Twenty-Six

Twenty-Six


Muntik na akong masubsob sa dashboard nang biglang tinapakan ni Harry ang break sa pagkakagulat sabay sigaw ng, "Ano?!" sa akin. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Eh bakit ba?" Umiwas ako ng tingin. Ayokong mag-pout kahit na gusto ko. Nagmumukha akong bata. "Hindi rin naman nila ako papayagan eh,"

Napahawak sa sentido si Harry, malamang ay namomroblema na sa akin. "Papatayin talaga ako ni Tito kapag nalaman niya ito."

A smile appeared on my lips. Siniko-siko ko siya kaya sinamaan niya ako ng tingin bago niya muling paandarin ang sasakyan. "Malakas ka naman kay Dad eh, hindi naman siguro yun mag-aalala kung mawala ako ng isang linggo sa bahay."

"Nababaliw ka na talaga." He mumbled under his breath.

"Hey!" I protested. "Ikaw kaya ang nag-aya sa akin dito!" It was my turn to glare at him.

Napabuntong-hininga si Harry. "Yes, I know. But not like this. My perception of going to Mavulis island is not driving away from town," He glanced at the small digital watch sitting on the dashboard. "At 3 in the morning."

Napahalakhak ako sa sinabi niya. Pinilit ko kasi siya na umalis na kaagad pagkakita niya sa akin na parang timang sa labas ng bahay nila. Pinakuha ko lang sa kanya ang mga gamit na kakailanganin niya. Kahit anong kumbinse ni Harry sa akin na ipagpabukas na ang pag-alis namin, desidido na talaga ako. Habang nag-aayos siya ng mga gamit, hinatidan ako ng chuckie ni manong kaya sobra akong natuwa. Sabi pa nga niya, pinagalitan daw ni Harry ang babaeng nakausap ko sa intercom at hindi ako pinapasok. Na-touch naman ako.

A woman in her early 30's emerged from one of the many rooms inside their mansion. She was wearing a black pencil skirt and white button down shirt. Malinis na nakapusod ang buhok niya. Lumapit siya sa akin at personal na humingi ng paumanhin. Ipinakilala niya ang sarili bilang Lea. Siya pala ang nakausap ko kanina. Bigla naman akong nahiya sa suot ko kasi mukha talaga siyang kagalang-galang.

"Okay lang po," Sagot ko. I gave her a small smile to assure her that everything is fine. Yumuko pa siya nang bahagya at nagpaumanhin bago bumalik sa isang silid. Naghihintay pa rin ako kay Harry nang mapatalon ako sa gulat. Bigla kasing may bumalibag sa pintuan kaya sobrang lakas ng tunog pagkalapat nito sa pader. Pati si Manong Ben ay napaigtad rin. Kaagad akong napatingin sa baba.

A tall woman walked inside the mansion and almost collapsed into the floor. Kaagad na bumaba si Manong Ben para alalayan siya. She's wearing a mini skirt, black leather jacket, and red velvet tube. Her hair just sits around her shoulders and it was dyed in hot pink. Nagtaka naman ako sa hitsura niya. Para siyang rockstar ng 90's with matching ankle boots pa. The way she laughs and slurs tells me na sobrang dami ata ng nainom niya. Nang iangat niya ang mukha niya, nagulat ako sa sobrang ganda niya. Her face is so angelic, contrary of what she is wearing. And the pink hair even complements her face! Bihira lang akong nakakakita ng taong may weird hair color pero sobrang ganda pa ring tingnan.

Harry finally came out of his room, dala-dala ang isang average-sized duffel bag. Napatingin din siya sa baba at napailing. Sabay na kaming bumaba dalawa. Hindi pa rin matanggal ang tingin ko sa babaeng pilit na kinukumbinse ni Manong Ben na umakyat na sa kwarto niya.

"Where ya goin' Harrrrrrey?" Sobrang laki ng ngisi nito ng makita niya si Harry.

He gave her a bored look. "Saan ka na naman ba galing, ate?" Ma-awtoridad ang tono nito. Nagulat naman ako. Ate? Siya pala ang ate ni Harry?

Binalingan ako ng tingin ng ate niya. She squinted her eyes at me and even tried to grab me na muntik na niyang ikinatumba. Buti na lamang ay nasalo kaagad siya ni Manong Ben. Mahigpit na ang hawak nito sa dalawang balikat niya.

"Who's this girl?" Pang-uusisa niya. "Woooow Harrrrey, you're the man! May jowa ka na kaagad?"

Nag-init ang mukha ko sa sinabi ng ate niya. Maging si Harry ay hindi inaasahan ang sinabi ng lasing na kapatid. He just rolled his eyes at her after a short awkward moment. "I'm going to use your car before you destroy it with your reckless driving. Tell Dad I'm going to be away for a week." Nagsimula na itong maglakad papalabas.

Bumungisngis naman ang ate niya. "Bye Harrrrey! Have a safe trip!" Pahabol pa nito. Sobrang bilis ng paglalakad ni Harry kaya kailangan ko pang tumakbo para maabutan siya.

"Ate mo talaga yun?" Hindi ko mapigilan ang pang-uusisa.

He sighed and turned left to their huge garage. May dalawang volkswagen, isang limo, at red honda na naka-parking doon. He fished for the keys inside the pockets of his pants. "Yes, unfortunately we have the same blood running in our veins."

"Sobrang...layo niyong dalawa." Komento ko. Nag-expect pa naman ako na katulad ni Lea ang ate niya. Yung sobrang sopistikada at kagalang-galang.

He shrugs. "Ganyan lang talaga siya. Hindi sila magkasundo ni Annie." He declared.

Hindi naman ako nakasagot kaagad. Harry opened the door for me and let me inside the car. Pumasok na din siya, backing the car out and started driving away.

So that's how I ended up on his sister's car at 3 in the morning on our way to Mavulis Island. Sa totoo lang, para akong bata na na-excite sa mga sandaling iyon. I did not search for Mavulis Island. Gusto kong ma-surpresa ako pagkadating namin doon.

"Mahaba-habang biyahe pa ito," Anunsiyo ni Harry. "Mula Pampanga papuntang Batanes, it's approximately 617 kms." Nilingon niya ako na para bang hinahamon. "Do you still want to go?"

"Why not?" I chirped happily. 617 kilometers? That's far enough from home to forget all my bullshits in life for a while.

I also convinced Harry not to bring his phone for this trip. Sa una ay sobrang tutol siya sa akin. Baka daw mawala kami o magkaroon ng emergency kapag hindi niya dala ang phone niya. Ang sabi ko naman, hindi namin mae-enjoy ang trip kung may gadgets siyang dala, which is a little unreasonable pero pinanindigan ko pa rin ang sinabi ko. Um-oo din siya sa akin sa huli kaya naman ang laki ng ngiti ko nang ilapag niya ang iphone 6 sa mesa bago umalis.

Pero nagulat din ako when he pulled out an iPad mini from his bag while driving. Kaagad ko siyang sinimangutan.

"Akala ko ba bawal magdala ng—"

"Phone, hindi iPad." Untag nito sa akin. "At isa pa, hindi talaga ako pwedeng bumyahe na walang dalang kahit ano. Lalo pa ngayon na may kasama akong babae."

Hindi na ako sumagot. Inutusan niya akong i-search ang batanes sa Google maps para makita namin ang mga shortcuts na pwedeng madaanan. Aside from that, inutusan niya din akong buksan ang compartment sa ilalim ng dashboard. Parang pumalakpak ang tiyan ko nang makitang marami palang naka-store na pagkain dito. Puro mga crackers, cupcakes, at energy drinks. He told me to eat and I did not refuse kasi bigla kong naalala na wala pa pala akong kain at wala akong tulog.

After I'm done eating, medyo lumiliwanag na ang paligid. Mag-aalas kwatro na nang madaling araw. I yawned.

"Matulog ka muna." Sabi sa akin ni Harry. Nilingon niya ako saglit bago niya ibinalik ang atensiyon sa daanan. "You look really tired."

"Yeah." I couldn't agree more. "I'm just going to sleep for a while," Paalam ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at dumaloy ang boses ni Ed Sheeran na kumakanta ng bago nitong kanta na Perfect sa tainga ko. Siguro ay ini-on nito ang radio.

For the first time that day, I felt at peace. The voices inside of my head eventually died down.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top