Twenty-Eight

Twenty-Eight


Alas-kuwatro pa lang ng umaga ay niyuyogyog na ako ni Harry para magising kaya medyo nairita ako sa kanya. I glared at him. Mukhang bagong paligo na siya kasi tumutulo pa ang tubig sa mukha ko galing sa buhok niya dahil ang lapit ng mukha niya sa akin.

I pulled myself up and yawned.

"We've got to get going. Kailangang makarating tayo sa Basco ngayong gabi." Anunsiyo niya sa akin.

I wiggled my toes. Sobrang lakas ata ng aircon. Nalalamigan ako. Maayos na ang lahat ng mga gamit ni Harry, parang ready to go na. Samantalang ako ay maliligo pa lang. Tamad akong nagpunta sa CR at nagsimula nang maligo. Napamura pa ako nang malamang wala palang hot water sa traveller's inn na ito kaya sobrang lamig ng tubig nang bigla kong i-on ang shower.

Pagkalabas ko ay nakatalikod na si Harry sa akin kahit na nakabihis na ako. Mukhang may binubutingting siya sa iPad niya. Nagmadali ko nang ayusin ang mga gamit ko. Nilingon naman niya ako. Para siyang nagulat sa pagmumukha ko kaya kumunot kaagad ang noo ko.

"Bakit?" I queried, confused by the surprised look on his face. Kaagad siyang umiling.

"Wala naman." Sagot nito kahit na alam kong meron naman. But I did not press him any further. I prepared for the trip. Nginitian ako ni Harry kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan? Para kang timang."

"Wala," Napailing ito, nakangiti pa rin. "This is my first time seeing you without any make-up on. Although you do not use too much make-up, but still, it's refreshing. You're beautiful, you know that?"

Ako naman ang nanlaki ang mga mata sa biglang sinabi niya. "Nilalandi mo ba ako?" Hindi ko napigilang sabihin.

Tumawa nang malakas si Harry. "No, I'm not. It's called a compliment. I am praising the sister of my girlfriend."

My heart stung a bit. Kitang-kita ko ang genuineness sa mukha ni Harry. Kahit na wala na pala si Ate Annie, tinatrato niya pa rin ang sarili niya na in-relationship. Ang swerte naman pala ng ate ko kung ganun.

Hindi ko na siya sinagot. Nagmadali nalang ako sa pagliligpit ng mga gamit ko. Nagcheck-out na kaming dalawa. Bago kami lumabas ay tinanong pa kami ng security guards kung namumukhaan pa ba daw namin ang mga lalaking humarass sa akin kagabi. Kailangan daw nila ng impormasyon para hindi na makapanggulo ang mga lalaking iyon sa lugar na ito sa susunod.

Kinausap ko naman sila habang si Harry ay nauna na sa kotse. Nagpasalamat sa akin ang mga security guards bago ako umalis. Kaagad akong tumakbo sa parking lot pero wala na ang kotse ni Harry. Nagtaka naman ako. Hindi naman siguro ako iiwan ng mokong na iyon dito, ano?

Napatalon ako nang bahagya nang may bumusina sa may likuran ko. Paglingon ko, si Harry lang pala. Kaagad akong pumasok at hindi na nagtanong kung saan siya nanggaling. Instead, I put my hands on my tummy and said, "Gutom na ako."

"Yeah, me too." He agreed. "Let's have something to eat bago tayo magpatuloy."

"Okay." I chirped. Bumaba kaming dalawa sa harapan ng isang local bakery. I'm not really a heavy eater kapag umaga so we both settled on eating bread and a cup of instant coffee.

Nagkuwentuhan na naman kaming dalawa habang nag-aagahan. Nalaman kong may-ari pala ng car manufacturing ang Dad niya kaya ganun sila kayaman. Ang mama naman niya, matagal nang wala. Simula daw nang mawala ang mama niya ay nagsimula nang mag-rebelde ang ate niya. Sinisisi niya ang Dad nila sa pagkawala ng mama nila kaya hindi sila masyadong magkasundo sa bahay nila. Hindi naman niya ipinaliwanag sa akin kung bakit at hindi ko na rin tinanong. Mukhang masyado na atang personal sa kanya.

"Let's go?" Aya niya. Inunahan niya ako sa counter para magbayad pero lihim naman akong natuwa. Bahala kang ubusin ang pera mo sa road trip na ito.

I took a last sip of my coffee before I trailed after him towards his waiting car. While on the road, he told me to rummage through the cassette tapes on the other compartment beneath the dashboard. I was kind of surprised. This is a latest model of Honda and yet, he still prefers to use old media.

When I inserted the tape into the player, Lana del Rey's voice filled the car. Napataas kaagad ako ng kilay. "You listen to her songs?"

"It's actually my sister's collection," Wika niya saka lumingon sa likod para siguraduhing cleared ang daan bago siya mag-backing. "But I like her a lot. She has a good voice."

"Yep. I couldn't agree more." Bigla akong natuwa na parehas pala kami ng taste ni Harry pagdating sa music.

Pagdating ng tanghalian, huminto na kami sa isang maliit na shopping mall. "Just imagine the General Santos City delivering sardines to Mavulis Island. Th epopulation of people there is too small. It's a small community. Puro cugon houses lang ang nandoon. And yet, they still deliver the foods to make sure that residents have something to eat. Kaya siguro nasa triple ang presyo ng mga paninda nila doon kaysa dito," paliwanag ni Harry habang naglalakad kami papasok sa grocery store.

"Okay, so mamimili tayo ng mga kakainin natin? May matutulugan naman tayo doon, diba?" Pagtatanong ko sa kanya.

Tumango-tango naman siya. "Yes, there is. Some of the cogon houses are for rent. Pwede tayong kumuha ng isa." Kumuha siya ng basket at nagsimula nang mamili. He was busy putting sardines and other canned goods on the basket while I busied myself checking out candies and chocolates. Kumunot kaagad ang noo niya sa akin pagkakita na ang dami kong dala.

"Uh, good for the brain?" I said at bumungisngis pa. Napailing nalang siya sa akin kaya kaagad kong ibinuhos ang mga chocolate sa basket.

"Tinitingnan ko pa lang parang masusuka na ako sa sobrang dami," He mumbled under his breath.

Napahalakhak nalang ako sa sinabi niya. Sunod naman ay namili kami ng drinks. He grabbed six San Miguel in cans kaya ako naman ang napatingin sa kanya.

"Well, kung meron kang pampatanggal ng stress mayroon din ako." Depensa niya.

"I never knew you were a heavy drinker." Manghang puna ko sa kanya. Naglakad na kami papunta sa counter pero nang madaanan namin ang fruits section, I quickly grabbed some grapes and shoved it into my mouth. Dali-dali pa akong naglakad nang mapatingin sa akin ang isang worker na nag-a arrange ng mga prutas. I laughed silently. Harry is already staring at me.

"And I never knew you were such a kid," Wika niya sa akin. Mas lalong lumakas ang tawa ko. Naalala ko kasi ang isang pagkakataon na nahuli ako ng employee na nagnanakaw ng grapes sa fruits section noong grade 6 pa ako. Pinagalitan ako ni mommy non habang tawa naman nang tawa si Dad.

Pagkatapos naming mabayaran ang mga pinamili ay nagpatuloy na kami sa pagbibyahe. Sabi sa akin ni Harry ay mararating na namin ang bayan ng Basco ngayong gabi. Bigla tuloy akong na-excite. Malapit na kami sa Mavulis Island! I wonder what awaits us.

We took short breaks from driving to eat and continued until the sun disappeared from the horizon. Harry finally announced that we've reached our destination once I started noticing that we were passing by huts and small houses. Pumasok kami sa maliit na bayan ng Basco.

"Bukas na tayo tatawid sa Mavulis Island," Harry said while unloading the things from his car's trunk. Ako naman ay nililibot ang paningin sa paligid. Halos magkakakilala na ang mga tao dito dahil sa liit ng bayan. And they are nearby the shore. Siguro ang unang pinagkakabuhayan nila dito ay ang pangingisda. "Right now, we'll just have to contract one of the residents here to let us stay for a night dahil wala na tayong panahon maghanap ng inn and as far as I know, wala ding inn dito."

Tumango-tango ako. Nilapitan in Harry ang isang mangingisda na abala sa paglilinis ng kanyang bangka. They talked for a while then the old man started cleaning up all his things. Bumalik si Harry sa akin at nakangiting ibinulong na may matutuluyan na raw kami.

Sinundan namin si Manong na nagpakilalang Adolfo. Sabi niya, malapit lang daw ang bahay nila sa pampang kung kaya't walang problema at hindi raw kami ang unang mga travelers na nakitulog din sa kanila. "Baka gusto niyong ako nalang din ang maghatid sa inyo sa isla?" Wika ni Manong.

Bigla namang kumislap ang mga mata ni Harry. "Talaga po?"

"Oo naman! Baka maloko pa kayo ng ibang bangkero dyan at pagbayarin kayo ng malaking halaga. Mukha pa naman kayong dalawa na mayaman."

Nang makarating kami sa bahay ni Manong Adolfo, sinalubong kaagad siya ng isang dalaga na sa tingin ko ay ka-edad lang din namin. Her brown skirt dances around her ankles and the ribbed top that she's wearing accentuates her full breasts. Aaminin kong nagagandahan ako sa kanya. She's like the typical yet beautiful probinsiyana girl.

"Ito nga pala ang anak ko, si Rowena." Wika ni Mang Adolfo nang mapansing nakatingin kaming dalawa sa kanya. "Sasamahan niya kayo bukas sa Mavulis Island dahil nandun ang ina niya."

"Hi." Wika ni Rowena sabay ngiti sa amin. Ibinaling niya ang tingin kay Harry kaya nginitian siya nito. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang biglang pamumula ng dalaga nang ngitian siya ni Harry. Bigla tuloy akong nainis. "Ako na ang maghahanda ng hapunan niyo. Pwede kayong matulog sa kwarto naming dalawa ni Nanay." Sabi pa niya.

"Eh, kayo bang dalawa'y magkasintahan?" Pang-uusisa sa amin ni Mang Adolfo. Harry waved his hands dismissively.

"Hindi po, Manong."

"Talaga?" Nakangiting tanong ni Rowena sabay sulyap sa akin. "Kung gayon ay hindi pala kayo maaaring matulog sa iisang kwarto. Ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya sa akin.

"Mary Grace." Tipid kong sagot.

"Mary Grace, sa iisang kwarto tayo matutulog." Tapos binalingan niya si Harry. "Ikaw naman ay si?"

"Harry." He even extended his hands to Rowena kaya mas lumawak pa ang ngiti nito nang tanggapin niya ang kamay ni Harry.

"Harry, magkasama kayong dalawa ni Tatay sa kwarto. Ayos lang ba?"

"Walang problema." Ngumiti ulit si Harry. Gusto ko na sanang busalan ang bibig niya at ang matigil na sa kakangiti kasi mas lalong ginaganahan ang Rowenang ito pero pinigilan ko lang ang sarili. Inayos ko na lamang ang mga gamit ko sa sala nila. Sabi ni Mang Adolfo ay may pupuntahan lang siya saglit sa plaza kung kaya't mauna na daw kaming kumain kapag luto na ang hapunan.

Imbes na tulungan ako ni Harry, tumayo siya at nilapitan si Rowena. Napalingon kaagad ako sa kanya.

"Anong lulutuin mo? Tulungan na kita." Dinig kong wika ni Harry.

I pursed my lips and silently cursed inside of my head. For sure, maglalandian lang ang dalawang iyon lalo pa't sa pagkakaalam ni Rowena ay free si Harry!

I groaned in frustration. Ano bang ipinagpuputok ng butse ko? I shouldn't even be affected in the first place! Goddammit.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top