➹ 15 ┇ code
Chapter 15 - Code
Note: It's not available on phones. Watch/Play it on your computer, please.
[PLAYING: Awake by BTS]
"MALAKAS lang talaga magpa-miss si gilagid."
Napatingin ako kay Namjoon.
"Tama si Namjoon. Bumbay talaga kahit kailan. Malakas manghula," segunda ni Hoseok.
"Badjao kasi."
"In short bumjao," tatangong sabi naman ni Jin.
"Hindi tayo iiwan nang gagong 'yon."
Napatingin ang lahat sa kanya, kay Jimin na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa baba.
"Hey.." Inangat ko ang aking tingin. Si Taehyung pala.
"Umuwi ka na Jelyn. Gabi na, hindi ka pa naman nakapasok kanina. Kami na bahala dit--"
"Ayos lang ako," tipid kong sagot.
"Jel. Hindi pwe-pwede. Um-absent ka na kanina. Gusto mo na naman ba umabsent?" nag-aalalang tanong ni Jungkook sa akin na ngayon ay katabi ko ng upuan.
Sumulyap muna ko kay Jimin bago harapin si V at Jungkook.
Umiling ako. "Pero mas kailangan ako ngayon ni Jimin at Yoongi.."
Tatlong araw na ang nakalipas matapos ang bangungot na inabot namin.
Hanggang ngayon comatose pa rin si Suga. Hindi na namin alam ang gagawin.
Gusto kong maiyak pero hindi ko pwede ipakita sa kanila lalo na kay Jimin.. dahil mas lalo lang siya masasaktan.
Kahit anong anggulo tignan ay si Jimin ang nahihirapan dito. Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko. Ako na lang sana ang nabaril, edi sana hindi 50/50 ang buhay ngayon ni Suga. Ayos lang sa akin na ako na lang ang nabaril dahil mag-isa na lang ako. Wala na lang rin naman akong pamilya kaya ano pa silbi ko para mabuhay?
"Dapat ikaw ang namatay eh! Bakit kapatid ko pa ha? Bakit?" sigaw ni Karylle sa akin.
"Karylle," nagmamakaawa sabi ni Hazel sa kanya, nangingiyak.
"Mamatay ka na lang! Wala ka namang kwenta dito sa mundong 'to! Nung makilala ka lang ng kapatid ko, naging miserable na ang kanyang buhay! Alam mo ba 'yon? 'Di ba hindi? Dahil sarili mo lang ang iniisip mo!" Napalunok ako nang bigla niya ko sinampal.
Napadaing ako sa sakit pero tiniis ko.
"Stop it, Karylle!" umalingawngaw ang boses ni Jimin sa kwarto ni Suga.
Napapikit ako. Hindi ko naman ginusto ito.
"Isa pang pagpahid mo ng kawalang kwentang pagbingtang mo sa kanya. Kahit dampi lang ng daliri mo, mas malakas pa na sampal ang gagawin ko sa'yo," may diin na sabi ni Jimin, nakakatakot ang kanyang boses.
"Hindi gusto ni Yoongi na nag-aaway ang mga mahal niya sa buhay. Alam mo 'yan Karylle! Huwag naman ganito, comatose ang kuya mo at ang masaklap pa ay nasa bingit ng kamatayan si Yoongi. Hindi si Jel ang may kasalanan, kasalanan namin dahil hindi namin naprotektahan si Yoongi," narinig kong sabi ni Jin, ang nakakatanda sa kanila.
"Sige kampihan niyo ang babaeng 'yan! Nagmamalinis!" singhal ni Karylle.
"Aalis kayo o ibabato ko sa inyo itong apple na 'to?"
Napaangat ang aking tingin. Si Taehyung, may hawak itong apple, masama ang tingin at parang may balak talagang ibato ang hawak niya.
Napatingin ako kay Karylle at Hazel, gulat ang kanilang reaksyon.
"Halika ka na, Karylle. Hindi ito ang oras para makipagbangayan," hi-hikbi sabi ni Hazel at hinila nito si Karylle palabas ng kwarto.
ILANG ORAS na ang nakalipas ay walang nagsalita ni isa sa amin. Hinihintay ang paggising ni Yoongi.
Hindi na rin ako napilit pa nila V na umuwi. Kilala nila ako, sasabog ako kapag sobrang mapilit kaya naisipan na lang rin nila ang manahimik, pero lumipas ang ilang minuto ay biglang dumating sila Pauline kasama ang mga dati at mga kaklase namin ngayon nila Suga na halatang kagagaling lang sa school. Naging maingay ang kwarto ni Suga. Nagkaroon ng maliit na salo-salo rin na pinamumunuan ni Sean, boyfriend ni Jamielyn, dahil mayaman ang mokong. Nakakatuwa dahil may supresa sila Jungkook na isang malaking illustration board na nakasulat sa iba't ibang kulay na sticky note ang lahat ng mensahe ng mga naging kaklase ni Suga, ka-tropa, admirer at maging ang mga mensahe ng mga guro ay nandun.
Ang sabi ni Namjoon, ang pinakapuno't dulo sa plano, na kapag nagising na si Suga ay babatukan nila isa-isa at sabay ibibigay ang malaking illustration board.
Ang sarap rin batukan ni badjao dahil sa sinabi niya pero nagpapasalamat ako sa kanya dahil pinapakita ng lahat na gagaling agad si Suga at malalampasan niya ang hinagpis na mayroon siya.
Napatingin ako sa illustration board na hawak-hawak ng kalalakihan. Napangiti ako ng maliit nang makita ko ang pagform ng mga sticky note sa board. Ang nakasulat sa board na na-form ay..
'Min Yoongi.
GET WELL SOON , SWAEG! ❤'
Pinasulat na rin nila Hoseok sa sticky note ang mga hindi pa nakakasulat katulad ko. Nang matapos kong isulat ang sasabihin ko ay nabasa ko ang mga sinabi ng iba, ang karamihan ay puro 'Get well soon, Yoongi' 'Pagaling ka, swaeg!' at 'I love you, my husband Suga ❤' meron naman nagsabi na 'Palaki ka na!' 'Patangkad ka na!' 'Pa-tuli ka na!' 'Manood ka rin minsan ng porn!' 'Boss chicks, 50 pesos lang!' 'Gilagid mo ang laki.' na sulat kamay lahat ni Taehyung, nyemas ang daming alam ng elyen talaga nun.
Habang nagbabasa ako ng mga note ay hindi ko akalain na may note na rin si Jimin para kay Suga. Nakalagay iyon sa pinakagitna ng naka-form na puso.
Masamang damo ka--ay hindi pala masamang swaeg na kasing height lang kita ay matagal mamatay. Gumising ka na, paiinumin pa kita ng cherifer. Bro, get well soon. - JAM
♡♡♡
MAG-SE-SEVEN na ng gabi nang magpasya ang iba na magsi-uwi na dahil hinhintay na sila ng kanilang pamilya sa kani-kanilang tahanan.
Sila Namjoon naman ay nagpaalam na rin bitbit ang kani-kanilang girlfriend.
Sabi ko kay Taehyung ay ihatid na rin niya si Jillian pero nag-a-alinlangan ito dahil nga daw sa sabay kami uuwi. Kaya sumabay na lang si Jillian kay Pauline tutal magkalapit bahay lang sila.
Sabihin mo lang V, torpe ka lang sa alindog ni Jillian. Wow alindog, poste nga lang pala siya, lol.
Natira na lang kaming tatlo ni Jimin at Taehyung sa loob ng kwarto ni Yoongi kung saan siya naka-confine.
Napatingin ako kay Jimin na hanggang ngayon ay wala pa ring imik na nakaupo sa may kaliwang bahagi ng pwesto ni Yoongi malapit sa bintana, nakatitig lamang ito sa mahimbing na natutulog na swag. Nasa kabilang pwesto naman ako ni Yoongi kaya kaharap ko lang si Jimin na parang wala sa wisyo ang utak.
"Anjelyn," tawag ni V sa akin na nakaupo ngayon sa coach.
"Uwi na tayo, magten na ng gabi. Baka maabutan na naman natin ang bruhilding kingkong na 'yon," asik ni V, tukoy nito sa kapatid ni Suga.
Sa bahay ko nga pala matutulog si V, sa may sala s'yempre siya. Baka mangamoy panghe ang kama ko kung doon ko siya patutulugin sa kwarto ko. Nagprisinta kasi ang mokong na doon matulog sa bahay imbis sa condo na tinutuluyan niya, para makalibre daw ang huklubang, nyemas, at s'yempre para sa kaligtasan ko.
"Anjelyn, tara na umuwi na tayo. Inaantok na ko," narinig kong nagmamakaawang sabi ni V kaya umiling ako.
"Umidlip ka muna diyan sa coach," tipid kong sagot.
"Nagugutom na rin ako.."
"May pera ako sa bag, kumuha ka dun at bumili sa labas."
"Talaga? Sige thank you, Jel!" narinig kong sabi ni Taehyung at wala pang ilang segundo ay biglang nagtatakbo sa labas ang mokong.
"Anjelyn."
Napatingin ako kay Jimin nang bigla niya tawagin ang pangalan ko.
Natuwa ako sa kaloob-looban dahil sa tatlong araw na pagconfine ni Yoongi ay ni isa ay walang kinakausap si Jimin, para siyang pipe ng panandalian. Kapag kinakausap siya, tulala lang.
"Anj, ayos lang ako. Umuwi ka na, kailangan mo ng mahabang pahinga," sabi pa nito at ngumiti.
Nakangiti ito ng buong-buo pero ang kanyang mga mata ay hindi sumasang-ayon sa pinapakita nito.
"Paano ka? Ilang araw ka na rin hindi nagpapahinga," tanong ko agad sa kanya.
"Isipin mo ang sarili mo, Anjelyn. Huwag ka mag-alala. Ayos lang ako dahil ayos ka," nakangiti pa rin nitong sabi.
"Hindi ako ayos kasi sinungaling ka."
Nabigla siya sa lumabas sa bibig ko maging ako ay nagulat sa sarili.
Tumayo ako. Lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit habang nangingiyak.
"Alam kong nasasaktan ka. Alam kong hindi mo na kaya. Nahihirapan rin kami pero alam kong mas nahihirapan ka. Alam kong pinapakita mo lang ang tapang mo pero huwag naman sa ibang sitwasyon. Umiyak ka dahil sigaw ng puso mo 'yan. Umiyak ka, pips," utos ko matapos ko siya yakapin. Nakatingin lang ito sa akin na blanko ang isipan.
"Huwag kang tanga!" singhal ko sa kanya at pinalo siya sa dibdib. "Iyak!" utos ko uli sa kanya habang umaagos ang aking luha. Pinalo ko uli siya sa dibdib para magising, para wasakin ang malaking harang sa puso niya. "Sabing umiyak ka!" sigaw ko at pinagpapalo siya.
Nakatingin lang ito ng deretso sa akin, parehas sa kaninang emosyon, tulala, parang yelo sa tigas na parang hindi nagpapatinig.
"Please, nagmamakaawa ako sa'yo," hihikbing sabi ko sa kanya. May nakita akong isang luha sa gilid ng mata niya na tumulo, pero hanggang ngayon tulala pa rin ang lalaking mahal ko.
Hihikbi akong tumayo. "Sige, magpapahinga na ko," aniya ko at tumalikod sa kanya. Pero kasabay ng pagkatalikod ko ay ang paghawak niya sa braso ko. Lumingon ako sa kanya at tumingin sa kamay niyang nakahawak sa braso ko.
Tumingin ako sa kanya, nagulat naman ako nang magtama ang aming mga tingin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tingin niyang napakamisteryoso. Nabigla ako nang hilahin niya ko papalapit sa kanya. Napaiyak na naman agad ako nang yakapin niya ko ng mahigpit.
"Shh," bulong nito habang nangingiyak na rin ang mokong.
"Hayop ka pinahirapan mo pa ko," bulong ko sa kanya, kay Jimin habang nahikbi.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina, naramdaman ko naman ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ni Jimin sa likod ko.
"Nandito lang ako sa tabi mo, kahit anong mangyari ay hindi kita iiwan. Promise."
MATAPOS ang iyakin namin na natawa na lang kami sa ka-ewanan na mayroon kami kanina.
Magkatabi kami ngayon ni Jimin ng upuan na nasa gilid lang ng kama ni Suga. Naka-akbay ngayon si Jimin sa akin habang nagkwe-kwento ito tungkol sa mga kalokohan pinaggagawa niya at ni Suga nung elementary sila.
Si Suga lagi ang pasimuno sa kalokohan pero si Suga rin ang unang nagsusumbong. Loko-loko 'di ba?
Nung Grade 1 sila ay habulin ng babae itong swaeg na 'to lalo na ang mahal ko. Sila lagi ang magkasangga bago pa nila nakilala ang apat na sila Jin, Namjoon, Hoseok at Jungkook.
"Lintek 'yan si Yoongi eh. Nung grade 3 kami ay may isang teacher kami na hindi naman katandaan ay favorite siya nito. Lagi mataas grade niyan sa lahat na subject sa adviser naming 'yon. Eh kahit natutulog lang sa room 'yan ay perfect lagi ang quizzes niya. Pero alam mo ang nakakatawa na part?" pabitin pa na sabi ni Jimin sa akin.
"'Yun habang natutulog siya sa klase ng adviser namin ay lumapit ito sa upuan namin, dahil nga sa katabi upuan ko ang monggoloid na isang 'to. Nakita nang mga kaklase namin maging ako ay hinalikan nitong adviser namin si Suga sa pisnge, sobrang lapit na sa labi. Naalimpungtan naman agad si Suga. Naalala ko sinabi niya sa akin na nakakawalang swag ang paghalik ng teacher namin sa pisnge nito. Kaya nung naglalakad na palayo yung teacher namin ay hinubad niya ang sapatos niya na may takong at ang loko ay ibinato ang sapatos at tumama sa ulo ng teacher namin. Ayun, na-suspend ang monggoloid."
Natawa ako sa kwento at struggles na natamo ni Suga dati. Naalala ko nung first encounter namin, kasama nito si Hoseok at Namjoon, hindi ko siya pinansin nung nag-hi siya sa akin. Nagpunta na naman siya sa harap ko at nagpakilala pero dahil feeling close siya at mukhang adik ay nilampasan ko siya. Habang naglalakad ako palayo ay nagkabukol ako dahil sa manggang nahulog galing sa sanga at sumakto pa talaga sa ulo ko.
Naalala ko sabi niya nun, "Ay ang tanga nun! Yung kapatid mo hoseok, nangingitim na tulad ni Namjoon oh!"
Dahil sa pagkainis ko nun ay dinampot ko ang mangga agad at binato papunta sa nakatalikod na mama na nagngangalang Suga.
Nagkatamaan ang aming mga tingin hanggang sa hindi na nawala ang trip nito sa akin.
"Yoongilagid."
Napatingin ako kay Jimin nang bigla ito umimik. Nakapalumbaba ito sa kama habang nakatingin sa natutulog na swag.
"Sa bahay benteng oras ka natutulog. Sa school apat na oras ka natutulog. Pati ba naman sa hospital?!" singhal ni Jimin.
Napasinghap ito, "Ang hilig mo, matulog nang matulog pero bakit kaya ang height mo ay hindi ka nahiligan bigyan?" Matapos sabihin ni Jimin ang linyahang 'yan ay kusa na lang tumulo ang luha niya.
Ang sakit pa rin talaga isipin na ang kaibigan mo ay nakahiga sa kama ng pagmamay-ari ng hospital. Ang sakit isipin na sobrang layo sa inaasahan mo.
Hindi mo talaga ma-pre-predict ang kwento ng buhay mo kung tadhana ang may hawak nito. Pero pwede mo mabago ang pananaw nito kung kaya mo kalabanin ang tadhana.
♡♡♡
"Hay makakatulog na rin sa wakas!" sigaw ni Taehyung at humilata sa sofa.
Napangiwi ako, "Anong makakatulog na rin sa wakas? Eh magdamag ka nga nakatulog sa canteen, hindi mo na nagawang galawin ang binili mong karami-raming pagkain. Ang tagal kitang hintayin na makabalik, akala ko iniwan mo na ko. Mabuti na lang nakita ka ni Jimin dahil kundi, tuluyan ka nang makakatulog sa morge."
"OA. Peace na tayo, mabuti hinatid tayo ni Jimin 'no?"
"Mabuti na lang nagbalik wisyo na ang mokong," pagtatama ko sa kanya habang inaayos ko ang aking gamit para bukas.
Kinuha ko ang libro at notebook ko sa lamesa at nilagay rin ito sa bag.
"Alam mo Taehyung, parang wala naman ninakaw ang mga kalalakihang 'yon sa bahay ko. Kumpleto ang gamit ko, ang inipon kong pera. Hindi kaya--" sabi ko at tumingin sa kanya pero ang elyen ay tinulugan na pala ako.
Napaisip ako. Hindi kaya ay may nag-utos?
Imposible. Mukhang mga akyat-bahay.
Napatingin ako sa baba nang may papel na lumipad sa paanan ko. Dinampot ko ito at napakunot ang noo ko sa nabasa.
9K8D1T3I1A0L - After J, twist it.
Ano 'to? At kanino naman galing 'to?
✿ ❀ ✿ ❀ ✿
✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!
✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!
✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top