➹ 14 ┇ double trouble
Chapter 14 - Double Trouble
"Hindi lahat ng kwento kayang i-predict ang pangyayari. Trouble na nga, na-doble pa."
BUONG klase ako magdamag nakatunganga, iniisip kung ano ang nakita ni Namjoon sa mga palad ko.
Kung mali ang kutob ko, malamang pinagtri-tripan na naman ako ni badjao.
Nabalik lang ako sa realidad nang tawagin ako ni Jimin.
"Lumilipad ang utak mo, Anjelyn. Papunta ka na sa isip ko, tumambay ka pa sa puso ko."
Napangisi ako, "Baliw," tipid kong sagot at inilagay ang libro ko sa bag..
Hindi ko napansin na tapos na pala ang klase dahil sa bumabagabag sa isip ko.
"Tara," usal niya na nagtaka naman agad ako. "Takas tayo."
Nagsalubong ang kilay ko sa narinig ko galing sa bibig niya. Napalingon ako sa kanya. "May klase pa tayo, mamaya."
"Kaya nga tatakas tayo eh."
"Saan tayo pupunta?" naguguluhang sabi ko.
"Basta."
"Basta pala, ikaw na lang. Dinamay mo pa ko sa kalokohan mo."
"Tara na kasi," asik nito at hinila ako patayo.
Dahil sa clumsy ako ay natisod ako sa bag at nahulog sa dibdib ni Jimin.
Narinig ko siyang ngumisi kaya tinulak ko siya palayo sa akin.
"Ano ba. Hindi ka nagdadahan-dahan eh," singhal ko at kinuha ang bag.
"Ako pa sinisisi. Yung bag ang nagpatid sa'yo." Malokong ngiti ang binigay nito sa akin kaya pinagsingkitan ko siya.
"Ikaw talaga may kasalanan, dinamay mo pa ang bag."
"Sus. Sabihin mo na lang na kinilig ka," bulong nito na narinig ko naman.
Oo na, 'wag mo nang ipagsigawan pa.
Para hindi halata na kinilig ako sa pagdampi ng katawan ko sa kanya ay inirapan ko ito pero bigla ako nagulat nang hilahin niya ko papalabas ng pinto.
"Park Jimin, bitaw," asik ko at kinuha ko ang kamay ko na hawak niya.
Hingal na hingal akong tumingin sa kanya. Paano ba naman pinag-akyat ako ng sandamakmak na hagdanan dito sa Building I. Nasa 17th floor ata kami eh, hindi ko alam dahil sa sobrang pagod kakaakyat. Mula 6th floor ba naman, jusmiyo.
"Dalawang floor na lang, pips," aniya Jimin.
"Dalawang floor na lang eh rooftop na 'yon. Dalawang floor na lang, naghihingalo na ko. Hilo ka ba? Baba na ko."
"Kung bababa ka. Sayang effort mo umakyat," nanunuksong sabi nito kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Ikaw kasi! Bigla-bigla mo ko hinila," singhal ko.
"Buhatin na lang kita."
Bago pa ko makapagsalita at magkapagreact ay bigla na lang niya ko buhatin ng parang pangkasal at naglakad paakyat ng hagdan. Napahawak tuloy bigla ako sa likod ng leeg niya.
"Nandito na tayo. Pwede ka na bumaba."
Napangiwi ako, "Paano ako makakababa kung hawak hawak mo pa rin ako?"
Matapos ko sabihin 'yon ay inalalayan na kong ibaba sa lapag. Umayos ako ng tayo at kinunutan ng noo ang lalaking nasa harapan ko.
"Ano ba gagawin natin dito sa rooftop?" tanong ko sa kanya.
Malaki ang rooftop. Magandang tambayan ng magbabakarkada dahil mahangin at presko rito kaso pinagbabawal nang umakyat dito lalo na kapag oras na ng klase. Pero ewan ko kung bakit walang sumisita ngayon sa amin dito.
Ngumuso siya sa harap kaya nagtaka naman agad ako.
Tumingin ako sa tinitignan niya at nanglaki na lang ang mata ko dahil sa pagkamangha.
Puno ng puso ang dulong parte ng rooftop. May pusong lobo rin na nakakalat sa sahig. Sa gitna nito ay may sapin na para bang picnic ang tema nito. May mga chips, at coke doon at may hugis puso na unan rin doon sa gilid. Lumingon uli ako kay Jimin pero bulaklak na ang nasa harap ko.
Napangiti ako nang biglang bumaba ang bulaklak at malaking ngisi ang bumungad sa akin. "Masayang Tumitibok na Puso, Anjelyn."
Natawa ako ng mahina, "Anong pauso 'yan, pips?"
"Ang corny kasi ng Happy Valentines Day kaya MTP na lang," nakanguso nitong sabi.
"MTP?"
Tumango ito at ngumiti.
Binigay niya sa akin yung bulaklak. "Masayang.." Pabitin niyang sabi habang binibigay naman nito sa akin ang chocolate. "Tumitibok na," asik nito habang sumasayaw na para bang tumitibok ang puso habang inilalahad sa akin ang maliit na teddy bear na may puso sa gitna. "Puso."
Nginisihan ko siya at kunwaring binatok sa kanya ang teddy bear. "Masayang Tumitibok na Puso rin sa'yo, Park Jimin."
"Masayang Tumitibok na Puso rin sa'yo, Mommy Anjelyn na pips ko."
"Sheez. Ang dami naman nitong chocolate, halatang ayaw mo talaga ako na gawing sexy 'no?" namimintas kong sabi sa kanya habang kumakain kami ng chips ahoy.
"Mas ayos sa akin na maging mataba ka para may mapisil akong matatabang pisnge," asik nito at kinurot ang kanang pisnge ko.
Napanguso ako at sinamaan ito ng tingin. Nang hindi nagpatinag ay pinisil ko rin ang pisnge niya pero sa akin ay magkabilaang pinisil.
"Ikaw rin naman ay may chubby na pisnge kaya pareho lang tayong cute."
Pinisil niya rin ang isa ko pang pisnge. Pareho kaming nagpisilan sa isa't isa.
"Pinanganak akong pogi hindi cute. Huwag ka mag-alala, nasa dugo na talaga namin ang pagiging gwapo kaya 'wag ka na magtanong," maliit ang pagkakasabi nito dahil sa pagpisil ko sa pisnge niya.
"Bakit sa dugo lang? Bakit walang natira sa mukha?" nang-aasar kong sabi.
Binitawan ko na ang pagkapisil sa kanya, ganon rin siya.
"Kasi mahal kita," seryosong sabi nito. Nakatingin ito ng deretso sa akin.
Gusto kong matawa dahil sa ang layo ng sinabi ko sa sinabi niya ngayon kaso ang seryoso ng tingin, kaya imbis na matawa ako ay nangamatis na lang bigla ang mukha ko at napahiya sa utak.
Bakit hindi man lang ako nakapagsalita agad?
"Mahal kita, Anjelyn mula London hanggang sa rooftop na 'to.."
Kung noon ay isang malaking kakornihan lang para sa akin ang magsabi ng mahal ang isa't isa. Kung noon nga ay isang abot langit ang taas ng kilay sa pa-slow slow motion na smack kiss sa television, kwento o sa kapaligiran. Kaso noon 'yon eh, iba na ngayon.
Mr. Jimin Park, first kiss ni Ms. Anjelyn Tan 'yon.
♡♡♡
NAWINDANG ako mga nangyari ngayong araw.
Hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko. Kanina pa ko tulala, wala sa sarili. Hindi ko na nga maintindihan masyado ang play nila Henrich at Rica na gumanap ng Eros at Psyche dahil kay Jimin.
Dahil kay Jimin.. Dahil sa kanya, hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Dahil sa kanya, nabihag nito ang puso ko.
February 14, Monday, 1:17 pm. Naibigay ko na pala ang first kiss ko sa taong mahal ko.
Nagulat ako nang biglang tumunog ang phone ko.
From: Prinsipeng Jimin (MTP-J ❤)
I Love You, MTP-A ❤
•••
Napangiti ako sa aking nabasa. Naglalakad ako ngayon pauwi. Hindi ko kasabay si Jimin dahil may practice pa siya sa basketball at finals na nila sa darating na Huwebes.
Habang naglalakad ay nakaramdam ako na para bang may sumusunod sa akin. Lumingon ako pero wala naman palang tao. Naglakad na muli ako pero bigla akong kinabahan dahil parang may sumusunod talaga sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang parang may biglang bumagsak. Lumingon agad ako sa likod pero nagulat na lamang ako na itim na pusa lang pala 'yon at ang paso.
Napailing na lang ako at mabilis na naglakad. Nang nasa tapat na ko ng bahay ay bigla ako nagtaka.
Bakit nakabukas ang ilaw sa loob ng bahay ko? Ang pagkakatanda ko ay nakapatay lahat ang ilaw. Maglalakad pa lang sana ako papasok ng bahay ko nang may narinig akong kalabog sa loob kaya bigla ako nagtago sa damo.
Nanginginig akong dinampot ang cellphone ko at di-nial kung sino man ang mapindot.
"Hello? Who's this?"
"He-hello," pabulong na nangingiyak kong sabi.
"Sino ba 'to?"
"Hey!"
"A-ate Angeline? T-tulong. May a-akyat bahay," nanginginig na sabi ko.
"Hey!"
"Hoy bata!" Napaangat ang tingin ko at isang maskuladong lalaki ang nasa harapan ko. Mukha siyang adik.
Napahawak ako ng madiin sa cellphone at kumaripas ng takbo.
"Hoy! Habulin niyo ang babaeng 'yon! May nakakita!"
"Yes boss!"
Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko na alam kung saan ako papunta. Habang tumatakbo ay minamalas ka nga naman ay natapilok pa ako.
Napalunok ako at tumayo muli pero napadaing ako sa sakit ng paa ko.
"Huwag ka na kasi tumakbo, bata ka," nakangising sabi ng pangit.
"Boss pwede ito!"
"Pwede isang pasadahan bata? Matagal na rin ako hindi nakakatikim ng babae eh," sabi ng ulul.
"Hindi ako babae," pagsisinungalimg ko habang pa-utal-utal.
Lumapit ng kaunti sa akin yung boss na tinatawag nila at umupo ito sa harap ko.
Nakangisi itong nakatingin sa akin.
"H-huwag po," bulong ko sa aking sarili.
"Shh. Pagbigyan mo na 'tong mga alaga ko. Pagbibigyan ka rin nila," masahol pa sa hayop ang sabi nito habang may malaki pa ring ngisi.
Hahawakan na sana niya ko sa braso ng tadyakan ko ang ari na nagpadaing sa kanya sa sakit. Lalapit sana sa akin ang dalawang kalalakihan ng sumenyas ang boss nila para huminto sa paglapit sa akin habang nakahawak pa ito sa ari.
Nang makaraos ang boss na ito sa sakit ng pagkakatadyak ko ay tumingin ito ng masama na nagpakaba na naman muli sa'kin. "Hindi ka naman kagandahan kaya huwag kang maarte!" sigaw nito at aakmang sasampalin niya ko kaya napapikit agad ako.
Nakarinig ako ng malakas na pagtama. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at hinintay ang malakas na pagsampal pero huli na dahil may malakas na pagtama pero hindi galing sa mukha ko.
Dumilat ako at nakahiga na ngayon ang tinatawag na boss. Iniangat niya agad ang ulo niya at tumingin ng masama, hindi sa akin kundi sa likod ko.
Napatingin ako sa bola na nasa gilid nito.
"DON'T YOU EVER TOUCH MY GIRLFRIEND!" Malakas ang pagkakasigaw nito na talagang tumaas ang balahibo ko.
Lumingon agad ako at hindi nga ko nagkakamali, si Jimin Park. Kasama nito ang anim pang lalaki.
I admit it, bagay na bagay silang pitong magkakasama.
"Hi Jelyn," nakangiting sabi ni Taehyung sa akin.
Langya, nasa bingit na ko ng panganib. Nagawa pang ngumiti itong si V.
"Eh kung ayoko?" Napasinghap ako nang hawakan ako ng tinatawag na boss ng mahigpit sa braso.
Aray yung pulso ko! Partida natadyakan na siya sa ari at tinamaan na ng bola sa ulo, buhay pa rin. Ang tibay!
"Aray! Nakakadalawa ka na ha!" Biglang may bolang tumama uli sa ulo ng tinatawag na boss.
Tumayo na ito at sinenyasan ang kanyang mga alaga. "Boys!"
Sumugod ang tatlong kalalakihan papunta kanila Jimin.
Bigla naman nagulanta ang isa sa kanan ko. Tumingala ako at si Jungkook ang nagpatumba nito. Kinindatan niya ako at sumabak uli.
"Jelyn," bulong ni V sa'kin at inilalayan ako patayo. Naglakad kami palayo.
"Paano na sila?" tanong ko agad. Napatingin ako kila Jimin na busy sa pakikipagbakbakan.
"Kaya na nila 'yon. Utos sa akin ni pandak ay maialis ka rito sa kapahamakan at ilagay sa ligtas na lugar kaya dadalhin kita sa planetang Mars. Nakahanda na ang spaceship natin na sasakyan," usal nito kaya binatukan ko ang loko.
Kahit nasa panganib na ay nagagawa pa nito magpatawa. Kahit papano nawala ang kaba at pag-aalala ko.
"Saan ang punta natin bata?" Nagulat ako nang may tatlong kalalakihan na sumulpot sa harapan namin.
"Kung saan wala kayo," nakaseryosong sabi ni V.
"Sa Hell?" tanong ng isa.
"Ang kapal mo. Kasing kapal ng itlog mo. Binaligtad mo pa ang sitwasyon," asik ni V.
Hindi ba 'to natatakot sa malalaking katawan ng tatlong lalaking 'to? Ako ang natatakot para sa kanya eh!
"Ayos kang bata ka ah! Ano gusto mo? Away o gulo?" sabi pa nung isa habang may hawak na tubo.
Ngumisi bigla si V, "Away na lang parang walang gulo."
Ay tanga.
"Hindi ka ba natatakot sa amin, bata?"
"Ang dami pang satsat. Ipagbukas na lang natin 'yan, maggagabi na oh. Uwi na kayo sa bahay niyo, hindi na ko galit," sabi pa ni V.
Nanatili lang akong tahimik at baka ako pa ang pagbuntungan ng galit nitong tatlo.
"Huwag ka nga magpaligoy-ligoy pa!" sigaw nung nasa gitna.
"Uy. Hi President Duterte! Idol po kita, hindi ka po idol nang tatlong ito!" sigaw bigla ni V habang nakaway sa harapan.
Nanginig naman agad ang tatlo at lumingon sa kinakawayan ni V. Tinignan ko rin ang tinitignan ni V pero wala namng tao.
Dahil sa pangloloko ni V ay lilingon na sana ang nasa gitna nang biglang high kick nito sa ulo. Napa-woah ako nang i-side kick niya ang isa at siniko naman ang isa at pinatulog sa pamamagitan nang pagclick sa ulo.
Napakabilis pero nakakabilib.
Napatingin ako kay V na wala man lang kagalos-galos at parang madali lang magpatumba ng tatlong tao na siya lang mag-isa.
"Sarado mo nga 'yang bibig mo, Jelyn. Papasok na yung langaw oh."
Bigla ko naman tinikom ang bibig ko at lumingon kanila Jimin. Lilingon pa lang sana ako nang biglang may yumakap sa akin.
Niyakap niya ko ng mahigpit na talagang nagpatulo ng aking luha. "Mabuti't ayos ka lang, Anjelyn. Tinakot mo ko ng sobra. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Ano ba, kahit saan man dako ng mundo ay hindi ko kakayanin mawala ka," pahikbing sabi ni Jimim kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit at napapikit.
"So-sorry."
Ayan lang lumabas sa bibig ko. Hinalikan niya ko sa noo at niyakap muli. "Shhh."
Dumilat na ako at nagulat na lamang ako na ang daming nakabulagta. Mga walo na katao ang pumasok sa bahay ko at gawan pa ko ng masama.
Tumingin ako kanila Suga na nag-aalala sa akin.
"Salamat," walang boses na sabi ko pero na-gets naman agad nila kaya tinanungan nila ako at ngumiti.
Grabe naman ang araw na 'to. Kung anong saya na nadarama kanina ay may kapalit agad. Ano bang klaseng tadhana nito at napakakomplikado.
Niliit ko ang aking tingin dahil parang may aninong gumagalaw sa hindi kalayuan. Nagulat na lamang ako na may isang kalalakihan na napaupo at dinampot nito ang kanyang baril.
Nanglaki ang mata ko at sumigaw pero huli na.
Bumitaw sa pagkakayakap si Jimin sa akin. Hinawakan ko ang kamay nito pero binitawan niya agad ito.
Parang nadurog ang puso ko sa nakita ko. Para na kong manhid dahil sa nangyayari ngayon. Hindi ako makahinga. Ang sakit sakit. Hindi ko magawang umiyak o mapahagulgol man lang. Nabingi ako. Nangangatog na ang aking tuhod kaya wala na lang ako nagawa kung 'di ang bumagsak na lang rin sa sahig.
Ang mga ala-ala sa kanya ay mapapaburan na lang ba? Ayoko. Hindi pwede. Hindi.
Tinaas ko ang kamay ko at parang inaabot siya.
Min Yoongi...
—
Dear Kupido,
Masamang panaginip na naman ba 'to 'di ba? Sabihin mo! Please. Please sabihin mo.. Kasi hindi ko kakayanin.
✿ ❀ ✿ ❀ ✿
✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!
✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!
✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top