➹ 06 ┇ under the rain

Chapter 6 - Under the rain

  "KUNG minamalas ka nga naman oh," bulong ko sa aking sarili nang biglang bumuhos ang malakas na ulan, isama mo pa yung naalala kong wala pala akong dalang payong.

  Napahawak ako sa jacket na nakakabit sa bewang ko.

  Napangiti naman agad ako at dali-dali ito isinuot. Pagkatapos ay susugod na sana ko sa ulan nang may pumigil sa'kin. Lumingon ako sa lecheng taong humila ng suot kong jacket pa-atras.

  "Gusto mo ba magkasakit ha?" bungad na tanong sa'kin ni Yoongi habang may hawak na payong.

  "May hood naman itong jacket kaya hindi ako magkakatrangkaso agad nito," usal ko.

  Napatingin siya sa jacket na suot ko at tumingin uli sa akin. "Sigurado ka ba na hindi ka magkakasakit sa lagay na 'yan? Ang dami mong dalang libro tapos ang sama pa ng panahon. Eh paano kung hindi ka nga nagkasakit pero na-aksidente ka naman dahil sa lintek na ulan na 'yan ha?"

  Napasimangot ako.

  Napabuntong-hininga naman siya, "Here, gamitin mo yung akin," saad nito at binigay sa'kin ang payong na kulay pinkish red.

  "Paano ka?" tanong ko.

  May hinablot naman agad 'to sa bag niya. Ito'y itim na payong. "I have mine," sagot nito at ngumiti.

  "Thank you," mahina kong sabi.

  "Tara na bago pa mas lalong lumakas ang ulan," sigaw nito at sabay na kami sumugod.

  Habang naglalakad ay nakaisip ako ng kalokohan.

  Pasimple kong winisik ang tubig papunta sa kanya na naging resulta na pagkabasa ng kanyang pants.

  Napatingin ito sa'kin. "Ay sorry, hindi ko napansin yung tubig baha," sabi ko agad.

  Nginisihan naman niya agad ako na talagang nagpakaba sa'kin. Nagulat ako ng winisikan rin niya ko ng tubig  papunta sa'kin na naging hudyat ng pagkaputik ng palda ko. "Hindi sinasadya," nakangisi nitong sabi.

  "Grabe ka! Yung palda ko," natatawa kong sabi.

  Tumingin ako sa kanya at binawian rin ito ng wisik. Pero ang loko ay winisikan rin ako pero mas malakas ang pagwisik ng tubig nito na halos pangtaas ko ay nagkamantsa.

  Hanggang sa pinaglaruan na namin ang tubig baha. Sipa dito, sipa doon hanggang sa nawiwisikan na namin ang ibang tao. Patuloy lang ang pagwisik namin ng tubig sa isa't isa habang natatawa na animo'y hindi nararamdaman ang malakas na pag-ulan.

  Sinamaan ko siya ng tingin at malakas na bumwelo para wisikan siya ng tubig pero pagkasipa ng pagkasipa ko ay bigla ako nadulas hanggang sa mahulog sa putikan pero hindi ito natuloy agad nang saluhin ako bigla ni Suga.

  "Mag-iingat kasi," aniya nito at sabay na ini-angat ako.

  Kinuha niya ang mga payong namin sa baba at ibinigay sa'kin yung isa. "Ang tanga kasi nung tubig pero salamat." matipid kong sagot.

  "Yung tubig pa ang nasisi haha. Teka ang dumi na natin," saad ni Suga habang busy sa pagpupunas ng kanyang mukha na may putik. "Nalalasahan ko na tuloy yung putik," pahabol pa nito.

  "Kadiri ka!" singhal ko habang natatawa. Tumingin siya sa'kin.

  "Wala kang dalang panyo?" tanong nito at lumapit sa'kin.

  Umiling ako, "Naiwala ko eh."

  "Eto may dala pa kong extra handkerchief," saad nito at binunot ito sa kanyang bulsa.

  "Hindi halatang doble lagi ang dala mong gamit ah," natatawang ko sabi habang pinupunasan niya ang aking mukha gamit ang panibagong panyo.

  "Hindi talaga!"

  "Baliw," bulong ko habang pinupunasan niya ang aking pisnge.

  Habang busy siya sa pagpupunas ng mukha at kwelyo ko ay busy naman ako sa kakatitig sa mapupungay niyang kanyang mata.

  May kabaitan rin pala itong itinatago. Dati kasi, asar na asar ako sa kanya. Sa tuwing nakikita ko ang maputi niyang pagmumukha at mapang-asar na gilagid niya ay naiinsulto ako. Isa pa siyang dakilang sumbungero. Siya ang dahilan kung bakit nagkakaroon ako ng absent sa card. Siya rin ang kauna-unahang nagpla-plano ng mga kalokohan sa eskwelahan na pati ako nadadamay. At siya rin ang dahilan kung bakit naging masaya ang highschool life ko kahit nakakairita siya.

  Pero siya rin ang dahilan kung bakit ko nakilala si Park Jimin.. Ang bestfriend ko at ang pips ko.

  Dahil kung hindi sa kanya ay hindi ko mapapansin si Jimin na napakamisteryoso. Si Jimin na manyak, makulit, masayahin, at madaldal.

  "Natulala ka na jan, impakta?" Nginisihan ko siya ng marinig ko sa bibig niya ang word na impakta.

  "Impakto," tipid kong sagot.

  Naalala ko tuloy nung bago pa lang ako sa S.I ay pinagtripan na agad ako ng impakto na ito at doon na ata nagsimula ang pagpapapansin at pangiinsulto niya sa'kin.

  "Impakta ka naman," singhal nito.

  "Impakto ka rin naman," saad ko at binelatan siya.

  "Ano sabi mo?" bulong nito habang papalapit sa'kin. Nasa harapan ko pa rin siya at hindi pa rin niya binibitawan ang mukha ko na pinupunasan niya.

  Nginisihan ko lang ito habang umaatras.

  "Jimin!" Napatingin ako sa harapan ko nang may biglang sumigaw.

  Nagulat naman agad ako ng nasa sahig si Angeline habang si Jimin ay nakatayo at nakatingin sa aming dalawa habang bumubuhos ang malakas na ulan.

  Tumingin rin si Suga sa tinitignan ko. Napahawak naman agad ako sa palda ko dahil sa malagkit nilang tingin na animo'y nagpapatayan sa isip.

  Ilang segundo lang lumipas ay napasinghap ako sa bilis ng pangyayari.

  "Jimin, tama na!" awat ko ng biglang sinuntok niya ng dalawang beses si Suga. Hinarangan ko si Suga at sinamaan ito ng tingin.

  "Ano ba na nangyayari sa'yo?" tanong ko rito pero hindi ako sinagot bagkus ay nakatingin lang siya ng masama kay Suga.

  Binaling niya ang tingin sa'kin at napasinghap, "Isa kang traydor, Anjelyn," malungkot nitong sabi na parang nagkaroon ng kirot sa aking puso. "Matalino ka pa naman," singhal nito at sabay na umalis.

  Hinawakan ko agad ang braso ni Suga ng hahabulin na niya sana si Jimin.

  Lumingon ito at tumingin sa braso na hawak ko habang dahan-dahan binaling ang tingin sa'kin, "Kailangan niya ko," tipid nitong sagot.

  "Ba-baka mapahamak ka," bulong ko.

  Hinawakan niya ang kamay ko at inilahad sa akin ang panyong pinangpunas sa mukha ko.

  "Wala sa tamang wisyo si Jimin ngayon kaya imbis na ang matalik kong kaibigan ang mapahamak ay mas gugustuhin ko pang ako mapahamak," sagot nito at mabilis na umalis.

  Dahil sa binitawang salita niyang 'yon ay tuluyan ng umagos ang aking mga luha.

  "Anjelyn.." Napatingin ako sa gilid ko ng may tumawag sa pangalan ko.

  Pinunasan ko ang aking mga luha. Lumapit ako rito at hindi ako nagkakamali. Umiiyak si ate na mas matapang pa kaysa sa'kin na mas palaban pa kaysa sa'kin.

  Niyakap ako ni ate Angeline, niyakap ko rin ito. Yakap ang kailangan namin ngayong dalawa. Yakap na animo'y magpapagaan sa aming damdamin.

  "Na-miss kita ate," putol-putol kong sabi sa kanya.

  Na-miss ko ang ate ko. Na-miss ko ang dating Angeline. Yung dating masaya at walang problema sa buhay. Na-miss ko yung kakambal ko..

  "Shh.. Sorry Anjelyn. Sorry," bulong nito habang pinupunas niya ang aking luha.

  Palakas na palakas na naman ang agos ng ulan at ang walanghiya pa'y nakikisabay pa kami sa pagpatak ng aming mga luha.

  Ipinagdikit namin sa isa't isa ang mga noo namin tulad ng dati naming ginagawa. "Anjelyn, listen. May dapat kang malaman," bulong nito, ni ate na nagpakaba sa'kin.

  "Ulan ng ulan parang puso ko tibok ng tibok sa taong walang pakealam." -under the rain.

✿ ❀ ✿ ❀ ✿

✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!

✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!

✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top