➹ 13 ┇ friendship
Chapter 13 - Friendship
"GUSTO mo 'to?" tanong ni Suga sa akin nang lapitan ko ang isa sa mga shop stall dito sa Luneta Park.
Napatingin ako sa hinawakan niya. Bracelet na may iba't ibang design.
Tumango ako at itinuro ang bracelet na may infinity symbol.
"Ate dalawa nga po nito," aniya Suga at ibinigay ang dalawang bracelet kay ate.
Nagtaka ako, "Bakit dalawa?"
"Ito iho oh. Isang daan na lang."
"Salamat po, ate," nakangiting sabi ni Suga at nagbayad. Pagkatapos ay kinuha na niya ang plastic sa kamay ni ate.
"Ito sa'yo..," aniya Suga at sinuot sa kanang kamay ko yung pinili kong design. "At ito naman ang akin. Dali isuot mo rin yung bracelet sa kamay ko."
Parehas kami ng design. Kinuha ko sa kamay niya yung bracelet at isinuot rin sa kanang kamay niya. Natigilan naman ako nang may kamay na nakapatong sa mga kamay ko na pinapatungan ko na kamay ni Suga.
"Ano 'yan ha?" asik ni Jimin at tinignan ang kamay namin ni Suga. "Bakit wala ako?"
Napatingin ako kay Suga, "Suga, bakit wala daw siya?"
Napangisi ito, "Problema ko ba 'yon? Bumili siya, aba."
Aba naman. Ito na naman tayo..
"Hoy Suga, akin na 'yang bracelet. Kami ang couple dito--"
"Pero ako bumili--"
"Pero ako ang nangliligaw sa kanya--"
"Ako rin--"
"Ulul!" singhal ni Jimin. Tinignan niya ko ng masama na ikinabigla ko naman. "Pips, tanggalin mo 'yang bracelet sa kamay mo. Bibilhan na lang kita ng bago."
"Hindi pwede! Binili ko 'yan sa kanya," sabat ni Suga.
Binaling ni Jimin ng tingin si Suga, "Eh bakit ako, wala? Ako bestfriend mo dito oh," may pagkatampo ang tono ni Jimin na ikinabigla naman ni Suga.
"Dati 'yon. Karibal na kita ngayo--aray!" Binatukan ko lang naman siya. Nagsisimula na naman kasi ng gulo eh. Nakakahiya oh, pinagtitinginan na sila ng mga tao.
"Bakit pati ako may batok ha?" Hindi makapaniwalang sabi ni Jimin sa akin nang sabay ko silang batukan.
"Tumigil na kasi kayo," pabulong kong sabi.
"Siya ang tumigil!" singhal ni Jimin habang nakaturo kay Suga. "Date natin 'to tapos sasama siya sa atin?"
"Gago."
"Mas gago ka!"
Binatukan ko uli sila pareho pero bigla na lang ako samaan ng tingin ni Jimin.
"'Di ba pinag-usapan na natin 'to kanina?"
Natahimik sila.
"Akala ko ba okay na kayo? Akala ko ba, gusto niyo na magka-ayos? Akala ko ba.. para sa akin. Para sa nalalapit na pag-alis ko ay bumalik na kayo sa dati." Tumingin ako kay Jimin at Suga. Nakatungo sila pareho.
"Akala ko rin eh. Akala ko gano'n lang kadali ibalik ang lahat. Akala lang talaga," may diin ang bawat salitang binitawan ni Jimin.
Ano ba. Ako ang nasasaktan para sa inyo e. Ako ang dahilan kung bakit kayo nagkakaganyan. Tch.
Napatingin ako kay Suga nang biglang nagbuntong-hininga ito. "Hindi mo kasi matanggap sa sarili mo, Jam.. Hindi mo matanggap dahil laging sarado 'yang puso't isip mo. Masyadong kang ma-pride.. Lahat na lang ng bagay ay ginagawa mong kompetensya, kaya ang wakas ay pagsisisi."
Tinignan siya ni Jimin at napasinghap. "Ikaw kasi masyado kang pa-humble. Lahat na lang ng bagay ay dinidiskartehan mo. Nginingitian mo na lang kahit kitang-kita naman sa mata mo na hirap na hirap ka na. Masyado kang mabait. Hindi mo na napapansin, naiirita na sila sa pagiging mabait mo."
"Kung hindi dahil sa akin. Hindi na uli mabubuo ang team natin," asik ni Suga.
"Kung hindi rin dahil sa akin. Panigurado basag na 'yang bungo at gilagid mo," singhal ni Jimin at ngumisi.
"At dahil sa inyo, sobrang saya ko dahil nakilala ko kayo," nakangiti kong sabi sa kanila.
Nagsitinginan kami tatlo at sabay-sabay na tumawa.
HABANG kumakain kami ng ice cream sa damuhan ay naisipan kong tanggalin na lang ang binili ni Suga sa akin na bracelet.
Tumingin ako kay Jimin na busy sa pagjo-joke kay Suga. Nilagay ko sa kanang kamay niya yung bracelet na nagpahinto naman agad sa kanya sa pagtawa.
"Ano ginagawa mo?" tanong ni Jimin.
"Binili ko 'yan ha," segunda naman ni Suga.
"Ayan. Mas maganda tignan. Wala na kasi silang symbol na ganyan kanina e, kaya sayo na lang para pares kayo."
Dahil mukha namang panlalaki ang bracelet na may infinity symbol ay binigay ko na lang kay Jimin ang binili ni Suga.
"Pero.."
"Ayos lang, Suga. Ayt, ang cute niyong tignan dalawa. Dikit nga kayo, picture-an ko lang kayo dali na," excited na tugon ko.
"Ayoko nga, kadiri," singhal ni Jimin.
"Nakakawala ng swaeg. Pangbakla lang ang picture, Jel. 'Wag na," segunda naman ni Suga na tumango naman agad si Jimin.
"Pangremembrance lang..," malungkot kong sabi.
"Isa lang naman 'di ba? Tiisin ko na lang," asik ni Jimin at lumapit kay Suga pero bigla na lang ito umiwas at kumunot-noo, "Ilang linggo ka na hindi nagpapalit ng brief, Suga? Aber?" Sabay takip ni Jimin ng ilong.
Napasinghap si Suga sa sinabi ni Jimin. "Grabe ka naman," singhal ni Suga. "Mga isang linggo lang."
"Kaya pala eh."
"Gago," tipid na sagot ni Suga at inakbayan niya agad si Jimin para hindi na makalayo pa. "Dali, Jel. Picture-an mo na kami."
Tumango ako at cli-nick ang app na camera.
"One.. Two.. Three.."
Biglang hinila ni Suga si Jimin at niyapos.
Click.
Isa sa mga ala-alang babaunin ko at hindi kailanman kakalimutan.
♡♡♡
NAPALINGON ako sa kanan ko na parang may biglang humawi sa tenga ko. Pagkalingon ko ay wala naman tao sa likod ko. Nagulat ako at lumingon sa kaliwa nang may biglang pumitik naman sa kaliwang tenga ko.
Napakagat labi ako dahil sa inis.
"Hoy betlog kang malaki ang ilong," asik ko. Biglang tumawa ng malakas si Jungkook nang mahulaan kong siya 'yon.
Umupo siya katabi ko at inagaw sa akin ang librong hawak ko.
"Kung ano-ano binabasa mo naku. Usog nga, usog," singhal ni Jungkook at inuusog ako.
Takte, nasa bench ako nakaupo dito sa open area ng school. Akala naman nito ay kasing haba ng ilong niya itong bench kaya kung makatulak wagas, kalahati na lang ang pwet ko oh. Nang ma-bwiset ako ay malakas kong tinulak siya at ayun ang loko napa-upo sa sahig.
"Bakit ka nanulak?" 'Di ba dapat ako magtatanong niyan sa kanya? Aba, siya pa galit. Ang kapal ng betlog.
"Masakit?" sarkastiko kong tugon.
"May na-fall bang hindi nasaktan?" medyo kalaliman na hugot ang sinabi niya.
Nagsalubong ang kilay ko. Napailing agad ito at umupo muli. "Huwag mo na intindihin yung sinabi ko. Huwag mo na lang rin ako pansinin, kunwari hangin lang ako," kalmadong sabi nito at ibinalik sa akin yung libro.
Tumango na lang ako at nagbasa muli. Ilang segundo lang lumipas ay bigla uli ito nagsalita.
"Jel, tulungan mo ko," pagmamakaawa nitong sabi.
"Jel! Anjelyn, uy!"
Ayt. Nakikitang nagre-review oh. Palibhasa anak ng nagmamay-ari ng school.
"Sige na, Jel. Tulungan mo ko, please," usal nito habang inaalog ako.
"Ano ba, nahihilo ako. Hulog uli kita eh!"
"Huwag na, uy. Seryoso, ang sakit ng pagkabagsak ko ha. Pero Anjelyn Ignacio Ta--aray!"
"Sige ipagsigawan mo pa ang buong pangalan ko, malilintikan ka talaga sa akin," asik ko at humarap sa kanya. "Ano bang klaseng tulong bukod sa kung paano magpaliit ng ilong?"
"Ano kasi, Jel," tumungo ito. "Si ano, ahm yung sa ano," pabitin na sabi nito kaya binatukan ko uli.
"Anong-ano ba?!"
"Si RJ kasi!" singhal nito kaya sinamaan ko ito ng tingin.
"Ano meron sa kanya?"
"Walang meron sa kanya. Pero ako meron," nakangisi nitong sabi kaya pinitik ko sa ilong.
"Napaka-manyak mo!"
"Hoy ikaw, Jel. Ano yung nasa isip mo ha? Baka pareho tayo naiisip--hep! Joke lang kasi."
"Ano si RJ.. Hindi ko alam kung paano siya.. alam mo na. Na yayain maging partner ko sa prom sa darating na Sabado," usal niya at ngumuso.
"Yayain si RJ? Sa prom? Sa Sabado? Si Arjean?"
"Oo nga 'di ba? Huwag mo nga ipagsigawan ang pangalan niya. Kinikilig ako eh."
Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Sus. Kaya mo na 'yan. Chic magnet ka 'di ba?"
"Alam kong gwapo ako pero kasi si RJ 'yun oh. Minamahal ko oh, pagka't nahihiya akong sabihin mahal ko siya oh."
"Baliw!" singhal ko.
"Oo, matagal na kong nabaliw sa kanya."
"Heh! Hoy Jungkook, iniikutan mo lang ako. Magrereview pa ko oh kaya yayain mo na si RJ ngayon hangga't wala pang maglakas loob na yayain siya ng ibang lalaki."
"Pero 'di ko alam kung paano nga siya yayain. Kaya nga nagpunta ako rito para magpatulong," namomoblemang sabi nito.
"Akala ko pa naman, nagpunta ka rito para bwisitin na naman ako ng ilong mo," may diin na sabi ko.
"Hindi rin. Kailangan lang talaga kita," usal nito at ngumisi.
Aba at! "Pero hindi sa pumunta ako rito dahil kailangan kita kundi ma-mimiss rin kita.."
Mata-touch na sana nang may kasunod pa itong sinabi.
"Ma-mimiss kita asarin!"
"Plastic ka talaga," sarkastiko kong tugon.
"Ikaw din," asik nito kaya binaling ko na uli ang tingin ko sa libro.
"Hoy joke lang. Tulungan mo na nga ko at baka tuluyan mo na ko patayin sa isipan mo."
Ngumisi ako at iniharap uli siya. Napatingin ako sa papel na hawak niya. Tumingin siya sa tinitignan ko.
Tinaas niya yung kamay niya at pinakita sa akin ang nakasulat. "Script ko ito kung paano yayain si Arjean na nang napakaromansa pakinggan. Basahin mo nga kung okay na. Pinaghirapan kong isipin 'yan."
Ngumiwi ako at kinuha sa kamay niya yung papel at binasa.
Oh kagiliw-giliw kong Maria Clara.
Ika'y napakaganda.
Ang tamis naman ng iyong ngiti pero mas tatamis pa 'yan kung ika'y mapasaakin.
Ako'y narito para sana hawakan ang iyong kamay na napakalambot na para bang ulap.
Ang ganda ng kapaligiran pero mas maganda ka.
Pwede ka ba yayain masayaw sa gitna ng entablado at magwasik ng pagmamahal na meron Tayong Dalawa?
Nanglaki ang singkit niyang mata nang punitin ko ang pinaghirapan niyang isulat.
"Teka.."
"Yayain mo yung isang tao, sa way na kung saan mas magaling ka. Mas magandang tignan 'yon. Huwag ka scripted dahil ayaw ng babaeng gano'n," tipid kong sagot na nagpanganga sa kanya.
"Uy Jel, Kookie!" sigaw ni Hoseok sa hindi kalayuan kasabay nang pagkabagsak ko sa sahig dahilan nang biglang pagtayo ni Jungkook mula sa bench.
"Sorry and thank you pala, Jel. Mauna na ko," saad nito at nagpaalam na sa akin.
Aray ha, nananadya ang kumag na ito hindi porket tinulak ko siya ay mangbabawi pagkatapos ko siya bigyan ng tips. Jusme, matapilok sana siya.
Kasabay nang sinabi ko ay natapilok nga talaga siya.
"Saan pupunta 'yon?" narinig kong tanong ni Jin.
"Hahaha hindi swimming pool 'yan! Hahaha!"
Aba at! Itong kabayong ito. Binato ko sa kanya yung makapal na libro na kanina ko pa binabasa at kung siniswerte ka nga naman oh, sapul sa baba.
"Ayos ka lang, Jelyn?" Napatingala ako sa nagsalita.
Si Taehyung, nakalahad ang kanyang kamay. Tinanggap ko kamay niya at tumayo.
"Salamat," tipid kong sabi.
"So.. ilan ang nahuli mong isda?" nang-aasar na sabi ni Taehyung kaya tinulak ko siya gamit ang isang kamay ko na nakahawak sa kanya.
"Tawa kayo?" mataray kong tanong kay Jin, Namjoon at Suga na nasa likod lang ni V. Hindi ko narinig ang tawa ni Hoseok, masakit ata ang pagkakabato ko ng libro sa kanya.
"Teka nga, kilala mo na sila?" hindi makapaniwalang tanong ko kay V.
Wait, nasaan kaya si Jimin? Bakit hindi nila kasama?
"Oo, gano'n kasi ako ka-pogi," asik nito na napangiwi naman agad ako.
"Konek?" mataray na tanong ko rito.
Nang hindi sinagot ni V ang tanong ko ay binaling ko na lang ang tingin ko kanila Suga. "Bakit pala kayo nandito?" tanong ko sa kanila.
"May nadiskubre na naman kasi ito si Namjoon, sa lola niya," saad ni Hoseok. Akala ko pa naman hindi na ito iimik pa.
"Nadiskubre? Ano?"
"Nahulaan niya yung future ko! After 10 years ay magpapakasal na kami ni Ginelle, emergesh," kinikilig na sabi ni Hoseok.
Kabayo talaga kahit kailan. Ang daming alam na salita e.
"Ako naman, nahulaan ni badjao future ko na balang araw ay magiging astronout ako at makakapunta sa mars!" masayang sabi naman ni V.
"Ako naman, magiging sikat na rapper kaso may challenges pa ko na haharapin bago ko makamit 'yon. Hindi naman sa masama umasa 'di ba, Jel? Ang astig 'no?" Napangiti ako sa sinabi niya at tumango. Mula grade 7 pa lang kami ay pangarap na ni Suga maging sikat na rapper. At kita naman na porsigido siya na makamit 'yong matagal na niyang inaasam.
"Hey! Ano ikinababahala natin dito at nagtitipon kayo rito?" biglang sabat ni Jimin na nakaakbay ngayon kay Suga.
"Ito kasi si Namjoon daw, manghuhula bukod sa pagiging badjao," sabi ko.
"Aba matindi. Kikita siya niyan!" asik ni Jimin.
"Grabe ka naman Jam!" singhal ni Namjoon. "Ginawa mo naman akong bumbay."
"Ayaw mo 'yun? Improving. Badjao to Bumbay," malokong sabi ni Jimin na nagtawanan naman ang lahat.
Binaling ko ng tingin si Jin na nakapokerface. "Nahulaan ka na ni Namjoon?" tanong ko kay Jin na nagsitinginan ang lahat sa kanya.
"Oo. Kaso hindi ako naniniwala kay RM. Magiging bakla daw kasi ako," nakangusong sabi ni Jin na nagsitawanan na naman ang lahat maging ako ay natawa ng malakas dahil sa reaction ni Jin.
"Ikaw Jam? Ayaw mo magpahula sa bumbay nating kumpare?" tanong ni Suga kay Jimin.
"Grabe siya oh!" sabat ni Namjoon.
"Huwag na. Nahulaan ko na rin naman ang future ko.."
"Paano?" tanong nang lahat sa kanya.
"Bumbay ka na rin?" tanong ko kasabay nang pagtawa na naman ng lahat.
"Akala ko pandak ka lang?"
"Akala ko wala ka lang jams?"
"Hoy. Ibahin niyo ko," singhal ni Jimin. "Nahulaan ko yung future ko na kasama si Anjelyn Tan sa buong buhay ko. May malaki kaming pamilya, benteng anak. Masagana na pamumuhay at walang hanggan ang pagmamahalan."
"Woaaah! Ikaw na, the best ka Jam!" may tonong pagpuri na sabi nila Hoseok.
Hindi ko pinahalata sa kanila na namumula ako dahil sa kilig. Pakshet naman oh.
"Ikaw Jel? Pahula ka na rin. Pili ka. Kay RM o kay Jam ka magpapahula?" asik ni Jin.
"Kay Namjoon na lang, napakamanyak na manghuhula si Jimin e," singhal ko at binelatan ito nang samaan ako ng tingin.
"Akin na kamay mo Jel," utos ni Namjoon.
Hahawakan na niya sana yung kamay ko na agad naman hinawakan ni Jimin.
"Pareng RM, chansing ka lang sa nililigawan ko eh. Ako na lang hawakan mo tapos ay hahawakan ko siya. Parang kuryente naman ang ating mga ugat 'di ba?" usal ni Jimin.
"Baliw ka talaga. Ikaw rin chansing eh. Tabi nga, istorbo ka eh," natatawang sabi ko kay Jimin at pinahawak ko kay Namjoon ang kamay ko.
Napapikit si Namjoon pero dumilat agad ito habang nakatingin sa kawalan. Ang nakangiting Namjoon kanina ay biglang nagseryoso. Kasabay no'n ay biglang nagbell na hudyat ng oras na ng klase.
Bigla naman ako kinabahan sa reaction niya.
Balak ko sana tanungin si Namjoon sa kanyang nakita sa palad ko kaso napailing na lang ako at naglakad. Hindi naman siguro minsan, totoo ang hula 'di ba?
"Tara na," aniya Taehyung na kanina pa pala tahimik.
Habang naglalakad ay tinanong ko si V kung ano ang problema at parang bigla siya tumahimik.
"Ha? Ano.. Iniisip ko lang kung ano ang ibig sabihin ng 'konek' sa sinabi mo." Napanganga ako sa sinabi niya.
Alien, amputs.
—
Dear Kupido,
Pati ba naman ikaw manghuhula na rin? Hindi mo man lang ako binigyan ng oras.. oras para makasama pa siya.
✿ ❀ ✿ ❀ ✿
✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!
✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!
✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top