Martella 14
note: this chapter will revolve on telling and explaining the past.
Martella
"Vartuer, Martella Ilova Buenafe" the announcer called my name as I walk towards the stage to receive the paper I've work so hard to get.
I am now in front of the professors who made this thing not just be in my wildest dreams, shaking their hands and accepting the diploma.
After receiving the diploma I worked hard to get, bumaba na ako sa entablado upang puntahan ang kaisa-isang taong dumalo sa pinakamahalagang araw kong ito.
She smiled and waved when she saw me coming to her direction. Noong malapit na ako sa kaniya ay idinipa niya ang kaniyang mga braso na parang hinihikayat akong sumiksik dito na akin ding ginawa.
"Congratulations, Martella." she whispered while hugging me before giving me a kiss on top of my head.
I smiled at that gesture of her. She's always been like this after we met. She likes being touchy with me but of course with my permission.
"Thank you, Haze." I said back at her, thanking her.
Nang matapos ang ilan pang minuto ay humiwalay na ako sa kaniya. Naramdaman ko pang naging matigas ang braso niyang nakakapit sa mga bewang ko nang hagkanin ako nito. Para bang ayaw pang humiwalay sa yakap na 'to.
Tiningala ko ito nang kaunti, doon ay nakita ko ang medyo nakakunot niyang noo at nakabusangot pa ito.
"Excited to get off of my arms, huh?" maktol pa nito sa akin na sinuklian ko lamang ng ngisi bago ito hinila papalapit sa akin at hinalikan sa gilid ng labi, mabilis lang naman.
Natigilan ito at napaawang ang bibig na parang nakakita ng multo. Napalunok pa bago siya parang nahimasmasang tumingin sa akin at napailing-iling. Tumikhim pa muna ito bago nagsalita.
"Where do you want to go now, babe?" she asked me. Agad naman akong nagkibit balikat dahil ang totoo ay hindi ko rin alam kung saan ako pupulutin ngayong tapos na ako sa pag-aaral.
"How about we go to my exhibit right now?" saad niyang ikinapokus ng tingin ko sa kaniya.
"Really? P'wede tayong pumunta roon ngayon?" hindi maitagong excitement ang nadarama ko sa mga panahong iyon. Nakita kong umangat ang gilid ng labi nito na parang nasisiyahang makita akong ganito umakto at saka tumango.
"Of course, babe. We'll go there now." she said at pagkatapos noon ay pumanhik na kami papunta sa sasakyan niyang dala.
NANG MAKARATING kami sa exhibit niya, agad akong lumibot upang tignan ang kabuuan ng lugar. Hindi magkamayaw ang mata ko sa pagtingin sa mga obra niya na halos hindi ko na siya pinapansin kahit anong pukaw nito sa pansin ko.
"Martella"
"Ella"
"Babe, come on. Look at me first."
Sa pangatlong pagtawag niya sa akin ay doon ko lamang siya tinignan. Nakita kong patago pa itong huminga nang malalim nang makitang nakuha niya ang atensyon ko.
"Let's go? I'm going to show you something."
at saka ako nito hinila nang walang pasabi.
Tumigil kami sa isang medyo tagong lugar dito sa exhibit. Medyo lang naman dahil may nakikita pa rin akong mga dumadaan at napaparitong tao pero hindi gano'n kadami tulad nang mga naunang obra niya. Napadako ang tingin ko sa harapan kung saan may nakalagay na isang frame. Nakapaloob dito ang litrato ng isang nakatalikod na dilag. Pawang hindi nito alam na kinukuhanan siya ng litrato habang nasa isang exhibit din ito nakatingin.
Napadako ang tingin ko kay Haze na nahuli kong nakatingin lamang sa akin nang mga sandaling iyon. Unti-unti siyang ngumiti sa akin sabay tingin sa kaniyang obra habang ako naman ang napako ang tingin sa kaniya.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakikita kong obra sa harapan ko. Dahil kung hindi ako nagkakamali, ako ito, kasama siyang pumunta sa kaniyang paboritong museo.
"Haze.." pabulong kong sabi habang nanunubig ang mga matang nakatingin sa kaniya na siya ring paglingon nito sa pwesto ko ulit at ngumiti nang may pagmamahal na makikita sa kaniyang mukha.
"Martella," she paused. "You've been my light since we met. I hope you know that." she held me close to her.
"Now that you've graduated, I guess it's my time to confess what I really feel towards you." huminga siya nang malalim at nagpatuloy sa pagsasalita.
"I love you, Ella. I just can't explain how much that word can cause my heart to beat rapidly. Para akong hihikain, para akong mawawalan ng hininga sa bawat oras na kasama kita pero grabe ang pagpipigil kong angkinin ka at lagyan ng marka. Kasi nagaaral ka pa, inaabot mo pa ang mga pangarap mo. I just want you to finish and reach your dreams para pagkatapos e' ako naman, ako naman ang aabot sa'yo. So, here I am today, in front of you, my feelings, how much you mean to me. Can i court you, baby?" para akong huhugutan nang hininga sa narinig kong iyon sa kaniya.
Walang mapagsidlang tuwa ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Dahil muli, naranasan kong mahalin muli hindi dahil sa katawan ko, hindi dahil sa mukha ko o sa kahit ano mang pisikal na anyo.
Napayuko ako kasabay ang pagkawala ng hikbi sa aking mga labi't luha sa mga mata ko.
"Haze.." humihikbi ko pa ring saad ngunit ngayo'y sinalubong ko na ang kaniyang mga matang kay lambing.
"You don't know how much you made me feel happy just by saying those words.." pinakalma
ko ang sarili ko bago muling magsalita. Pinal na ang desisyon kong bigyan muli ng pagkakataon ang puso kong mahalin ang kung sino'ng tinitibok nito. "Yes. You.. you may court me."
I saw her gasp air as if she's trying to not cry. I ran to hug her and she accepted me wholeheartedly.
DUMAAN ANG ILANG ORAS, nandito pa rin kami ngayon sa exhibit ni Haze. Marami siyang obra at lahat yon ay magaganda't may mga malalalim na kahulugan. Naglilibot-libot lamang ako ngayon sa buong exhibit dahil may kinausap si Haze na wari ko'y kakilala niya.
Nang mapadpad sa medyo sulok na parte ng lugar ay hindi ko sadyang may marinig naguusap.
"What's wrong with Haze? Why did she brought that girl here?" dinig kong sabi ng isa. Tumibok nang pagkabilis ang dibdib ko sa narinig.
"Is she out of her mind?! I heard that the girl she brought here is the same girl she's with in that bar! Trabaho niyan doon ang sumayaw sa entablado at magbigay aliw sa mga lalaki!" dinig ko ang inis nitong sabi habang ang kasama naman nito ay hindi ko alam kung pinapatigil siya sa mga sinasambit niya o ginagatungan din.
"Ano bang naisip niyan at nagdala ng peste dito! Madami namang babaeng naghahabol d'yan pero heto at dito siya nagsettle." Sa pagkakataong ito ay parang sadyang ipinarinig ito sa akin. Mukhang alam nilang nandito ako kaya't malakas niya itong sinabi.
Para akong nanghina sa narinig kong iyon. Manginig-nginig ang mga kamay kong umalis sa parteng iyon ng exhibit at pilit kinakalma ang sarili. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang hikbing umalpas sa mga labi ko sa sakit na pumapaibabaw sa puso ko.
Hindi ko na kaya pang manatili sa lugar na ito kaya't walang isip-isip na tumakbo ako patungong pinto palabas ng exhibit. Hindi ko na naisip pang may kasama ako rito at dali-daling nilisan ang lugar kung saan ko narinig ang mga masasakit na salitang ibinato nila.
DALAWANG LINGGO. Dalawang linggo na mula nang mangyari ang mga iyon sa exhibit ni Haze. Dalawang linggo na rin simula nung huli ko siyang makita. Parang wala na akong mukhang maipapakita pa sa kaniya nang dahil sa mga narinig ko.
Panay ang tawag nito sa akin noong unang dalawang araw kaya't naisipan kong ioff ang phone ko at hindi na rin bumalik muna sa bahay ko. Kung pasok man ito sa kategorya ng pagtatago, edi okay, tinataguan ko nga siya.
Muli akong napatitig sa kawalan at dahan-dahang nagsibalikan sa isip ko ang mga narinig ko noong araw na iyon. Unti-unti ulit akong kinakain ng sakit, panliliit sa sarili, at awa kay Haze dahil sa mga narinig na masasakit na salita nila dito. Hindi niya deserve masabihan nang ganoon. Mabuting tao si Haze kaya't dapat ay hindi niya maranasang matawag nang kung ano-ano.
Napabalik ako sa reyalidad ng maramdaman kong parang bumaliktad ang sikmura ko. Dali-dali akong nagpunta sa cr at inilabas ito sa lababo. Nang matapos ay naramdamam ko ang pagkahilo nang bahagya kaya't napahawak ako sa aking ulo at pumikit. Sa ganoong pwesto ay hinalukay ko sa isip kung anong kinain ko at kung bakit gano'n na lamang ang reaksyon ng sikmura ko.
Sa dalawang linggong iyon ay palagi akong nahihilo at parang lantang gulay lamang. Ibang-iba sa sigla ko noon. At.. at.. ito ang pangatlong beses na sumuka ako. Biglang parang bombang sumabog sa isip ko ang mga posibilidad.
Hindi kaya't... Dali-dali ngunit maingat akong lumabas para bilhin ang dapat bilhin.
NASA LOOB AKO NG CR ngayon. Nakatayo sa harap ng salamin at naghihintay ng tiyak kasagutan sa mga katanungan sa isip ko. Naghintay ako ng isang minuto. Pigil hininga akong hinintay kung ano ang magiging resulta ng hawak ko.
Dalawang pulang linya. Nanginginig ang kamay at tuhod kong napaupo sa gilid ng kama nang makalabas ako sa banyo. Buntis ako. Nagbunga ang mga nangyari sa amin ni Haze.
Hindi ko na napigilan ang paghikbi na napunta sa pag-iyak nang malakas sa halo-halong emosyong nararamdaman ko. Napahawak ako sa tiyan ko at marahan itong hinahaplos habang umiiyak pa rin.
Bakit ngayon pa? Kung saan magulo ang sitwasyon. Kung saan umiiwas siya sa taong kasama niyang gumawa nitong nasa sinapulunan niya. Oo nga't mahal niya ito at kakasabi pa lamang nito ng nararamdaman sa kaniya pati na rin ang panliligaw na gagawin ngunit sa narinig na pangungutya ng mga tao kay Haze nang dahil sa kaniya, hindi niya maaatim.
Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na tumutulo sa pisngi ko at bumuo ng desisyon na sa aking palagay ay ang makakabuti kay Haze, sa akin, pati na rin sa batang nasa sinapupunan ko..
Ang lumayo.
—————
Hello, it's been a while guys :) Here's an update for y'all. matagal nang nakatago sa baul at wala akong lakas para ilabas 'to for some reason before. But then I saw this one comment na humihingi ng update, nabuhayan ako ng loob na ipublish. Maraming salamat sa'yo. I hope nasatisfy kayo sa update na 'to. May dalawang chaps na lang na natitira guys chap 15 and epilogue. Happy reading :)
⚠️: unedited! you may encounter typographical error ahead.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top