➹ 16 ┇ matalino
Chapter 16 - MATALINO
9K8D1T3I1A0L - After J, twist it.
After J? After J..
Nakaupo ako ngayon sa study table habang kinikilatis ang kapirasong papel na lumipad kanina lang sa paanan ko.
Kumuha ako ng pad paper at sinulat ang idea na nakuha ko.
A to J, 10 letters. A-fter? A? After J is K?
Tinignan ko uli ang kapirasong papel.
Pangalan ata 'to ah! Pero bakit may mga number? Baka jeje word lang 'to.
Kailangan ko ata ng translation sa jeje words. Nasaan na ba si Rica?
After J, twist it.
Twist it. Pilipitin. Baliktarin? Ha?
Ugh. Napamudmod na lang ako sa desk dahil sa sakit ng ulo ko.
"Inaantok na ko," bulong ko sa akin sarili habang nakatingin sa relos ko.
Alas-dos na ng umaga, may pasok pa ko bukas.
"V! 69 alam mo ba 'yon?"
"Oo. Yung magkapartner, nakabaliktad sa isa't isa, 69 position."
"Vovo. Number 'yon! Manyakis!"
"Paghiwalayin mo. Aangal 'yan!"
Nakatingin ako ngayon sa natutulog na V sa sofa habang may maliit na boses ako narinig sa utak ko.
Paghiwalayin?
9K8D1T3I1A0L - After J, twist it.
Pinaghiwalay ko ang number at letra nito.
981310? KDTIAL?
"Initial? Password? Ano ba 'to?" Nasabi ko na lang at napalumbaba.
Maya maya pa'y napapikit ang mata ko nang may bagay na kumikislap na tumama sa aking mata. Kinusot ko ang mata ko at pinangliitan ito para tignan ang kumikislap na bagay na nanggagaling sa bag ko.
Lumapit agad ako sa bag at kinuha.
Barbie notebook ni Jimin.
Hanggang ngayon pala ay hindi ko pa 'to naibabalik. Pero bakit hindi niya ito kinukuha sa akin?
Matagal na kong curious sa notebook na ito. Kung ano ba ang nilalaman nito at bakit nasabi ni Jimin ay napakaespesyal sa kanya ito.
Bumalik uli ako sa upuan at kinakabahang binuklat ang unang pahina ng notebook.
"Dedicate para kay Anjelyn Tan, mommy, ang prinsesang palaka ko, at ang mahal ko."
Napangiti ako sa unang bumungad sa akin.
"Masyado kang malihim ha," asik ko at tumungo sa pangalawang pahina.
May nakalagay na picture ko sa sunod na pahina, natutulog ako sa picture na 'yon nung araw ng klase. Naalala ko ito nung wala pa ang teacher namin, puyat ako nung gabi 'yon dahil sa pagrereview ng sobra dahil na rin may inalagaan kami ni Jimin na matandang babae na iniwan na ng pamilya. Nasaan na kaya si Lola Kesha?
Napatingin naman ako sa may kanan bahagi ng notebook, picture uli ito pero hindi lang ako ang nandoon dahil kasama ko sa litratong ito si Jimin at si chim, ang kanyang alagang aso. Kuha ito sa luneta park, ito yung araw na ipinasyal namin si chim.
Binaba ko ang tingin ko at nagulat na lamang ako sa nakasulat.
Matalino ka 'di ba? Bakit hindi mo alam na mahal kita.
MA - Maganda ang puso.
TA - Tapat magmahal.
LI - Likas na matulungin.
NO - Noon hanggang ngayon.
♡♡♡
Jimin's Point of View.
"Alam mo yung masakit? Yung feeling na tinutulungan mo manligaw yung kaibigan mo, sa babaeng matagal mo na ring gusto.."
Ayan ang kahuli-hulihang sinabi ni Yoongi sa akin tungkol kay Anjelyn.
Napasinghap ako, "Pareho tayo ng taste. Pareho rin tayo sa talent. Pati ang ayaw natin, magkaparehas rin. Sa sobrang pagkapareho natin, Yoongi, pati gusto nating babae ay parehas," bulong ko sa mahimbing na natutulog na swaeg.
"Ganun ba talaga ang tadhana, nanglalaban? Nanghahamon? Hindi ko gusto ang nangyayari ngayon."
♡♡♡
Anjelyn's Point of View.
"Jin, para kang bakla 'no?"
"Ano ka ba baba, bakla na talaga 'yan!"
"Maka-baba ka naman, ikaw badjao!"
"Aba at!"
"Ay joke lang. Bumbay na pala--aray!" asik ni Hoseok nang batukan siya ng malakas ni Namjoon.
"Anjelyn."
"Ano 'yon?" tanong ko kay Jungkook na nasa kaliwa ko habang nakatingin pa rin ang paningin ko sa libro.
"Anong mahaba ang masarap?"
Napatingin ako sa kanya at sinamaan ito ng tingin. "Ano?"
"Nagsisimula sa letrang T!"
Itinuon ko uli ang atensyon ko sa libro. "Tigilan mo ko sa kahalayan mo, Jungkook."
"Ang green! Tsokolate kasi!"
"Heh!"
Napasinghap si Jungkook. "Ito naman, anong bundok ang malaki at malambot?"
"Hoy Jel! Ano na dali??"
"Boobs! Boobs!" sagot ni Taehyung habang tinuturo si Jungkook.
"Hindi ah! Siopao kaya, V," aniya Jungkook kay Taehyung.
"Bakit? Malaki at malambot naman ang boobs ah?" tanong ng elyen.
"Oo, pero hindi lahat. Patag kaya kay Anjelyn! Hahaha--aray!" Napadaing sa sakit si Jungkook nang tumayo ako bigla sa upuan at nahulog naman ang mokong sa upuan at bumagsak sa sahig. Ayan, pango na ang ilong.
Tumayo naman agad si Jungkook sa pagkakabagsak at sinamaan ako ng tingin.
"Bakit guilty ka?" tanong ng mokong, sarap pektusan.
"Siraulo ka pala eh," singhal ko rito.
"Nagtatanong ako. Bakit guilty ka ba?" tanong uli ni Jungkook.
"Aba nung nakita ko ba ang malaki mong ilong, pinakielaman ko ba?"
"Grabe. Joke lang. Hindi ka masyado mabiro," nangaasar pa rin sabi ni Jungkook.
"BOOM BASAG ANG ILONG! WOHOO!" sigaw ni Taehyung.
"Ah Jin.."
Napalingon ako sa pamilyar na boses babae.
"Pauline?" Tinawag ko ito, sinulyapan naman niya agad ako at nahihiyang tumingin uli kay Jin.
"Pinapabigay nga pala sa'yo," nahihiya nitong sabi, pinagpapawisan.
"Kanino galing?" usisa ni Namjoon.
"Pagkain ba ang laman?" tanong ni V na puro pagkain ang nasa isip pero nagkibit-balikat naman agad si Pauline.
"Basta binigay lang sa akin at ibigay ko daw kay Jin," aniya Pauline at inabot ang kulay yellow na kahon na may design na maliliit na kidlat.
"Bakit yellow? Bakit hindi pink ang kulay ng kahon?" tanong bigla ni Jungkook na nasa likod ko.
"Oo nga, baka hindi naman para sa kanya," segunda naman ni Hoseok.
"Kaya pala nakasulat sa ibabaw, Kim Seokjin?" pilisopong sabi ni Pauline.
"Ah baka naman sa'yo galing? Para hindi halata?" nanunuksong sambit ni V.
"ULUL!" Nagtawanan naman agad ang lahat sa sinigaw ni Pauline kay V.
"Sige Jin, Anj, mauna na ko," paalam ni Pauline na parang may iba sa kanya.
Wala na ba siya feelings para kay Jin?
NANG makaalis na si Pauline ay nagkaroon ng kuryosidad ang aking katawan dahil sa yellow box pero hindi ko na ito pinansin at muli nagbasa ng libro.
Ang mga kalalakihan na kasama ko dito sa open area ay nagkaroon na ng kanya-kanyang buhay, ang iba ay nagtanong tungkol sa prom na gaganapin ngayong Sabado. Kung sino ang kapartner, ano susuotin at iba pa. Narinig kong tinutukso nila Hoseok si Jungkook dahil kay RJ na ngayon ay malapit nang maging sila. Bigla naman umihip ang hangin dahil napunta ang usapan kay V at Jillian na parehas abno tuwing walang tao daw.
Nakaupo ako ngayon at nakapatong ang braso ko sa mesa habang itinutuon ang atensyon ko sa pagsusulat ng notes nung kahapon.
Habang nagsusulat ay biglang nagpop-up na naman sa utak ko yung insedenteng nangyari nung gabing binaril si Suga.
Napailing ako at nasagi na lang ang tingin ko sa yellow box na katabi ko sa upuan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin binubuksan ni Jin ang box dahil sabi niya ay sanay na siya bigyan ng gifts ng fangirls niya kaya sa bahay na lang niya nito bubuksan.
Napalumbaba ako at tinignan ang cellphone ko. Hindi sinasadyang napindot ko ang Contacts. At unang bumungad sa akin ay ang cellphone number ni ate Angeline.
Bigla naman ako napaupo ng maayos at napaisip.
Nakausap ko si ate sa phone nung gabing 'yon. 'Di ba nasa states siya? Bakit narinig ko ang boses niya sa kabilang linya? Nandito pa rin ba kaya siya sa Pilipinas?
Napalundag ang puso ko nang may lumipad na uwak sa harap ko.
Napatingin ako sa baba at nagulat muli nang mahulog ang kahon sa baba, tumayo naman agad ako at kinuha sa baba ang kahon pero nabitawan ko agad ito at napaatras nang makita ko kung ano ang laman ng kulay dilaw na kahon.
Patay na itim na kuting. Kanino galing?
—
Dear Kupido,
Sa sobrang talino ko, pati maling tao pinagkatiwalaan ko.
✿ ❀ ✿ ❀ ✿
✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!
✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!
✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top