➹ 11 ┇ vovo
Chapter 11 - VoVo
NAGISING ako dahil sa liwanag na tumatama sa mata ko.
Bumangon at napalinga.
Nasaan ako? bulong ko sa aking sarili.
"Nasa kwarto ka."
Napatingin ako sa gilid ko nang may biglang sumagot.
Si Jimin.
"Ayos ka na ba?" tanong nito sa akin.
Bigla ko naman agad naalala si Suga.
"Nasaan siya?"
"Sino?" kunot-noong tanong nito.
"S-si Suga.."
"Aba malay ko," bored na sagot nito at binaling ang sarili sa cellphone.
Pagkasabi niya no'n ay bigla ako kinabahan.
"Nakita kita sa daan, naglalakad. Bigla ka na lang nawalan ng malay doon at mabuti na lang ay sinundan kita."
Napatingin ako kay Jimin na bigla ito umimik.
Tumingin rin ito sa akin, "Teka nga. Anjelyn, umamin ka nga. Naka-drugs ka ba?" natatawang asik nito kaya binatukan ko ang loko. "Lah. Ano ba nangyayari sa'yo? Akala ko pa naman nandito yung nanay-nanayan mo pero wala pala."
Tumungo ako at bumuntong hininga, "Patay na si impakto, si Suga?"
Huminto sa pagtawa si Jimin at nagseryoso ng mukha.
"Anjelyn.."
Hindi ko na mapigilan ang lumuha dahil sa mababang tono na pagtawag ni Jimin.
"Patay na siya..," pabulong kong sabi habang humihikbi.
Ilang segundong pananahimik ay biglang tumawa ng napakalakas si Jimin kaya sinamangutan ko ito ng tingin.
"Hoy, bakit ka tumatawa?" aniya ko habang pinupunasan ko ang aking mga luha.
"Ano ba pinagsasabi mo, Anjelyn? Anong patay si Suga? Ah! Patay si Suga, patay na patay sa'yo. Gano'n ba?" natatawang sabi nito at pinagtaasan ako ng kilay sa huling linyang sinabi niya.
Nagtaka naman agad ako.
"Nanaginip lang ako?" bulong ko.
"Nanaginip?" ulit niya sa sinabi ko. Nagseryoso uli ito ng tingin na ikinabahala ko naman.
"Napanaginip mo siya? Ha! Talaga bang may kaagaw ako sa puso mo? Nakakaleche ha. Nakakaasar. Nakakapangselos amputa," asik nito at tumayo.
Sinundan ko naman agad ng tingin at nagulat na lamang ako ng padabog niyang isinara ang pinto.
Napanganga ako.
Selos?
Mapapangiti ba ko dahil nagseselos na naman si Jimin o mapapangiti ako dahil masamang panaginip lang nangyari kay Suga..
O baka naman sa kabila no'n ay malulungkot ako dahil ang dalawang magbestfriend at tinuring kong tunay na kaibigan ay pinag-aagawan ako. Ang gulo. Wala na kong maintindihan.
♡♡♡
"ANO gusto mo kainin?" bungad na tanong ni Jimin sa akin pagkalabas ng pagkalabas ko ng banyo.
Umupo ako sa silya habang pina-patong ang braso ko sa mesa at tumingin sa kanya. "Galit ka ba?" mahina kong sabi. Ano ba 'yan, kakabati lang namin. Magkaaway na naman?
Nanatili lang ito tahimik na nakatingin sa akin. Wala na lang ako magawa kundi tignan ang nakatayong maskuladong tao sa harapan ko. Naka-plain black t-shirt ito, messy ang buhok, bakat na bakat ang abs at biceps ng loko at nakaseryoso ang tingin nito sa akin.
"Magluluto ako," tipid niyang sagot at tumalikod para pumunta sana siya sa kusina na hindi man lang pinansin ang sinabi ko.
Maliit lang ang nirerentahan kong bahay, kasya pang-isang tao kaya hindi gaano kalayo ang kusina sa pwesto ko.
Nanatili lang ako nakatitig kay Jimin na abala sa pagluluto.
Marunong siya magluto? How come? Tanong ko sa sarili.
Napatingin ako sa phone ko na bigla ito nagvibrate habang nakalapag sa mesa.
Kukuhanin ko na sana siya nang biglang nagsalita si Jimin. Napatingin ako sa kanya pero nanatili itong nakatungo.
"Balak ko sana ipagluto ka ng sopas para mainitan ang katawan mo," nag-aalingan sabi nito. "Kaso hindi ako marunong. Pwede mo ba ko turuan?"
Ngumiti ako sa sinabi niya.
Hindi talaga ako matitiis ni pips. Prinsipeng palaka.
Lumapit ako sa kanya at tumingin sa cook book na kanina pa niya tinitignan.
"Turuan lang? Hindi kakain?" Tumingin ito sa akin kaya napatingin rin ako sa kanya.
Natalo naman agad ako sa eye to eye contact with Jimin kaya tumayo ako ng tuwid.
Ngumisi ito at tumayo na rin ng tuwid, "Kasama na 'yun s'yempre," aniya at isinuot sa akin ang apron na akin naman ikinabigla.
Nasa harapan ko siya habang isinusuot niya sa akin ang apron. Hindi ako makahinga. Ang lapit niya kasi sobra. Naaamoy ko yung pabango niya. Nanginginig ang tuhod ko sa tuwing dadampi ang pisnge niya sa pisnge ko. Ano ba 'tong nararamdaman ko.
Malala na ata 'to.
"Pwede ka na gumalaw." Hindi ko na namalayan na nakalayo na pala si Jimin sa akin.
Shet. Sana naman nagtagal pa siya sa pagtali ng apron sa akin.
"Let's start?" tanong ko.
"Our relationship?" Bigla naman ako namula sa sunod na tanong nito.
"Yung p-pagluto kasi ng sopas.."
"Ahh." Ta-tango nitong sabi habang nakangiti pa rin.
Hindi ko na lang siya pinansin at baka sumabog pa ang puso ko. Binasa ko ang direction ng sopas sa cook book.
1. Boil water in a pot, add chicken until cooked and set aside.
2. In med heat, add the butter, onion, garlic and carrots.
3. Add elbow macaroni, raise the heat to high, stirring often until macaroni is cooked.
NAGSIMULA na ko mag-init ng tubig habang sinasalang ang chicken. Binaling ko ng tingin si Jimin at sinabi sa kanya ang gagawin niya.
Tumango naman agad ito at nagsimula na rin gumawa.
Habang hinihintay ang manok ay nagsaing na rin ako para sa panggabihan. Nakakahiya naman kay Jimin ano kung hindi ako magluluto ng pagkain mamayang gabi. Mabuti nga at sabado ngayon dahil kung hindi ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko na magkaroon ng sunod-sunod na absent.
Binuksan ko ang maliit kong ref at tumingin ng makakain namin mamaya. Balak ko magluto na lang ng paksiw, ang kanyang paborito.
"Ano gagawin mo diyan sa isda?" biglang tanong ni Jimin habang binababad ko sa tubig ang nagyeyelong isda.
"Papalanguyin ko baka kamo mabuhay," pilosopo kong tugon.
"Ano nga?"
"Sini-CPR ko."
"Tss. Anong luto?"
"Adobo, gagawin kong manok kasi," aniya ko at ngumisi.
"Anjelyn," may diin na sabi nito.
"Jimin." Ginaya ko ang tono niya habang hinahalo ko ang macaroni para sa sopas.
"Anjelyn."
"Jimin."
"Prinsesang palaka."
"Prinsipeng palaka."
"Ikaw."
"Ako."
"Tayong dalawa." Matapos sabihin niya 'yon ay hindi ko namalayan na lumapit na ito sa pwesto ko. Nagulat na lamang ako ng halikan niya ko sa pisnge.
Dahan-dahan ako tumingin sa kanya. Nakangiti ito sa akin.
"Ang kulit mo kasi," nakangisi nitong sabi at pumunta sa likod ko. Lilingunan ko sana siya nang yakapin niya ko bigla sa likod.
"Ang cute mo kiligin," bulong nito kaya pinalo ko siya sa kamay niyang nakahawak sa tiyan ko.
"Umalis ka nga diyan sa likod ko. Paano ko matatapos maluto ang sopas kung nakayakap ka sa akin?"
"Akin ka lang ha?" May pagmamay-ari na sabi nito na hindi man lang pinansin ang aking sinabi.
"Akin ka lang at iyo lang ako. Promise?"
Bigla na lang ako napangiti sa mga sinabi niya. Napaka-possesive pakinggan. Napaka-clingy. Nakakaloka.
"Promise," aniya ko at nagpinky promise.
Nagtuloy lang ang pagiging sweet ni Jimin sa akin buong maghapon. Para tuloy kami magnobyo-nobya sa lagay na 'yon. Nag-aasaran, nakukulitin, naglalambingan. Ewan ko ba pero hindi ko mai-explain ang saya na nararamdaman ko. Akala ko kasi na magpapatuloy na naman ang pag-aaway namin. Hay.
Masasabi ko na itong araw na 'to, itong alang-ala na 'to ay babaunin ko bago ako umalis sa Pilipinas.
"Minahal mo mula grade one hanggang ngayon. Pero hindi pa rin pala worth it ang maghintay."
Napabuntong hininga ko na sumagi na naman sa isip ko ang sinabi ni Hazel sa akin.
Napatingin ako kay Jimin na busy sa panonood ng Train to Busan.
"Siraulo pala itong lalaking 'to! Makasarili! I-umpog ko siya sa abs ko eh."
Jimin, kahit anong mangyari hintayin mo ang pagbalik ko. Kasi nga sabi mo, akin ka lang at iyo naman ako 'di ba?
♡♡♡
NANG matapos kumain at manood ng Train to Busan ay nagpaalam na rin si Jimin para umuwi. Gabi na rin kasi at baka mahuli pa siya ni Duterte, lagot na.
Inayos ko ang mga kalat na junkfoods at nilagay sa basurahan. Balak ko na sana maghugas ng pinggan ng biglang tumunog ang phone ko.
12 message received. 10 missed call.
Nagtaka naman agad ako. Hindi ko na pala namalayan na tumutunog ang cellphone ko kanina pa.
Binuksan ko ang missed call. Unknown number pero iisang number lang ang tumawag. Sino 'to?
Binuksan ko naman agad ang message at pinindot ang unang message.
Napangiti ako sa nabasa ko.
-
From: Prinsipe Jimin,
Good night, pips! Matulog ng maaga, huwag magpuyat. Sana ay mapanaginipan kita mwa mwa chup chup ❤
-
Leche, ang corny talaga ng kumag kahit kailan.
Pinindot ko naman uli ang sunod na text.
•••
From: Prinsipe Jimin,
Akin ka lang at iyo lang din ako. Alam mo na 'yon kasi nga Matalino ka 'di ba?
-
Oo na. Ako na ang kinikilig kahit ang corny ni pandak.
Pinindot ko naman uli ang pangatlong message at nagulat na lamang ako na unknown number na ito.
•••
From: 09123456969
Miss me?
-
From: 09123456969
Uy sagot naman jan, snob na ah!
-
From: 09123456969
Jelyn, nakita ko na si Jungkook. 'Di ba siya yung malaki ang ilong?
Tae, ang vovo niya tinanong ko siya habang pinapakita ko ang thumbs ko, kung bakit ba ay hindi 'yon pinangkukulangot.
Sabi pa niya, kasi daw malaki.
Sabi ko naman, s'yempre mali. Ang vovo talaga, daliri ko 'to tapos ipangkukulangot nila? Lah, don't me.
-
Nagtaka ako yet natawa sa text ng unknown number.
Isa lang ang naalala ko sa kanya. Isa lang ang nasa isip ko. Isa lang ang tumatawag sa akin ng Jelyn.
•••
To: 09123456969
Taehyung, ikaw ba 'yan?
—
Dyosugh note: And again hello XD. Para sa naguluhan, lilinawin ko lang. Kagabi nun ay hinahanap talaga ni Anjelyn si Suga sa Rizal park dahil nga sa text na nabasa niya. Nakita niya si Hazel then hinanap niya uli ito then that's it. Ang mga sumunod ay panaginip na lang dahil nawalan na ito ng malay at mabuti ay nasundan siya nito ni Jimin. So ayun. Paasa na kung paasa, HAHAHA labyow gais ❤
Then tungkol sa text naman ni Suga nun ay hindi talaga siya mismo nagtext. Si JUNGKOOK po 'yon. Nasa kanya yung phone ni Suga dahil nasira yung ilong este nung phone nito. So ayun lang, ang saya-saya bigla ako ginanahan magsunod na update XD owemji sana naman magtuloy-tuloy ito hanggang GBG XD
✿ ❀ ✿ ❀ ✿
✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!
✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!
✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top