
"Bawal ba muna pumasok at paupuin ako?" May tono ang pananalita nito.
"Sorry sir," mahina kong sabi at binigyan ko agad siya ng daan. Nang makadaan ay sinirado ko na ang pinto.
Tinignan naman niya agad ang kabubuuan ng inuupahan kong bahay kaya napatingin rin ako.
Umupo naman ito sa sofa kaya dali-dali ko pinatay ang television nang mapansin kong spongebob pa rin ang palabas. Matapos nun ay maigi ko na lamang tinignan ang mga kilos niya.
Anong ginagawa niya dito? Bakit nandito ang daddy ni Angeline?
Napansin kong napabaling ang tingin nito sa mga notebooks at books na nakakalat sa table ko. Nagulat naman ako ng bigla ito ngumisi. Maya maya pa'y nakuha nito ang kanyang atensyon sa side table, naroon lang naman ang litrato namin ni Jimin nung valentines day, nung nakaraan araw lang nangyari, nung bago pa may masamang nangyari kay Suga.
"Sino siya?" makabuluhang tanong ni Mr. Chua sa akin.
Tinignan ko ng maigi ang litrato. Ang litratong ito ay nag-a-asaran ang tingin habang may ngiti sa labi. Hindi ko nakikita ang pagiging magkaibigan nito, ang pagiging tropa o kahit ang pagiging magbestfriend dahil nakikita rito ang pagiging sweet sa isa't isa. Nakikita sa mata ng nasa litrato ang pagiging inlove.
"Si Jimin po.. boyfriend ko," magalang na sagot ko.
Napatingin ito sa akin at ngumiti na parang nangiinis.
"Ano po ba ang ipinunta niyo rito?" tanong ko pa habang pinipigilan ang pagka-inis.
"Nah. I'm just checking you if you're done packing your things," walang ganang sagot nito at nagde-kwatro ng upo.
"Ano ho?"
Nagkaroon ng katahimikan sa gitna namin. Napalunok ako.
Tumayo ito at tinitigan ako. Napaangat naman agad ang aking tingin. "Kailangan mo ng umuwi, Anjelyn. Sa bahay mo, sa US."
Matapos ko marinig 'yon ay para akong sinampal ng kaliwa't kanan, pinagbagsakan ng langit at lupa.
Akala ko, akala ko next month pa?
—
Dear Kupido,
Walang araw na hindi mo ginulo ang tahimik kong buhay 'no? Dinamay mo pa ang karma sa kalokohan mo. Pati si tadhana, gusto na rin ako kalabanin. Magsama-sama kayo!
✿ ❀ ✿ ❀ ✿
✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!
✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!
✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top