71
FACEBOOK
wyld main staff hub
SAT | 1:11 PM
Caloy:
Goodluck @Drew. Nasayo ngayon ang bola. Approved naman na yan ni Miss Milly no?
Drew:
Oo
🥴☠️
Cynthia added Joy Lagman to the group.
Cynthia:
Hi Joy! This is our group chat!
Joy Lagman set her nickname to Joy.
Joy:
Hello po! :D
Caloy:
Hi Joy!
Drew:
Hi joy!
Cynthia:
Pag may problema, dito ka lang magsabi.
@Drew papunta ka na ba?
Drew replied to Cynthia:
Pwede ba resched mam
Magkaka lbm yata ko
Cynthia:
Totoo ba yan kasi sasabihan ko na sina Sir Evan
Drew:
Si chef kasi eh
Dapat di na nagkwento ☠️
Cynthia:
Malay mo naman hindi
Drinks lang naman sayo mas madali nila mapagkakasunduan
Drew:
Para akong sasabak sa husgado neto eh
pero sige na nga
Otw na po mam
Cynthia:
Okay dito na ko
Joy:
Goodluck po mam and sir!
Pahingi po photos ng approved drinks for promo
Cynthia:
Send ko pag naapprove
Joy:
Thank you :D
3:16 PM
Caloy:
Balita? Haha buhay pa?
Drew:
Swerte chef aprub lahat
Nagpaayos lang ng timpla si sir kai dun sa iba
Caloy:
Swerte nga
Drew:
Kaso ano chef
Parang ang kapal ng hangin ngayon
Nakakaramdam ako ng tensyon
Di naman nagaaway magkasundo naman pero nakakailang sina mam at sir 🥴☠️
Cynthia:
Di pa rin yata ayos si Ma'am Milly at Sir Kai. Di pa rin nagpapansinan.
Drew:
Natatae yata ako sa kaba mam
Caloy:
I-cr mo na yan. Baka sa salawal ka pa matuluyan
Drew:
Ganun na nga lang chef
Ano na ba nangyayari sa dalawa
Gera pa rin ba
Cynthia:
Wait nga. Makikitsismis ako kay Sir Evan.
iMessage
SAT | 3:24 PM
Cynthia:
Sir Evan?
Evander:
Oo alam ko na sasabihin mo. Napansin ko rin.
FACEBOOK
wyld staff hub
SAT | 3:46 PM
Drew:
Bumalik sa office yung tatlo chef
Emergency meeting
Ano sinabi mo maam cynth?
Cynthia:
Wala nga e. Di ako pinatapos ni sir evan
Ay hala
OMG
Caloy:
Bakit? Ano nangyayari?
Drew:
Uy hala
Biglang umalis si sir evan. Ano ba to? May lakad o nag walk out?
Cynthia:
Hala teka
Caloy:
Tapos na ba kayo?
Drew:
Last two na lang naman
Tumatagal kami kasi ayaw magsunod sunod na shot ni sir evan kanina
Baka raw malasing siya kagad
iMessage
SAT | 3:50 PM
Cynthia:
Sir di mo na po hintayin yung last?
Evander:
Di na may lakad pa ko kaya na nila yan. Sabihan mo ko kung mag aaway yan ah. Pinagsabihan ko nang wag sila masyado nakakailang. Kung di tumalab ewan ko na lang talaga.
Cynthia:
Okay po sir.
4:17 PM
Cynthia:
Tapos na sir.
Evander:
Kamusta?
Cynthia:
Pasado naman na po lahat. Kukuhanan ko na lang picture para kay joy.
Evander:
Yung dalawa?
Cynthia:
Umalis din po kagad after nyo.
Evander:
Magkasama?
Cynthia:
Opo.
Evander:
San pumunta?
Cynthia:
Di ko po natanong.
Evander:
Bahala na nga sila.
Balik ako dyan mamayang gabi.
Cynthia:
Ingat sir.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top