➹ 10 ┇ ikaw, ako at siya

Chapter 10 - Ikaw, ako at siya

"First Love is a Lie.."


  "JIN! Nakailang base ka kay Miciel? Ikaw ha."

  "Second base."

  Napatingin ako sa sala nang may narinig akong tawanan at nagbabangayan.

  "Woah! Ang yabang oh. Maliit naman ang ari haha!"

  "E yung sa'yo?"

  "Ano ha?"

  "Mahaba naman yung baba hahaha!" singhal ni Jin at tumawa ng malakas.

  "Ako, makakabase rin ako kay RJ!"

  "Kay Arjean?"

  "Hoy Jungkook. Malaki lang yung ilong mo pero hindi yang ari mo!"

  "Bata ka pa. Aral muna Kookie hahaha!"

  "Uwi ka na sa nanay mo ilong. Maliit pa itlog mo."

  "Hoy hanggang salita lang kayo mga ulol! Baka pakita ko sa inyo 'to!"

  Nanglaki ang mata ko dahil sa narinig kong nakakadiri.

  "Yuck! Huwag ka nga Jungkook!"

  "Anong yuck! Malaki na yata itong junior ko 'no!"

  "Ay inaraw araw. Loko haha!"

  "Bakit hindi niyo rin ba inaraw-araw ah?!"

  "Huy JK! Ilong mo, puputok na."

  "Chill. Ang dami mong pinaglalaban."

  "Huwag kang huminga, nasisinghot mo kami e."

  "Aba at!"

  "Hahaha!"

  "Oy, nakita niyo 'yan? Si Inday Panti. Titirihan ko 'yan," singhal ni Namjoon.

  "Uunahan na kita RM. Patira ka pa lang, tinira ko na panti niyan!" segunda naman ni Hoseok.

  "Mga gago!" aniya Jimin at uminom ng juice.

  "Pero alam niyo, mas malaki pa rin yung ari ni Jam! 'Di ba Jam?"

  Mas lalong lumaki ang mata ko sa narinig ko kay Namjoon.

  Are they serious?

  "Dinamay niyo pa ko jan sa mga kalokohan niyo 'no? Baka marinig kayo ng kambal."

  "Eto na lang.. oh Anjelyn, kanina ka pa pala nand'yan?"

  Napatingin ang lahat sa akin. Lagot. Baka isipin nila na nakikinig ako sa usapang lalaki.

  Tumayo agad si Jimin at lumapit sa akin.

  "Ano? Wala akong narinig," deretsang sabi ko.

  "You sure?"

  Napakunot-noo ako sa sinabi niya.

  "Anong you sure? You sure you sure mo mukha mo. Wala nga sabi!" singhal ko.

  "Bakit namumula ang mukha mo?"

  "Ha? Ano kasi mainit, oo tama mainit ngayon."

  "Naka-air condition ang buong bahay ni Jam, Anjelyn!" sigaw ni Jungkook na nagpintig naman agad ang tenga ko.

  Panira talaga ang ilong niya.

  "Uuwi na ko Jimin," usal ko at kinabit sa likod ko yung bag.

  "Hatid na kita," aya nito.

  "Huwag na. Ihahatid ako ni mudra Geraldyne."

  "Nandiyan siya sa--"

  "Oo. Sige bye!" sigaw ko at sabay nagtatakbo paalis.

  "Anjelyn!"

  Sorry.. Jimin.

  Alam ko naman na magkaaway pa kayo ni Suga sa hindi malamang dahilan kaya nagsinungaling ako para makaalis agad pero kasi kailangan niya ko ngayon. Sorry.

♡♡♡

  HINANAP ko si Suga sa park. Panigurado ay nandito siya dahil mahilig siya maglibot sa Rizal Park.

  Habang naglalakad at lumilinga na nagbabakasali na matagpuan ko siya ay may nabangga akong babae na mahaba ang buhok.

  "Sorry sorry--Hazel?"

  Si Hazel. Yung mahilig mantrip sa akin sa tuwing kinakausap ako ni Suga nung grade eight kaming magkaklase. Oo, kay Suga.

  Since grade one kasi ay gusto na nito si Suga. Lagi niya itong sinusulyapan, naglalakas loob na kausapin at sinusundan hanggang sa bahay. At dahil playboy nga 'tong si impakto ay nagkaroon sila ng 1 week relationship nun grade seven. Nang magbreak sila ay hindi niya kinaya hanggang sa dumating ang panahon na lahat ng babaeng lumalapit o nagiging karelasyon ni Suga ay pinagtri-tripan nito.

  Tumingin ito sa akin. Nagulat na lamang ako na umiiyak ito ngayon. Ang pagkakakilala ko kasi sa kanya ay matapang na babae. Hindi nga daw niya iniyakan ang magulang niyang magkasunod na mamatay, isama mo pa ang paborito niyang lola na kakapanaw lang last year..

  Pero eto siya ngayon, umiiyak sa hindi mo malaman ang dahilan.

  "Umiiyak ka?" tanong ko.

  "Hindi. Pawis lang 'yan. Tumakbo kasi ako ng sobrang bilis. Malamang luha 'yan, galing mata eh," mataray nitong sabi.

  "Ayos lang 'yan. Eto oh," aniya ko at inabot ang panyo ko na galing bulsa na hindi pinansin ang kanyang sinabi.
Nagulat naman siya pero tinanggap naman niya agad ito. "Sa-salamat."

  "Ang sakit pala ang magmahal 'no?"

  Napatingin ako sa kanya nang bigla ito magopen-up.

  "Minahal mo mula grade one hanggang ngayon. Pero hindi pa rin pala worth it ang maghintay."

  Bigla kong naalala si Jimin sa huling sinabi niya.

  "Pero alam mo, Anjelyn. May natutunan ako. Siguro kasi pinagpilitan ko ang sarili ko na mahalin siya, si Yoongi. Hindi ko binuksan ang puso ko para sa iba maliban sa kanya. Nagpatanga ako masyado sa pag-ibig ko sa kanya. Siguro nga, pinagtagpo lang kami dahil may misyon kaming dalawa. Pinagtagpo kami ng lecheng kupido para saktan lang ang aming mga damdamin. Akala kasi. Siya na, siya na ang nakatadhana sa'yo. Ayun pala, isa lang itong aral sa buhay."

  Bakit nga ba kasi kailangan magmahal kung masasaktan rin naman? Bakit ba kasi pinagtatagpo ang dalawang tao para lang saktan ang isa't isa sa huli. Bakit ang komplikado ng buhay? Kupido, gampanan mo 'to. Dumarami ang mga sawi dahil sa maling pagpili ng tao.

  Napasinghap si Hazel at tumingin sa akin, "Nagmahal tayo pero masasaktan rin pala. Ang sakit pala.. Ang sakit na ikaw pala ang gusto ni Yoongi, Anjelyn.."

  Nanglaki ang mata ko sa huli niyang sinabi kaya natawa ako, "Si impakto? May gusto sa akin? Ha! Pinagloloko mo ba ko?"

  Sinamaan niya ko ng tingin kaya napatikom agad ako ng bibig.

  Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin.

  Napaisip ako.

  Sa text. Sa pang-aasar nito. Dahil kay Jimin. Dahil sa galit ni Park Jimin sa kanya..

  Si Yoongi, si gilagid, si gluta. May gusto sa akin. Impakto talaga siya!

Humarap ako kay Hazel.

  "Nakita mo ba siya? Nasaan siya?" tanong ko pero nagkibit balikat lang ito.

♡♡♡

  MATAPOS ng pag-uusap namin ni Hazel ay hinanap ko agad si Suga. Ilang oras na ang lumipas ay parang nawawalan na ko ng pag-asa na makita pa siya.

  Imposibleng nasa bahay siya dahil ayaw niya lagi makita ang ate niya na bubungaan lang siya. Ang mga magulang naman nito ay nasa ibang bansa na nagpapaugaga at sumosobra sa trabaho.

  Hindi ko na namalayan na dinala ako ng mga paa ko sa playground.

  Sa playground kung saan ipinakilala sa akin ni Suga si Jimin..

  "Anjelyn, si Jimin, ang bestfriend ko."

  "Jimin, si Anjelyn, ang impakta."

  "Impakta daw. Ikaw impakto!" singhal ko.

  "Bagay sa'yo," asik ni Jimin kaya sinamaan ko ito ng tingin.

  "Oo nga," saad ni Suga habang natango.

  "Aba pagtulungan ba naman ako," singhal ko pero tinawanan lang ako ng dalawang betlog.

  "Nice meeting you, pips," aniya Jimin at inilahad niya ang kanyang kanan kamay.

  Tinanggap ko naman ito at binelatan siya.

  "Kamukha mo girlfriend ko. Pero mas maganda siya kaysa sa'yo."

  Sinamaan ko ito ng tingin. "Dyosa kasi ako at hindi maganda lang."

  Tumango ito, "Dyosa na ikaw lang nakakaalam?"

  "Aba grabe siya! Sapakan na lang ano?"

  Tumawa ito kaya sinapak ko ng malakas sa braso nito na napa-aray naman agad.

  "Joke lang, pips. Hindi ka masyado mabiro."

  "Teka nga, bakit pips? Binge ka ba? Anjelyn pangalan ko hindi pips."

  "Pips kasi prinsesa," sagot agad nito.

  Mapapangiti na sana ako dahil sa maganda niyang sinabi sa 'kin pero bigla ito may kasunod na sinabi.

  "Prinsesa ng mga palaka!"

  Tumingin ako kay Suga na nakaupo sa swing.

  "Suga! Okay itong kaibigan mo, ang sarap sapakin sa mukha!"

  "Sige lang!" sigaw nito habang nakangiting nakatango.

  "Oh paano ba 'yan? Sige daw. Prinsesang palaka pala ha, PJ."

  "Anj?"

  Napahinto ako sa paglalakad nang may pamilyar na boses ako na narinig.

  Lumingon ako.

  "Suga.."

  Lumapit ito sa pwesto ko at niyakap niya ko ng mahigpit na akin naman na ikinagulat.

  Nanglumo naman agad ako ng marinig kong umiiyak siya.

  "Anjelyn, patawarin mo ko.. Hindi ko na alam ang gagawin ko. "

  Pinabayaan ko lang siya magsalita at umiyak sa balikat ko.

  Maraming tanong ang bumabalot sa akin. Miski ako ay hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na rin maintindihan ang nararamdaman ko.

  Mas nauna ko siyang nakilala tapos hindi ko man lang alam na may gusto siya sa akin. Akala ko nagbibiro siya pero ayun pala..

  Gusto ako ni Suga pero gusto rin ako ni Jimin at gano'n rin ang nararamdaman ko tulad sa kanya.

  "Anjelyn!" Napatingin ako sa unahan ng masilayan ko si Jimin na nakatingin sa amin sa hindi kalayuan.
Nakatitig lang ito sa aming dalawa. Sinubukan kong alamin ang nasa isip niya pero wala, blanko ang ekspresyon nito.

  Tinanggal ko ang pagkakayap ko kay Suga. Kumunot noo naman agad ito.

  Napailing ako. Ang bigat ng nararadaman ko. Para akong mahuhulog. Ang sakit ng ulo ko.

  Tumingin ako sa pwesto ni Jimin. Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ito sa amin.

  Tumingin naman ako sa gawi ni Suga pero nagulat na lamang ako na wala na ito sa pwesto niya.

  Napahawak ako sa dibdib ko. Bumibigat na naman yung nararamdaman ko.

  Nagulat na lamang ako ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko agad ito sa pocket at sinagot ang tawag.

  "Hello Pauline?"

  "Anjelyn! Anjelyn! Si Su-suga.. Nabundol siya ng truck. Anjelyn, si Suga, wala na.."

  Sa huling sinabi niya ay para akong ang namatay. Hindi ako makahinga ng maayos. Hindi ko na namalayan na nabitawan ko na ang cellphone ko.

  Nakatingin lang ako sa kawalan. Hindi ko magawang umiyak. Huli na ba ko?

  Nangangatog ang aking tuhod. Inaantok na ko. Nanghihina. Hindi ko na kaya tumayo kaya pinabayaan ko na lang ang katawan ko na mahulog sa sahig.

  "Pips!"

Dear Anjelyn,

  Matalino ka 'di ba? Paalam.

Dyosugh note: Patuloy lang ang pagsuporta ng MKDB ❤ Mahar ko kayo 。^‿^。Pero kailangan talaga may mawala hakhak =) Wait niyo ang next update for happenings ;) Tiwala na lang kay Kupido ❤

VOTES & COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED ❤

✿ ❀ ✿ ❀ ✿

✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!

✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!

✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top