259
iMessage
WED | 3:23 PM
Neve:
Condolences, be :(
Naluha ako sa piano mo :(
Di ko akalain na sa ganong paraan kita unang maririnig sa personal.
Ran:
condolence ulit milleh :(
dito lang kami
kain tayo lugaw pag gusto mo sasamahan kita :(
o kaya yakap mo si plapito, you want? :(
Neve:
Pahinga ka, be 😭
Mahal na mahal ka namin 😭
iMessage
WED | 3:27 PM
Unknown:
Master 😢
Ran:
si nebi ba to?
Unknown:
Ba 'yan. 'Di pa rin ba naka-save number ko sa 'yo?
Ran:
nakasave!!!
kaso nagpalit ka yata???
Unknown:
Kaya nga. 'Di mo s-in-ave 'tong bago? 😥
Ran:
sorna seseyb ko na :<
nagdelete kasi meh putek napuno na storage ko 😠
batet ba? napa-dm ka?
Unknown:
Wala. Nag-aalala lang kasi ako. 'Di masyado nakibo si be kanina eh.
Walang kinakausap kahit si Ollie. E 'di ba, best friend niya 'yon? 😥
Kahit si Kai, 'di masyadong nakibo.
Tayo lang yata pinansin niya.
Ran:
may kinausap naman siya
rinig ko kanina
yon nga lang :<
tunog galit
natakot nga meh :<
Unknown:
Nagalit siya kanino?
Ran:
sa mama at daddy niya
di yata sila okay ng parents niya ih :<
Unknown:
Panong nagalit? Ano sinabi? 😥
E 'di naman nagagalit si be sa parents niya 'di ba?
Ran:
kaya nga nagulat ako
na parang nag-snap siya
basta sabi
na inagaw na lahat sa kanya
na sorry won't bring him back ganon
may alam ka ba sa nangyari?
ano ba kasi nangyari? panong inagaw?
Unknown:
Di ko rin alam :(
Tinanong namin ni Monday si Ollie, ang sabi lang, Mama raw ni be yung huling kausap ng lolo niya. Nag-away. Kaya inatake.
'Di rin yata okay Tita at Mama niya dahil doon 😢
Ran:
aww
milleh :<
Ran:
saket kaya ng sinabi niya kanina
first time ko siya makita magsalita ng ganon sa pamilya
mala go be happy with the hearts you broke
or sumting
tas walk out
di ko alam kung tama grammar
basta yan ganyan
napapaisip tuloy ako ano nangyari
batet nagaway mama at lolo niya
kasi para mag-snap siya ng ganon?
>.<
Unknown:
Huhu. 'Di ko naitanong. Parang ayaw din magkwento ni Ollie kasi.
Nalulungkot ako.
Mahal na mahal pa naman ni be yung mama niya.
Pinupuntahan niya pa nga sa ibang bansa para lang makita 'di ba?
'Di siya nagagalit nang basta-basta. Ngayon lang 😥
Ran:
pero de tama lang magalit
tama lang sumabog kung sobra na
para di napupuno
problema kasi kay milleh mapagkimkim D:
tas di mo alam kung kelan sasabog
kaya nakakatakot
Ran:
di pa siya totally sumabog ever
so ito na ba yon? :<
Unknown:
Huhu. Nag-aalala talaga ako.
Bantayan mo na lang ha?
O uuwi ba siya kay Kai?
Ran:
dehins
dito lang daw muna
tutulog daw muna :<
pero punta rin daw don maya :<
Unknown:
Okay. Pahinga siya 😢
Text mo lang ako pag may maitutulong ako 😢
iMessage
WED | 4:51 PM
Evander Delos Reyes:
Putla ni milly. Naawa naman ako.
Wala rin imik. Kala ko siya magsasalita sa eulogy, di pala?
Muntik ko pa di makilala. Nagpakulay siya ng buhok? Gulat ako itim na.
Kai:
Ayaw daw niya tumugtog para sa lolo niya nang ganon ang kulay ng buhok niya.
Pangarap daw kasi ng lolo niya na mapanood ulit siya sa concert. Di naman daw siya nagkukulay pag ganon.
Evander Delos Reyes:
Ganun? Ang sakit naman sa puso. Nag-aalala rin sina malee. Di pala sila kinausap din ni milly.
Kai:
Kahit ako hindi rin.
Wag na muna natin guluhin.
Bigyan natin ng oras makapagpahinga.
Evander Delos Reyes:
Okay okay.
Ang sakit. Hays. Di ako sanay makita si milly na ganito. Hinahanap-hanap ko yung masiyahing milly :(
iMessage
Ollie San Martino
WED | 10:42 PM
Ollie San Martino:
How's Mills?
Kasama mo ba?
Kai:
Nandito na.
Kasama ko na.
Ollie San Martino:
How is she?
Is she eating na?
Kai:
Di pa rin masyado.
Nandon sa piano ngayon. Tumutugtog.
Ollie San Martino:
Still not crying?
Kai:
Umiiyak na rin sa wakas.
Ollie San Martino:
Aw :(
Ollie San Martino:
I'm glad she's processing it already. I was so worried coz she's been bottling it all up.
Ollie San Martino:
I won't disturb you. I just checked in.
Just take care of her, okay?
I trust you.
You probably know her better than I do now. Watch out for her, okay?
Kai:
Ako nang bahala. Wag na kayo mag-alala. Di ko pababayaan si Milly.
Ollie San Martino:
Okay thank you. I'll talk to her tita na rin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top