Martella 11
Haze
NAALIMPUNGATAN ako sa pagkahimbing ng aking pagtulog nang maramdaman kong may dumamping kung ano sa aking labi. Dahan-dahan akong nagmulat nang mata upang tignan kung ano 'yon.
Doon ay nakita ko ang pinakamamahal kong babae na hinahaplos ang aking mukha na parang may ginuguhit dito. Humagikhik pa ito nang mahina at ng makita na gising na ako ay nanlaki ang kaniyang mga mata.
Namula ang pisngi nito at aalisin na sana ang kaniyang kamay sa mukha ko nang pigilan ko ito. Dinala ko ang kaniyang palad sa aking mukha at hinalikan ang likod ng kaniyang palad.
"Magandang umaga, mahal ko.." I greeted her with a hoarse voice.
Nakita ko itong napakagat sa kaniyang labi bago tumikhim at nagsalita.
"Uh.. Good morning din." at bigla na lamang siyang umalis nang upo sa kama at isinandal ang likod sa may headboard.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili na matawa nang malakas dahil sa kakulitan nitong taglay. Ganito ba talaga ang buntis? Kung gayon ay parang gusto ko na lamang siyang buntisin kada taon-
"Don't, Hail Zenon." she suddenly said. Nawala naman ang aking ngising hindi ko rin namalayang sumisilay.
"The what, babe? Did I do something?" I asked her.
"The smirk on your face says alot! I know what you are thinking!" pumapadyak-padyak pa nitong sabi na parang nagta-tantrums.
Napatawa ulit ako nang malakas sa inakto nito. Pabiro ko itong hinamon nang tingin at ngumisi muli.
"Sige nga, mahal ko. What was I thinking? Hmm? What does my smirk means, my love?" nagmaang-maangan pa ako at tinanong ito. Sinamaan ako nito nang tingin at humalukipkip.
"You smirk while looking at my tummy! You even licked your lips. Hindi pa lumalabas ang bata, Haze. Pero nasa isip mo na kaagad ang sundan siya." napanguso niyang sabi. Hindi nawala ang malakas kong tawa sa kaniyang sinabi at wala ng sinabi dahil totoo namang 'yon ang nasa isip ko.
Lumapit ako rito at malambing siyang niyakap. Hindi rin nagtagal nang maramdaman ko ang kaniyang kamay na tumaas at humaplos sa aking ulo. Napangiti ako nang maramdaman ang kaniyang pagmamasahe rito.
"Martella.." tawag ko sa kaniya.
"Hmm?" saad naman niya. Halatang wala sa aking sinasabi ang pokus kundi sa buhok kong kaniyang kinakalikot ngayon.
"Mahal kita." madamdaming saad ko. Naramdaman ko ang pagtigil ng kaniyang kamay sa ginagawa nito sa aking buhok kaya't napataas ako ng tingin sa kaniya.
Nang magtaas ako ng tingin ay nakita ko ang nakaawang niyang bibig at ang luhang banayad na tumutulo sa kaniyang magkabilang mata. Nataranta ako sa aking nakita at agad ipinantay ang aking sarili sa kaniya upang aluin siya.
"Mahal.. Bakit ka umiiyak? May masakit ba? Ano'ng nangyayari? Sabihin mo sa akin, please?" sunod-sunod kong tanong dahil sa pagkataranta. Ngunit hindi yata nakatulong ang pagtatanong ko dahil mas lumakas lang ang kaniyang palahaw. Todo alo naman ako sa kaniya.
Aking hinahalik-halikan ang tuktok ng kaniyang noo't hinahaplos ang kaniyang likod. Nang maramdamang medyo kumalma na ito ay agad kong sinalubong ang kaniyang mata at puno ang aking mata nang pagtatanong.
"Ano'ng nararamdaman mo, mahal? May masakit ba?" may paga-alalang tanong ko. Umiling naman ito at tumaas ang kaniyang mga kamay papunta sa aking pisngi.
Inilapit nito ang kaniyang mukha sa akin at binigyan ako ng isang mainit na halik. Para bang naglalambing ito na akin namang tinugon. Nang maramdaman ang aking pagtugon ay mas pinalalim niya pa ang halik. Mas naging mapusok at mainit ang kaniyang halik na akin ding tinutugunan.
Sa gitna ng aming halikan ay naramdaman ko ang kaniyang kamay na bumaba sa aking suot na damit at akmang itataas na nito iyon nang hulihin ko ang kaniyang kamay. Nagpumiglas pa ang kaniyang kamay sa aking paghahawak. Nakita ko ang pagkunot ng kaniyang noo sa gitna ng halik. Tumigil siya sa pagtugon sa akin at nakakunot pa rin ang noo. Nakadikit lamang ang kaniyang labi sa akin habang ako naman ay kinakagat-kagat ang kaniyang pang-ibabang labi.
Ramdam ko ang kaniyang pag-atras ng kaniyang mukha upang lumayo sa akin. Napangisi't napailing na lamang ako dahil sa kaniyang inakto. Ang buntis ko..
Aking nilapit ang labi ko sa kaniyang noo at binigyan siya ng isang mabilisang halik roon bago ako umupo nang maayos sa harap niya. Siya naman ay inirapan ako at iniwas ang tingin sa akin. Itinago ko ang aking ngiti sa pamamagitan ng pagkagat sa aking labi.
Nagbalik ang kaniyang tingin sa akin at nakita kong bumaba ang tingin nito sa aking labing kagat-kagat ko pa rin. Napaungol ito na para bang bigong-bigo sa nakikita. Dahil doon ay hindi ko na napigilan ang aking tawa at tsaka siya aking niyakap. Hinalikan ko ang kaniyang balikat at inilagay ang baba rito pagkatapos.
"My naughty pregnant is having a tantrums, hmm?" natatawa kong sabi sa kaniya. Agad niyang pinalo ang hita ko at mahina pa itong kinurot na nagpakislot sa akin.
"Haze!" she groaned frustratedly.
"The doctor said no sex kapag malapit na ang due, mahal." malambing kong paliwanag dito. Tumango naman ito at ngumuso. Hinaplos-haplos ko ang kaniyang tyan at tinungo ang ulo upang halikan siya rito.
"Our baby boy is inside here. I can't wait to see him." pabulong kong sabi. Tumaas din kaagad ang tingin ko tungo sa kaniya at nang magtaas nga ako ng tingin ay nakita ko siyang nakangiti sa akin na ikinabaliw ng aking kaloob-looban. She looks so beautiful. I want to marry her.. I'm gonna marry her.. again.
"Haze." she called me. I hummed while still looking at her.
"You're going to be a great parent to our child." she smiled afterwards. Unti-unti rin akong napangiti, nahahawa sa kaniyang ngiting kay gandang pagmasdan.
"We are. We'll give him the love he deserves and so much more." I said looking intently at her.
"I love him so much. The same way I love you." I whispered just enough for her to hear it. Nakita ko naman ang pagpula ng kaniyang pisngi na ikinangisi ko.
"Stop.. stop saying that suddenly. Nash-shock ako." nakanguso nitong sabi sa akin. Lumapit ako rito habang natatawa pa rin at hinalikan ang kaniyang pisngi.
"Why not? My wife deserves to hear that alot." I said teasingly.
"Anong wife ka d'yan? Excuse me. As far as I know, pumunta ako rito sa aklan na single." Napangisi naman ako sa kaniyang sinabi at hindi na lamang nagsalita. 'Yon ang akala niya, hindi niya alam na napikot na siya.
"Hoy, Nuevo!" narinig kong tawag niya sa akin kaya't tumuon sa kaniya ang aking pansin.
"Yes, Mrs. Nuevo?" I said sweetly but teasing her evidently. Pinanlakihan ako nito ng mata.
"Huwag mo akong matawag-tawag na ganiyan! Wala akong asawa." madiin nitong sabi sa akin.
"Hindi natin 'yan sure, Mrs. Nuevo." nakangisi ko sa kaniyang saad. Natahimik at natigilan naman siya sa aking sinabi. Sumeryoso ang kaniyang mukha na lalo lamang nagpaganda sa kaniya.
"Umamin ka nga, Hail Zenon." seryoso nitong saad sa akin. Napaayos naman ako nang upo dahil sa narinig kong tono nito. Patay tayo kay misis nito, seryoso na siya.
"Bakit, mahal?" painosente kong sabi sa kaniya. Sinamaan naman niya ako ng tingin at nagpatuloy magsalita.
"May ginawa ka bang hindi ko alam, huh?" tanong nito sa akin. "Subukan mong huwag akong sagutin o magmaangan-maangan, makikita mo talaga." dagdag pa nito. Napangiwi naman ako sa kaniyang pagbabanta. Parang lalabas na sa aking dibdib ang puso ko sa kaba dahil totoong may ginawa ako..
"Martella.." dinaan ko na lamang ang usapin namin sa panlalambing sa kaniya. Ngunit hindi yata tumatalab sa kaniya ang paglalambing kong iyon dahil tinaasan niya lamang ako ng kilay at humalukipkip.
"What now, Nuevo? Aren't you going to answer my question?" she said, interrogating me. "You kept on calling me your wife earlier, so explain that to me. May ginawa ka bang hindi ko alam, Haze?" I want to answer her questions but right now, I can't talk. The only thing that I can see is her, looking so fucking hot, while questioning me. Fuck, I might be really crazy.
My senses came back when the bed moved and there I saw her getting out of bed. I panicked and I quickly grabbed her hand to stop her. Iwiniksi naman nito ang pagkakahawak ko sa kaniya at pinalo pa iyon nang akmang ibabalik ko ulit. Napakamot naman ako ng ulo. Tangina, kasalanan ko 'to. Should normalize blaming me.
Nakita kong maguumpisa na sana siyang maglakad palabas kaya't sumuko na ako at nagsalita.
"Okay, fine. You're my wife, Martella." I quickly and suddenly said that made her stop walking and gave me a shocking glance from her back.
"W..what?" nanlalaki ang matang sabi nito. Napalunok ako at napakamot sa batok.
"Uh..I think, maybe because I registered the contract from our truth or dare play last year?" awkward kong saad dito. Ngumiwi ako dahil mas lalo lamang nalaglag ang kaniyang panga sa aking sinabi.
"Hail Zenon Nuevo!" bigla nitong sigaw. Napaigtad ako at mabilis siyang dinaluhan.
Nakatanggap naman ako nang maraming malalakas na palo at kurot sa maraming parte ng aking katawan. Ngunit maya-maya ay bigla siyang tumigil, natigilan din ako at napatingin sa kaniya. Doon ay nakita ko ang kamay niyang nakaalalay sa kaniyang tyan at ang mukha niyang punong-puno ng sakit ngayon.
"Babe, what's happening?" buong paga-alalang tanong ko sa kaniya. Napababa ang tingin ko sa kaniyang hitang may tubig na dumadaloy dito. Napalaki ang aking mata at tumingin muli sa kaniya.
"My water just broke, Zenon! Manganganak na ako!" sigaw nito sa akin kaya't natataranta ko siyang nabuhat papuntang labas at nagtawag ng tulong.
———
⚠️: unedited! you may encounter typographical error ahead.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top