268
iMessage
WED | 2:45 AM
Kai:
Shit.
Kai:
Shit.
Evander Delos Reyes:
Dude. Di naman ako ang minumura mo no? 😅
Nakauwi na ba kayo ni milly?
Kai:
Di ko na alam ang gagawin ko.
Ayaw akong kausapin ni Milly.
Evander Delos Reyes:
Ha e magkasama lang kayo di ba?
Kai:
Wala na.
Pagbalik dito, di na ko hinarap.
Hiniwalayan na ko.
Shit.
Evander Delos Reyes:
Bakit daw?
Biglaan naman?
Kai:
Hindi ko rin alam. Tangina.
Kai:
Tangina.
Natatakot ako.
Anong gagawin ko?
Alam ko naman na di ito yung tamang panahon para ipagpilitan ko yung sarili ko.
Nagluluksa siya. Naiintindihan ko yon.
Pakakawalan ko ba siya gaya nang hinihingi niya?
Yon ba makakatulong sa kanya?
Pano pag ginawa ko yon, masanay siya na mag-isa na naman siya?
Di ko na alam ang gagawin ko, Evander.
Evander Delos Reyes:
Dinibdib kasi ni milly yung pagkawala ng lolo niya eh. Ako man di ko alam ano gagawin ko kung ako man nasa posisyon mo. Ang hirap kasi na gusto mo iparamdam na may karamay siya pero iba naman ang hinihingi niya.
Baka ganito talaga magproseso ng emosyon si milly? Lumalayo talaga? Bigyan mo muna kaya ng oras mag-isip?
Kai:
Natatakot ako.
Baka kapag pinagbigyan ko siya, baka isipin niyang tama siya. Na di ko siya kailangan.
Baka isipin niyang tinatanggap ko desisyon niya.
Baka di na ko balikan.
Evander Delos Reyes:
Panong tama siya?
Ano ba sinabi ni milly?
Kai:
Nakipaghiwalay siya dahil sakin. Lagi niyang iniisip na may kulang, na di sapat kung ano man meron kami.
Di pa nakatulong na kung ano-ano sinasabi sa kanya ni mama.
Di ko alam pano ipapaintindi na wala akong ibang gusto. Siya lang.
Bakit ganito?
Ni hindi ako binigyan ng pagkakataon na makipag-usap nang maayos.
At ang hirap na di ko alam pano siya hahabulin ngayong alam kong may nag-iba sa kanya.
Ang hirap abutin ni Milly.
Kai:
Di lang lolo niya ang umalis nong araw na yon, Evander.
May nawala kay milly simula nang nawala lolo niya.
Evander Delos Reyes:
Mahal niya kasi talaga lolo niya eh. Pag nasasaktan tayo nakakagawa talaga tayo nang mga bagay na mahirap din intindihin.
Tyaga lang, kai. Hintayin na lang natin. Baka magbago pa ang isip. Wag ka magsasawa na iparamdam na mahal mo. Nagluluksa kasi eh. Mahirap ipilit kung marami pang dinaramdam.
Pero alalay lang din sa sarili mo ah? Baka naman maubos ka na nyan.
Kai:
Nandito naman ako.
Di naman niya kailangan solohin ang lahat.
Evander Delos Reyes:
Parehas lang kayo eh. Ikaw din naman nagsosolo pag may problema. Ganun din siguro si milly.
Pero mahal mo talaga no? Kasi di mo naman ugali humingi ng tulong tulad ngayon pero nandito ka.
Nalulungkot ako na ganito na naman kayo. Hays.
Kai:
Di ko na lang talaga alam ang gagawin ko.
Kai:
Natatakot ako.
Evander Delos Reyes:
Magtiwala na lang tayo kay milly, kai. Alam naman natin na di niya ugali manakit. Bait yun eh. Sadyang nagkakamali lang o may pinagdadaanan. Hintayin na lang natin. Baka naman pag nagtyaga tayo, bumalik din sa dati. Hintayin na lang natin. Nagluluksa pa kasi eh.
Kai:
Ang hirap.
Ang gulo ng isip ko.
Evander Delos Reyes:
San ka ba? Dito ko sa wyld. Pag-usapan natin yan?
O gusto mo ba iinom yan?
Dito lang tropa. Wag mo sarilinin.
Kai:
Pauwi pa lang.
Di na muna.
Kailangan ko mag-isip.
Maghihintay ako. Baka sakali sumagot si milly.
Evander Delos Reyes:
Sige dude. Ano pa man yan, dito lang kami para sa inyo. Sana sumagot. Nakakapag-alala din talaga na nagsasarili siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top