269
iMessage
WED | 7:32 PM
Mom:
Nakauwi ka na pala sa Manila, di ka nagsasabi.
Di ka na ba talaga marunong gumalang?
Kung hindi ko pa tatawagan yang girlfriend mo, di ko pa malalaman kung nasan ka!
Kai:
Kinausap mo na naman si Milly?
Di ba sinabihan na kita? Na isang gulo mo pa kay Milly, magkakalimutan tayo?
Ano na naman ang sinabi mo?
Mom:
Yan. Dyan magaling ang babaeng yan. Tingnan mo ang tinuro sayo. Dahil dyan sumasagot ka na. Kung ano-ano ang natututunan mo!
Kai:
Sobra ka na, Ma.
You're out of line.
Ayaw kitang sagutin dahil may respeto ako sayo pero inuubos nyo na ako. Lahat ng pasensya at respeto ko sa inyo, ubos na.
Kai:
Iniwan na ko ni Milly. Naitulak mo na siya palayo sakin. Masaya ka na?
Gusto mo bang mawala lahat sakin?
Kai:
Sinunod naman kita sa lahat ng gusto mo.
Sinubukan kong maging perpekto sa harap mo. Si Milly lang katangi-tanging nagpapasaya sakin at tumanggap sakin sa kung paano talaga ako. Pati ba naman yon pipigilan mo?
Kai:
Di porket nasaktan ka, mananakit ka ng iba, Ma. Pag sinasaktan mo si Milly, sinasaktan mo ko. Pag nasasaktan si Milly, nasasaktan ako. Pero pag ikaw mismo ang nambabastos sa kanya, doble ang pahirap mo sakin.
Mom:
Anak.
Listen to me.
Iniingatan lang kita.
May mas karapat-dapat para sayo. Maniwala ka sakin. Hindi kita ilalagay sa mali.
Kai:
No.
I'm done having everyone dictate my life for me. Si Milly ang pinili ko, si Milly ang gusto ko.
You need to respect that.
I'm old enough to make that decision.
Kai:
Alam kong nasasaktan ka. Pero nasasaktan din ako. Mahal na mahal ko si Milly.
Bakit mo kami pinakialamanan? Bakit di mo matanggap yung babaeng mahal ko? Kaisa-isang meron ako?
Gusto mo bang alisin lahat sa buhay ko?
Mom:
Kailangan mo ng babaeng hindi ka iiwan! Yung handa kang pakasalan!
Tingnan mo! Tama ako! Konting hirap lang iniwan ka na nyan! Buti naman nang matauhan ka na!
Kai:
Kasi binastos mo siya!
Tama na! Hindi mo siya kilala!
Kung hindi mo kayang galangin si Milly, pati ako mawawala sayo.
Kung gusto mo kong manatili sayo, kung gusto mong may manatili sayo, dapat matuto kang sabihin ang nararamdaman mo nang hindi ka nananakit ng iba.
Mahal kita, Ma. At ayokong iwan ka. Kaya pakiusap lang.
Ayusin natin.
Hayaan mo ko sa buhay ko. Kahit ngayon lang pagkatiwalaan mo ko.
Mom:
Hindi ganyan ang babaeng pinangarap ko para sayo, anak!
Pinagbigyan ko naman kayo di ba? Pero bastos ang girlfriend mo!
At hindi ako papayag na sa ganyan ka lang mapupunta tapos ng lahat ng hirap ko sayo!
Kai:
You don't get to decide that.
Kai:
Hindi bastos si Milly.
Ikaw ang unang nambastos sa kanya. At sa ginawa mo, binastos mo rin ako.
Wala ka bang tiwala sa kakayanan kong mamili ng babae para sakin?
Kai:
Ma.
Naiintindihan kita. Kung bakit mo nasasabi yan. I love you, you're my mother. Pero may hangganan din ako. Kausapin mo ang pamilya mo.
Nang malaman mong mahal ka nila. At sana intindihin at respetuhin mo ko.
Kai:
Mahal ko si Milly. Mahal na mahal ko si Milly. Wag nyo nang dagdagan ang hirap ko. Hayaan nyo naman na bumalik sakin yung babaeng mahal ko.
Please lang.
Tantanan nyo na siya.
Kai:
Di man makatulong to pero tama lang na malaman mo na.
Iniwan ka ng totoong magulang mo kasi wala silang pera. May sakit ka, wala silang kakayanan para ipagamot ka. Pero binalikan ka nila.
Kai:
Binalikan ka nila.
Di ka na lang binawi dahil nasa magandang lagay ka na. Pero mahal na mahal ka nila at walang araw ang dumaan na di ka nila minahal.
Ganon din sina Lolo at Lola. Di man naging maganda trato sayo ng mga kapatid nila pero minahal ka nila.
Pati ng mga kapatid mo.
Hanggang kailan mo sasaktan ang mga taong nagmamahal sayo dahil lang nasaktan ka?
Hanggang kailan mo ko pahihirapan nang ganito dahil lang nahirapan ka?
Sakal na sakal na ko sa inyo.
Mom:
What the hell are you talking about, Kairos?
Kai:
Hinanap ko totoong pamilya mo.
Nahanap ko sila. Alam ko na lahat.
Sasabihin ko sana sayo pero di ka pa handa.
But you need to know now. Hindi ka iniwan.
Kai:
At hindi lahat ng tao umaalis dahil di ka na nila mahal. Iniwan ka nila kasi yon ang akala nilang tamang paraan para mahalin ka. Mali pero yon ang totoong dahilan.
Kilala ko si Milly.
Alam kong may dahilan.
Kai:
Kaya pakiusap lang. Wag mong pahirapan yung babaeng mahal ko. Tigilan mo na si Milly. Hayaan mo siyang bumalik sakin.
Ginagawa ko ang lahat para ibalik siya sakin, wag ka nang makialam, Ma.
Kung mahal mo ko, hahayaan mong sumaya ako.
Kung mahal mo ko, di mo ko sasaktan kung pano ka nila sinaktan.
I know you're trying to be their daughter.
But for once, can you just be my mother?
Nawala na sakin yung kaisa-isang nakakaintindi sakin.
Wag mo nang dagdagan ang sakit na nararamdaman ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top