291
iMessage
FRI | 7:12 PM
Kylie:
panget
talk to meeeeee
is my ate milly okayyy?
like, rlly okay???
Kai:
Why do you ask?
Kylie:
kasi i don't see her on socmed anymore ksjshshha
she's not posting anything
no tweets
no vlogs
not even songs
i thought maybe bcoz she's still grieving
but is that rlly it?
i miss her kskshdljhk
Kai:
Hayaan mo na muna.
Nagpapahinga pa ang ate mo.
Kylie:
BUTBUTBUTBUT 😭
can i at least see her? like date her, cheer her up?
i haven't seen her in a whileeeee
i'm having severe ate milly drought lsjshdhhdfkska
Kai:
Hindi pa pwede.
Sa susunod na lang.
Kylie:
nooooooooooo 😭😭😭😭😭😭
but okkkkkk 😭😭😭😭😭😭
Kylie:
I MISS U ATE MILLY KO LSJSJDJSKHLA
iMessage
TUE | 1:24 PM
Evander Delos Reyes:
Uy, kai. May show si milly sa sabado. Binigyan ako ng tickets ni malee kasi meron din siyang sobra. Nandon daw late drive eh. May extra pa. Nood tayo.
Kai:
Pag-iisipan ko muna. Salamat na lang.
Evander Delos Reyes:
Wala pa rin bang ganap sa inyo?
Kelan na ba huling usap nyo?
Kai:
Matagal na. Magdadalawang buwan na rin.
Evander Delos Reyes:
Hala ganun na katagal? Ang bilis naman ng panahon. Sobrang busy natin sa bagong branch di ko na namalayan na buwan na pala. Di ko na rin kasi nakikita si milly eh. Kaya nga gusto ko pumunta sa music fest para kamustahin kayo.
Kai:
Wag na muna. Huling rinig ko, nakakabangon na ulit. Wag na muna natin kulitin.
Kung gusto niya ko balikan, nandito lang naman ako.
Evander Delos Reyes:
So di ka talaga pupunta sa sabado nyan?
Kai:
Baka hindi. Papunta akong Subic ngayon. Baka doon muna ako.
Evander Delos Reyes:
Pupuntahan mo lola mo?
Kai:
Dadaanan ko lang pero iba sadya ko.
Babalik muna ako sa DSS.
Evander Delos Reyes:
DSS? Yung sailing school nyo? Ano gagawin mo dun?
Kai:
Mag-aaral ulit. Saglit lang naman. Refresher lang. Wala rin naman na ko masyadong kailangan gawin dyan sa Manila.
Evander Delos Reyes:
Babalik ka na ulit sa pagdadagat ah? Buti naman. Namiss mo rin yan eh.
Kai:
Kaya nga.
Di kailangan huminto ng buhay ko dahil lang wala na kami. Ayokong pati to isisi niya pa sa sarili niya.
Kaya aayusin ko kaya kong ayusin.
Kung babalik siya, maayos ang babalikan niya.
Evander Delos Reyes:
Teka. E diba si rigel napapadalas dyan sa subic?
Kai:
Oo. Siya na nagmamanage ng DSS eh.
Evander Delos Reyes:
Uyyyy. So lagi na kayo magkikita ulit. Nice nice nice!
Pano na ba plano mo, dude? Magpapalit ka na ba ng career nyan?
Kai:
Hindi naman. Ginagawa ko lang muna mga di ko nagawa dahil kay Mama. Tagal kong nakulong sa kanila at sa trabaho. Ako naman muna.
Wala pa akong plano tapos nito. Buong buhay ko nakaplano lahat. Tama lang na subukan ko rin mga sinabi ni Milly noon.
Evander Delos Reyes:
Na?
Kai:
Magpahinga. Maglaro.
Bago ako bumalik sa trabaho.
Evander Delos Reyes:
Grabe naman talaga epekto sayo ni milly 😅
Nakakapanibago pero gusto ko yan, tuloy mo yan. Baka makatulong sayo yan.
Pero sana maayos pa kayo no? Magbago sana isip niya. Laki nang naiba sayo simula nang nagmahal ka ulit eh. Mas sumaya ka. Mas gumaan ka sa lahat. Kahit nga sina drew napapansin yon.
Si milly din, glowing noon. Sana mabalik nyo pa yung ganun.
Pero kung di na... sana kahit pagkakaibigan masalba nyo. Sayang talaga pinagsamahan nyo eh.
Kai:
Bahala na. Ayoko na masyadong isipin.
Basta maayos na siya, magiging maayos na rin ako. Di ko gusto na magkahiwalay kami pero kung sa ganito siya payapa, tatanggapin ko na.
Evander Delos Reyes:
Hays. Pero bibigyan kita ticket ah. Baka lang maisipan mo magpunta. Hehe.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top