➹ 05 ┇ yakap

Chapter 5 - Yakap


  "TRIP mo ko ha? Trip mo ko? Kung tirisin kaya kita d'yan. Papansin nito, maliit naman ang talong," singhal ko kay Jungkook pero binelatan lang ako.

  Inirapan ko na lang ito at nagsimula magsulat ng lesson.

  Langya, ang lakas mangtrip sa gitna ng klase. Walang magawa ang hinayupak at ako ang nakita, mabuti na lang ay nasa last row kami.

  Napalingat ako ng tingin sa kabila nang maramdaman kong may nagmamasid sa'kin.

  "Oh ikaw? May sasabihin ka?" mataray kong tanong kay Park Jimin na nakakunot ang noo.

  Tinitigan niya lang ako na para bang sinusuri ang aking mga galaw.

  "Ang sama ng tingin mo ha, dukutin ko 'yang eyeballs mong 'yan."

  "That's all for today. So, move na tayo para sa project niyo sa'kin sa Science. By group ito and since kitang kita sa mukha niyo ang pagkaumay ay ipagsasama ko sa isang grupo ang kanya-kanya niyong mga crush," masayang sabi ni Ms. Correct Cruz na nagsigisingan naman ang lahat. "It will be exciting dahil sa isang group ay may limang member at may mga name ang group niyo and it's all about the parts of the body so may I call the group #1 Hair na pinangungunahan nila..," usal ni Ms. Correct habang binubuklat ang class record.

  Project na naman. Bakit ba ang hirap maging estudyante? Bakit ang hirap rin intindihin ng mga lalaki? Psh.

  Nagtawag na ng mga pangalan si ma'am. Napalumbaba na lamang ako at pumikit. Pero bigla rin ako dumilat ng may kumalabit sa kaliwang braso ko. Si Jimin ang nasa kaliwa ko pero busy sa pagkokopya ng lesson.

  Napatingin ako sa mesa ko nang may napansin akong maliit na papel sa taas ng notebook ko.

Matalino ka 'di ba?

  Ang sabi sa sulat.

  Hindi ako nagkakamali, sulat-kamay ni Jimin 'to.

  Tumingin ako sa kanya. Napakasimple ng tanong pero parang may kahulugan ang nakasulat.

  "Group #6 Nose na pinangungunahan ni Jeon Jungkook dahil malaki ang ilong, kasama niya si Arjean, Claire, Hoseok, at Ginelle," nakangising usal ni Ma'am.

  "Then, Group #7 Heart na pinangungunahan nung jeje--"

  "Ma'am naman e!" sigaw ni Rica ng marinig ang jeje. Puno tuloy ng tawanan sa klasrum dahil sa biglang pagrespond ni Rica.

  "Wala akong sinabing pangalan. Pero ayos lang 'yan mahal ka pa rin ni Henrich," kinikilig na sabi ni Ma'am. "So with you Rica Cornista, aba s'yempre makakasama mo ang love of my life mong si manok a.k.a Henrich, Namjoon, Jimin and Anjelyn."

  Yung totoo? Namamalik-mata lang ba ko o talagang tumingin si ma'am sa pwesto namin ni Jimin.

  "And last but not the least the Group #8 Brain na pinangungunahan ng gums ni Min Yoongi kasama sila Hazel, Karylle, Thunder, and Angeline Chua."

  Napatingin ako sa Group #8 na magkakalapit lang ng upuan. Hindi ko man lang naramdaman ang presence ng aking kapatid sa ina.

  Isang linggo rin siyang hindi pumasok at aba kung hindi nga naman coincidence ay nagsabay pa um-absent sila ni Park Jimin.

  "Pag-usapan niyo na kung anong plano niyo, okay? You can now have your recess. Good bye class!" paalam ni ma'am. Naggoodbye na rin kami at tuluyan na ito umalis. Ilang segundo lang ang lumipas ay kakaunti na lang ang nasa loob ng room. Ang iba ay nagkumpulan na at pinag-usapan ang kani-kanilang project at ako, hanggang ngayon ay nakaupo lang at walang ganang kumain.

  Napalingon ako sa gilid ko nang biglang tumayo si Jimin. Nagtuloy-tuloy lang ito sa paglalakad na hindi man lang ako pinansin o tinanong kung kakain ba ko o hindi.

  Dati, naiinis ako sa paulit-ulit na pangungulit at pagtatanong niya. Pero ngayon, nami-miss ko ang pangungulit, ang pagtatanong, at ang pang-aasar niya. Na-mimiss ko ang pips ko. Na-mimiss ko yung dati.

♡♡♡

Lunch Time.

  "ANO? Hanggang ngayon hindi pa rin kayo nag-uusap?" gulat na tanong ni Jillian ng sabihin ko sa kanila ang nangyari kanina.

  "Ang ingay mo. Alam mo 'yun? Nasa cafeteria tayo wala sa bahay," singhal ko sa kanya.

  "Bakit ba kasi bumalik pa 'yang kapatid mo?" naiinis na usal ni Jamie at uminom ng maraming tubig.

  Nagkibit-balikat na lamang ako, "Teka, nasaan pala si Pauline?" tanong ko sa kanila.

  Umiling sila, "Baka hinahabol niya ang maglove birds na si Miciel at Jin," aniya Jill habang busy sa kinakain niya strawberry slice cake.

  Napasimangot na lamang ako.

  Minsan ko na nga lang sila makasama at makausap sa school, doon pa kami nagkukulang. Ilang taon rin ang pinagsamahan namin at naging magkaklase at ngayon taon lang kami nagkahiwalay ng section.

  "Anj, mauna na kami. Bell na namin e," saad ni Jamielyn at tumayo.

  Tumango ako at napalumbaba.

  "Hoy Jill, iwanan mo na 'yang cake at baka ma-late pa kayo," singhal ko kay Jillian na busy pa rin sa paglamon ng cake.

  "No way," usal nito habang may laman pa ang bibig.

  "Ang takaw-takaw mo kumain pero ang payat-payat mo. Saan napupunta ang kinakain? Sa pwet?"

  Natawa ako sa sinabi ni Jamielyn.

  Sinamaan naman agad kami ng tingin ni Jillian, "Sa pwet? Eh pati pwet ko nga hindi tumataba," aniya Jillian at tumayo na rin.

  "Pfft abnormal! Sige, umalis na kayo sa harapan ko at ako'y magrereview pa para sa quiz namin mamaya," singhal ko at binuklat ang librong hawak ko.

  ILANG SEGUNDO ang lumipas ay nagsi-alisan na sila. Ako naman ay nagsimula na magreview habang humihigop ng softdrinks.

  "Hi Ms. Beautiful." Napahinto ako sa pagbabasa at tumingala.

  "Hi malaki ilong," singhal ko kay Jungkook na nakatayo sa harap ko.

  Kasama nito si Suga, Namjoon, at Hoseok.

  "Anong kalokohan ang naisip niyo at nagpunta kayo sa pwesto ko?" tanong ko sa kanila na nagsimulang magsi-upuan.

  "Hinahanap mo si Jam 'no?" tukoy ni Hoseok kay Jimin na hindi man lang pinansin ang tanong ko.

  Jam. Codename ni Jimin sa grupo nila.

  Inirapan ko sila, "I'm not," deretsang sabi ko.

  "Huy, gilagid. Libre mo na kami ngayon, talo ka sa pustahan," usal ng makapal na malaking ilong ni Jungkook.

  "Anong pustahan?" intriga ko.

  "Bawal sabihin sa mga babae. Kaya sorry, Jel," ani Namjoon.

  Jel. Ang madalas na tawag nila sa'kin.

  "Sige Anjelyn, bili lang ako ng pagkain nila at libre na rin kita," usal ni Suga sabay nilabas ang kanyang gilagid.

  Tumango na lang ako at nagsimula magreview.

  "Nasaan kaya si Jam 'no?"

  "Kasama siguro si Angeline!"

  "Sino 'yun?" Narinig kong tanong ni Jin na kararating lang ata.

  "Si Angeline, yung maganda, malaman, malaki ang pwet, sexy, maputi, singkit at malaki ang boobs!" singhal ni Jungkook kaya binato ko sa kanya yung ballpen na hawak ko.

  Lumingon sa pwesto ko si Jungkook, "Bakit?" Napa-isip siya kung bakit ko tinamaan ilong niya, "Ay sorry, wala ka pala nun."

  Pagkasabi niya nun ay biglang nagtawanan ang kanyang mga kasama.

  Tumayo ako at hinili ko ang buhok niya.

  "Ay hahard. Lagot ka kay Jam," natatawang sabi ng kabayo.

  "Tumigil ka sa kakatawa baka putulin ko yang baba mo," singhal ko rito.

  "Sabi ko nga, zip baba na ko," usal nito at tinakpan niya ang kanyang baba.

  "Bakit zip baba?" tanong ni Jin na puro kabaklaan at pa-fall lang ang alam.

  "Alangan naman zip mouth? Bunganga ba yung baba ko?"

  "Akala ko magkasama na 'yang bunganga at baba mo, kabayo?" tanong ni badjao na puro pagpapaitim lang ng kili-kili ang alam.

  "Tangina mo!"

  "Magsitigil kayo o baka gusto niyong pag-umpugin yang mga betlog niyo!" singhal ko at niligpit ang mga gamit ko.

  "Ano? Bakit kayo nagsi-tahimik ha?" mataray kong tanong. 

  Tumayo na rin sila habang nakatingin sa likod ko.

  Anong tinitignan ng mga hinayupak na nito? Lilingon na sana ako nang may biglang yumakap mula sa likod.

  "Huwag ka gumalaw," mahina nitong sabi na parang hudyat ng pagka-estatwa ko.

  Dahan-dahan niya hinawakan ang bewang ko at parang may kinakabit ito na tali sa bandang t'yan ko.

  Habang ginagawa niya 'yon ay para akong biglang nabingi sa sobrang katahimikan ng paligid. Yung kaninang naririnig kong nagsisigawan, nagbabangayan at nagtatawanan ay biglang huminto ng panandalian.

  Parang lahat ng tao sa paligid ko ay nagfreeze ng ilang segundo dahil sa epekto niya, ni Park Jimin.

  "Matalino ka 'di ba?" bulong nito sa'kin habang hindi pa rin umaalis sa pagkakayakap mula sa likod ko.

  "Paano kung wala ako sa tabi mo? Sino mag-aasikaso sa'yo kapag may period ka?"

Dear Kupido,

  Niyakap lang ba niya ko dahil may period ako o niyakap niya lang ako dahil nand'yan si Angeline?

✿ ❀ ✿ ❀ ✿

✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!

✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!

✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top