46
iMessage
TUE | 1:16 AM
Cynthia (Wyld):
Sir Evan. Nandito po pareho sina ma'am milly at sir kai. Dadaan din po ba kayo?
Evander:
Di ako makakadaan, cynth. Nasa kabila ako ngayon. Balitaan mo ko sa dalawa lalo na kung magaaway ah.
Magkasama ba sila? May agenda ba ngayon?
1:32 AM
Cynthia (Wyld):
Wala naman pong napag-usapan. Ibang lalaki kasama ni ma'am milly. Boyfriend po yata.
Evander:
Okay sige balitaan mo na lang ako sa mangyayari dyan. Nagkikibuan ba yung dalawa? O di naman?
Cynthia (Wyld):
Hindi po.
1:45 AM
Cynthia (Wyld):
Magkausap na po ngayon.
1:47 AM
Cynthia (Wyld):
Naku sir.
Hinatak ni sir kai bigla si ma'am milly papasok ng office.
Mainit yata ulo.
Nagtatalo po yata 😅
2:22 AM
Evander:
Wtf nalingat lang eh.
Nandyan pa ba? Kamusta na? Ano ba nangyari? Nag-away ba?
Cynthia (Wyld):
Okay na po. Nakauwi na po.
Evander:
Buti naman naghiwalay yung dalawa nang maayos.
Cynthia (Wyld):
Hinatid ni sir kai si ma'am milly 😅
Evander:
Ha?
Sigurado ka?
Sigurado kang sila yon?
Cynthia (Wyld):
Opo. Kitang kita ng dalawang mata ko, sir.
Evander:
Maayos o ano? Akala ko ba nagtatalo kanina?
Cynthia (Wyld):
Oo nga po 😅
Hinatak ni sir kai si ma'am milly sa kotse. Natakot ako pumagitna baka po ako mapagbuntunan 😅
Evander:
Edi magkasama pa rin sila ngayon???
Naku po kai.
Sinasabi ko na nga ba pucha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top