Martella 1

Haze

NAKATAYONG PARANG ESTATWA, iyon ang postura ko ngayon habang ako'y nakatingin sa harapan ko. There stands the woman I've been wanting to see for the past 7 months. She's standing there with her baby bump.

Agad akong kinutuban sa nakikita ko ngayon. Kaya't wala akong sinayang na oras at agad naglakad papalapit sa taong iyon.

Walking straight to the path where my woman is, as I clench my jaw to control the mixed feelings that is now present in me. Katulad ng aking hakbang ay mariin rin ang aking tingin dito.

I know that she felt my murderous glare at her and as I expected, she looked at my direction. Unti-unting namilog ang kaniyang mga mata kasabay no'n ay kaniyang pag-atras na aktong aalis na.

But hell, I won't let that happen again. Ako pa ang tataguan mo? Really? I smirked at that thought at kasabay no'n ang pagtigil ko sa harap niya ng isang dipa.

"Haze..." Dinig kong bulong niya at ramdam ko ang panginginig ng boses niya. I stared at her eyes for a second then dropped my gaze at her tummy.

Habang tinititigan ko iyon ang umuusbong lalo ang halo-halong emosyon sa akin pati na rin ang mga katanungan sa aking isipan.

Why would you lie to me about being pregnant when we both know we wanted this?

"Martella," madiing kong saad at tumingin na ulit sa kaniya. She did not answer instead she just put her hands on her tummy like she's trying to protect it.

The side of my lips rose up. Nakita ko ang kaniyang paglunok. Now, you're scared, huh? Alam mong may mali kang nagawa sa akin.

"I, uhm, what-" i did not let her finish because I know she'll just divert my attention to something else. Alam niya kung paano ako paikutin sa mga palad niya hanggang sa hindi na ako makakaangal pa.

"What?" Taas-kilay kong saad. Muli ko siyang nakitang lumunok at sinubukang tapangan ang tingin sa akin.

"Aren't you going to explain that bump on your tummy, love?" may pagdidiin kong saad. Hindi siya nagsalita at iniyuko lamang ang ulo.

That's when I decided to close the gap between us. I, then, wrapped my arms on her waist. Napaigtad siya sa gulat at mabilis na kumilos upang umalis sa bisig ko. Pero agad ko ring nahawakan siya at ibinalik sa pagkakahawak ko.

"Let go! Let me go, Haze!" Sigaw niya sa akin habang pinilit na inaalis ang kamay ko. Mas humigpit lamang ngunit may pagdadahan pa rin ang hawak ko sa kaniya. Nang aking maamoy ang pabango niyang paborito ko ay agad akong nanghina, humigpit pa nang kaunti ang hawak ko sa kaniyang baywang upang kumuha ng lakas bago magsalita.

"Why do you keep on running away from me? Did I do something you didn't like? What is it, baby. Tell me, please.." halos pabulong kong sabi sa kaniya.

Rinig ko ang malakas niyang singhap dahil sa aking sinabi habang naglalakbay ang kamay ko mula sa bewang niya papunta sa harap ng tyan niya. Lumuhod ako para pumantay sa harap ng kaniyang tiyan at marahan ko itong hinaplos. Ramdam ko ang paghawak niya nang mahigpit sa balikat ko upang kumuha nang suporta.

Unti-unti kong naramdaman ang magkahalong saya, lungkot at galit. Masaya sapagka't natupad ang matagal ko ng gusto. Lungkot dahil hindi ko man lang nasilayang lumaki siya sa loob ng tyan ng ina niya, ng babaeng minamahal ko. Galit sapagka't bakit ito nangyayari, may nagawa ba ako? Hindi ba ako deserving dito kaya sila inilalayo sa akin?

"My baby..." Bulong ko. Nakatingin sa kaniyang tyan na patuloy kong hinahaplos.

Naramdaman kong tumigil na siya sa kaniyang pagkawala sa akin at hinayaan ako sa aking ginagawa. Iniluhod ko ang magkaparehong tuhod habang nakapokus pa rin ang atensyon sa tyan. I felt my tears cascading continuously down my face.

"Why did you lie? Why do you have to run away.." Namamaos ang boses kong sabi habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko at tumingala sa kaniya.

Nakita kong napahawak siya sa kaniyang bibig at tila pinipigilan ang sariling pumalahaw ng iyak.

"Haze," humihikbing tawag niya sa akin. Bumaba ang kaniyang mga kamay at humaplos iyon sa aking mukha. Kusang pumikit ang mga mata ko upang damhin ang mga palad niyang nasa pisngi ko.

Patuloy lamang akong umiyak ng tahimik. Para na akong batang umiiyak dahil ayaw pang pumasok sa school.

"I'm sorry.. I'm sorry if I hid this to you. I don't have a choice.." halos pabulong niyang saad na animo'y nahihirapan siyang bigkasin ang mga 'yon.

"Stand up, please. Don't kneel, Haze." Pilit niyang pagpapatayo sa akin ngunit umiling lamang ako dahil pakiramdam ko nawalan ng lakas ang paa ko.

"You made a decision without letting me know, Ella. Akala ko ba hindi na tayo magtatago ng kahit ano sa isa't isa? We promised.. you promised.." paos ko pa ring saad. Idinantay ko ang aking ulo nang marahan sa kaniyang tyan habang patuloy pa rin itong hinahaplos. Our child is here.. in her momma's tummy.. in my love's tummy..

Maya-maya ay tumayo na ako habang pinapalis ang luha sa mukha ko. Tumingin ako ng deretso sa kaniya at bumaba ulit sa kaniyang tyan na agad ring bumalik sa mukha niya.

"I need to hear your explanation about this. And no, you're not going to hide from me anymore." Sabay hawak sa kaniyang baywang at dinala siya sa direksyon kung saan naroon ang cabin ko at hindi siya hinayaang makaalma pa.

----

⚠️: unedited! you may encounter typographical error ahead.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top