137

iMessage

TUE | 8:29 PM


Seth:
Ey, where are you guys? No one's here?
Kala ko pa naman nandito kayo.



Tripp:
yo
waddup


Seth:
Dito ako sa Wyld. Wala kayo dito? San kayo?


Tripp:
ginagawa mo dyan?
bat umuwi ka pa haha

Seth:
This is where I live, doofus.
Ano, wala ba shot?


Tripp:
syempre meron basta sagot mo haha

Seth:
Arat na. Sunod kayo dito o sa iba na lang tayo?



Tripp:
dyan na
tawagan ko lang si evan para hatakin si kai
back to work na si ssob beast mode na naman kasi may pressure cooker na kasama araw araw :))
teka gonna prep



Seth:
Okay, san ka ba? Dyan ka pa ba kay Kai umuuwi?



Tripp:
most nights
pero dito ko umuwi kina mama kahapon :))




Seth:
Pinatawad ka na?




Tripp:
:))))))))
pinagbabayad ako pre
mga magkano ba bentahan sa lamang loob ngayon?
need millions :)))))



Seth:
Galit pa rin sayo? Haha dami mo kasing babasagin yun pa eh.
Hintayin ko na lang kayo dito ah. San ba si Evan?
Oh. Milly's here pala. Yun, may makakasama ako. Para akong timang dito, pinagtitinginan ako ng mga estudyante.



Tripp:
yooo :))
muling ibalik ang tamis ng pag-ibig



Seth:
Gagi haha faithful to, oy.



Tripp:
sureee bro :D
ewan kung nasan si evan
teka tawagan ko


8:36 PM


Tripp:
otw pa lang daw si evan


Seth:
Sige sige. Take your time. Kasama ko naman si Milly.


Tripp:
yoooo :))))
beer pong na rin kayo
good old days


Seth:
Hahaha gago. Di na ko uulit.


Tripp:
hahaha



INT. WYLD
BOOTH - EVENING, 9:10 PM




EVANDER
Oh, sa'n punta n'on? Ba't biglang umalis si Milly?



SETH
Uuwi na raw. Nagmamadali, eh. Gulat ako 'di man lang nagpaalam sa inyo.




TRIPP
Baka nairita kasi dumating si insan.
Ba't ngayon ka lang? Sabay ba kayo ni Evan?



EVANDER
Nagkasalubong lang kami sa parking. Galing pa raw trabaho 'yan. Kausapin n'yo nga 'yan. Magkakasakit na 'yan sa puro trabaho, gym, trabaho, gym n'yan.




TRIPP
Sus, workaholic naman po. Baka kaya ka talaga pinalipat ni Tito para may mautusan siya kahit 'di working hours.




Kai ignores Tripp and turns to Seth.


KAI
Kelan ka pa umuwi?



SETH
Ba't naman ang sama ng tono mo, dude.
Kahapon lang. Masama ba umuwi?



EVANDER
Teka lang ah. Sundan ko nga muna si Milly. Papaalam lang ako. Baka maabutan ko pa.




Kai turns to leave.



KAI
Ako na.
Wag kayong sumunod.




EVANDER
Ha? Bakit?





KAI
Basta.




TRIPP
Luh. Deny deny ka pa. Mukhang nag-away nga kayo ah.




KAI
Wag kayong sumunod.




EVANDER
Oo na. 'Wag mong awayin ah!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top