➹ 12 ┇ reunion
Chapter 12 - Reunion B|T|S
"ANONG ilong ang malaki?" sigaw ni Hoseok.
"Ano?" sigaw ng aming mga kaklase.
"Edi si Kookie Monster!" sigaw nito at tumawa ng malakas sa dulo pero bigla naman ito napahinto sa pagtawa nang may kung anong bumato na bagay sa baba niya.
"Sapul ang baba! Strike!"
"Hoy Jungkook, ang bad mo!" sita ni Arjean sa katabing upuan niya lang.
"Aba ako pa? Siya ang nauna!" pagtanggol niya.
"Ikaw na magpaubaya. Wala kang kiss sa akin sige ka."
"Hss. Opo, hindi na po RJ."
Napailing na lang ako. Under pala itong kumag na 'to. Kaya siguro lumalaki ang ilong este ulo.
Napabaling ang tingin ko kay Namjoon at sa nililigawan niyang si Chesca. Balita ko ay sinagot na nitong si Ches si Namjoon kagabi. Kaya siguro ay sila na, grabe naman kasi magPDA oh. NamChes is real.
Ninamnam ang Chest? Wtf.
"Jeje."
"Manok." Napatingin ako sa CaRich lovers na kaharap ko lang na upuan, nag-aasaran.
"Jeje na dora."
"Manok na nasunog."
"Maitim ka rin eh!" singhal ni Henrich.
"Mas maitim si Namjoon!"
"Oo mas maitim siya," sabay tango ni Henrich.
"Oy! Bakit narinig ko ang gwapo kong pangalan ha?" sabat ni Namjoon. Ang lakas talaga ng pandinig kaso hindi siya nito pinansin ng dalawa.
Tumayo si Namjoon at aakmang lalapitan sila Rica pero nadapa ito, malakas ang pagkakabagsak niya.
Biglang natawanan ang mga nakakita maski ako ay natawa. Nilapitan siya nito ni Chesca.
Ayan, karma. Buti nga sa'yo. Natatae pala ha.
"Pangit."
"Ikaw 'yon!" singhal ni Rica at sinabunot si Henrich.
"Hindi ka talaga bagay na maging Psyche. Mahinhin 'yun, ikaw brutal tsk tsk," pailing-iling na sabi ni Henrich.
Pagkasabi niya no'n ay naalala ko na may play pala. Sila kasi inataasan ng English teacher namin na magplay bilang Eros at Psyche na mamaya nila gagawin, dahil ito ang pagkakataon nila na mahila nila ang grade nila sa English.
"Ganito ba ang pagiging brutal?" aniya at pinagpapalo nito si Henrich sa braso.
Habang pinagpapalo nito ay nahuli ni Henrich ang kamay nito na ikinabigla niya naman.
Natatawa na lang ako sa dalawa na nasa harapan ko. Hindi ba nila napapansin na nasa likod lang nila ako, nanonood. Para tuloy ako nanonood ng love story ang tema na may pagkahorror ang mukha lol. Inlove nga naman oh, manhid at torpe lang kasi.
"Huwag mo na isipin yung damuhong kapatid ko na 'yon. Bibigwasin ko 'yun kung may pagkakataon."
Sinamaan ni Hazel ng tingin si Karylle, ang kapatid ni Suga.
"Hindi ko siya iniisip 'no. Quiz natin sa Math ang iniisp ko. Assumera."
"Sus. In-denial. Nakikita ko na nga sa mga mata mo si Sugago eh," singhal ni Karylle sa kanya.
"Oo na. Sige na. Tama ka na, ang ingay mo. Kung gaano kalaki ang ilong ni Jungkook at gaano kahaba ang baba ni Hoseok ay gano'n rin kalaki ang bunganga mo at haba ng pasensya mo," sarkastikong sabi ni Hazel na agad naman siya sinamaan ng tingin ni Jungkook at Hoseok.
"Ano?" mataray na sabi ni Hazel sa dalawa.
Ang tibay!
"Hay na ko, Hazel Storm Gonzales. Bitter ka lang. Move-on na," aniya Karylle at tumingin ito sa pwesto ni Thunder na tahimik lang nakikinig sa music.
"Dito ka na lang kay Thunder Juicy. Fresh pa ang hotdog, tender juicy bes--aray!" Kunwaring pagsabunot ang ginawa ni Hazel kay Karylle.
"Gaga ka! Abno 'yan. Gwapo nga, mukha naman shunga. Tignan mo nga yung headset. Imbis ilagay sa tenga ay nasa ilong nakasukok."
"Narinig ko 'yun." Napahinto sa pagtawa si Hazel ng biglang nagsalita si Thunder at tinignan siya, pokerface.
"Ano naman kung narinig mo?"
"Pips, hoy kanina pa kita tinatawag. Ikaw ha nakikinig ka sa kanila," biglang sabi ni Jimin na nakatayo ngayon sa harapan ko.
"Sensya na. Ang tagal naman kasi dumating ng teacher natin na si Ms. Correct," asik ko at binaling ang aking tingin sa upuan ni Suga.
Absent na naman ba siya?
"Ayun ba 'yon ang dahilan? Bakit? Sabihin mo na," anito Jimin at hinawakan ang pisnge ko para tumingin sa kanya.
"Wala. Mamimiss ko lang ang S.I lalo na ang mga naging kaklase ko, mga teacher ko, kaibigan, kaaway lahat-lahat."
Ang bilis talaga ng araw. Napatingin ako sa mga estudyante na busy sa kani-kanilang buhay.
Isang buwan na lang ay graduate na kami sa 4th year. Sad to say, magkakahiwalay hiwalay na kami dahil iba na ang sistema kapag grade 11. Nakakapanglungkot dahil isang buwan na lang ay aalis na ko papuntang States para doon mag-aral.
"Ako ba, Anjelyn. Mamimiss mo rin ba ko?"
Nginitian ko siya, "Hindi kita mamimiss!" asik ko. "Dahil mami-miss na mamimiss na mamimiss kita."
"Ikaw hindi kita mahal.. Dahil mahal na mahal na mahal na mahal kita mula London hanggang sa klasrum na 'to."
"Ayiieh!" sigaw ng lahat ng marinig ang sinabi ni Jimin.
"Loko-loko," bulong ko.
Nakakahiya kahit na lagi na kaming ganito nung mga nakaraan linggo na lumipas. Wala pa rin bago, ang corny pa rin niya pero kinikilig pa rin ako na kahit hanggang ngayon ay nanliligaw pa rin siya.
"Announcement 4th year highschool student. Section T. Wala ang mga teachers sa buong 4th year highschool. May biglaang meeting kasi sila para sa nalalapit na prom at foundation day. Pwede na kayo umuwi. Thank you," sigaw ng officer ng S.I.
Matapos ang announcement na 'yon ay biglang pumasok ng room ang Section B na sila Jamielyn, Jillian, Pauline at sa Section S naman ay sila Jin, Miciel, Sean at iba pang estudyante na naging kaklase ko dati.
Section T kasi kami at tatlo lang ang section. Feling ko tuloy reunion ng 4th year highschol. Reunion ng Section B, T at S.
[Insert Song: BTS Luv in Skool]
"Mamimiss ka namin Anjelyn!" sigaw nung tatlo, si Jill, Jamie at Paul na ikinabigla ko.
"Bumalik ka agad ha o baka gusto mo kalbuhin kita," may pagbabanta na sabi ni Pauline sa akin.
Ngumisi ako. "Ikaw rin! Kakalbuhin rin kita kapag malaman kong single ka pa rin!" sigaw ko pabalik na nagtawanan naman ang lahat.
"Anj, balik agad ha dahil made of honor ka sa kasal namin ni Sean!"
"Basta ba sampung anak ang magiging pamangkin ko!"
"Basta ba kakayanin ni Jamielyn!" sigaw pabalik ni Sean at umakbay kay Jamie.
Napatingin ako kay Jillian. "Oy Anjelyn! Kakain pa tayo ng maraming cake ha! Pag-uwi mo, mag-a-around the world agad tayo ha! Kung hindi, naku ipapasavage kita kay Duterte," aniya Jill. Isa pa ito, nanakot.
"Oo! Basta kapag umuwi na ko ay hindi ka na tingting sa sobrang payat ha?"
"Leche ka!"
Napatingin naman ako kay Jungkook nang tawagin niya rin ang pangalan ko. "Mamimiss kita, Anjelyn kahit muntanga ka," singhal ni Jungkook.
"Miss rin kita kahit hindi na lumiit 'yang ilong mo!" singhal ko rin sa kanya.
"Jel! Ma-mimiss kita!" sigaw ni Hoseok at aakmang yayakapin ako pero pinigilan siya nito ni Ginelle, girlfriend niya, at Jimin na ngayon ay naka-akbay sa akin.
Natawa ako sa reaction ni Hoseok na para bang nadismaya. "Mamimiss rin kita. Sa susunod na pag-uwi ko ay dadalhin ko na sila minion para kumanta ng bababa," aniya ko at ngumiti. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
Matapos no'n ay sunod-sunod na nagbigay ng mensahe ang mga naging close ko dito sa S.I. Maging sila Jin at Miciel na naging kaklase ko last year. Hay, halatang wala ng pag-asa si Pauline kay Jin, going strong kasi ang relasyon ni Jin at Miciel, sana naman ay magmove-on na si Pauline.
Matapos ang pagbibigay nila ng mensahe at pagsabi ng mamimiss nila ako ay nun ko lang nalaman na si Park Jimin pala ang puno't dulo ng lahat. May nakahanda pang malaking folder sila na gawa ng Section B-T-S na nakapaloob dun ang mga pictures, mapa-epic, stolen at group shot, may mga mensahe rin maging ang mga favorite teacher lalo na si Ms. Correct Cruz. Pinagtulungan nila at pinageffortan 'yon.
Gano'n ba ang lakas ng impact ko sa kanila? Wala na lang ako magawa kundi ang maiyak sa tuwa.
"Hindi pa natatapos ang lahat, Anjelyn!" nakangiting sabi ni Jungkook. Bigla naman ay may tumugtog na music.
Natawa ako ng biglang nagsi-atrasan ang mga babae at ang mga lalaki naman ay pumwesto sa gitna. Sumayaw ang lahat ng boys ng trumpet kasama si Jimin.
Shet. Parang nagkaroon ng concert sa loob ng room dahil sa tugtog, sayaw at hiyawan ng mga babae maging ang mga bakla.
Ang galing nila gumiling. Sabay-sabay ang pagsayaw nila. Ang sexy tignan lalo na si Jimin, myghad.
"Galingan mo JK!" sigaw ni Arjean.
"HENRICH! UMIRAL NA NAMAN ANG PAGKAMANOK MO! ANONG KLASENG TWERK 'YAN?!" sigaw naman ni Rica kay Henrich.
"I LOVE YOU, HOBI!" sigaw ni Ginelle at nagsi-I love you na rin ang mga babae sa kani-kanilang boyfriend tulad ni Jamielyn, Miciel at Chesca.
Kaloka.
Ako? Ito pinapanood lang ang sayaw nila na may ngiti sa labi. Napangisi ako ng ngumiti rin sa akin si Jimin. Nakatitig lang ito sa akin, ganun din ako. Para kami nag-uusap sa isip na para bang hanggang isip ay corny pa rin at mahangin si Jimin.
Hanggang isip rin ay pandak pa rin siya. Susme.
Napailing ako at ngumiti uli.
Matapos nila sumayaw ay nag-aya si Ice, babaeng kambal ni Jin na magpak ganern ang lahat na umagree naman ang iba.
Nagsimula na sila maglaro ng pak ganern, ang iba ay nakinood na lang. Ako ay naupo na lang at pinanood rin silang nagsasaya.
"Are you happy?" tanong sa akin Jimin na ngayon ay katabi ko ng upuan.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti, "Sobra-sobra, Jimin. Sobra mo ko pinasaya."
"Good. Happy ka edi mas lalong happy ako dahil nga sa happy ka 'di ba?"
Natawa ako, "Ang gulo mo."
"Masaya lang ako kasi napasaya ko yung laman ng puso ko."
"Yung dalawang love birds oh! Hoy Anjelyn at Jimin! MinAnj kung tuusin! Halina kayo at magpak ganern tayo! Sali na para mas masaya!" sigaw ni Jillian sa amin na para bang nagra-rap.
Nagkatingin kami ni Jimin at sabay na tumawa ng lakas na para bang pareho lang ang nasa isip.
MinAnj? Hmm..
♡♡♡
NAPANGITI akong binuksan ang pnohe ko nang bigla ito tumunog.
•••
From: Prinsipeng Jimin
Good Morning, Prinsesang Anjelyn ❤ Malapit na ko kaya diyan ka lang ha mwa mwa chup chup.
-
Napailing ako at hinintay si Jimin dito sa playground.
May date kasi kami ngayon.
Teka nasaan na kaya si Jimin? Napatingin na lang ako sa kabuuan ng playground na ito na nagbabakasakali na nagtatago lang ang kumag na 'yun at balak na naman ako igulat.
Sa playground, maraming bata ang naglalaro halos mapuno na ang palaruan dahil siguro weekends ngayon at walang pasok. Napangiti ako ng mapait nang may bata, kasama ang kanyang dalawang magulang, masaya na nagba-bonding.
Ano ba 'yan Anjelyn. Bitter ka na naman dahil hindi mo naranasan ang pagmamahal ng magulang mo.
Napailing ako sa aking naisip.
"Jelyn?" Napahinto ako sa pag-iisip at dahan-dahan tumingala.
"O. M. G. Taehyung? Ikaw na ba 'yan?" laking tuwang tanong ko at niyakap ang loko-loko.
"Hindi picture ko lang 'to," pilosopong sabi nito kaya piningot ko agad ang tenga niya.
Siya si Taehyung also known as V, panganay na anak ni mudra Geraldyne, ang kinakapatid ko.
Humiwalay na ko sa pagkakayakap sa kanya at pinagtaasan siya ng kilay. "Ano trip mo at bakit red 'yang buhok mo aber? Hindi tuloy kita agad nakilala," asik ko pero ginulo lang niya ang buhok ko kaya piningot ko uli.
Aba leche pinaayos ko pa itong buhok ko sa parlor dahil nga sa may date kami tapos guguluhin niya lang?
"Aray nakakadalawa ka na ha!"
"Bwisit ka kasi, alam na may date ang dyosa na 'to eh," singhal ko.
"Aba at sino naman ang malas na nabingwit mo at napaloko mo sa dyosa na ikaw lang nakakaalam aber?"
"Kuya naman kasi! Grabe ka sa'kin!" sita ko at piningot uli siya sa tenga.
Kinagawian ko na pingutin ang tenga niya, ang lambot kasi.
Nagulat na lamang ako na pingutin niya ang ilong ko.
"Aray, Taehyungie!"
"Hss bitawan mo muna yung tenga ko," asik ni Taehyung na namimilipit na sakit.
"Heh! Aray!"
"Bitaw, Jelyn! Isa!"
"Dalawa!" singhal ko.
"Lima!" Sabay namin binitawan ang isa't isa.
Napangisi ako, "Wala pa ngang tatlo, lima agad? Ang vovo mo naman Taehyungie."
"Joke 'yun tanga!" asik niya at inirapan ako ng kumag.
"Jel?"
"Ikaw.. si gilagid 'di ba? Yung may gums na nakakasilaw. Yung pinatos pa ang meralco, pandak naman. 'Di ba ikaw 'yun? Tama ba ko?"
Nanglaki ang mata ko at dahan-dahan nilingunan ang kinakausap ni Taehyung.
"Suga.."
Patay kang bata ka. Bakit ang daldal mo V, ang sarap mo tuloy tirisin gamit ang nail cutter.
Nasa harapan ko na si Suga ngayon, malapit sobra sa kanya na hindi ko na magawa ang umatras dahil sa pagkaestatwa. Nasa likod ko pala siya kanina na kinakausap ni Taehyung.
Tumingala ako at tinignan ito. Nakatingin rin ito sa akin, malungkot ang kanyang mga mata. Nakaawang ang kanyang bibig na para bang may gustong sabihin pero hindi matuloy-tuloy.
Bigla ko na naman naalala ang masamang panaginip ko sa kanya. Napahawak ako sa dibdib ko na maramdaman kong parang may kumakarera sa puso ko.
Nagulat na lamang ako nang may humila ng kamay ko papalayo kay Suga.
Tinignan ko kung sino ang humila.
"Jimin.."
—
Dear Kupido,
Hiniling ko lang ay isang mamahalin ako at mamahalin ko rin pabalik. Nabingi ka ata at dalawa ang napana mo. Dalawang tao na mahalaga pa sa akin ang napagtripan mo. Paano na 'yan?
Hindi ko ata mapapatawad ang sarili ko na masaktan ang isa sa kanila..
✿ ❀ ✿ ❀ ✿
✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!
✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!
✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top