Martella 2
I AM NOW ON THE STAGE, dancing erotically in front of men staring lustfully on my body. Nakasuot lamang ako ng lingerie na halos hubad na nga, kitang kita ang pisngi ng aking pwet at parang nipples na lamang ang natatakpan sa bandang dibdib ko.
This is my job, this is what I do for living. But this is also one of my fantasies, so it's a win-win for me. Kumikita ako habang nage-enjoy. They call me 'Tella the teaser' here, which is okay for me. I love to torture them by teasing, seducing and stripping a little bit then leave them blue balls.
I continued dancing as I touch my bare ass in front of them. I heard some men groan at the sight and some shouted 'more' and 'strip'. But no, I will not strip. It's not for free and it's only exclusive to myself. I only do dancing and teasing them with a little undressing of my clothes but not to the point where I am naked, just almost.
I finished my performance and then blew a kiss to them. I heard their disappointed shout and groans as I leave the stage. As I enter my vanity room, I saw the owner of this club I'm working at, waiting for me patiently.
"Mama Em," I called their attention as I walk towards them. Their gaze went to me and then they smiled. Nang makalapit na ako ay ngumiti ako pabalik at umupo sa katapat nitong upuan.
"My beautiful Tella! Marami na namang nababaliw dahil sa ginawa mo sa stage kanina. Oh siya, ito ang nakuha mong tips mula sa mga ito." masaya ngunit pailing-iling din niyang sabi sabay bigay sa akin ng perang napagtrabahuhan ko.
Kung susumahin ko ang nakukuha ko bawat gabing ako'y sumasayaw sa entablado, doble ito kumpara sa arawang sweldo kung magiging trabahante ako ng isang kumpanya dito sa ating bansa.
"I just danced, Mama Em. Kaunting kembot at ngiti lamang iyon. Kaya nga kinakabahan ako kanina dahil baka hindi ako umabot sa kota ko ngayong gabi. Alam mo na, may bayarin akong dapat bayaran." nakangisi kong saad sa kaniya.
Napailing naman siya habang nakangisi rin at wala ng sinabi. Maya't maya ay umayos ito nang upo at napatingin sa akin na parang may naalalang sasabihin sa akin.
"Siya nga pala, Martella. Kanina ay may pumunta sa aking babae, tinatanong kung anong pangalan mo habang sumasayaw ka sa entablado. Wala namang sinabi kung ano ang nais pero mukhang type ka. Kapag nga lumapit ulit sa akin ay ibibigay kita muna sa kaniya sa vip room. Mukha namang hindi gagawa nang masama iyon." mahaba niyang saad. Nangunot naman ang aking noo sa aking narinig.
Babae? may interest sa akin? himala yata 'yon. Halos kasi nang mga babaeng nasa paligid ko'y kung hindi galit sa akin sapagka't ang mga nobyo ay halatang type ako o hindi kaya'y naaagaw ko ang mga customer nila rito. O baka naman tinanong ang pangalan ko dahil ipapabarang ako? 'Wag naman sana.
"Yan, Mama Em. Diyan ka magaling, sa kakabugaw sa akin sa kung kani-kanino. Pero sige, payag naman ako. Basta ba ay hindi siya gagawa ng masama at irerespeto niya ang space na gusto ko." saad ko. Tumango naman siya at nagsalita.
"Oo naman, walang problema. Sisiguraduhin kong walang mangyayari sa'yong masama. Masarap lang." nakangising saad na naman ni Mama Em. Napailing na lamang ako sa kaniyang tinuran sabay tayo sa aking kinauupuan upang magbihis para sumibat na.
Haze
NAKARATING na kaming dalawa sa inuukupahan kong cabin nang walang imikan. Nakahawak pa rin ako sa kaniyang baywang upang alalayan siya at para na rin masiguradong hindi na siya kakawala pa. Kailangan naming magusap, kailangang magkaliwanagan.
Pitong buwan na niya akong pinagtataguan, ni anino niya ay hindi ko makita sa galing niyang magtago. Ang dahilan naman pala kung bakit hindi ko siya makita-kita ay dahil mali ang impormasyong hawak ko sa kaniya, iyon ay ang kaniyang pangalan. Ang ibinigay niyang pangalan sa akin ay Martella Buenafe. Ang hindi ko pala alam ay kulang iyong impormasyon na binigay niya sa akin. Hindi sapat para makakuha ng lead kung saad siya naroon nang mga panahoong iyon.
Martella Ilova Buenafe Vartuer. Iyon ang tunay niyang pangalan na nito ko lang din nakumpira. Kung hindi pa ako makakakita nang naiwan niyang papeles ay hindi ko pa malalaman. Nang dahil sa papeles na 'yon, nandito kaming dalawa at nakaupo sa loob ng silid na inukupahan ko.
Akin siyang pinaupo sa gilid ng kama ko at sinabihang maghintay siya dahil magbibihis lamang ako. Agad naman siyang tumango nang marahan, nakatingin sa akin habang marahang hinahaplos ang tiyan niyang mas malaki na ngayon kaysa sa pakwan. Isang beses ko pa siyang tinignan at lumapit sa kaniya sabay halik sa noo niya bago pumanhik sa loob ng banyo upang magpalit ng damit ko.
Martella
Nakatingin lamang ako pintuan ng banyo habang hinahaplos-haplos ang tiyan kong halos magwa-walong buwan na rin. Isang buwan akong buntis nang umalis ako sa puder ni Haze. Hindi ko rin alam iyon noong una ngunit nang makaalis na ako ay doon na ako nakaramdam ng kung ano-ano sa aking katawan. Madalas na akong magsuka, mahilo at matulog nang pagkahaba-haba dahil sa antok na hindi ko alam kung saan din nanggaling. Doon ay napagdesisyunan kong magpakonsulta sa doktor at nalaman kong buntis nga ako. Buntis ako sa anak namin ni Haze.
Halo-halo ang naramdaman kong emosyon nang araw na malaman ko ang balitang iyon. Pangarap ko rin naman ang magkaanak, lalong lalo na dahil si Haze ang kasama kong bubuo ng pamilya. Ngunit may mga bagay na kahit pilit iwasan ay nangyayari pa rin, mawawalan ka ng choice kung hindi bumitaw upang hindi na maging komplikado pa lalo. Kung sasabihin man ng iba na hindi iyon valid reason, hindi niyo alam ang pakiramdam nang walang choice hangga't hindi niyo nararanasan.
Napabalik ako sa kasalukuyan nang maramdaman ko ang malakas na pagsipa ng anak ko sa loob ng aking tyan. Medyo masakit dahil maliksi siyang sobra, halos hindi na ako pagpahingahin sa sobrang hyper. Hinaplos ko naman ang parte ng aking tyan kung saan bumakat ang kaniyang mga paa dahil sa pagsipa niya.
"Anak, behave ka lang d'yan. Huwag masyadong malikot at nasasaktan ang mama." mahina kong bulong na para bang naririnig na talaga ako ng aking anak sa paraan ng aking pagkausap dito.
Rinig kong bumukas na ang pintuan ng banyo kaya't nag-angat ako ng aking ulo. Sumalubong naman sa akin ang mukha ng babaeng mahal kong papalapit sa pwesto ko. Pinaraanan ko ng aking mga mata ang kaniyang kabuuang hitsura. Nakasando lamang siya na puti at naka tukong shorts habang sumasayaw ang kwintas niyang dog tag sa kaniyang leeg. Naaamoy ko na rin ang pabango niyang sobrang nakakaadik, tanda na malapit na siya sa kinauupuan ko.
Nang makalapit siya sa pwesto ko ay agad akong tumayo rin upang sana ay magpantay kami. Ngunit mas matangkad siya kaysa sa akin ng ilang pulgada kaya't ang nangyari ay medyo tinitingala ko pa siya. Nakatitig siya sa akin bago siya nagsalita.
"You don't have to stand, Ella. We can sit while talking." pagkatapos niyang sambitin iyon ay kaniyang hinawakan ang braso ko nang marahan upang paupuin ulit ako. Sinunod ko na lamang ang kaniyang gusto. Umupo ulit ako at sumabay rin siya, magkatabi na kami sa kaniyang higaan ngayon.
Nang pareho na kaming maayos na nakaupo ay napuno ng katahimikan ang paligid. Walang nagsalita, pinapakiramdaman ang bawat isa kung sino ang mauuna. Hindi ko kayang magsalita, wala akong mukhang maiharap sa kaniya kaya't tumungo na lamang ako at hinaplos ang aking tiyan.
"Ella," marahan niyang sabi na nagpatigil sa aking ginagawa. Napakagat ako sa aking labi upang pigilan ang sariling magsalita na hindi pa rin siya nililingon. Narinig ko ang kaniyang buntong hininga at ilang segundo pa ay muli siyang nagsalita.
"I'm sorry.." halos pabulong niyang sabi. Napanguso ako nang maramdamang nagiging emosyonal ako para pigilang umiyak. Bakit ba siya humihingi ng tawad, e' ako ang may kasalanan?
"Bakit ka nagso-sorry? Ako dapat 'yon.." mahina na halos pabulong kong sabi ngunit sinigurado kong maririnig niya. Hindi ko pa rin ito nililingon.
"I'm sorry if I became hard on you earlier, when we both met on the shore. I'm sorry, baby.." naramdaman kong ipinatong nito ang kaniyang kamay sa aking tiyan sabay marahang hinaplos niya ito na naging hudyat ko upang lingunin siya. Sinalubong niya ang aking titig at itinuloy ang sasabihin.
"I'm sorry also, if I did something that made you leave," her voice sounds so weak while saying those words. I hate myself for hurting this woman. I'm sorry, mahal ko..
"I'm sorry. I promise, I won't do it again-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at bigla ko na lang inilagay sa pagitan ng kaniyang mga labi ang hintuturo ko upang patahimikin siya.
"You didn't do anything. It was just me.." I struggled to say those words. ".. and my insecurities." I added.
Totoo ang mga sinabi kong iyon. Kung dati ay wala akong pakialam sa sasabihin ng iba, nagbago iyong lahat bigla. Nanliliit ako sa sarili ko. I belittled myself because I was a stripper when we met, while she is a photographer, a successful one in her field. Women wanted to be with her yet she ended up with me.
"Can you tell me about it? I wanna know what's bothering you. I want to understand where you are coming. Please.." she said while looking at me pleadingly. I sighed and nodded as I am readying myself to continue to talk.
"You know what kind of job I had when we first met. While you, you are a successful woman in her field. Sobrang layo mo sa kung nasaan ang estado ko. Pero hindi ko rin naman naisip 'yon noon. It's when I hear something from the people inside your exhibit. They were talking about you, about your relationship with me. They are talking shit about you that frustrates me. Hindi mo naman deserve 'yon e'. That's when my thoughts about belittling myself came." pagkatapos kong sabihin iyon ay itinaas ko ang aking mga kamay upang hawakan ang pisngi niya at hinaplos ito.
"You deserve someone na nasa level mo. 'Yong hindi ka mamaliitin, 'yong kayang sumama sa'yo sa harap ng mga obra mo. 'Yon ang mga salitang umiikot sa isip ko noon. Kaya ko nagawang umalis at iwanan ka. I'm sorry.."
Napuno ng katahimikan ang silid na kinaroroonan namin. Nakatitig lang siya sa akin nang mga ilang segundo kaya't napayuko na lamang ako. Inalis ko ang mga palad ko sa kaniyang pisngi at tumayo, hahakbang na sana.
"I'm sorry, that's so dumb of me. Maybe I should go-" hindi pa ako tapos sa aking sinasabi ay agad siyang tumayo at mabilis na hinawakan ang kamay ko at hinila iyon nang marahan papalapit ulit sa kaniya. Pumwesto ito sa aking likuran at nagsalita.
"You're not going anywhere. Dito ka lang, hindi ka aalis sa tabi ko. Maguusap pa tayo, linawin natin ang isipan mo." saad nito sabay hawak sa magkabila kong baywang. Sakto lang pang higpit para pigilan akong gumalaw at umalis.
Umiling ako upang ipabatid na ayaw ko.
"Why, love? What's the matter? Bakit ayaw mong pagusapan natin, hmm?" rinig kong sambit niya mula sa aking likuran. Nang hindi ko na napigilan ang sarili ay humarap ako sa kaniya.
Hinagkan ko ito at nang maramdaman kong yumakap din ito pabalik ay doon na bumuhos ang aking mga luha. Luhang tanda nang pangungulila ko sa kaniya. Dahil sa mga buwang nagdaan na umalis ako, kahit pa sabihin kong desisyon ko ang umalis at iwan siya, hindi maipagkakailang gusto kong manatili sa tabi niya. Sadyang kinain lamang ako ng panliliit sa sarili.
--
⚠️: unedited! you may encounter typographical error ahead.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top