➹ 08 ┇ stuck, i'm in love.

Dyosugh note: Sa lahat na magfloodcomments ay may instant dedicate sa kwentong 'to ❤ Aba s'yempre binigyan niyo ko nang mas malaking inspirasyon para mapaganda at matapos agad 'to, dahil 'yon sa nakakakilig na mga komento niyo ( ^∇^)❤ Salamat xoxo !

Chapter 8 - Stuck, I'm in love.

Jimin x Anjelyn

  "KUYA manong guard, buksan mo ang pinto! May tao pa dito!" sigaw ko ng malakas.

  "Hindi ka maririnig niyan. Nasa 3rd floor kaya tayo," singhal nito.

  Tumingin ako sa kanya. Naka-upo siya sa lamesa habang pa-chill chill ang mokong.

  "Kuyang manong guard, please lang. Huwag niyo ko ikulong kasama ang masamang damuhong duwendeng 'to!" sigaw ko uli.

  Napatingin siya sa'kin.

  "Sinong duwende?"

  "Kuya manong guard, buksan niyo ito. Duwende na nga, binge pa ang kasama ko!"

  "Kahit ano gawin mo hindi ka maririnig maliban na lang ang mga multo. Ano oras na ba? Oh alas-syete na ng gabi, panigurado--the fuck!" Binato ko lang naman sa kanya yung libro na nasa gilid ko.

  Lakas manakot, wala sa lugar.

  Lumapit ako sa kanya at kinuha ang phone na hawak hawak niya.

  "Pa-text," usal ko at nagpunta agad sa message.

  "Walang load 'yan," sabi niya agad.

  "Ay leche. Ang yaman-yaman mo, wala kang pangload?" singhal ko.

  "Bakit ikaw? May load ka ba?" tanong nito sa'kin.

  "Meron kaso deadbat na."

  "Tignan mo. Kung makapagsalita ka jan e ikaw nga. Simpleng pagcharge lang ng phone hindi pa magawa?"

  Sinamaan ko ito ng tingin.

  "Ano na gagawin natin?" tanong ko at na-upo rin sa lamesa.

  "Alam mo ba kung ano gusto kong gawin natin?" nakangisi nitong tanong.

  "Ano?"

  "Yung bang mapapasarap tayo kapag ginawa natin."

  Yung kaninang simpleng ngisi niya ay mas lalong lumaki kaya sinamaan ko uli ito ng tingin at binatukan.

  "Napakamanyakis mo talaga kahit kailan!" singhal ko.

  Tumawa siya ng mahina at bumaba ng lamesa. "Ang GM mo! S'yempre ang magandang gawin ay matutulog," saad nito at nagpunta sa gilid ng pinto para sumandal.

"Leche! Huwag mo kong gawin tanga! Pero seryoso? Matutulog tayo dito sa loob ng library?" tanong ko.

  "Oo. Ayaw mo?" tanong nito habang nakapikit ang mata.

  "Mag-aalala yung pamilya mo. Buti sa akin, wala kaya ayos lang," saad ko at tumungo.

  "Huwag ka ngang nega. May nag-aalala pa rin sa'yo."

  "Sino?"

  "Edi ako. Sino pa ba?"

  Dahan-dahan ako napatingin sa kanya. Nakatingin siya ng seryoso sa akin.

  "Kahit ilang buwan na lang ay pupunta na kong states. Mag-aalala ka pa rin ba kaya sa'kin?" tanong ko sa kanya.

  "Kahit matagal pa 'yan. Basta babalik ka dahil maghihintay ako."

  Ngumiti ako ng maliit.

  "Salamat, Jimin."

  "Salamat para saan?" nagtatakang tanong nito sa akin.

  "Basta salamat."

  "Halika na nga dito. Tabi tayo," aniya Jimin.

  "Ayoko nga. Baka manyakin mo lang ako."

  "Hindi ah! Takot lang ako mawala ka."

  Napahinto ako.

  "Hindi ako mawawala."

  Ngumisi ito, "Mas magandang sigurado. Baka makuha ka pa ng iba, mawalan pa ko ng bestfriend."

  "Ang drama mo. Ito na nga," saad ko at tumabi sa kanya.

  Niyakap naman niya bigla ako at pumikit. Hindi na ko nakapalag dahil mabigat ang kanyang kamay.

  "Kamusta kayo ni Angeline Chua?" bulong ko sa kanya.

  "Hmm?"

  "Si Angeline Chua na maganda, ma-boobs, ma-pwet, sexy, makinis at maputi."

  "Are you jealous?"

  "Hindi ah!" pagtatanggol ko.

  Napangisi 'to, "Huwag ka mag-alala. Mas cute ka pa rin doon."

  Napatingin ako sa kanya. "Cute lang?!"

  Tumawa ito ng malakas kaya napa-crossed-arm ako.

  "Nakita ko kayo naghalikan nung nakaraang linggo."

  Napatakip ako ng bibig dahil sa hindi inaasahan pagkadulas.

  Teka nga, kailan pa ko naging madaldal at mausisa sa buhay ng ibang tao? Yung totoo, Anjelyn?

  Napansin kong dahan-dahan siyang dumilat at tumingin sa mga mata ko kaya napaiwas agad ako ng tingin.

  Napalunok ako at napakagat-labi. Ano ba naman kasing klaseng tanong ang tinanong sa mokong na 'to? Ayan tuloy, ang awkward.

  "Ma-matutulog na ko," saad ko. Agad naman ako tumalikod sa kanya at pumikit.

  "Nakita mo rin ba na umiwas ako sa halik niya?"

  Napadilat ako sa sinabi niya.

  "Totoo?"

  "Anong totoo? Na may gusto ka sa akin o may gusto ako sa'yo?"

  Hindi ko alam pero parang nagsitaasan ang lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko dahil sa sinabi niya.

  Seriously speaking, bakit ganyan si Jimin, nyemas.

  "Totoo na matalino ako?"

  Narinig kong ngumisi siya. Nakatalikod pa rin ako hanggang ngayon sa kanya kaya hindi ko nakikita ang reaction niya kung nang-aasar ba siya o nang-iinsulto.

  "Ikaw? Bakit parang napapansin kong lagi mo kasama si Yoongi?"

  "Si Suga? Bakit bawal ba?"

  "Nagtatanong lang."

  "Hindi ko alam eh," usal ko.

  "Anong hindi mo alam? Lagi nga kayong magkasama na masaya, naghaharutan, naglolokohan at nag-aasaran. So saan banda ang hindi mo alam doon? T'yaka, humarap ka nga. Kinakausap kita kaya 'wag kang bastos," aniya nito na nagpangiti naman sa akin.

  Humarap ako sa kanya ayon sa utos niya. "Bakit? Nagseselos ka ba?" tanong ko bigla sabay nang pagkaharap ko.

  "Oo. Nagseselos ako. Masaya ka na?"

  Imbis na siya ang mamula sa tanong ko ay ako namula dahil sagot niya.

  Hindi ako makasagot. Nakatitig lang ako sa nagseselos na mukha ni Jimin.

  "Kaibigan ko lang siya," saad ko.

  "And so? Kaibigan mo rin ako. Kaibigan ko rin siya--nope, bestfriend ko siya at gusto kita."

  "Gusto rin kita."

  After saying that words. Bigla siyang namula at ang kanyang singkit na mata ay nanglaki.

  "Ano sabi mo?" tanong nito.

  "Gusto rin kita," ulit ko at ngumiti habang nakayakap pa rin siya hanggang ngayon sa bewang ko.

  "Paki-ulit mo nga, Anjelyn Tan," aniya Jimin na mas lumawak ang ngiti.

  "Che. Matutulog na ko," usal ko at tumalikod na uli sa kanya.

  "Dali. Ulitin mo uli yung sinabi mo," pagpupumilit nito.

  Pumikit na ko at nakangiting natutulog.

  "Matalino ka 'di ba? Ang matatalino ay hindi madadamot kaya kailan ka pa naging madamot ha? Aba tinulugan talaga ako ng loko oh! Huy ulitin mo na kasi, Mommy Anjelyn," usal ni Jimin habang inaalog ako.

  Nyemas. Pandak na nga, binge pa.

  "Matulog ka na," mahina kong sabi.

  "Uulitin mo o may gagawin akong masama sayo dito mismo sa library?"

  "PARK JIMIN," may diin na sabi ko.

  "Hindi ka naman masyado mabiro. Sabi ko nga matutulog na rin ako. Ito na nakapikit na."

  ILANG ORAS na ang nakalipas ay tahimik na ang kapaligiran.

  Talaga bang dito na kami makakatulog sa library, seryoso? Mabuti na lang ay may ilaw ang silid kaya hindi masyado nakakatakot.

  Umupo ako at lumingon sa pwesto ni Jimin. Mahimbing ito natutulog.

  Hating-gabi na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog, isama mo pa yung nangangawa pa yung t'yan ko dahil sa gutom.

  Napatingin ako sa kabubuuan ng library at laking tuwa nang magtama ang tingin ko sa lamesa kung saan kami gumawa ng proyekto namin.

  Ngayon ko lang naalala na may biscuit doon na dala ni Namjoon. Lumapit ako sa lamesa at kinuha ang biscuit at kinain agad ito. Teka nga. Speaking of Namjoon, bakit hindi na nakabalik ang badjao na 'yon? Wait, may comfort room sa loob ng library pero bakit lumabas pa ang isang 'yon? Kaasar siya ha. Madapa sana siya.

  Napatingin ako sa nakabukas na bag ni Jimin na nasa lamesa. Tinignan ko ito at may charger na phone ang mokong. Tae, kung kailan hating-gabi na, ngayon lang nagpakita ang charger na ito.

  Lecheng Jimin 'to. Kung sinabi niya agad na may charger siya maaga pa lang, edi sana naka-labas na kami dito, naka-uwi na at nakahiga sa malambot na kama.

  Pero kung hindi kami nakauwi ay magiging maayos na kami ngayon, malalaman kong umiwas ng halik si Jimin that time, nagseselos siya kay Suga at nagsabi rin ako na gusto ko siya.

  Lecheng tadhana nga naman.

  Chi-narge ko na ang phone ko. May saksakan naman dito sa loob ng library.

  Binuksan ko ang phone ko at may one message received.

  Si Pauline.

From: Pauline

Anj! Breaking news! Yung kaninang nagkita tayo. 'Di ba sabi ko sa inyo na nakita ko si Miciel at Jin na nagcool-off and that time. OMG, 'wag ka mabibigla. Habang naglalakad ako na nakangiti dahil cool-off na nga sila ay nakita ko si Angeline at Jimin na nag-uusap sa madilim na lugar. Totoo ba?

.
.
.
.
.

Buntis si Angeline at bukas ang alis niya papuntang states. Kilala mo ba ang ama ng dinadala niya? OMG. No way..

Today 8:15pm

Dear Kupido,

  Magkasabwat ba kayo ni tadhana?

✿ ❀ ✿ ❀ ✿

✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!

✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!

✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top