Masterpiece
Mabagal akong naglalakad papasok ng school habang ang mga kamay ay nakaloob sa bulsa ng aking slucks at naka-high volume ang earphones ko.
May mga nakakasabayan akong estudyante sa paglalakad sa side walk papuntang up-hill, mabilis ang takbo ng mga sasakyan sa kalsada dahil maaga pa naman.
"Dwayne!" Napalingon ako sa umakbay sa akin at tinanggal ang kanang earphone.
"Uy, Drey," Bati ko sakanya. Barkada ko sa school pero hindi kami ganun ka-close.
"'Di ka pa ba late? Last day na ng exam natin ngayon 'eh," Hinihingal niyang sabi at pinagpapawisan, mukhang nagmamadaling pumasok.
"Pageexamin pa rin naman ako," Sabi ko.
"Sana all matalino, wala kasi akong pagkokopyahan pag mag-isa ko, sige pre una na 'ko, walwal kami mamaya ng tropa after exam, ano g ka?"
"Sige lang," Deserve ko din naman magenjoy at celebrate pagkatapos ng hell week na 'to.
Pinagmasdan ko siyang tumakbo at nilalampasan ang mga taong naglalakad hanggang sa may nabangga siyang babae at napaupo ito sa sahig.
"Ano ba 'yan! Bulag ka ba? Bakit hindi ka umiwas!" Galit na sambit ni Drey sa babae at tumakbo ulit. Gago talaga 'yun.
Maraming nakakita sa nangyari pero wala man lang tumulong sa babae, tinitignan at dinadadaanan lamang siya ng mga taong naglalakad sa side walk. Ano bang problema ng mga 'to?
Nagmamadali akong naglakad para matulungan ang babae, hindi maipinta ang mukha ng mga nakakakita at nanonood. Tila mga takot at gulat. Anong mali sa tumulong? Mga sira ulo.
"Miss tulungan na kita," hindi niya ako pinansin at may kinakapa sa sahig, nakita ko ang stand stick na tumilapon sa gilid sa lakas ng pagkakabunggo nila ni Drey.
"Ito ba?" Inabot niya ang stick at inayos ang shades niya.
"Nababaliw na ba siya?"
"Anong ginagawa ng lalaking 'yan?"
"Bakit nandito nanaman siya?"
"Akala ko ba napatay na ang babaeng yun?"
Napatingin ako sa mga taong nagbubulungan habang dumadaan. Anong sinasabi ng mga 'to?
"S-Salamat," Nahirapan siyang tumayo kaya tinulungan ko siya. Walang lingon-likod ay naglakad siya, gamit ang stand stick na hawak niya. Gagong Drey yun, the girl is blind.
Napakunot ang aking noo dahil dumidistansya sakanya ang ibang tao na nakakasalubong niya, masama ang kanilang mga tingin at ang iba ay tila takot na takot.
Huminto ang babae sa walking lane at wala man lang nag-abalang tumulong sakanya sa pag-tawid, wala ring sumabay sakanya kahit nasa sampu ang mga dapat na tatawid.
Nang tumunog ang green signal ng street light ay huminto ang mga sasakyan at mag-isa siyang tumawid gamit ang stick para alam niya ang kanyang nilalakaran.
Nakarating siya sa kabilang kalsada at nakasandal ang matandang pilay sa building habang namamalimos. Napasinghap ang mga taong nakakita na kagaya ko ay pinapanood din pala siya.
Kahit may kalayuan ang babae mula sa kinatatayuan ko ay kita ko kung paanong paulit-ulit umiling ang marungis na matandang pilay. Bahagyang umupo ang bulag na babae sa harapan niya at naglagay ng barya sa pinaglilimusan ng matanda.
"Kawawa naman."
"Siya pa ang nauna."
"Bakit kasi bumalik pa siya?"
"Delikado ang mga bago dito."
"Delekado ang lahat."
Hinawakan ng babae ang putol na binti ng matanda at may binulong dito saka umalis. Naiwang nakatulala ang matanda, ganun din ako. Naglakad sa kanto ang babae at nawala na sa paningin. Akala mo'y saglit na tumigil ang mundo dahil muling naglakad ang mga tao at bumalik sa dati nilang ginagawa.
It's been 2 years since me and my family have moved to this average town. It's not that small neither that big. Nasa uphill ang mga schools and hospitals, dun din nakatira ang mga matataas, ang mga may pwesto sa gobyerno at mayayaman. And the rest, of the population ay nasa downtown: High buildings, bars, malls, market, churches... lahat.
Sa loob ng dalawang taon, ngayon ko lang nakita ang babaeng 'yun. Sino ba siya? At bakit takot na takot ang mga tao sakanya? What's with her?
———
"Eyyy!! Parteeeh!!!" We were jumping and dancing and screaming at the top of our lungs.
Malakas ang sounds ng dj sa bar at nageenjoy ang lahat. Kasama ko si Drey sa dancefloor at ang ilang barkada namin, sinama nila ang mga girlfriend nila at iba pang mga babae which I usually see sa school.
Familliar ako sa ibang mga tao sa loob ng bar na ka-school mate rin at ang iba ang galing sa ibang school. Pagkatapos ng semis ng first semester, everyone deserves to have fun.
"All I do is win win win no matter what
Got money on my mind I can never get enough and every time I step up in the buildin' everybody hands go up"
"PUTANGINA!!" We all sang in chorus as I raise my drink.
"And they stay there and they say yeah and they stay there"
The club was filled with laughter, kasalukuyan akong nakikipag-usap sa babaeng dala ng mga kasama ko nang makaramdam ako ng kiliti, so I excused myself at pumunta ng C.R. Bumungad sa akin ang mga pamilyar na mukha and some are just random strangers. Kissing and almost making out.
"Get a room, tss," Sa labas na lang ako iihi.
Dim lang ang lights sa club at umiikot ang mga makukulay na ilaw. Sa likod ako ng club dumaan dahil mahirap lumabas kapag sa mismong entrance, naka-linya ang mga gustong pumasok.
Napahinto ako ng makita ang malaking picture frame sa hallway, I've been here many times pero I've never seen this. Ngayon lang meron ito. It was a painting, a pair of blue hazy eyes. Hinawakan ko ang painting at hindi matanggal ang tingin. Sobrang 3D. Parang totoo.
I was busy staring at the painting nang mag-ring ang phone sa bulsa ko. "Yes, Dad?" I answered my father's call at lumabas sa backdoor ng club.
[Son, anong oras ka uuwi?] Pumunta ako sa gilid kung saan liblib at umihi.
[What's the matter dad?] It was out of the blue na tanong. Wala naman siyang pakialam kung lalabas ako at magcclub, o iinom at uuwi ng madaling araw. He knows me that well and he trusts me. Kaya nakakapagtaka na tumawag siya ngayon.
[I'm just worried. Naibalita kasi sa t.v na dumadami ang mga nawawalang teenagers sa city. Pati mga PWD]
[What? How is that possible? Baka naman may pinuntahan lang ang mga teenagers]
[No, mga magulang na nila ang nagreport sa pulis]
[Okay, I'll come home in minute. Don't worry na po, Dad]
[Take care, Dwayne. Be safe]
Random. Ba't naman mawawala ang mga PWD? Mga pilay at may kapansanan, sa'n naman naman pupunta ang mga 'yon. Considerable pa kung mga teens lang, baka nagbulakbol at pumunta lang kung saan-saan.
Pumasok na ako at muling pinagmasdan ang painting. Pinicturean ko pa iyon at ginawang wallpaper. Ang astig lang. I suddenly want to buy the painting. Gusto kong makilala ang artist na gumawa neto. What a great artwork.
Titig na titig ako sa painting, every details, kilay, pilik mata, yung iris, even the bags underneath the eyes. It was so real. Until I realized it was a painting... of my eyes.
Yung kilay at pilik ng painting, yung eyebags, yung mata. It was me. It was my eyes... but it isn't mine.
"Maganda ba?" Napaigtad ako sa gulat at napatingin sa babaeng nakasandal sa dingding kung saan nakalagay ang painting. The blind girl. Paanong nandito ang isang bulag?
"A-Ah, oo," She's still wearing the shades na suot niya kaninang umaga, pati ang stick ay hawak niya parin. She's facing the opposite side kaya kita ko ang mukha niya, maliban sa mata niyang natatakpan ng shades.
"I painted that when I was 14," Nagulat ako sa sinabi niya.
"Ikaw ang gumawa nito?" Naamaze kong tanong. Tumango siya.
"But you're..." I paused, baka maoffend siya. Bahagya siyang natawa.
"What? Blind?" Tinignan ko lang siya.
"Can't a blind girl make such thing?" She asked.
"It's not that, parang ang imposible kasi?"
"Nothing's impossible if you have heart to your passion."
Tumango-tango ako at muling pinagmasdan ang painting. Something's creeping in my veins. It really is my eyes. Parang nakaharap lang ako sa salamin, at ang bulag na babaeng 'to ang gumawa.
"I have lots of artworks, gusto mo ba makita?" Napatingin ako sakanya.
"Sure," Ngumiti ako sakanya kahit hindi niya naman nakikita.
Sa bilis ng pangyayari ay inihampas niya sa ulo ko ang stick na hawak niya at nakabulagta na ako sa sahig. Nahihilo at nagdidilim ang paningin. Naramdaman kong hinihili ang katawan ko hanggang sa tuluyan na ngang nagsara ang aking mga mata.
"Help!! Help!!"
Dahan-dahang iminulat ang aking mata. Nakakadena ang aking mga kamay sa dingding na sinasandalan namin. Kumabog ang dibdib ko sa takot. Pitong tao ang kasama ko sa madilim at masikip na silid, may sumisilip na liwanag mula sa kisame galing sa itaas. Naririnig parin ang beat at music ng bar. Nasa ibaba lang kami ng bar.
"D-Drey?" Gulat kong sambit ng makita ang tulog na si Drey, nakahilera kaming pito, isa na si Drey, kasama rin ang matandang pilay na nakita ko kaninang umaga. Yung nilapitan ng babae.
"Bakit tayo nandito? What's happening? Help!!" Sigaw ulit ng babaeng katabi ko.
"Hahaha!" Napalingon kami sa matandang pilay—putol ang binti.
"What's funny old man? Nasa delikado na ang buhay natin and you have the guts to laugh?" Malakas na sabi ng babae kaya't nagising si Drey at ang mga natutulog pa na iba.
"Putangina ano 'to?!" Natatarantang sigaw ni Drey.
"Drey," Tawag ko sakanya. Nagulat siya ng makita ako.
"Dwayne! A-Anong ginagawa mo dito? Bakit tayo nandito? Gago yung bulag na 'yun gagantihan ko siya!" Tinutukoy niya ang babaeng bulag.
"Yung babaeng bulag din ang kumuha sainyo?" Sabat ng lalaking kulot ang buhok at may kaitiman. We all agreed.
"Bakit niya tayo kinuha? Hindi ko nga kilala yun."
"Papatayin niya tayong lahat," sabi ng matanda. Pansin kong may kapansanan ang ilan sa amin. Sila yung nawawalang PWD!
"B-Bakit? Wala akong ginagawa sakanya," Sambit ng babae sa tabi ko.
"Ito ang kinahiligan ni Akira," Nasa matanda lang ang atensyon namin nang magsimula siyang magkwento.
"Sampung taon pa lang siya nadiskubre na ng sikat na pintor ang batang 'yon, dahil sa galing niyang magpinta. Ang tatay niya ay lumpo at ang nanay niya ay pipi."
Napalunok ako.
"Yumaman sila dahil sa batang iyon. Hindi pa man naipapagamot ng bata ang mga magulang niya, pinatay sila.. sa mismong harapan niya."
"And what is to us? To this? Wala naman kaming kinalaman sa pagpatay sa magulang niya," sambit ng isa.
"Pansinin niyo, pito tayo, apat kayong normal, tatlo kaming may kapansanan, may isa pang dadating na biktima."
Unti-unting nagsisink-in ang lahat sa akin.
"A-Anong gagawin niya sa atin?"
"Gagamutin niya sila," Tinignan ko ang mga PWD. "At papatayin niya tayo," Bulong ko.
"What?! Bakit? Paanong gagamutin? Bakit papatayin?!" Naghyhysterical na sambit ng isa.
"Ang mga may kapansanan ay nagsisilbing mga magulang niya, gagamutin niya sila," Muling sambit ko na ikinahalakhak ng matandang lalaki. Umiling-iling siya.
"Tama ka, na gagamutin niya kami. Pero mali ka, dahil lahat tayo ay mamamatay."
Sa puntong 'yon ay pabalibag na bumukas ang pintuan ng silid. Itinulak papasok ang dalawang babae. Dalawa.. bakit dalawa? Dapat ay isang lang dahil pares-pares ang pagpatay.
"Kumpleto na," Tumapat siya sa may liwanag. "Simulan na natin," Tinanggal niya ang shades niya at hindi makapaniwala sa nakita. Naka mulat ang mga mata niya, pero walang laman.
"Oh my god," Bulong ng katabi ko.
"Mukhang naikwento na ni Tay Migo sainyo," Tumatango tango siya at kumapa sa paligid para maramdaman ang pinupuntahan.
"Labing apat na taong gulang ako ng ipinta ko 'to," Hinarap niya sa amin ang painting, ang painting na pinagmamasdan ko kani-kanina lang.
"Ito na pala ang huling painting na magagawa ko, ang ganda diba?" Ngumiti siya. "Para sa isang artist, ipipinta namin ang mga magagandang bagay at may malalalim na kahulugan, kaya naman ipininta ko ang mga mata ko," I gulped. Hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"Labing apat ako ng pinatay ang mga magulang ko sa harapan ko, kinuha ang mga mata ko. Nawalan ng saysay ang buhay ko, pero naisip kong gumanti. Kaya ngayon nandito ako."
Kumapa ulit siya sa paligid at naglakad, bumukas ang ilaw at nagsigawan at iyakan ang mga kasama ko. Dahan-dahang tumulo ang luha ko, wala na kaming kawala.
"Nawalan ako ng mata, ng pamilya, pero ang passion ko? Nandito parin. Hindi man ako nakapagpinta muli, ito ang ginawa kong libangan ko. Tignan niyo ang mga gawa ko, maganda ba?" Nakangiti niyang sabi at lumingon sa gawi ko. Her eyes were empty and black. Not even blingking.
Nakasabit ang mga katawan ng tao, pugot ulo, putol ang paa, nakalabas bituka, tinanggalan ng balat. Puno ng dugo ang paligid.
"Gusto kong dagdagan ang mga gawa ko, sino kayang uunahin ko? Hmm..."
"Gago ka! Baliw! Halimaw!" Sigaw ng kulot, dahan-dahang lumapit sakanya ang babae na tinawag na Akira. May hawak siyang martilyo at ipinukpok sa ulo ng lalaki. Nagsisigawan at iyakan ang lahat sa loob, tumatalsik ang dugo ng lalaki sa amin, pinukpok niya ng pinukpok ang ulo nito hanggang sa mabasag ang bungo at lumabas ang utak.
"Perks of being blind, I can't see anything, walang kakaawaan. Hahaha!" Nanginginig ako sa takot. Sinubukan kong kumalas sa mga kadena pero makapal at matigas ang mga ito. Imposible. Pinutol niya ang binti ng lalaki at sinunod ang matandang pilay. He was screaming and begging, pero parang bingi si Akira. Tinahi niya ang putol na paa sa binti ng matanda ng walang anestisya na ikipinatay nito.
"W-Wag!" Sigaw ko ng hilahin niya si Drey. Ngumisi ito.
"S-Sorry sa ginawa ko! H-Hindi na mauulit, wag please, ano gusto mo? Pera? Trabaho? Anong gusto mo? Sabihin mo lang ibibigay ko, w-wag mo lang ako papatayin," Naiyak na ako at pinikit ang mata.
"Ito ang gusto ko," Ibinaon niya ang mahabang kutsilyo sa leeg ni Drey.
Sunod-sunod niya silang pinatay, walang kaawa-awa, ako ang huling nakarinig ng iyakan at hiyawan ng mga taong 'yon.
"Tignan mo, maganda ba? Diba sabi mo gusto mong makita ang mga gawa ko? Ayan, tignan mo," Inukitan niya ang katawan nila gamit ang matalim na bagay, kung ano-anong simbolo. Wala ngang nabuo na imahe... Dahil bulag siya.
"Labing apat na taon ako, nang inalok ako ng mayor namin para ibigay ang mga mata ko sa anak ng kaibigan niya. Babayaran niya daw ako, tumanggi ako. Kaya't pinapatay niya ang mga magulang kong may kapansanan na dapat ay ipapagamot ko pa. Tinanggal nila ang mga mata ko, sapilitan at biglaan, ramdam ko kung paanong bumaon ang mga kutsilyo at panusok sa mga mata ko para matanggal. Umiiyak ako ng dugo, nakikiusap at nagmamakaawa, pero wala."
"Ginantihan ko ang mga tao, pinatay ko ang mayor at ang pamilya niya, sinubukan nila akong patayin. Pero hangga't hindi ko nakukuha ang mga mata ko, hinding-hindi ako mamatay."
I was 14 when I had my sight back, I was blind since birth. Ang sabi ng parents ko ay may donor na nagbigay ng mata para sa akin. I never knew na nakaw pala ang mga mata na 'to.
"Oras na para kunin ang akin," Wika niya. Pinagmasdan ko lang siya habang lumalapit sa akin. Tanggap ko ng hindi ako makakalabas ng buhay dito. Kaya pala siyam kaming biktima niya. Siya ang ika-sampu. Kaming dalawa.
She's blind, but she loves art. And I... am her masterpiece.
—END—
PLAGRIASM IS A CRIME.
© Cezionelle
———
Author's Note:
I joined a writing contest on fb at ito ang naisip kong gawin, Mysthery-thtiller, I'm not expecting to win though, I just want to share my idea.
Here's the details:
Sa theme pa lang na 'she's blind but she loves art' naisip ko agad na plot ay romance. Something tragic, diba? 'blind' and 'art'. But that's too common and cliché for me.
So I end up making this story, kasi madaming klaseng ng art. Pinalawak ko lang yung idea ko and tadah, I hope u enjoy reading.
Ps. If u some one-shot writing contest or short story pls do invite me :)
And also, credits to -dawnbringer for the cover!!!!! Ang ganda!!!!! Required kasi ng book cover yung contest and dapat sariling gawa, if not deducted ng 2 points, I don't mind naman binawi ko na lang sa story hehehe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top