251

iMessage

FRI | 6:18 PM

Evander Delos Reyes:
Kai, kamusta na si milly?
May problema pa rin ba kayo?
Nakabalik ka na ba ng manila? Nagulat ako na ang tagal mo don. Hinanap ka sakin ni tripp. Di ka pala nagsabi san ka pupunta. Hinahanap ka ng mama mo.



Kai:
Dito na ko sa Manila.
Nakausap ko na si Mama.



Evander Delos Reyes:
Si milly? Kamusta na?



Kai:
Di pa rin maayos.


Kai:
Tangina.
Yung pinaghirapan kong buuin, nasira lang nang ganon ganon lang. Yung iniingatan ko, sinasaktan lang nang ganon ganon lang.





Evander Delos Reyes:
Ha? Hala? Panong nasira? Alin ang nasira?



Kai:
Kami.
Yung relasyon namin.
Palayo na nang palayo loob niya sakin.


Evander Delos Reyes:
Ano na ba kasing nangyari???
Ito, pakaba eh. Di ko maintindihan ano talaga nangyayari kasi ayaw mo magkwento ng buo.




Kai:
Di ko pa pwedeng ipaalam. Nangako ako kay Milly.
Magulo pa lahat.
Ganito pala ang pakiramdam.
Ang hirap makita na umiiyak at nasasaktan yung iniingatan mo pero wala kang magawa.
Dumadagdag pa dito sa bahay.




Evander Delos Reyes:
Di pa rin ba maayos sina tito at tita?



Kai:
Nag-uusap na ulit. Umuwi na dito si Papa. Makakaalis na ulit ako.



Evander Delos Reyes:
E si tita sa pamilya niya?



Kai:
Di pa rin.
Pero kumakalma na si Mama. Di na umiiyak gabi-gabi.
Iniwan na niya trabaho niya doon kaya mas sakin nakatutok ngayon.



Evander Delos Reyes:
Naku. Yan na naman pala tayo. Delubyo na naman pala 😅
Babalik ka na ba sa condo?


Kai:
Oo.
Ayoko nang nagpupunta si Milly sa bahay.




Evander Delos Reyes:
Pano yun? Iiwan mo ulit si tita? Di ba yun magagalit?



Kai:
Nandyan naman na si Papa.
Mas kailangan ako ni Milly.




Evander Delos Reyes:
Hays. Sana naman wag niya pagbuntunan si milly kung ganon. Naalala ko kay alliana. Grabe selos niya don kaya pinaghiwalay kayo.
Kelan ka lilipat ulit?




Kai:
Di ko pa alam. Dadahan-dahanin ko na lang.



Evander Delos Reyes:
Sige sabihan mo ko. Para naman maaya namin ni malee si milly lumabas. Nag-aalala din kami.





iMessage

MON | 10:54 AM

Milly:
Hi.
I have free time today.
Is your mom upset with me?



Kairos:
Hindi naman. Bakit?
May sinabi ba sayo?


Milly:
No, wala naman.
I want to personally apologize sana for my behavior last dinner we had and for suddenly going off the grid w you.


Kairos:
Nakausap ko na si Mama. Sinabi ko naman na pinuntahan natin yung lolo mo kaya di mo na kailangan magpaliwanag.


Milly:
I still want to apologize tho.


Milly:
You think she'll let me see her?


Kairos:
Bakit di na lang mga kapatid mo ang isipin mo?
Alam kong likas na sayo mag-alala sa iba kesa sa sarili mo. Pero kesa si Mama, sa mga kapatid mo na lang ilaan oras mo.


Milly:
It's okay.
They're at school anyway and Clea's at work.
I have nothing to do.
Tita Kat and I are awkward around each other.
She's busy preparing their tickets too.


Kairos:
Gusto mo ba talaga? Makakatulong ba sayo?


Milly:
Yes...


Kairos:
Mamaya na lang.
Pag-uwi ko. Hintayin mo na ko para kasama mo ko.


Milly:
That'll be hours later pa.
And super late na.
I won't have much time if I wait.
And my sibs will be here na by then.


Milly:
I can go alone naman.


Kairos:
Ang hirap mo talaga hindian.
Ako at ako ang sumusuko sayo.
Sige.
Tatawagan ko si Mama.


Kairos:
Pero Milly.


Milly:
Yes, baby?


Kairos:
Ipapaalala ko lang.
Kakaisip mo sa iba, nakakalimutan mo na ang sarili mo.


Milly:
I'm okay naman kasi.
I'm doing better na.


Kairos:
May kasunduan tayo di ba?
Akin ka habang tayo pa.
Alagaan mo naman yung sakin.


Milly:
That's what I'm doing.
That's why I'm going to your mom.
I need this.
Let me do this, okay?



Kairos:
Ang hirap manalo sayo.
Sige na. Sasabihan ko si Kylie. Aagahan ko na lang ang uwi.


Milly:
Thank you, baby.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top