➹ 04 ┇ lq
Dyosugh note: Please watch the FANMADE VIDEOS of PARK JIMIN and other members in Bangtan ❤ it's infires me man lol.
all videos ©redit goes by datjimilly ♡
~~~~~
Chapter 4 - LQ
"KUMAIN ka na nga bago pa lumamig 'yang noodles mo," utos nito habang hinihipan niya ang kanyang hotdog este binili niyang jumbo hotdog.
Tumingin ako sa kanya at napatawa.
"Kailan ka pa nagkaroon nang pake sa'kin?"
Napatigil siya sa paghipan at tumingin rin sa akin.
"Bakit?" tanong ko nang biglang sumeryoso ang kanyang mukha na para bang nanglilisik ng tingin.
"Ang ganda mo pala," saad nito at ngumiti.
Napasimangot ako, "Kailan ba ko naging pangit, aber?"
"Kapag umiiyak ka," deretsang sabi nito na nagpatahimik sa akin.
"Kaya 'wag kang iiyak, sayang luha," dagdag pa nito at hinawakan niya ang kanyang labi at nagform ng ngiti. "Dapat dala-dala mo lagi ang ngiti katulad nang ganito. Dapat labas pati gilagid para maganda ka tignan."
Pinalo ko siya sa braso at tumawa.
"Pandak ka na nga, mabola ka pa," singhal ko pero nginisihan lang ako ng gilagid niya.
Matapos kong ubusin ang noodles na nilibre ni Suga sa'kin ay bigla uli ito umimik.
"Huwag mo na isipin 'yun, dapat ako na lang isipin mo." Napatingin ako sa kanya at napakunot. "Tara na nga't ihahatid pa kita sa bahay mo."
"Kaya ko na ang sarili ko."
"Nope, ihahatid kita sa ayaw at sa gusto mo."
"Huwag na, oy. Nilibre mo na nga ko ng pagkain at dinamayan pa. Masyado ng malaki ang utang ko sa'yo."
"I insist. At isa pa, gabi na at baka mapahamak ka pa sa daan, babae ka pa naman at hindi isang hamak na lalaki. Ayokong may mangyari sa'yo na masama," seryosong sabi nito.
Wala na lang akong nagawa kung 'di ang tumango at tumahimik.
Bigla kasi nagpop-up ang imahe ni Jimin sa utak ko. Ganyan na ganyan siya sa tuwing uuwi ako.
Ilang linggo na rin ang nakalipas nung araw na nangyari 'yun. Na-mimiss ko na siya.
Kaso hanggang ngayon ay nagfla-flashback pa rin ang masamang pangyayari na naranasan ko noon.
Ewan ko. Hindi ako sigurado. Ang gulo nang isipan ko. Pero..
Nagseselos ba ko?
Oo. Siguro. Baka. Kasi nga bestfriend ko siya. Kasi nga tropapips kami. Walang iwanan. Nagseselos ako kasi may ibang babae siyang kasama na mas better kaysa sa'kin.
E sa matalik kaming magkaibigan 'di ba. Kaya dapat hindi ako nasasaktan dahil doon siya mas sasaya. Ano naman kung may relasyon sila? Ano naman kung nakita ko silang magkahalikan? Ano naman ako sa buhay ni Jimin 'di ba?
Kaibigan lang ako, girlfriend siya. Tapos ang usapan.
Pero.. ang hindi ko matanggap ay sa lahat nang babae na makikilala niya pa ay kakilala ko rin.
Ang masaklap pa ay sa kapatid ko pa talaga.
Bakit? Bakit kay Angeline Chua pa?
♡♡♡
"JEJE. Jeje the explorer HAHAHA!"
"Hoy manok, pakyu ka!"
"Leshe jeje, hindi pa ko handa haha!"
"Psh. Like mo nga yung profile picture ko! Realtalk mo na rin yung PP ko," singhal ni Rica kay Henrich pagkapasok nang pagkapasok ko sa room.
Ano daw sabi ni Rica? Yung PP? I-realtalk nito yung PP ni Rica?
"Mommy Anjelyn," napatingin ako sa gilid ko nang may tumawag sa pangalan ko ng sabay.
Ang kambal na si Shane at Joana lang pala, pinakabatang pinsan ni Jimin.
"Bakit kayo nandito? 'Di ba may klase pa kayo?" tanong ko sa dalawang bulilit na ito.
Grade six na sila ngayon at unang nakilala ko sila nung grade three pa lang sila nung araw na nagpunta ako sa mansion nila Jimin para gawin ang kauna-unahang proyekto namin magka-partner.
"Mommy!" napatingin ako kay Shane nang biglang tumili.
"Mommy, sabay po ba kayo ni Daddy Jimin pumasok?" tanong ni Joana.
"Huh? Hindi kami nagsabay nang daddy Jimin niyo este hindi ko kasabay si Jimin pumasok," usal ko.
Aish. Lakas mong maka-daddy Jimin, Anjelyn. E, ilang linggo ka na nga hindi pinapansin nang kumag na 'yun. Lakas kasi magpauso ng kambal na ito na daddy at mommy kami in short fake parents nila at dahil maagang namatay ang kanilang magulang ay napilitan kami hanggang sa nakasanayan na. Leche.
"Ang aga niya po kasi umalis mommy Anjelyn na halos hindi na namin naabutan," malungkot na sabi ni Shane.
"Hi-hindi ko alam baka nandiyan diyan lang siya sa tabi," saad ko.
Napaisip si Shane.
"Nag-away po ba kayo?" deretsang sabi naman sa'kin ni Joana.
"Huh? Hindi ah. Bakit naman kami mag-aaway bukod sa jams," natatawang kong sabi.
"Kung ganun po, bakit parang may iba kay daddy Jimin..," bulong ni Shane habang nag-iisip.
Kailan pa naging hindi misteryoso ang isang 'yun?
"E 'di ba, kapag mag-asawa Shane ay laging nagbabangayan at nag-aaway?" tanong niya sa kambal. Tumango naman agad ito.
Napailing na lamang ako, "Ang dami niyong alam. Magpunta na nga kayo sa klase niyo dahil in two minutes, instant late na agad kayo," singhal ko sa kanila habang nakatingin sa relo ko.
Nagkatingin sila, "Patay ang kuko!" sabay nilang sigaw at wala pang isang segundo ay parang kabayo kung magkarera sa isa't isa.
Napailing na lamang uli ako at ngumiti.
"Bakit nga naman kami mag-aaway? Asawa ko ba siya? Boyfriend ko ba? Kalokohan lang ang lahat," singhal ko.
"Ano ang kalokohan lang ang lahat?"
Napalundag ako sa sobrang gulat nang may biglang nagsalita sa likod nang tenga ko. Napahawak ako sa dibdib ko habang sinamaan ito nang tingin, "Tangna, kabute ka ba? Muntik na kong atakihin sa puso dahil sa'yo."
"Dahil sa'kin?" tanong nito, ni Jeon Jungkook.
"Hindi.. Dahil sa ginto mong ilong kaya ako nagulat. Ang laki kasi," sarkastiko kong sabi.
Napakunot ang kanyang noo na parang hindi na-gets ang aking sinabi.
"Oo ka na lang, tadyakan ko 'yang ilong mo e," bulong kong sabi at inirapan ito.
Pasalamat sa diyos ay hindi na ko ginambala ng ilong niya at pumasok na lang siya sa room. Pagkapasok nang pagkapasok naman agad niya ay biglang nagtilian ang mga babae. Psh.
Teka ang tagal naman ni Suga. Ang sabi niya papunta na siya pero hanggang ngayon MIA pa rin. Nasa kanya pa naman yung experiment namin na ginawa last week. Mamaya na kaya ipapasa, tch.
"Bwisit ka manok!!" napatingin ako sa dalawang estudyanteng lumabas nang room.
Si Henrich at Rica pala na parang nasa palengke. Walang isang araw yata na hindi sila nagbabangayan at nag-aasaran ng manok at jeje.
"Ang ingay niyo," sita ko sa kanila.
Napapatingin na sa kanila ang iba pang estudyante pero parang wala ata silang paki-alam. Ako ang nahihiya para sa kanilang dalawa ha.
"Eh kasi naman itong monggoloid na 'to! Pinapalike ko lang profile picture ko at pinaparealtalk ko lang ang PP ko pero yung comment niya sa picture ko ay--"
"Jeje si Rica. Si Rica ay Jeje," natatawang sabi ni Henrich.
"Ogag ka!" singhal ni Rica habang hinahabol si Henrich.
Tangna, laughtrip talaga itong maglovers na ito. Hindi na ko magtataka kung magkatuluyan ito in the future.
"Pards," napatingin ako sa gilid ko nang marinig ko ang boses ni Suga.
Nakataas ang kanyang kanang kamay na parang makikipag-apir.
"Uy pareng Jimin, musta na ang height?" tanong ni Suga. Napatingin ako kay Jimin na nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad na hindi man lang pinansin ang kamay ni Suga na nakataas.
Anong problema niya?
Lumingon si Suga sa likod at nakita niya ko na nakatayo sa labas nang gilid nang grade ten room.
Napatingin ako sa kanan ko nang huminto si Jimin sa tabi ko. Nakalingon siya kay Suga hanggang sa binaling niya ang tingin sa akin.
Nagtama ang aming mga mata. Nagtama na animo'y nagkaroon nang kuryente sa pagitan namin.
Nilihis ko ang aking tingin.
Napangisi siya at tuluyan nang pumasok sa room at iniwan akong nakatanga.
"LQ kayo ni pards?" Napapikit ako nang may sumulpot na naman sa likod ko.
Nilingunan ko ito at inirapan, "Ikaw? Bakit hindi mo muna problemahin 'yang malaki mong ilong bago problemahin ang ibang tao? Chismoso pati 'yang ilong mo ha, walang patawad. Lumayo layo ka nga at baka masinghot mo ko na 'di oras," singhal ko rito at tinalikuran.
"Daming sinabi. Halatang apektado naman."
—
Dear Kupido,
Papana ka na nga lang, sablay pa.
✿ ❀ ✿ ❀ ✿
✁ Be ORIGINAL and DON'T PLAGIARIZE!
✁ Be INSPIRED but DON'T COPY!
✁ Copying without permission is STEALING! PLAGIARISM IS A CRIME!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top