289
iMessage
WED | 8:19 PM
Unknown:
Naiiyak naman ako.
Ran:
umiiyak pa rin ba si milleh?
Unknown:
Oo 😣
Magdadalawang oras na rin. 'Di ko na matiis. Gusto ko nang pumasok at yakapin kaso naka-lock naman yung pinto 😣
Ran:
bat kaya?
kala ko nagiging okay na
gulat din ako narinig kong may humihikbi sa kwarto
Unknown:
Ang sakit-sakit naman kasi.
Dahil kina Tito at Tita bakit inatake si Lolo Enrico :(
Tapos 'di pa alam ni bebe gagawin kay Kai.
Ayaw niya ipabasa yung texts no'ng mama ni Kai pero base sa kwento niya, mukhang masasakit na salita talaga yung binitawan.
Takot na nga magmahal si be, tapos nagkaganito pa 😣
Ran:
grabe naman kase nagsunod-sunod talaga? :<
pero buti na rin na nalalabas na niya
kesa yong tinatago lahat kasi deliks yong ganon
mapupuno lang sa loob
mawawasak ka lang talaga
Ran:
dapat dyan bigyan muna nila ng space ang isa't isa
para mahimasmasan
makapag-isip-isip
mahirap magdesisyon kapag naglalaban yong logic at emotions talaga ih
mahirap din kapag kinakalaban ang sarili
lagi kang guarded at defensive mode
nakakapagod yong ganyan :<
Unknown:
Mahirap kasi yung ganyan. Yung alam mo naman na yung dapat mong gawin pero mahirap kasi masakit at nakakatakot 😣
Naiintindihan ko siya. Been there, done that 😣
Paano ba dapat gawin dito? Huhu!
Ran:
kailangan ng time :<
hanggang sa nakakahinga na
hanggang sa pwede na ulit mag-isip at alamin kung ano ba talaga ang gustong gawin
let things hurt
and then
let things heal in their own time
mahirap kasi yong nagmamadali umaksyon at maging okay
lalo lang masusugatan at magwiwithdraw paloob for protection
kailangan nila ng timeeee :<
Unknown:
Huhuhu. Pano kaya 'yon?
Pano kung yung gusto niyang iwasan yung gusto niya rin makasama? Huhuhu. Pano kung yung mahal niya, takot siyang saktan pero lalo niya nasasaktan dahil sa mga akala niyang tama? Huhu! Ang hirap ng sitwasyon ni be at ni Kai. Ang sakit-sakit.
Isang malaking yakap para kay Milliebells at sa kanilang dalawa 😣
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top