➹ 09 ┇ letrang p

Chapter 9 - Letrang P

(Insert: Jimin Got No Jams XD)

  "ETO talaga. Wala na ngang jams, tag-hirap pa makabili ng kama."

  "Sabi sa inyo akin itong payong eh!"

  "Bakla ka talaga kahit kailan."

  "Huy 'wag kayo maingay, gising na ang mahal na prinsesa."

  "Hoy gilagid, yung tingin mo mas matulis pa kaysa sa baba ni Hoseok."

  "Inaano ko 'yang ilong mo ha?"

  "Hoy magsitigil nga kayo!"

  "Manahimik ka jan sunog!"

  "Kabayo, bakit sunog?"

  "Badjao e. Ganun talaga kapag hindi naibabalik ang kulay."

  Naalimpungatan ako sa ingay ng paligid. Dinilat ko ang isang mata ko hanggang sa pati ang isa ay dinilat ko rin.

  Nasaan ako?

  Nanglaki ang mata ko dahil nakayakap ang braso at hita ko kay Jimin na mahimbing na natutulog. Ganun rin siya, nakayakap rin ang braso at hita niya sa akin.

  Napatingin ako sa taas nang may sumitsit.

  "Hello Jel!" bati nang mga tropa ni Jimin.

  Parehas sila nakatingin at nakangiti ng malalaki sa akin--sa pwesto namin ni Jimin.

  Takte, nakakahiya.

  Tinanggal ko agad ang pagkakayakap ko kay Jimin at dahan-dahan humihiwalay sa kanya pero ang mokong ay dinidiin ako palapit sa katawan niya.

  "Uy girl! Ikaw ha." Napatingin ako sa nagsalita. Si Jamie kasama nito si Jillian.

  "Napakaharot nga naman minsan oh," singhal ni Jillian at sabay na kumagat ng ice cream cake.

  "Huwag kayong malisyoso!" bulong ko.

  "Aysus. Alam naman namin na matagal mo ng pinagnanasaan si Jam," nakangising sabi ni Jungkook.

  "Ikaw ilong ka, huwag ka na sana huminga pa!" sigaw ko pero binelatan lang ako nito.

  Napatingin agad ako kay Jimin nang biglang gumalaw ito. Minulat nito ang kanyang mata at ngumiti sa akin-- na aking ikinatunaw. Ngumiti rin ako kaso pilit dahil paano ba naman, nandito ang mga kaibigan at kaibigan ko na nakatingin lamang sa amin na nakahiga sa gilid ng pinto ng library.

  "Good morning," sabi nito habang nakangiti pa rin.

  Imbis na batiin ko rin siya ay natulala na lamang ako sa magandang view na nasa harapan ko.

  Sino ba naman hindi pagnanasaan ang isang ito? Eh kakagising pa lang e, mas guma-gwapo dahil sa messy niyang buhok, at sleepy na mata. Isama mo pa yung mapupula niyang labi na hindi pa nakakapagtoothbrush, eh sa ang bango pa rin ng hininga.

Halatang ang sarap ng gising nang prinsipe. Eh paano ba naman ako? Kaunting oras lang ang tulog ko dahil sa 'pag sleeptalk niya na jams lang naman ang naintindihan ko sa sinabi niya at wala ng iba pa isama mo pa yung malikot niyang pagtulog, pwe.

  "Jel, good morning daw," aniya Jin habang hawak niya ang payong na pinkish.

  Kay Jimin daw 'yun ah.

  "Oo nga, sagutin mo na!" segunda naman badjao.

  Leche 'to ah. Siya ang may dahilan kaya kami na-stuck dito sa library. Dapat damay siya para sana walang nangyaring pagnanasa dito sa loob.

  "Y-yung braso at hita mo Jimin," mahina kong sabi habang pilit na inaalis sa pagkakayakap.

  "Good morning muna."

  Aba leche. Napaghahalataan ang isang 'to.

  "Go-good morning," pabulong kong sabi. 

  "Ayun oh!" sigaw nang pangkalahatan na nagpapula ng aking pisnge.

  Tinanggal na niya ang pagkakayakap sa akin. Nagulat na lamang bigla ako nang may kumalabog sa pinto.

  "Ohh nangangamoy love triangle," singhal ni Jungkook at sinundan si Suga na kaaalis lang.

  Tumayo na ko na may pagtataka pa rin. Tumayo na rin si Jimin na may ngiti sa labi.

  "Ano, ayos na kayo?" tanong ni badjao kaya sinamaan ko agad ito ng tingin. "Mukha naman kayo na ayos kaya aalis na rin ko, natatae na naman kasi ako." Nagmamadali nitong sabi at sabay na lumabas.

  "Hay. Oy kayo? Bakit nandito pa kayo?" masungit na tanong ni Jill kay Jin at Hoseok.

  "Eh kayo rin, ba't pa kayo nandito?" tanong naman agad ni Jimin na kakatayo lang.

  Bakit ako? Bakit pa ako nandito?

  Magpapaalam na sana ako para umuwi sa bahay at makapagpahinga ay bigla ako nalula sa kapaligiran at kamuntikan matumba. Mabuti na lang ay nasa gilid ko si Jimin kaya nasalo niya ako.

  Tumingin ako sa kanya, sa nag-a-alala niyang mukha.

  "OMG, Anj. Ayos ka lang ba?"

  "Buntis na ba this girl?"

  "Hoy gagong bakla. Ang OA mo, putulin ko 'yan pututoy mo."

  "Nagsasabi lang ako, sadakong Jillian na isang ubo na lang tutumba na."

  "Tss. Dalhin na natin siya sa clinic!"

  "Anjelyn.."

  Huling narinig ko dahil pagkatapos nung pagkahilo ay nagdilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan mawalan ng malay.

♡♡♡

  "MABUTE naman po ma'am ay gising na kayo!" Pagkagising ko ay bumungad sa akin ang nakangiting babae na nasa gilid ko.

  "Po?"

  "Kumaen na kayo Ms. Tan at panigurado ay kanina pa po kayo gutom," aniya babaeng naka-filipiniana at inilatag nito ang pagkain sa kama.

  "Ako po?" tanong ko sabay turo sa aking sarili kung ako ba kausap nito.

  Tumango naman agad ito.

  Binaling ko ang aking tingin sa paligid. Nasa malaking kwarto ako kung hindi ako nagkakamali pero kaninong bahay naman 'to?

  "Nasaan ako ate--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita agad si ate masayahin.

  "Ay ma'am. Ako nga pala si Inday Panti. Inday na lang para mabango. Panti kapag mabaho. Nasa guest room po kayo. Sa bahay ni ser Jimin. Pasinsya na po, bago lang ako rito kaya nagtataka po kayo," aniya ni ate Inday.

  "Ayos lang," saad ko at bumaba ng kama. 'Pagkatayo ko pa lang ay biglang sumakit ang ulo ko kaya napaupo ako na agad naman akong inilalayan ni ate Inday.

  "Huwag niyo po biglaen yung katawan niyo. Ang sabi ng duktor ay magpahinga muna po kayo at ang sabi ni Ser Jimin ay kumain po kayo ng marame."

  "Doktor?"

  "Opo duktor."

  "Nasaan si Jimin?" biglang tanong ko.

  "Nasa Earth po malamang."

  Ay.

  "Hinahanap mo ba ang kagwapuhan at ako? Bakit?" Napatingin ako sa likod nang may boses lalaking mahangin akong narinig.

  "Paano ako napunta dito sa bahay mo?" tanong ko rito.

  "Baka po siguro sinundo kayo ng driver ni ser Jimin at dinala kayo rito sa guest room alangan naman nagmagic kayo papunta rito 'de ba?"

  "Panti, lumabas ka muna," mahinang sabi ni Jimin na biglang natauhan si Inday.

  "Opo, ser Jimin."

  Matapos lumabas si Inday ay nagkaroon ng katahimikan sa loob ng kwarto.

  "So ano? Bakit mo ko hinahanap?"

  "Ha?"

  Oo nga, bakit ko nga ba hinahanap ang mokong na ito?

  "Ah! Akala ko kasi naging duwende ka at naglaho ng tuluyan dahil nga sa panaginip ko na nagkaroon ka ng parusa dahil sa ginawa mong pagkakamali. Natakot ako nun!"

  Napangisi ito sa sinabi ko, "Napaniginipan mo ko?"

  Kahit napakasinungaling ng panaginip ko ay tumango ako sa tanong niya.

  "Teka mali ata ang pagkarinig ko. Ulitin natin. Natakot ka ba talaga o namimiss mo lang ako?"

  E?

  Nakatitig lang siya sa akin kaya nilihis ko agad ang aking tingin at binaling ang sarili sa pagkain. "Gutom lang 'yan. Halika rito at saluhan mo ko. Napakadami naman nitong pagkain. Halatang ayaw mo ko maging sexy ha," singhal ko at pinapak ang paborito kong ulam, ang chicken joy at sa kabilang banda ay may dinuguan.

  "Cute ka pa rin naman," aniya Jimin at umupo sa gilid ng kama.

  "Ah ganun?" aniya at sinasaw ko ang hintuturo ko sa dinuguan at pinahid agad ito sa mukha ni Jimin.

  Nanglaki ang singkit niyang mata dahil sa ginawa ko sa mukha niya. "Kakatapos ko lang maligo," singhal nito at nagsawsaw rin katulad ng ginawa ko kaya napa-atras ako nang may balak ito na ipahid sa mukha ko.

  "Edi maligo ka uli. Pinoproblema pa ba 'yun? Height mo lang naman ang problema," usal ko habang tinatakpan ko ang aking mukha gamit ang dalawang braso pero ang mokong ay ang lakas kaya natatanggal nito ang pagkakatakip ko sa mukha. 

  "Oy 'wag, lalo ako magkakasakit nito," dagdag ko habang umiilag sa kamay niya na may sinasawan na diniguan.

  "Papahidin ka lang, huwag kang OA. At isa pa, ikaw nagsimula.. Ayan! Nagmukha kang mas lalaki kaysa sa akin," nakangising sabi nito pagkatapos niya pahidin sa baba ng ilong ko ang dinuguan na nagmistulang bigote ito.

  Tinuro ko ang aking sarili at napasimangot, "Gwapo na?"

  "Oo, kamukha mo na si pokwang hahaha!"

  Habang busy siya sa pagtawa ay sinawsaw ko uli ang hintuturo ko at pinahid ito sa dalawa niyang pisnge.

  Napasimangot ito kaya bigla ako natawa.

  "Mas gumwapo ba?" engot na tanong nito kaya umiling ako at tumawa ng malakas.

  "Alam mo, may kamukha ka Jimin! Letter D ang unang letra ng pangalan nito."

"Daniel Padilla?" hula nito at nagpogi sign.

  "Hindi ah. Si Dagul kamukha mo haha, ka-height mo pa!" natatawang kong sabi na bigla naman ako pinagsingkitan ng tingin.

  "Pero may mas kamukha ka, Jimin haha. Letter A!"

  Napangisi ito, "Si Alden Richard ba? Mas gwapo pa ko doon e!"

  "ASA! Kamukha mo si Annabelle hahaha! Tig-isang bilog sa pisnge lol pero huwag kang mangamba, kasing cute mo yung nagsisimula sa letrang B," usal ko at ngumisi.

  "Sus. Si Baymax ba 'yan?"

  "Hindi ah, si Bentong uy. Kasing cute mo 'yun hahaha!"

  Tumingin siya sa akin na parang nangdidiri kaya nagtaka naman agad ako, "Bakit?" tanong ko.

  "Na-cu-cute-an ka doon?"

  "Yuck! No way," tanggi ko na agad naman napangiti ang loko.

  "Pero alam mo, Mommy Anjelyn," aniya Jimin at nagkagat-labi na nagpalunok sa akin ng maraming laway.

  May gulay. Nang-aakit ba ang isang 'to? Teka ano daw? Mommy Anjelyn?

  Endearment namin sa tuwing kasama namin ang kambal na si Shane at Joana. Pero wala naman sila dito. Ano ba, Jimin. Hindi ba uso sa'yo ang magpakilig?

  Tumingin ito sa mga mata ko kaya hindi ako nagpahalata na kinilig kanina lang. "Kasing hot at pogi ko yung nagsisimula sa letter E," dagdag nito.

  "Hulaan ko," usal ko at nag-isip.

  Mahangin masyado. Sino naman kaya 'yun kamukha ng unggoy na 'to?

  "Sige nga."

  Ah! Napangiti ako sa naisip ko. "Si Empoy 'yan 'no?"

  "The fuck?! Enrique Gil o Edward Cullen kasi!"

  Natawa ako sa reaction niya. Ang cute lang tignan.

  "Hoy huwag ka magmura!" saway ko habang tumatawa hanggang sa hindi ko mapigilan tumawa ng malakas.

  "Sige ganyanan tayo ha."

  "Joke lang. Sorry na, pfft."

  "Kumain ka na nga, wala naman talaga akong kamukha na artista o kung sino man dahil unique ang aking kagwapuhan."

  "Kung ganun, dapat ibaon na 'yan sa lupa. Kayamanan pala e."

  "Unique kasi, hindi kayamanan. Wala as in wala akong kamukha dahil ako ang pinakapogi sa buong mundo," mayabang na sabi ng walang jams.

  Napaurong ako ng upo na para bang hinangin ng malakas dahil sa kahanginan niya.

  "Wew? Bakit parang kamukha ka ng pwet ko?"

  "Patingin nga, kung kamukha," aniya Jimin at mukhang may balak tignan talaga.

  Pinagsingkitan ko siya, "Bastos!"

  "Sige na, para malaman ko na kamukha ko talaga. Para naman maniwala ako 'di ba?"

  "Manyak!" singhal ko.

  "Ka rin! Hahaha!"

  "PARK JIMIN," may diin na sabi ko.

  "Hindi ka naman masyado mabiro oh. Hindi na nga eh. Joke joke lang Sabi mo kasi kamukha ko e."

  "Heh!"

  Leche 'to. May balak pang dumamoves ang kumag.

  "Pero alam mo, Anjelyn. May kahawig ka. Nagsisimula sa letrang P."

  "Hoy, bumabawi oh. Si pokwang na naman ba ha?"

  Umiling ito, "Hindi ah! Yung mas maganda pa doon."

  "Fokhwang?"

  "Maikli yung pangalan niya."

  "Fokfok? Pinagloloko mo ba ko? Sino ba 'yan?"

  "Kailan kita niloko?" tanong ni Jimin.

  "Ngayon lang."

  "Heh. Hula pa dali."

  "Heh ka rin. Sino ba kasing letter P na 'yan?" iratadong tanong ko.

  Ang sakit na nga ng ulo ko, lalo pa papasakitin ng lecheng paghula sa letrang P na 'yan.

  "Matalino ka 'di ba? Alamin mo. Alamin mo, hindi lang utak ang ginagamit. Hindi ka mabubuhay sa mundo kung puro isip lang."

  "Wew, teacher na ba kita ngayon?"

  "Naririnig mo 'yun?" tanong niya bigla.

  "Huh?"

  Nilagay nito ang kanyang hintuturo sa labi. "Shhh. Ayun oh. Pakinggan mo..," pabulong nitong sabi.

  Pinakinggan ko pero walang kahit anong ingay ako narinig kahit ni pitik ay wala.

  "Nasaan ba?"

  "Shhh.."

  "Nasaan ba kasi?" tanong ko uli.

  "Takpan mo ang isang tenga mo," utos nito.

  "Paano ko mas lalong maririnig kung papatakip mo sa akin ang isang tenga ko?"

  "Dali na. Ang daming daldal, hindi mo naman masagot kung sino yung letrang P na 'yun."

  "Babae mo siguro 'yun."

  "Isang babae lang ang minahal ko," deretsang sabi ni Jimin.

  Napatingin ako sa kanya, sa kanyang mga mata kung seryoso ba ang sinabi nito at oo nga, ang seryoso ng tingin eh. 

  Gusto lang niya ko. Si Angeline ang mahal niya noon. Sakit.

  "Narinig mo na?"

  Pinakinggan ko pero wala talaga.

  "Oh? Magpaparty na ba ko dahil hanggang ngayon wala pa rin ako marinig sa malignong naririnig mo?"

  Napakamisteryoso talaga nitong kumag na 'to. Hindi ko malaman kung ano gusto ipahiwatig o gusto gawin.

  Ang gulo niya. Mas magulo pa siya kaysa sa bangs ni dora.

  "Ano ginagawa mo?" tanong ko nang bigla niyang hinawakan ang likod ng ulo ko at ang aking noo.

  Nagulat na lamang ako na inilagay niya ang ulo ko sa gitna ng dibdib nito. Ano balak niya?

  Napapikit ako.

  "Hoy Park Jimin. Bata pa ko," singhal ko rito habang nakapikit.

  "Naririnig mo na?"

  Napahinto ako sa pag-iisip ng kung ano-ano mang bagay na kalokohan nang bigla ito nagtanong. Hanggang sa narinig ko ang malakas na pagtibok ng puso nito.

  "Dug dug dug dug dug dug..," bulong nito.

  Dahan-dahan ko iniangat ang ulo ko hangang sa magtama ang aming mga tingin.

  "Kamukha ka ng puso ko," aniya Jimin at nilapit niya ng kaunti ang mukha nito. "Nasa isip lang kita. Pero bakit ganun? Hindi ko namalayan na nakaguhit na ang mukha at pangalan mo sa puso ko."

  Napangiti ako. Si Jimin pa ba 'to? Hindi. Si PJ ito na bestfriend ko. Si Jam na gusto ko.

  Nakatingin lang ako sa kanyang magagandang mata.

  Nagulat na lamang ako ng nakawan niya ako ng halik sa pisnge ng mabilisan.

  Lumaki ang ngiti nito dahil siguro sa reaction ko. Na-estatwa ako, isama mo pa na ang lapit pa rin ng kanyang mukha sa'kin kaya miski ang paghinga ko ay hindi ko magawa ng maayos.

  "SPG! SPG!"

  "Hayop ka RM! Bumalik ka na sa tiyan ng nanay mo!"

  Napailing ako at tumingin sa gilid ko.

  Si Namjoon pala kasama nito si Jin at Hoseok pati na rin si Shane at Joana na nasa likod nito.

  "Uyy si Mommy Anjelyn!" sigaw ng kambal kasabay ng pangangamatis ng mukha ko kaya nilihis ko ang aking tingin at tumingin kay Jimin at Namjoon na naghahabulan na sa loob ng kwarto.

  "Oy Jam! Ayoko na. Ang SPG ay Super Patay Gutom ang meaning! Huwag ka nga ahh! Makatae na nga lang," sigaw ni Namjoon palabas ng kwarto.

  Hinabol ni Jimin palabas si Namjoon hanggang sa nakasarado na ang pinto ng kwarto.

  Hinawakan ko ang aking kaliwang pisnge at ngumiti habang inaalala ang pangyayari kanina lang.

  Napatingin ako sa kanan ko nang marinig ko ang tunog ng phone ko. Kinuha ko ito sa loob ng bag at isang text message pala.

  Nakaramdam ako ng kaba nang buksan ko ang message.

From: Yoongi (impakto)

Feeling ko mas lalong ikamamatay ko ito kapag hindi kita makita agad Anjelyn..

Today 6:10pm

Dear Kupido,

  Tama ba ang narinig ko? Kung hindi, pakigising naman ako sa katotohanan oh.

✿ ❀ ✿ ❀ ✿

✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!

✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!

✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top